Chapter 15
Noreen
Nagdalawang isip pa ako kung aabutin ko ang kamay niya o hindi but there's a strong energy na humila sa kamay ko at naglapat sa malambot niyang kamay. He smiled at me, para siyang model ng toothpaste sa ganda ng ngipin niya.
"Noreen..." pakilala ko "Noreen Del Vega"
"Del Vega!" ulit niya saka tumango tango "Sounds familiar!" sagot niya sa akin saka humila ng upuan at umupo sa harap ko. Nakangiti parin siya at nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko ng pagmasdan niya akong mabuti.
"Wise Telecom." sagot ko
"Ooh, that's why!" rinig ko sabi niya.
"Are you new here or I just met you and you are here for a long time na rin?" I curiously asked him, ngumisi siya saka pinatong ang dalawang kamay sa mesa namin. Napatingin ako doon, infairness namumula ang knuckles niya ah at ang ganda ng balat!
"I'm new here, actually I don't live here!" sagot niya sa akin "I'm just visiting my cousin, it's been a while since we didn't see each other, I am based in New York, taking up Culinary Arts." nanlaki ang mata ko at di mapigilan na mapanganga matapos niyang sabihin iyon, Culinary Arts? Magaling magluto? Chef? Taray! Ang hot na chef naman ito pagnagkataon!
Napatingin ako sa kanya matapos niyang basain ang sariling mga labi. Namumula iyon at parang ang lambot lambot, siguro magiging mabenta ang restaurant ng lalaking ito pagnakataon, gwapo na, masarap pang magluto!
"You?" he asked, ang lalim rin ng boses, lalaking lalaki!
"Ah, Engineering." sagot ko "ECE!"
"Great, for the business, eh?" tanong niya, I just nodded "Hey, my cousin too is an Engineering student, you guys are so hardworking, solving all those math problems and all? God, you guys are so amazing!" may accent nga siya na New Yorker.
"Will he come?" I asked him saka niya tinignan ang phone niya. Kumunot ang noo niya matapos makita ang message na andun.
"Oh, he said he's busy." he shrugged saka binalik sa bulsa ang cellphone.
"Malayo ba place niya dito?"
"No, not actually, ewan ko ba after I sent him the address biglang umatras and told me to go to their house instead." magaling rin pala siyang magtagalog. I just nodded at him "Anyway, I'll just take some order and have it ready-to-go, is that okay?"
"Sure!" sagot ko saka ngumiti "Ron!" tawag ko kay Ron "He wants to order, please help him!" agad rin naman sumunod si Ron saka sinamahan siyang makapunta sa may counter.
Kumaway siya sa akin bago tuluyang naglakad, I just smiled. Nag take out siya ng blueberry cheesecake at anim na milktea. He waved at me again bago pa umalis ng shop.
"Kinuha niya number mo?" agad na tanong ni Ron sa akin.
"Hindi." agad ko rin namang sagot sa kanya
"Talaga? Ang bango niya Teh!" komento pa niya kaya napailing na lang ako. "Anong sabi?" usisa pa ni Ron, kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya
"Busy ako Ron, can't you see, I'm studying? Di ba sabi mo mag-aral ako? Ito na oh, ginagawa ko na tapos guguluhin mo ako!"
"Ang sungit! Meron ka?" tanong pa niya saka ako inirapan. Bumalik na siya sa pag-aasikaso sa mga customer at bumalik na rin ako sa pag-aaral. Ang sakit pala talaga sa ulo kung iintindihin mong mabuti ito, nakaka stress! Nakakawala ng ganda!
-----
Dumating na yung laundry ko kanina, maagang nai-deliver yun kaya naman natutuwa ako. Agad kong sinara ang pinto saka chineck ang mga damit. Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Yaya sa bahay, dun kasi ako nagpapalaba ng undergarments, liban pa sa authorized laundry shop na nasa baba lang din ng building.
"Noreen!" sagot ni Yaya sa tawag ko, ibinaba ko ang hawak kong baso bago nagsalita.
"Ya, musta mga labahan?" tanong ko agad
"Ipapadadala ko na lang dyan sa driver iha, teka may nahalo bang damit ang kaibigan mo dito?"
"Bakit niyo po natanong?"
"Meron kasi akong nakitang brief kasama ng mga gamit mo, impossible namang sa iyo iyon!" bigla akong nabilaukan sa sinabi niya "Okay ka lang?" she asked at umubo ako.
"Y-Yeah, yeah!" sagot ko saka biglang nag-init ang mukha
"Di bale nilabahan ko na rin naman, teka ikaw ba Noreen kelan mo balak umuwi dito?"
"Ya, marami akong ginagawa sa school!"
"Ikaw lagi mo na lang ginagalit ang magulang mo, last time halos pumutok ang ulo nila sa galit sa iyo, bakit hindi ka pumunta dito sa family dinner?"
"Ya nagkaroon ako ng biglaang project!" pagsisinungaling ko "Bakit ba? Anong meron?" tanong ko
"Nandito kasi ang mga Uytengco nung gabing iyon!" sagot niya
"Oh? Anong ginagawa ng kabilang network dyan?" pagtataka ko. Uytengco owns the rival network ng Wise, ano ang nangyari bakit nagkita sila at sa family dinner pa?
"Iha alam mong wala akong alam sa mga ganyan, pero sa susunod wag mo ng ipahiya ng ganun ang mga magulang mo, hindi pa ba sila natawag sa iyo?"
"Ewan ko!" sagot ko, I blocked there number sa phone ko eh! "Busy yung mga yun Ya, di na nila maiisip ulit yun, thanks sa concern!"
"Osige, ipapadala ko na lang yung mga gamit, may bilin ka pa ba?"
"Padala ka ng lutong ulam Ya, miss ko na luto mo eh, salamat!" sabi ko saka binaba na rin ang phone. Inubos ko ang juice saka humiga sa kama.
Anong ginagawa nung mga Uytengco sa bahay? Bakit yata biglaan ang pagpunta nila doon?
Huminga ako ng malalim matapos maisip yun pero agad din naman nawala ang ideya na iyon sa akin.
I shrugged saka inabot ang unan na nasa tabi ko. I even covered my face matapos maisip na may mas malaking problema ngayon kesa sa galit ng mga magulang ko!
"AHHHHHH! PAANO KO IBABALIK ANG BRIEF MO CLOUD?!" sigaw ko na parang nababaliw, bumangon ako saka laglag balikat na tumingin sa salamin "O ibabalik ko pa kaya? Wag na kaya? Take as remembrance na lang?"
-----
Sobrang bilis ng araw, di ko namalayan finals na namin next week. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagbagsak ko nung midterms tapos ngayon finals nanaman? Ilang araw na akong free na palakad lakad sa campus pati na rin sa building, hindi kami nagkakasalubong ni Cloud at di naman din natawag si Tita Elaine sa akin, baka di nagsumbong ang loko kaya!
Shempre kung magsusumbong siya paano niya sasabihin?
'Mommy kinuha ni Noreen ang brief ko!'
Oh di ba? Ang gross pakinggan, I'm sure pati siya mahihiyang sabihin iyon!
Lumakas ang kita ng shop. Dumami pa lalo ang customers kaya balak kong palagyan ng extension sa taas.
Nag-iipon pa kami ng budget para dun pero tingin ko madali lang din naming magagawa iyon. Nag pa schedule ako ng tutorial kay Ron, alam niya ang responsibility niya, kahit maraming gawain sa org, sa shop at sa room may oras parin siya sa akin.
Umuwi ako sa unit ko saka nagbihis din agad. Mag-aaral kami ni Ron mamaya kaya nagpadala ako ng sweets sa kanya.
Medyo late na yun uuwi kaya bumaba na muna ako para bumili ng ice cream sa convenience store. Nakakatuwa lang dahil parang maliit na town ang campus namin, may mga condominium na sa loob na pagmamay-ari nga ng mga Del Rosario, meron na ring mga mini mart pati na rin ang mga convenience store.
Ang ayaw ko lang kahit sino pwede ng makapasok sa loob, may mga professionals na rin na naninirahan sa building namin, maganda kasi ang vicinity, malapit sa lahat, centro ng lahat.
Pumunta ako sa hilera ng mga junkfoods. Naglagay ako sa basket ko saka patingin tingin ng iba pang bibilhin.
"Tignan mo nga naman, mukhang tinatadhana na makita kita dito, ah!" nabigla ako matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Napalunok ako at parang di makagalaw "Oh come on, Noreen!" hinawakan niya ako "Stop trembling, don't act as if I'm going to eat you!" sabi niya na halos pabulong pero rinig na rinig ko. Lumunok ako at kinalma ang sarili, hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako, n-na may epekto pa siya sa akin!
"D-Don't touch me!" I managed to say, ngumisi siya
"Sus, ikaw naman parang di kita hinawakan noon?" tinignan ko siya ng masama matapos niyang sabihin iyon, I want to slap him on his face! Ang bastos kahit kailan!
"Ano? Tara labas tayo! Tulad ng dati..." saka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa habang kagat ang labi "Lalo kang gumanda ah!" puna pa niya.
"Will you get lost?" sagot ko sa kanya "Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka naman estudyante dito eh, at hindi bagay sa iyong maging estudyante!" he laughed matapos ng tinuring ko, he even gave me a teasing look.
"Bakit? Eh sa kaya kong bumili ng unit dito sa lugar mo eh, may magagawa ka ba?" napalunok ako matapos ang sinabi niya, ano? Dito siya nakatira?
"I can't believe it, pwede ba tigilan mo na ako? Don't ever come near me or even touch me!" I warned him
"Aba matapang ka na ngayon? Asan na yung dating Noreen na parang ang amo-among aso na sa isang salita ko lang sumusunod?"
"ASSHOLE!" sigaw ko sa kanya, wala akong pakialam kung may makarinig sa akin o makaagaw ako ng atensyon. He laughed at me and he even winked, ang gago talaga, ewan ko ba kung bakit ako nagpa-uto sa lalaking ito noon!
"Shh! Baka maniwala sila sa sinabi mo, I've been a good boyfriend to you, mahal na mahal mo ako di ba? Kaya ka nga sumama agad sa aki-"
"Is there something wrong here?" natigil ang pagsasalita niya matapos may pumutol nun. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata matapos kong makita si Cloud na nakatayo na sa tabi ko.
"Bakit si-"
"Noreen?" di nanaman natuloy ang sasabihin nung gago matapos magsalita si Cloud at tumingin sa akin.
Hindi ko siya nasagot agad pero alam kong kitang kita niya ang takot sa mga mata ko. He looked at me, he observed me kaya napayuko na lang ako
"Sino ka ba?" tanong niya kay Cloud, he even touched his arm na agad rin namang winaksi ni Cloud.
"Don't touch me." mababa, mahina pero may authority niyang sabi. "Noreen, what's happening here?" tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka mahigpit na hinawakan ang hawak ko na basket.
"AISH! HUMANAP KA NGA NG BABAE MO ANDAMING IBA DYAN EH!" sigaw niya kay Cloud saka hinigit braso ko. Nabigla ako kaya wala akong nagawa.
"Bitawan mo siya." matigas ding sabi ni Cloud habang nakatingin sa amin. I pulled my arm pero hindi niya ako hinayaang makawala sa kanya. I suddenly felt na nag-iinit na ang magkabilang mata ko matapos makaramdam ng matinding takot at pagkahiya ngayon.
"Eh paano kung ayaw ko?" maangas pang tanong niya kay Cloud, he was about to say another word pero hinila ako ni Cloud palayo sa kanya saka siya binigyan ng malakas na suntok.
I gasped matapos makita ang putok niyang labi na tumalsik pa ang dugo sa katabing estante. Sapo sapo niya ang mukha habang namimilipit sa sakit.
"GAGO KA AH!" sigaw niya kay Cloud ng akma siyang susugod pa ng may dumating ng mga guard at inawat ang dalawa.
"Ilabas niyo na yan and check carefully kung taga dito ba talaga." saka niya kinuha ang basket ko at hinawakan ako sa kamay.
I was still shaking habang tinitignan siyang nagbabayad sa may counter. The cashier even greeted Cloud at tumango lang ito.
"Halika!" sabi niya sa akin sabay hila palabas. Nakayuko lang ako habang hawak niya ang mga bibilhin ko sana.
Hawak niya rin ang kamay ko hanggang sa makapasok kami ng building, makasakay ng elevator at makapasok ng unit niya.
Nabigla pa ako ng malakas niyang sinara ang pinto at tumingin sa akin. Napalunok ako at hindi parin makapagsalita.
Nahihiya ako sa nangyari, nahihiya ako sa mga tao na andun, nahihiya ako kay Cloud.
Nakita ko ang paggalaw ng ulo niya sabay ng pagtingin sa living room. Sumunod ako sa gusto niyang sabihin. Ipinatong niya sa sofa yung plastic bag na dala dala niya.
Umupo siya sa harap ko saka ako tinignan. He even leaned his back at the sofa saka nag crossed arms.
"I'm...I'm sorry..." hingi ko ng tawad sa kanya. Hindi siya sumagot.
Huminga ako ng malalim saka kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. Nanginginig pa din ang mga kamay ko ng kaunti dahil sa takot kanina.
"Cry." rinig kong sabi niya, naiangat ko ang tingin ko at napatitig sa kanya "Cry if you want, just make sure that you will not stain my sofa!" Cloud stood up saka naglakad palapit sa akin, huminto siya and gently patted my head. Nabigla ako sa ginawa niya.
"C-Cloud..." tawag ko sa kanya saka siya tinignang mabuti. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sabay inalis ang kamay sa ulo ko.
"I'll go get some water." sabi niya at umalis sa harap ko. I bit my lower lip at agad na tumayo. Sumunod ako sa kanya at agad ko siyang niyakap mula sa likod. Kapwa kami natigilan matapos ang ginawa ko.
"C-Cloud..." tawag ko ulit sa kanya sabay ng pagtulo ng mga luha, hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at mas lalo pang nilapat ang mukha sa likod niya.
"I n-need you..." mahina kong sabi pero alam kong rinig niya "N-Natatakot ako. Natatakot ako sa kanya..."
Tuluyan na akong umiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I'm still trembling with fear, alam ko ramdam din ni Cloud iyon.
I hugged him na para bang humihingi ng lakas sa kanya. I hugged him na parang humihingi ng security mula sa kanya. He let me do it. Hindi siya nag reklamo. Hindi siya nagsungit. Hindi siya sumagot o gumalaw man lang.
Hindi niya inalis ang mga kamay ko pero naramdaman kong hinawakan niya iyon.
"I'm h-here..." bulong niya "Just wash my shirt later, nabasa mo na eh." I secretly smiled kahit pa tumutulo ang luha ko dahil sa sinabi niya..
"O-Okay." sagot ko saka lalo pang hinipitan ang pag yakap.
Author's Note:
Hi! For those who are using DREAME App, you can also follow and read my stories there. Some of my completed works were transferred to Dreame and you may want to check them out. All stories are COMPLETED AND FREE! You can follow the steps below.
1. Download the following application:
DREAME (for iOS users)
DREAME LITE ( for Android users)
2. Create your account
3. Search for "Sie Encio"
Don't forget to tap the heart () button in order to ADD the story in your library, leave comments and follow me for more upcoming updates.
Please help me gain at least 500 hearts (). You don't have to follow me if you don't want to, just tap the heart in every stories. It will be highly appreciated.
If you have questions, just drop a message. Nag re reply po ako. Ah. Actually mabilis po akong mag reply. Hihi!
See you there!
PS.
Thank you for reaching this part, if you are new, thank you so much I hope Noreen and Cloud entertained you up to the latest chap, if you're rereading this and came from 2014 era, wow, hats off, I can't think of the right word to thank you.
I'm back. Let us all finish this story that is very close to my heart. Let's see each other until the very end. Stay safe and healthy, everyone!