Chapter 16

1777 Words
Chapter 16 Noreen "Tama na!" sita niya sa akin saka tinanggal ang kamay ko matapos ang ilang minuto kong pagyakap sa kanya habang nakatayo kami. I pouted matapos niya akong patayuin medyo malayo sa kanya sunod kong narinig ang pag-angal ulit niya. He clicked his tongue. "Ang gross." sabi pa niya saka tinanggal ang shirt sa harap ko. Halos lumuwa ang eyeballs ko matapos makita ang chiseled abdominal muscles niya. I bit my lower lip at hindi mapigilan ang sarili na makaramdam ng pag-iinit sa buong katawan, kelan pa gumanda ng ganito ang katawan niya? Tinapon niya sa akin ang shirt niya saka ako masungit na tinignan. "Wag mong ibi-bleach yan ah!" he warned me saka naglakad papasok ng kwarto niya. Lumunok ako saka inamoy ang shirt niya na sobrang bango, Cloud kung sana naging mabait ka lang edi sana patay na patay na ako sa iyo ngayon! Bumalik siya na may suot ng panibagong shirt. Long sleeve na gray iyon na hinila niya hanggang siko. He looks so manly and so neat kahit ano pa ang isuot niya. "You want to eat?" he suddenly asked me at shempre nabigla ako. Aba, si Cloud kinakausap na ako at idagdag mo pa na papakainin niya ako. "Depends, hindi mo naman ako lalasunin di ba?" I mocked him. "Hindi naman, problema ko pang i-dispatch yang katawan mo." sagot niya saka ako tinalikuran. Ngumiti ako saka naglakad pasunod sa kanya sa kusina. Kumuha ako ng fresh fruit juice sa fridge niya saka sinalin sa baso. Lumapit ako sa kanya habang pinagmamasdan siya sa paghiwa ng mga ingredients. Magluluto ata siya ng a-ahh hindi ko alam. "You are sure on what you are doing, right?" tanong ko ng binuksan na niya ang kalan at sinindihan iyon, he placed the pan on it at parang bihasang-bihasa sa paggamit ng mga iyon. "I'm not an idiot like you." mahina pero rinig kong sabi niya. I just rolled my eyes on him. Habang hawak ko ang baso ng iniinom kong juice, sinisilip ko ang ginagawa niya. Napatili pa ako ng biglang nag-apoy ang pan matapos niyang lagyan na kung anong oil ata yun, infairness marunong talaga siyang magluto. Biglang kumalam ang sikmura ko matapos maamoy ang niluluto niya. Umupo ako sa may counter na nakatalumbaba at tumitig sa kanya. Ang macho ng likod niya, grabe lang! Tapos yung hairstyle niya na parang di nagugulo, bagay na bagay sa kanya! Yung batok niya, ang sexy lang! Yung braso niya, sheeeet parang ang lakas lakas! Tapos yung kamay niya parang...p-parang- "Iabot mo sa akin yung plate!" he suddenly cut my reverie. "A-Ah?" "Sabi ko iabot mo yun plate, ano, uupo ka na lang dyan? Di ka bisita dito!" masungit niyang sabi. Sobra talaga to! Padabog akong kumuha ng plate saka inabot sa kanya. "Ayan na po!" walang gana kong abot. Kinuha niya iyon sabay angat ng pan. Amoy na amoy ko yung niluto niya habang sinasalin niya iyon sa plate, halos maglaway ako dahil doon. Inayos niya ang table pati lahat ng kailangan. Marunong siya, well-organized lahat! Umupo na ako kasi asa naman ako na hihila siya ng upuan para sa akin. Inabot ko ang rice saka sinimulang kumain. "In all fairness, masarap!" I honestly commented matapos matikman ang niluto niya. Wala siyang imik, he silently ate with poise and grace, kainis lang, napaka ng lalaking ito! "Alam mo masyado kang seryoso sa buhay, pakasaya ka naman!" pag-iingay ko dahil wala ng ibang marinig sa buong unit kundi ang tunog ng plate at mga kubyertos. "Alam mo ang ingay ingay mo, tumahimik ka naman." balik sagot niya sa akin. Nag make face ako saka bumulong bulong. "Sige kahit inaaway mo nanaman ako okay lang, thank you pala kanina..." pagpapakumbaba ko sa kanya. Hindi siya sumagot agad. Tumunog ang phone niya saka sinagot iyon, hindi siya umalis sa harap ko. "Yes, that's good then review his contract sa building kung may nakita kayong butas paalisin niyo na siya." utos niya saka ibinaba na rin agad iyon. Kumunot ang noo ko, S-Si- "Is that about what happened kanina?" I asked him, he simply nodded at me. "I ordered them to kick him off the building, is there something wrong?" he asked pero hindi parin tumitingin sa akin. "Do you know him?" he finally asked that made me stop. Huminga ako ng malalim saka nilapag ang spoon. I looked away at naramdaman ko rin ang pagtigil siya sa pagkain. "If you don't want to talk about, then just continue eating!" utos niya saka bumalik din sa ginagawa. "I d-don't know what will I do if you didn't enter the scene..." I confessed at doon ko nakita ang paglapag niya rin ng hawak na kutsara. Inabot niya ang table napkin saka pinunasan ang bibig at tumingin sa akin "Thank you, really..." "Did he harass you?" he asked "Do you want me to file-" "NO!" putol ko sa sasabihin niya "Y-You said that he is o-out of this building, this place, then I feel much safer now, thanks!" "Do your parents know about it?" He asked, I shook head "Do they know him?" he asked again. I nodded. Huminga siya ng malalim at narinig ko iyon. Pumikit siya saka minasahe ang sariling ulo na parang nahihirapan at naguguluhan sa situation. "Who is he?" dagdag niya "H-He is D-Derick..." nanginginig ko pang sagot "J-Just a man from the past..." ----- Pinapanuod ko siya sa paghuhugas ng pinggan, nakatayo ako sa may gilid habang nakasandal sa sink. Inaabot niya sa akin ang mga natapos niyang hugasan at ako naman ang taga punas ng mga iyon. He ordered me to place it on the counter na lang at siya na daw bahalang magligpit. "I know you are good!" bigla kong sabi matapos niyang ilagay ang huling plate na hinugasan niya sa may drawer "You're good, sometimes..." bawi ko agad "P-Pero most of time wala kang puso..." I directly said to him "But to be honest, I was surprised with what you did earlier!" "Don't take it to your heart Noreen, that was nothing." he cleared at tumaas ang kilay ko saka nag pout "Okay, hindi naman ako assumera no!" sagot ko agad. Sumunod ako sa kanya ng naglakad na siya papunta sa sala. Umupo siya sa white sofa niya na ayaw na ayaw niyang madumihan. He even looked at me bago ako umupo doon, sobrang selan! Kinuha niya ang maliit na controller sa tabi niya saka ki-nontrol ang light, he set it to much dimmer light matapos niyang buksan ang tv. "Nood tayong movie!" aya ko sa kanya, hindi niya ako pinansin "Seriously? News lang talaga ang papanuorin mo?" tanong ko sabay agaw ng remote. Wala na siyang nagawa matapos kong ilipat yun sa movie channels. Namili ako ng mga papanoorin pero halos napanood ko na lahat ang andun. Tumingin ako sa kanya saka inabot ang remote. "You choose!" utos ko, tinignan niya ako ng masama "Inuutusan mo ba ako?" he asked na hindi makapaniwala "I am!" sagot ko saka inabot pa lalo ang remote "Now choose!" ulit ko ulit. He shook his head pero  kinuha na rin ang remote. "Get out!" rinig kong sabi niya, hindi ako sumunod. "Ayoko, dito muna ako, sige na kasi pumili kana!" halos pasigaw kong sabi sa kanya. Wala na siyang nagawa at naghanap na rin siya ng pwedeng papanuorin. Tumayo ako saka nagpameywang sa kanya. "I'll go get some pillows and blankets!" paalam ko, he was about to say something ng ni-raise ko ang index finger ko to stop him "Just no more talking please?" sabi ko saka siya iniwan doon. Kinuha ko ang dalawang pillows niya na nasa kama saka hinila ang isang white blanket at dinala sa sala. Mukhang nakahanap na siya ng papanuorin. Umupo ako sa tabi niya saka inutusan siya ulit. "Lakasan mo yung aircon!" Narinig ko ang pag shrugged niya bago inabot ang remote, napangiti ako ng naramdaman ko ang agad na paglamig sa sala. "Thank you!" sabi ko saka inayos ang unan. I covered myself sa blanket habang nakatitig lang sa pinapanuod. I can't even understand kung anong romance movie itong napili ni Cloud dahil sa sobrang daming tumatakbo sa isipan ko. Derick is back, what does he want? I want to escape from the past, nagkamali ako, oo, at alam kong natuto na ako. I want to erase him from the picture pero paano? He kept on hunting me! He kept on reminding me how narrow-minded I am before! Sobrang pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko in the past, I was reckless, hindi ako nag-iisip, sugod lang ng sugod without knowing the real battle. T-Tama si Ron, Derick was one of my biggest mistake in my life. H-Hindi ko nga talaga siya siguro minahal. K-Kinailangan ko lang siya during those times na kailangan ko ng atensyon. I was so wrong. I was so wrong! Pero paano ko papatunayan sa kanya na wala na siyang puwang sa buhay ko kung everytime na magkikita ko siya, nanlalambot at nanghihina parin ako sa takot? I want to show him the new me pero I always fail. He looks at me the same as before, para sa kanya, ako parin ang utu-u***g Noreen na napaikot niya noon! Huminga ako ng malalim saka pumikit. I embraced myself inside the blanket matapos makaramdam ng pagod. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, kung pwede ko lang ayusin kung ano ang mga nagawa kung mali noon edi sana...edi s-sana... "Are you sleepy?" Cloud suddenly asked na nagpabalik sa akin. Napatingin ako sa kanya with my tired expression. Nasa corner siya ng sofa at nakasandal sa arm nun "Gusto mo ihatid na kita?" he asked again pero umiling ako. "I d-don't want to be alone right now..." I honestly said "C-Cloud, I don't want to feel alone right now..." Tinignan niya ako sa mukha at napatitig din ako sa kanya. I moved near him at hindi siya umangal. Sumandal ako sa kanya at naramdaman ko ang init ng katawan niya matapos tuluyang mag-rest sa chest niya ang likod ko. "N-Noreen..." "W-Will you stay with me even just for tonight?" I asked him saka niyakap ang pillow niya. Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pag-abot niya ng kumot sunod nun ang pagbalot niya sa aming dalawa. I closed my eyes as I felt his arms around me. I never felt this comfortable before. I felt his warm body. I felt his strong arms that make me feel so secured. Huminga ako ng malalim saka kinapa ang kamay niya sa ilalim ng kumot, agad ko rin naman iyong naramdaman. I smiled while my eyes were closed. Hinawakan ko iyon ng mahigpit saka nagsalita. "Thank you. I owe this one..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD