Chapter 17
Noreen
Nagising ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin ng mahigpit. I slowly opened my eyes and there I saw Cloud's face. He was sleeping, peacefully. Napangiti ako sa ideyang nagkasya kaming dalawa sa sofa niya.
I stared at him. Ilang inches lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa at kitang kita ko kung gaano siya kagwapo. His eyebrows, pointed nose and reddish lips. He wasn't wearing his glasses na, I gently looked around para di siya magising, at nakita ko na doon niya lang nilagay iyon sa table malapit sa sofa, just within his reach.
How did you grow up like this Cloud?
I was about to touch his lips when he suddenly moaned kaya agad akong pumikit at binawi ang kamay. Naramdaman ko ang paggalaw niya, kahit ang paghinga niya ng malalim rinig na rinig ko rin. He was moving slowly and carefully kaya nagpanggap parin akong tulog.
"A-Ahh!" rinig kong angal niya habang dahan-dahang inililipat ang ulo ko sa throw pillow ng sofa mula sa braso niya. He managed to transfer me without hurting or disturbing me at all.
Sana ganyan ka parati...
I curled up at doon ko naramdaman ang paghila niya ng kumot hanggang balikat ko. He even touched my hair bago siya tuluyang tumayo.
May puso ka rin naman pala. You're actually nice, just like what your Mom said.
I don't know what happened but I fell asleep once again after that. Nagising na lang ako ng maamoy ko ang niluluto niya galing sa kusina. Halos kalahati lang ang bukas ng mata ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni Cloud. I need to use the bathroom.
Medyo tipsy pa ako at blurred ang paningin dahil kakagising lang. I don't even know kung saan ba ang daan papunta sa cr ng lalaking iyon. Luckily bukas ang pinto ng kwarto niya and I went inside of it. Kinukusot ko pa ang mata ko at pilit na inaayos ang magulong buhok ng marinig kong bumukas ang pinto mula sa cr niya.
"C-CLOUD? E-Eh sinong nagluluto s-" halos maghiwalay ang kaluluwa ko at katawan matapos siyang makitang nakatapis lang ng pang-ibaba. He was holding a yellow white at natigil din sa pagpupunas ng buhok ng magtama ang paningin namin.
"W-WHAT ARE YOU DOING HERE?" galit at may gulat din niyang tanong. Ilang beses akong napalunok at biglang nag-init ang buo kong katawan matapos tumambad sa akin ang napakaganda niyang katawan.Bigla akong nagising ng tuluyan.
Detalyado at mukhang napakatigas ng abdominal muscles niya. Bigla kong nakagat ang labi ko ng mapatingin ako sa tumutulong patak ng tubig na nanggagaling sa buhok niya pababa sa may tyan hanggang doon sa tinatakpan ng tuwalya!
Mahigpit ba ang pagkakakapit nun? Hindi ba mahuhulog yun?
"GET OUT!" sigaw niya na nagpabalik sa pagkatao ko.
"Bakit? H-Hihiram lang ako ng CR no! Anong akala mo? Gandang-ganda ako sa katawan mo? Magbihis ka na nga!" nauutal ko pang sabi sa kanya pero pilit kong tinitigasan ang nanlalambot ko ng mga tuhod.
"Don't put words in my mouth. " sagot niya sa akin, matigas at walang emosyon. Inihagis niya ang hawak na towel sa kama niya saka dahan-dahang naglalakad papunta sa akin. Nakakuyom ang mga palad niya at mukhang galit na galit "And who gave you permission to enter my room?"
Napasandal ako sa may pinto at parang tatalsik na ang puso ko palabas ng hinuli niya ako ng dalawang kamay niya.
Nasa magkabilang side iyon ng leeg ko, I can't move dahil na corner na niya ako. I saw him gulped, napalunok rin ako sabay ng paggalaw ng adam's apple niya. He moved near me kaya lalo kong naamoy ang masculine scent ng gamit niyang body wash.
Ang sarap sa ilong!
"Get out!" bulong niya ulit na parang lalapa na.
"O-Okay, okay!" sagot ko saka tinaas ang kamay, doon niya inalis ang dalawang kamay na nakaharang sa magkabilang side ko sabay pihit ng doorknob niya "Alam mo-"
"Hindi ko alam at wala akong pakialam!" putol niya sa sasabihin ko "Now, get out!" ulit niya, inirapan ko na lang siya saka sabay talikod ng tuluyan ng binuksan ang pinto ng kwarto niya but to my surprise there was someone standing there, no dalawa sila!
Nakabukas ang bibig nila and they even dropped all what they were holding ng magtama ang tingin namin. Napalunok ako at biglang kinabahan. Kahit si Cloud nalakihan din ang bukas ng pinto. They were staring at us. Sa akin, kay Cloud.
"M-Mommy? D-Daddy?" Cloud's voice broke.
"W-What is happening here?" Tita Elaine managed to ask.
"It's not what you think it is!" Pagpapakalma ni Cloud sa kanya. He stepped out of the room saka lumapit kay Tita. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Looks nervous.
"R-Really? Cloud, will put some clothes on? We'll talk..." sabi niya, sumunod agad si Cloud.
"T-Tita believe me, wala po kaming ginawang masama, I just slept with him last night!" at bigla kong nakagat ang labi ko matapos kong masabi iyon "I m-mean-"
"YOU SLEPT WITH HIM?" napayuko ako ng tumaas ang boses ni Tita Elaine.
"NOREEN!" sigaw ni Cloud mula sa loob, he even grabbed my arms saka tinignan ng masama "What are you talking about?"
"W-What? I...I didn't mean anything wrong, I was just explaining, believe me Tita, we just slept together, cuddled up on that sofa and nothing happened between us!" I honestly said. Biglang namula si Cloud. Pulang pula ang tenga niya na parang magliliyab na ata kahit anong oras.
"You slept together and cuddled up under the same blanket and you are telling me that nothing happened?" Tito Sky asked me. Amazed at hindi makapaniwala.
"Exactly po!" sagot ko.
"Oh Son, are you impotent?" tanong ulit ni Tito Sky kaya sinundan yun ng malakas na hampas ni Tita Elaine. "W-What? I was just say-"
"Shut up!" turo sa kanya ni Tita Elaine, he raised his hands at hindi na rin nagsalita pa.
"Don't believe her Mom!" sagot ni Cloud
"You mean something happened between-"
"NO! NOTHING! M-Mom pwede ba?"
"Y-Yes T-Tita, Cloud was just kind enough to take care of me all night. And I'm thankful for that, please don't scold him!" huminga ako ng malalim lumapit kay Tita Elaine "Trust us, we know our limits..." nakita ko ang pag kalma ng mukha ni Tita "I'm sorry for causing trouble..." humarap ako kay Cloud "Thank you!" at nagpaalam na rin sa kanilang tatlo.
Tito Sky insisted to walk me outside the unit pero bago pa ako tuluyang lumabas nagsalita pa siya.
"Noreen?"
"Po?"
"Did Cloud touch you?" biglang namula ang mukha ko at mabilis na umiling.
"N-No Tito, he didn't do such thing, he was a gentleman and he took ca-" natigil ang pagsasalita ko ng tinaas ni Tito Sky ang kamay niya, and smiled. "Why po?" Takang tanong ko.
"Ah. Nothing." simpleng sagot na lang niya.
Bumalik na ako sa unit ko saka agad na ring naligo. I stayed there and spent the whole weekend eating and watching movies. Bukas pa ang balik ni Ron dito sa unit kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa panunuod magdamag.
---------
"WHAATTTTTTTT?" Hinila ko si Ron at pilit na pinaupo. Nasa shop kami ngayon at maraming customer. Napatingin ako sa paligid at pinanlakihan ng mata si Ron.
"S-Sorry nabigla lang ako bakla! Shempre natulog kayong magkasama! Di keri ng beauty ko! "
"Nabigla rin naman ako, alam mo yun, sobrang bait niya sa akin nung gabing yun, he even cooked for me, pampered me and even cuddled me the whole night!" pagkwekwento ko
"Mabango?" tanong ni Ron habang nag sparkle ang mga mata, I bit my lower lip saka ngumiti at tumango "AHHH! Masarap yumakap?" tanong niya ulit.
I in-tuck my loose hair saka nagpipigil na ngumiti bago sumagot "Masarap!"
"AHH! Bessy! Bessy! Inggit na inggit ako sa iyo!" baklang baklang sabi ni Ron "Tinitigan mo ba siya? Kay gwapo ba? I mean, pagtititigan mo ng matagal? Nangg mas malapitan?"
"I can remember that he was peacefully sleeping that night. I felt him warm body. Strong arms and even smelled his masculine body scent, at oo mare, ang gwapo-gwapo niya sa mas malapitan!" sagot ko habang nakatulala.
"Ooh, and you slept together Bessy, you literally slept together!"
Tumingin ako kay Ron at hindi ko alam kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon at parang ang init init ng mukha ko "Yes Bessy, we did.We did sleep together!" and I squealed!