Chapter 13

2137 Words
Chapter 13 Noreen "Wow!" yun ang ilang beses kong paulit ulit na sinabi matapos tuluyang makapasok ng unit ni Cloud. Anong lilinisin ni Tita Elaine dito? Kahit pang ilan beses ko na napasok to, hindi parin ako masanay sanay sa kalinisan at kaayusan ng unit na ito. Parang hindi lalaki ang nakatira. Binuksan niya ang kwarto ni Cloud, napangiti ako at napakagat sa labi ng inaya niya ako sa loob. Shempre hindi ko naman mapapasok ito kung andito yung lalaking iyon eh! Sinulit ko na ang pagkakataon at ginala na ang mata sa loob. "Pwede ka bang pumasok sa room na yun at kunin ang dirty clothes niya?" pakiusap ni Tita Elaine and I widely smiled at her, pinihit ko ang pinto saka tinignan ang basket kung saan nakalagay ang dirty clothes ni Cloud. Binuksan ko ang bag na binigay ni Tita Elaine sa akin saka inisa-isang nilagay doon sa loob ang mga gamit na damit. "Hmm, madumi ba ito?" kausap ko sa sarili ko habang hawak ang white shirt niya. Tumingin ako sa paligid saka pasimpleng inamoy iyon "Infairness, naiwan ang scent niya ah!" sabi ko saka pinasok ang shirt sa bag. Lahat yun mukhang malinis, kahit pantalon at shorts, sobrang arte siguro ni Cloud sa katawan at ang lakas ng pabango niya, naiiwan sa lahat ng damit niya ah! Napatigil ako ng mahawakan ko ang underwear niya, as in yung brief niya! Hindi boxer shorts ah, as in brief at color white! Nangisi ako. "Mabango rin kaya ito?" tanong ko saka humagikgik. Tumingin ako sa paligid saka binalik ang tangin sa brief ni Cloud "Pwede kayang amoyin? HIHIHIHI!" dahan dahan ko nilalapit ang ilong ko doon. Lumunok ako saka napakagat sa labi ng ilang inches na lang ang layo. Pumikit ako at...at- "NOREEN? TAPOS KANA-" "TITA!" napasigaw ako saka napatayo agad. Binulsa ko ang brief ni Cloud saka nagmamadaling kinuha ang bag na pinaglagyan ng madumi niya. "P-Palabas na po ako!" sagot ko saka ngumiti. Dumiretso kami sa may laundry area, doon na sinalang ni Tita Elaine ang dirty clothes ni Cloud, aantayin na lang niyang matapos yun at itutupi na lang niya siguro later. Napakamaasikaso niya unlike my Mom "T-Tita..." tawag ko sa kanya, she smiled at me "Nag work po ba kayo sa company niyo? I mean, nag take part po ba kayo sa company, you know just like my mom..." "I did pero hindi rin nagtagal, Sky told me na mag stay na lang ako sa bahay at asikasohin sina Chloe, Cloud at Cielo..." tumango ako. "I never saw Ate Chloe, where is she?" I asked at napatingin sa akin ni Tita Elaine. "Chloe? She's in the US, she rarely visits Philippines and she works for the company na rin..." she answered me, tumango na lang ako ulit "Why did you ask?" "A-Ahh wala lang po..." kasi si Cloud puro babae pala ang kapatid tapos di marunong mag respeto sa tulad kong babae! Hindi ko talaga siya maintindihan! Tinulungan ko si Tita sa pagpalit ng bedsheet. Pati sa pag-aayos ng cabinet ni Cloud at pag lilinis sa may kitchen area. Pati ang veranda at sala nalinis din namin, actually wala naman talagang lilinisin. Pero medyo nakakapagod in pala. "Gagawa ako ng meryenda..." sabi niya saka binuksan ang refrigerator. Tinignan ko kung paano siya gumawa ng banana muffins, tulad yun ng ginawa niya nung napunta ako dun sa kanila. Kinuha niya rin ang blender at saka gumawa ng maiinom. Hindi ko alam ang tawag pero blenend niya kasama ng milk at ice ang chocolate powder at coffee at masarap siya. She served it to me right away at sabay kaming nagmeryenda! "How are you?" she suddenly asked at napatingin ako sa kanya. "I'm good Tita..." sagot ko saka ngumiti. "How about, you and Cloud?" she added at natigilan ako. "A-Ahh same as before, I guess..." sagot ko at tumango na lang siya "T-Tita do you know Mia? Mia Santillan?" nilapag ni Tita Elaine ang muffin bago ako sinagot, pilit siyang ngumiti sa akin bago nagsalita. "Why did you ask?" balik tanong niya sa akin. "Wala lang po...k-kasi...Si Mia kasi-" "Mia is his first love..." putol niya sa sasabihin ko "First girlfriend and I think first everything, she is nice, I met her several times..." tumango ako saka tumingin sa kanya, tingin ko nakuha niya ang ibig sabihin nun kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Mia's dream is to be a big star, alam ko yun dahil sinabi sa akin ni Cloud, Cloud is very supportive to her, he even asked me na ilapit siya sa isang talent agency or modelling agency kaya naman pinagbigyan ko siya, I asked help sa mga Villaflor..." "The biggest clothing line, of course I know them." I commented "Then what happened po?" I asked her. "Then Mia got the chance, she got the spot and..." tumigil siya at uminom. "And she left Cloud..." tuloy ko doon, tinignan niya lang ako "I. I saw how devastated he was." pag-amin ko "I saw kung paano siya nasaktan at nasasaktan..." huminga siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko. "I don't know if I'm going to be selfish kung hihilingin ko sa iyo ito pero, Noreen, please stay beside Cloud, he needs someone lalo na sa mga panahong ito..." Hindi ko alam kung bakit pero hinawakan ko rin ang mga kamay niya saka tumango at ngumiti, she smiled back at me at kitang kita ko ang pasasalamat sa mga mata niya. "I can see myself in you..." dagdag pa niya "Stay strong!" "Wala po bang friends si Cloud?" tanong ko. "Meron din naman pero he is not like any other guy na lalabas at makikiparty." sagot ni Tita "Pero his cousin Brick, siya lang ang nakakaaya sa kanyang lumabas, pag nandito sa Philippines yun, they hang out, almost every night! Cloud is also close to Rylle!" at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya "Kay Rylle? Oh my gee! Friends sila?" "Villaflors are close family friend..." she concluded, I nodded "Do you want to know what he likes and hates?" I smiled widely saka mabilis na tumango. "He loves peaceful place, yung tahimik, maayos at malinis..." I bit my lower lip "He loves white, white shirt, white gadgets, white sheets, white paint and you can also apply it to his favorite dishes, ginataan and such!" "Do you know kung prefer niya ang mga magaling magluto?" I bravely asked at natawa si Tita Elaine. "Chloe doesn't know how to cook, Cielo also kaya sanay siya sa mga babaeng hindi marunong at sa tingin ko he doesn't mind kasi siya magaling siyang magluto..." at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "TOTOO PO?" I gasped at parang may nag twinkle twinkle pa sa akin, she nodded kasama ang malapad na ngiti. "He knows and he is good at it!" "Owww!" "Cloud is kinda sensitive lalo sa kalinisan, he wants his bathroom clean and dry, he wants his kitchen clean and safe, he wants his sofa clean and fragrant and he wants his whole place be clean and always in proper places..." at tumango tango na lang ako "He knows kung nagalaw ang mga gamit niya and I am sure na tatawagan niya ako mamaya about it!" "I saw the sets of watches, different brands pero may certain style na pagkakatulad, he likes collect it po?" "You can say that, pag nagustuhan niya bibilhin niya at aalagaan niya..." sagot ni Tita Elaine. "Oww... Eh yung mga shirts niya, kailangan ganun kaayos? White kung white? Black kung black?" "Yes, at wag mong gagalawin yun kung ayaw mong mag-away kayo!" "How about sa perfume? Iisa lang ang gamit niya?" "He doesn't want to change, parehas sila ng gamit ng Daddy niya at lagi silang sabay kung bibili nun..." Ohhhh! "Sa shoes? Nakita ko kasi na iba't ibang ang brands, may prefer ba siya na brands?" "Wala akong idea about sa shoes masyado pero I think the likes the casual and comfortable ones, pero you can ask him about that to confirm." at bigla akong namula dahil sa sinabi niya. "A-Ahh di naman sa gusto kong malaman Tita kung ano ang mga gusto niya, it's j-just that na curious l-lang po ako..." nabubulol ko pang sabi, natawa si Tita Elaine. "Okay, sabi mo eh!" sabi niya saka kumagat sa muffin. "You know what, sabi nila Cloud is like his Dad Sky. Siguro in some ways oo, mag ama sila eh but to be honest for me, Cloud is ten times better than his Dad when he was his age." na curious ako sa sinabi niya. "Why po Tita?" "Cloud has a stoic personality, I know it is obvious to you. He is cold towards everyone kaya please don't misunderstand him whenever you have arguments. Kahit sa mga kapatid niya, he is like that. Cloud is not bad, he is not mean, he just doesn't like lies kaya he tends to speak what's in his mind. He has trouble in opening up to others lalo kung hindi naman niya ganun kakilala or ka close, that's just how he is pero once he trusted someone, buo niya itong binibigay." "Ah." "But you know what I am proud of him as a mother? That is I know kung gaano siya kabuting anak. A man of his words. Kaya Noreen, when he promised you something, panghawakan mo iyon dahil for sure tutuparin niya iyon kahit anong mangyari. Isa pa, hindi siya playboy. That's my son, that's Cloud." I can't find the right words para isagot sa kanya. Coming all these information from his mother, I think mas nakilala ko si Cloud. I think mas naintindihan ko siya. "How is your Mom? Grabe siyang naging busy matapos niyang pumasok din sa kompanya niyo, I remember before na she is just like me, sa bahay lang inaalagaan ka..." she suddenly asked matapos mapansin ang reaction ko. "She loves money more than me..." I honestly answered her. "Hmm. Don't say that, mahal ka ng parents mo more than anything in this world..." "They are not like you Tita..." "Noreen, siguro nasa stage ka lang na maraming tanong at di maintindihan but believe me, when you are a parent na, maiintindihan mo rin ang lahat at masasabi mo na mahal na mahal ka ng parents mo..." "I do hope na mangyari nga yun Tita..." sagot ko na lang "Anyways, does Cloud always open it up with you? I mean the past relationship he has?" "Not always but he is open..." I nodded. "He tells you po how he loves her?" napatingin si Tita sa akin ng diretso. "Not always but I can feel it..." sagot niya "I can feel how he loves her..." huminga ako ng malalim saka napatingin sa drinks "Ikaw? Did you fall in love na like  that? Naranasan mo na ba?" naiangat ko ang tingin ko at napalunok matapos ang tanong niya "I guess you did." "I did po..." mahina kong sagot "I trusted him.I trusted him more than anyone else..." "Ganyan talaga ang pag-ibig, trust, hurt, pain, they always exist but if you kept your faith and trust fate, you will find happiness, love and forever. Bata pa kayo, marami pa kayong pagdadaanan at simula palang yan. May forever Noreen, may happiness, may true love, maniwala ka..." "Yes, I believe you Tita, I'm not bitter or anything don't worry..." saka ako ngumiti at tumayo "Naku malapit ng mag 7!" saka ko tinignan ang phone ko na nakabulsa at naka silent, marami ng missed call from my Mom and even from my Dad. I called Mom back "I'll be late but I'll be there..." sabi ko saka binaba na rin yun agad "Tita I have to go, nakalimutan ko ang appointment ko with my family tonight..." sabi ko saka ngumiti. She smiled at me saka tumayo na rin. Lumapit siya saka bumeso sa akin. "Thank you Noreen, I like you, I like the whole you, please don't change..." tumango na lang ako saka niyakap siya. "T-teka what's in your pocket?" bigla niyang tanong saka biglang lumaki ang mata ko, kinapa ko ang nag-bubulk dun at bigla kong naalala kung ano iyon. "A-Ahhh panyo Tita, panyo, sige bye po!" sabi ko saka mabilis na tumakbo palabas ng unit. Hingal kong sinara ang pinto ng unit ni Cloud at napasandal pa ako doon. I closed my eyes saka hinampas hampas yun. "Ikaw kasi Noreen bakit mo binulsa?" sisi ko sa sarili habang parang baliw na hinahampas ang pinto. Pabulong bulong na parang ewan at- "Oo nga, bakit mo binulsa?" para akong binuhusan ng isang timbang yelo matapos marinig ang boses niya. Napalunok at biglang nanigas dahil doon. Ramdam ko rin ang pagtulo ng ga munggo kong mga pawis at sa paghugot niya sa may back pocket ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya at pilit na ngumiti. "C-Cloud..." "Bakit mo binulsa ang brief ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD