Chapter 12

1829 Words
Chapter 12 Noreen "Ahem!" I cleared my throat saka nakangiting nag served ng milk tea sa table ni Cloud "Thanks for coming!" sabi ko saka nilapag iyon kasama ang straw at tissue. Inirapan niya ako saka tumingin sa malayo at medyo tumalikod din sa Mommy niya, yes! Tinawagan ko kasi si Tita Elaine kaya siya mismo ang nag-aya kay Cloud na pumunta dito! AHAHAHA! "Thanks for supporting us Tita!" sabi ko saka nagpa-cute! "Ang ganda mo talaga Iha, walang pinagbago kahit simula nung bata ka!" puri pa niya na nagpalapad lalo ng ngiti ko, I bit my lower lip saka maarteng hinawi ang buhok "Saka shempre naman, asahan mong susuportahan ka namin sa kahit saan pa yan." "Ahhh! Thank you Tita!" sabi ko saka ngumiti ulit "Sige po, aasikasuhin ko na rin po yung ibang customers medyo dumadami na rin siya eh!" "Walang problema, sige take your time!" sabi niya saka ko tinaponan ng tingin si Cloud, nakasimangot siya pero nginitian ko lang siya. Feeling ko talaga nagwagi ako ngayong araw! Feeling ko may korona akong suot ngayon at may nag-aantay na malaking party para sa akin mamaya! HAHAHA! Nagkaroon ng sale sa shop ngayon dahil na-triple ang kita namin ni Ron compared sa mga nakaraang taon at buwan, way of giving back ba sa mga customers at nakakatuwa dahil dinumog din naman. Limited time lang ang sale namin, nagsimula ng 3 pm hanggang 11pm ng gabi. Maagang umalis sila Tita Elaine, di na sila gaanong nagtagal at nagkausap din naman kami bago sila umalis ni Cloud. Napahagikgik ako ng sabihin niyang nagpasundo at magpapahatid pa siya kay Cloud, napakamasunurin naman talaga niya sa mommy niya! Hindi ko parating nakikita ang Daddy Sky niya pero masasabi kong sobrang cool nun unlike my dad! Minsan kasing nakausap ko siya para lang akong nakikipag-usap sa ka-edad ko, yung tipong na-iintindihan niya ako, unlike my Dad shempre na lagi akong pinapagalitan kung gumagamit ako ng salitang natututuhan ko kay Ron! Speaking of my parents, nabigla ako dahil tumawag si Mommy, pinapauwi niya ako ngayong weekend pero iniisip ko kung uuwi ako, mas masaya kayang tumunganga sa loob ng unit ko kesa makipag-away sa dalawang iyon! Isa pa baka dahil nai-email na ng school ang grades at standing ko ngayon term kaya pinatawag nanaman ako! "Okay na Noreen, tara na!" aya ni Ron matapos ilagay sa safety box ang mga kinita ngayong araw. Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin. "Alam mo, ikaw na ang pinaka b***h pero pinaka mabait na taong nakilala ko! Salamat Noreen, kung wala itong shop, wala akong mahahanapan ng tulong sa pag-aaral ko at ilang pangagailangan ng nanay ko! Ni kahit kailan hindi ko naramdaman ang superiority mo sa negosyo na ito wherein fact lahat ng nakikita dito lahat halos sa iyo, sobrang salamat Noreen!" "Nagdrama ka nanaman! Kaya nga kaibigan di ba?" sagot ko saka ngumiti pabalik sa kanya "You don't control your friends, you help them, mahal kita Ron, alam mo yan!" "Salamat talaga Noreen!" "Dalhin mo yan kila Nanay okay? Minsan dadalaw ako dun, ikumusta mo ako sa kanya, ayy teka daanin mo na rin yung ibang groceries na nasa unit, dalhin mo sa mga kapatid mo okay?" hindi siya sumagot sa akin pero nakita ko ang naluluha na niyang mga mata "Naku Ron, tigilan mo ako! Parang bago kana ng bago!" sabi ko saka hinampas siya. "Sana nga wag kang magbabago Noreen!" seryoso niyang sabi "Sana nga wag magbabago kung paano mo tignan ang buhay!" hinawakan niya ang mga kamay ko saka siya ngumiti "Sobrang saya ko dahil nakahanap ako ng kaibigang tulad mo, a woman with a dark past yet looking into life so brightly! Mahal din kita bessy! Alam mo yan!" ------- Nanunuod ako ng Korean Movie ng bigla akong nag crave sa ice cream, I checked my fridge saka tinignan kung merong ice cream doon pero ang nakita ko na lang ay yung lalagyan na ubos na ang laman, si Ron siguro ang lumafang nito! Kinuha ko ang wallet ko saka nagpalit ng shirt. Kumuha ako ng clam para itaas ang buhok ko saka lumabas na ng unit. Magmamadaling araw na kaya hindi na rin ganun karaming tao sa labas, naghanap ako ng convenience store na pinakamalapit at nagtagumpay naman ako, agad akong bumili ng cookies and cream na pinakapaborito ko naman talaga sa lahat! Naagaw rin ng mata ko yung hotdog sandwich kaya napabili ako ng wala sa oras, wala kasi si Ron edi sana siya na lang yung bumaba! "I didn't expect na dito pa tayo magkikita ulit!" napatingin ako bigla sa direction kung saan galing ang boses na iyon. Para akong binuhusan ng isang timba ng yelo! Para akong naging bato matapos niya akong titigan at dahan-dahang ngumiti. "Kumusta Noreen?" tanong niya sa akin at hindi ako nakasagot agad, napalunok ako at halos mabitawan ang hawak matapos niyang ngumiti ng mas malapad "Ganyan mo ba babatiin ang-" Napaatras ako saka mabilis na nagbayad sa cashier, nanginginig pa ang kamay ko sa pag-abot nun at bago pa ako tuluyang makaalis sa lugar narinig ko pa siyang nagsalita "You can't escape your past Noreen! You can't escape me!" ------- "Oi!" sabi ni Ron saka sadyang binangga ang braso ko, tumingin ako sa kanya saka pilit na ngumiti "Okay ka lang? Natulog ka ba?" tanong niya at mabilis akong sumagot ng oo. "Bakit ganyan ang mukha mo, may problema ba?" tanong niya ulit. "A-Ahh wala, s-si Mommy kasi tumawag, umuwi daw ako bukas!" pagsisinungaling ko. Ayaw kong sabihin kay Ron kung ano ang nangyari kagabi at hindi ko rin sasabihin sa kanya na nakita ko ulit siya. He will just freak out just like me! Isa pa hindi naman na siguro mauulit yun, s-siguro nagkataon lang na andun siya! "Oh di umuwi ka!" sagot niya na parang wala lang ang lahat "Sabi ng nanay ko may pumunta daw doon na tauhan ng Daddy mo." napatingin ako bigla "Nag-aalok ng pera para layuan ka." "I'm sorry Ron, hindi na dapat pa nadadamay ang pamilya mo dito, I'm really sorry! Di bale kakausapin ko sila-" "Wala sa amin yun Noreen, kasi alam namin kung ano ka talaga sa pamilya namin, ikaw ang iniisip ng Nanay ko kung kaya mo pa ba daw na maging bahagi ng pamilya mo." huminga ako ng malalim saka bahagyang yumuko. "This is the reason why I can't have friends other than you!" diretso kong sabi "Bago ko pa man magiging close ang mga iyon, magkakaroon na ng background checking sila Daddy!" "Tingin ko natural lang yun Noreen, anak ka ng may-ari ng isa sa pinakamalaking telecommunication company sa bansa, what will you expect?" "I'm not expecting anything Ron to avoid disappointment pero this time they are beyond their boundaries, sobra na ang pambabastos nila sa pamilya mo!" "Ano ka ba? Wag mo kaming isipin, matibay ang prinsipyo at paninindigan naming mahihirap dahil yun na lang ang meron kami! Okay lang kami, ikaw, okay ka lang ba?" natigilan ako sa tanong niya. "O-Of course, okay lang ako!" sagot ko saka umiwas ng tingin. "Kilala kita!" sagot niya ulit "Anong nangyari?" "R-Ron, okay lang ako, promise, yung tungkol lang kay Mommy ito at dun sa sinabi mo..." pagputol ko ng usapan. ------ Sunday morning, shempre walang pasok kaya heaven nanaman ang feeling ko! Fresh from the bath ako kaya naman dumiretso ako sa harap ng salamin saka umupo sa harap nun, kinuha ko ang blower sa may drawer at pinatuyo ang buhok. Kausap ko Ron kanina bago ako naligo, wala pa kasi akong nagagawang assignment kaya kokopya na lang ako sa kanya mamaya. Maya-maya darating na yung taga linis ng unit ko kaya inaantay ko na lang muna siya sa may sala. I opened the television at nanuod ng news. Napatigil ako sa pagkain ng sandwich ng makita ko ang news na tungkol sa mga reklamo ng taong bayan sa Wise Telecom. "Sobrang taas na ng singil nila kung tatawag sa ibang bansa, paano naman kaming may mga pamilya sa malayo?" reklamo ng isa sa mga na-interview. "Nag-offer pa sila ng unlimited surfing kung babawasan lang din nila ang speed! Ano yun? Nagbabayad naman kami ah!" "Lagi akong nag reregister sa unli texting at unli calling nila pero ganun din kadalas kung limitahan nila ako, kaya nga unli di ba? Kasi wan to sawa! Bakit nila ako lilimitahan!" I rolled my eyes sa mga taong ganyan kalaki ang problema sa buhay! Kung ayaw nilang magastusan edi wag silang mag cellphone! "Kung magreregister sa promo nila laging hirap mag text, hirap tumawag, anong silbi ng promo? Nagkakalokohan na ata dito ah!" kumagat ako sa sandwich ko saka nilakasan pa ang volume ng tv. It was the reporters turn kaya nakinig na ako ng mabuti. "Tinatayang 100 billion pesos ang kailangang ibalik ng mga telecommunication companies na ito sa taong bayan matapos ipasa ang batas limang taon na ang nakararaan tungkol sa minimum fare ng tawag at text. Magagawa ba nila ito? May karapatan ba ang taong bayan na bawiin ang nasabing salapi? O patuloy parin nilang lalamangan ang mga taong bayan?" nagsigawan ang mga nag-rarally na nakatayo sa likod ng reporter "Neutron Araullo, patrol ng bayan!" Sakto namang pagkatapos ng balita tumunog ang cellphone ko, I answered it immediately matapos makita na number mula sa bahay ang tumatawag "Yaya?" sagot ko doon. "Noreen, iha!" sagot niya pabalik "Ito ang mommy mo, gusto ka niya daw kausapin!" at wala na akong nagawa. "Do you really have to ask Yaya to call me para lang sa iyo?" "I have to, hindi mo sinasagot ang tawag ko!" sagot niya sa akin "Anyways, I need you to come home for dinner, alam kong alam mo na ang dahilan, we'll wait!" yun lang ang binaba na nila. I rolled my eyes saka tinapon ako ang remote sa sofa matapos patayin ang tv. Napatingin ako sa pinto matapos tumunong ng doorbell. "Wait!" sigaw ko saka tumayo para pagbuksan iyon "A-AH TITA?" gulat na sabi ko ng makita ko siya sa pinto, may dala siyang Tupperware at tingin ko mga pagkain iyon "Dyan po ba kayo natulog sa unit ni Cloud?" tanong ko saka niluwangan ang pagkabukas ng pinto. "Hindi, umuwi kasi siya kagabi pero umalis silang mag-aama ngayong Sunday magbobonding daw muna sila kaya sabi ko maiiwan na ako at mag-aayos ng unit niya!" nakangiti niyang sabi, inabot ko ang dala niya saka siya inaya sa loob ng unit ko pero tumanggi siya. "Hindi ako pwedeng magtagal eh, may lakad din ako mayang hapon kaya mabilis lang ako sa pag-aayos ng unit niya, nagdala lang ako ng ibang damit saka papalitan ko lang yung bedsheet niya..." Ngumiti ako saka sumama sa kanyang naglakad palabas ng unit ko "So wala po si Cloud dyan?" tanong ko at tumango si Tita Elaine "Gusto mo tita tulungan na kita? Para mapadali na ang trabaho mo?" alok ko habang nakangiti "You will?" tanong niya and I cutely nodded at her. "Sure Tita! Anything for you!" saka ako humagikgik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD