Chapter 14

2000 Words
  Breathless Breathless #14 Published (1983 Words)Publish Changes Cancel Breathless #14Chapter 14 Noreen "OH MY GOD NOREEEEN!" sigaw ni Ron kaya ako biglang napatayo. Wala ako sa sarili at halos di ko matandaan kung saang lugar ako ngayon "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya saka tuluyang binuksan ang ilaw sa buong shop namin. I closed my eyes a bit at doon ko naalala kung bakit nga ako natulog dito. Flashback Pumikit ako saka mataimtim na nagdasal, Diyos ko sabihin mong panaginip lang ito! Nakataas ang isa niyang kilay at hawak hawak parin niya ang brief niya na malapit sa mukha ko. Para akong natutunay sa sobrang kahihiyan at gusto kong iuntog ang ulo niya ngayon para makalimutan niya ang mga nangyari! "Answer me or I will call Mo-" "HINDI KO ALAM!" sigaw ko sa kanya "H-Hindi ko alam kung bakit napunta sa bulsa ko yan!" pagsisinungaling ko habang basang-basa na ng pawis at medyo nanginginig na. I bit my lower lip at halos dumugo na rin ata yun dahil sa diin ng pagkakakagat ko. "P-Paanong-" natigilan siya ng biglang tumunog ang doorknob sa likod ko. Si Tita Elaine! Biglang nanlaki ang mata ko at bigla kong hinabot ang hawak niyang brief niya saka ako nagtatakbo palayo doon. End of Flashback "NO RONNNN!" I cried habang hinihila niya ako palabas ng counter "AYAW KONG UMUWI PLEASEEEEEEE!" pagmamakaawa ko sa kanya. "Umayos ka nga Noreen! Tignan mo nga yang sarili mo, hala umuwi kana at may pasok pa tayo mamaya!" ulit niyang sabi habang hinihila ako palabas "Ano ba? Umayos ka nga! Ayy ang bigat mo, ano ba Noreen?" pagalit na niyang sabi. "Di ko kayang umuwi sa building!" nawawalan ng pag-asa ko ng sabi "Ron ibenta mo na ang unit ko doon at bumili na lang tayo sa iba, yung malayo sa kanya!" halos mabaliw ko ng sabi, he shook his head saka humila ng upuan at naupo sa harap ko. Tinignan niya ako na para akong isang pulubi na walang matirhan. "Ano nanaman ba ang nangyari, aber?" tanong niya saka ako kinilatis ng tingin. "K-Kasi..." sagot ko saka yumuko "K-Kasi ano...A-Ano kasi..." "NOREEN!" sigaw niya at napatingin ako sa kanya "O-Okay okay, ganito kasi yun..." ----- "WHAAAAAAAAAAAAT?" sigaw ni Ron at biglang napatayo sa kinauupuan "SAAN ANG BRIEF? SAAN ANG BRIEF?" tanong niya saka niya ako marahas na kinapkapan "NOREEEENNN!" he shouted my name ng makuha niya ang brief sa bulsa ko. Nagsisigaw ako at nagsisipa saka sinabunutan ang sarili. "HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO!" naiiyak at sumisigaw kong sabi "RON! RON NAHIHIYA AKO!" "Brief to ni Cloud?" tanong ni Ron, tumango ako at doon ko nakita ang pag-spark ng mga mata niya. Unti-unti siyang ngumiti saka inulit pa ang tanong "Brief talaga to ni Cloud?" saka agad na inagaw sa akin iyon. "RON!" sigaw ko saka biglang inagaw pabalik yun sa kanya "NABABALIW KA NA BA? ANO BA RON?" sigaw ko sa kanya saka pinagpag ang brief saka binulsa ulit. "Gamit ba yun o bago? Bakit mukhang mabango?" tanong niya sa akin na kinahina ng tuhod ko "UMAYOS KA NGA!"sigaw ko ulit sa kanya "Sabihin mo Ron, ano gagawin ko? Ano?" "Ibigay mo na lang sa akin yan Bessy, ako na magtatago!" sabi niya habang kumikinang parin ang mga mata. "Sabunutan kita dyan eh!" "Hay, osige na seryoso na, alam kong hiyang hiya ka ngayon pero Bessy ano pa ba ang magagawa natin? Nasa iyo na yang brief na yan!" saka niya tinuro iyon na nasa pang likod na na bulsa ko. Humila ako ng upuan saka umupo, I growled saka pinatong ang mukha sa mesa. "Paano ako dadaan sa hallway namin? Paano ako uupo sa assigned chair ko? Paano ako lalakad kung makakasalubong ko siya?" I hopelessly said saka ginulo ulit ang sariling buhok "Paano na ako mabubuhay nito? Huh? Ano na ang gagawin ko? Lecheng brief naman oo!" Narinig ko ang paghinga ni Ron ng malalim saka naupo sa tabi ko at pinat ang likod ko "Kasalanan mo yan. Sa lahat ng pwede mong gawin pag natataranta, pag kuha pa ng brief ng may brief? Sasakit lang ulo ko sa pag iisip kung paano mo lulusutan yan. Umuwi ka at maligo ka Bessy yun ang dapat mong Bessy!" sabi niya that's why I looked at him with my narrowed eyes. "Bakit mo ba ako pinapauwi agad? Maya pa naman klase ah!" sagot ko and he looked at me straight in the eyes. "Ngayon kasi darating ang delivery ng mga supplies pati na rin yung expansion sa bread products na binili natin, at alam kong ayaw mong humarap ng ganyan sa tao!" Saka niya binuksan ang front cam ng cellphone niya at hinarap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang sitwasyon ng mukha ko pati na rin ang naninigas kong buhok. "Oh my God!" bulong ko at tumango siya. "I know kaya halika ka, tumayo ka na dyan at umuwi kana!" sabi niya saka ako hinila palabas ng shop "Sige ka mas mahihirapan kang umuwi kung maraming tao ng gising at makakakita sa iyo!" I was about to refuse him pero agad siyang sinara ang glass door saka ako tinaboy doon. "ANG SAMA MO!" sigaw ko pero he kept on waving his hand. I took a deep breath saka naglakad palayo ng lugar. Matagumpay akong nakarating ng building at nakapasok doon, pati na rin sa elevator wala rin akong kasama hanggang sa makarating ako sa floor namin. Napalunok pa ako ng tumunog iyon at bumukas na. Kinakabahan ako at nagdadalawang isip kung lalabas ba ako ng elevator o bababa ulit at babalik na lang kay Ron. Paano kung paglabas ko eh lalabas rin siya ng unit niya? Paano kung lumabas ako at nakasalubong ko siya? Anong gagawin ko? Ano ang sasabihin ko? Paano kung- Natigil ang pag-iisip ko ng mga gagawin ng may biglang humarang na kamay sa elevator. "Je suis venu de la place de mon cousin, je vous rappellerai!" French? Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko matapos siyang marinig na magsalita. He sounds fluent but I'm not really sure kasi I don't speak French. Tumigil rin siya sa paglalakad at huminto sa harap ko matapos ibulsa ang cellphone. Literal siyang nakaharang sa gitna ng pinto elevator kaya hindi sumasara iyon. Nagtama ang tingin namin. Matangkad siya at gwapo. Bagay sa kanya ang undercut hairstyle niya, it somehow gives him a playboy yet clean look. Makinis ang mukha niya at pulang pula rin ang labi niya tulad ng kay Cloud. He has dark brown eyes na pwedeng magpabaliw sa mga babaeng tititig sa mga iyon ng mahigit sa limang minuto. I can also smell his manly perfume from where I am standing. Napalunok ako ng makita ko ang medyo buff niyang chest, halata na maganda ang nasa likod ng white shirt niyang suot. He was holding his black leather jacket sa left hand niya. Hindi siya nagsalita ulit pero ngumiti lang siya sa akin, saka ko biglang narealize kung ano ang itsura ko. "Ayy!" bigla kong sabi saka umiwas ng tingin at agad na sinuklay ang buhok. Nakayuko ako saka humigam. "Good morning!" bati niya at napalunok pa ako dahil doon. "G-Good morning!" I greeted back and he chuckled after that. Tinakpan niya ang bibig niya ng nakakuyom na palad saka ulit tumingin sa akin, napansin ko tuloy ang tattoo niya sa may wrist, hindi ko nga lang nabasa ng maayos dahil natatakpan ang kaubuan nun ng wristwatch niyang color black. "A-Ahh excuse me!" sabi ko at dalawang beses pa kaming nagkaharangan bago ako nakalabas. Mabilis akong tumakbo papunta sa unit ko at hindi na ako lumingon pa. Baka bigla pang lumabas si Cloud! Naligo na ako agad-agad at umalis na rin sa unit agad-agad. Doon na ako tatambay sa shop habang inaantay ang pasok ko mamaya. Pagbalik ko doon naka-display na ang mga bagong dating na bread products tulad ng cakes, muffins, cupcakes na sobrang ganda din naman talaga sa mata at nakakagutom. Doon na rin ako um-order ng coffee na nadagdag sa menu namin ni Ron kasabay ng bread products. Tuwang-tuwa siya sa expansion na naganap at sandali ring nawala ang problema ko dahil doon. Sabay kaming pumasok ni Ron at tuwang tuwa ako dahil puro major subjects ako ngayon kaya di ko classmate si Cloud, ngayon ko sobrang na-aappreciate ang major subjects ko at hinihiling ko na na puro major subjects na lang forever! Hindi ko rin siya nakikita at kung makakasalubong man namin siya, hinihila ko na agad si Ron at dadaan na kami sa ibang daan kahit pa libutin namin ang campus maiwasan lang siya! 6 PM na ng makabalik kami sa shop ni Ron. Nilabas ko ang book ko saka calculator at nag practice magsolve ng ilang problems. "Himala!" sabi ni Ron saka ako binigyan ng milktea. Inangat ko ang tingin ko saka siya sinagot "Sabay na tayo umuwi ah? Antayin na kitang magsara dito!" saka ulit binalik ang tingin sa problems. "Bessy bakit mo nga pala kinuha pabalik yung brief?" tanong niya at natigilan ako dahil doon. Naibaba ko ang hawak ko bago siya sinagot "H-Hindi ko rin alam, dahil sa pagkabigla?" balik tanong ko sa kanya, tumaas ang kilay niya. "Ano na balak mo?" tanong niya saka hinila ang upuan at umupo sa tabi ko, medyo maraming tao ngayon pero tapos ng ser-van lahat. Nagdagdag pa ng tauhan si Ron kaya mas napadali na rin ang trabaho sa shop. "H-Hindi ko alam..." I honestly answered him "Hindi ko talaga alam, ngayong araw nag-succeed tayo sa pag-iwas sa kanya pero paano yung mga susunod na araw, Ron?" "Hindi ko rin alam Bessy, hindi ko parin nagawang itago ang used brief ng crush ko!" pang-aasar niya. "HINDI KO SIYA CRUSH!" sigaw ko na nakaagaw ng atensyon sa loob ng shop, I cleared my throat saka hinawi ang buhok at binalik ang tingin sa ginagawa. I took a sip from the milktea ng biglang tumunog ang wind chime namin, may bagong customer. "Ayy bessy anak ni Zeus ang dumating, kay gwapo!" bulong ni Ron at napatingin din ako doon. Halos malaglag ang panga ko ng makilala ko kung sino iyon. S-Siya...Siya yung lalaking nakasalubong ko kanina! Napalunok ako ng biglang tumayo si Ron at lumakad papalapit sa kanya. He entertained him at pinaupo sa vacant chair. "Yes Sir?" Ngumiti siya kay Ron saka lumingon sa akin, napalunok ako at umiwas ng tingin agad. "Hey!" tawag niya at alam kong ako ang sinabihan niya nun. Narinig ko ang pagtayo niya mula sa kinakaupoan at naglakad palapit sa akin, he even patted my shoulder. Hawak pa niya ang phone niya sa kanang kamay niya na may tattoo sa wrist. "H-Hey!" I greeted back, I looked at Ron who was eyeing at me. Nakakunot ang noo at parang natatanong kung paano ko nakilala ang lalaking ito. Kumunot ang noo ko at pasimpleng umiling para sabihing hindi ko kilala ang lalaking nasa harap ko. "You're here..." he said with a very good american accent, multi-lingual! Wow, impressive! "Yes, we own this place..." sagot ko saka tumingin kay Ron ulit, lumingon din siya at tumango kay Ron. "Nice!" sagot niya saka tumingin sa paligid "Nice place too!" dagdag pa niya. "A-Ahh thanks!" sagot ko saka bumalik ulit ang tingin nasa harap ko. Lumapit si Ron ulit at tinanong ang lalaki kung ano ang maitutulong niya. "Ahh, is it okay if you'll take my order later?" he asked "I will just wait for my cousin, he will be here in a few minutes, I'll just inform him where I am..." "Okay lang!" sagot ko saka tumango-tango "Ron, reserve mo na sila ng space!" sabi ko at tumango naman si Ron habang may ngiting nangingilatis. "Thanks!" sabi nung lalaki "Ahh nice meeting you again..." saglit akong ngumiti matapos niyang sinabi iyon, he turned his back na and walked few steps away but to my surprise bumalik siya sa table ko saka nilahad ang kamay "By the way, I'm Brick, Brick Cruz and you are?" Paid StoriesTry PremiumGet the AppLanguageWriters|BusinessJobsPressTermsPrivacyAccessibilityHelp© 2021 w*****d
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD