Chapter 18

1653 Words
Chapter 18 Noreen This hell week is killing me! Dalawang subjects palang ang natatapos namin ni Ron para sa final exams pero sobrang stressed out na ako! I even went to my dermatologist to check my skin and face kasi may pimple na na lumabas! I was so irritable kaya nag pa facial care na rin ako agad! "At talagang may oras kang magpaganda during hell week?" sita sa akin ni Ron na pilit kong sinama sa akin, shempre kung saan ako, doon din siya! "Wag ka ng mag-inarte diyan, alam kong gusto mo rin naman!" sagot ko saka siya inirapan. Dumaan din kami ng department store saglit para mamili ng ibang damit, stress na stress talaga kasi ako sa exams kaya kailangan ko ng stress reliever! "Kakabili mo ng ng damit mo ah, bili ulit?" Ron commented at tinignan ko siya. "Wala, paubos na ang damit ko, hindi pa kasi pinapadala ni Yaya yung mga pina-laundry ko last time saka pwede ba, paulit ulit na lang yung sinusuot ko, ang pangit na sa mata!" sagot ko habang namimili ng mga bibilhin. Hindi na sumagot si Ron dahil alam niyang hindi naman siya mananalo at hindi naman niya ako mapipigilan. May scheduled exam kami bukas, dalawang subjects lang ulit pero hindi rin kami pwedeng magbabad dito sa mall, mag-aaral pa ako no! It took me an hour para mapili lahat ng gusto ko, mabilis na iyon, talagang binilisan ko na kasi si Ron kulang na lang hilahin ako pauwi. I was on the line ng inabot ko ang credit card matapos nilang i-punch lahat ng mga napili ko ng biglang nagsalita yung nasa counter. "Ma'am may ibang credit card po ba kayong dala?" tanong niya sabay abot pabalik ng binigay ko. "Bakit?" taking tanong ko saka naglabas pa ng isa. "Ma'am ayaw po kasing tanggapin  itong binigay niyo sa akin." she informed me at sobrang nabigla ako dahil doon, ayaw tanggapin? Eh last month lang ito ginamit ko ah! Napatingin ako kay Ron ng tinanggap ng cashier yung isa kong card, she slid it doon sa machine saka niya in-ninform na nasa 20 thousand na lang ang pweding credit limit ko doon, nanlaki ang mata ko. "Are y-you sure?" tanong ko at tumango siya. "Itutuloy ko po ba Mam? Babawasan niyo po itong pinamili niyo or I-cacancel ko na lang po yung transaction?" lumunok at biglang namula ang mukha dahil feeling ko napapahiya na ako sa mga tao, they were looking at me at yung iba nag bubulung-bulungan na. "S-Sige hindi ko na lang kukunin ito..." saka ko kinuha ulit yung ilang damit na hindi ko naman masyagong gustung-gusto. Nakabalik na kami sa kotse ni Ron pero malalim parin ang iniisip ko. Bakit nag close yung isa? At yung isa bumaba ang credit limit? Anong nangyayari? Huminga ako ng malalim saka binuhay ang makina ng sasakyan, we left the mall ng magsalita si Ron. "Kailan ba ang huli mong uwi?" tanong niya sa akin "Hindi ko na maalala!" sagot ko naman "Tapos yung last time pa na pinapauwi ka hindi ka sumipot?" sagot sa akin ni Ron "Ayan hi-no-hold na tuloy ang allowance mo!" I bit my lower lip habang diretsong nakatingin sa daan "I doubt, mas madalas ko silang sagut-sagotin before pero hindi nila hi-no-hold o binabawasan ang allowance ko, may tao si Mommy na gumagawa nun para sa kanya at wala na siyang oras para i-check pa ang perang binibigay nila sa akin!" "So what do you think is the reason?" Ron asked, I shook my head. "Hindi ko alam at ayaw kong malaman!" sagot ko naman "Pero tingin ko kailangan mong malaman, sa pagkakakilala ko sa iyo Noreen hindi ka mabubuhay sa ganyang halaga lang ng pera!" Ron said and I glared at him "I'm just telling the truth!" dugtong pa niya. "So what are you suggesting? Umuwi ako?" sagot ko naman saka umirap "Ayaw ko nga!" "Then magtitiis ka sa ganyang kaliit na pera?" "May kita naman ang shop, baka next month babalik na rin ito sa dati, nagkaroon lang siguro ng glitch or whatsoever!" "I will not let you spend the shop's budget Noreen!" sagot ni Ron, I shrugged "Umuwi ka at kausapin mo yung mga sadist among magulang!" pagtatapos niya ng usapan. -------- I called Yaya's phone pero out of coverage iyon, ayaw ko namang tumawag sa telepono kasi baka si Mommy or iba pang katulong ang makasagot. I bit my lower lip saka sumandal sa headboard ng kama ko, napatingin ako kay Ron na nasa study table ko habang busy masyado sa pag-aaral. "Hindi ako makapag-isip!" sabi ko kay Ron saka padabog na ibinaba ang lecture notes na pinahiram niya sa akin. "Pwes ako hayaan mo akong mag-isip!" sagot niya habang hindi ako nililingon at abala sa pag-rereview, I pouted bago tumayo mula sa kama, sinuot ko ang slippers ko saka lumapit sa kanya "Gusto ko ng ice cream Ron!" pangungulit ko sa kanya pero mataray niya akong sinagot. "Noreen pag ako bumagsak sa exams at nawalan ng scholarship habang buhay mo ng hindi makikita ang mukha ko!" natahimik ako sa sinabi niya. "Papaaralin na lang kita!" sagot ko saka ngumiti, tinignan niya ako ng masama "Oo na! bababa na ako mag-isa, para naman di kita maistorbo diyan sa pag-aaral mo!" himutok ko saka siya inirapan. Kinuha ko ang hoodie ko saka sinuot iyon. Itinaas ko ang buhok ko bago kinuha ang susi at wallet saka bumaba na rin ng building. Bibili ako ng ice cream! I was on my way to the convenience store ng biglang nag vibrate ang phone ko, si Yaya pala nag text. 'Noreen, umuwi ka muna dito sa bahay, nais ka ng makausap ng mga magulang mo!' "Ayaw ko silang makausap!" sagot ko naman pero hindi na ako nag reply pa, binulsa ko na lang ang phone ko sa pocket na nasa harap ng hoodie ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Gabi na at wala ng masyadong tao sa store, kumuha ako ng basket sunod nun ay kumuha na din ako ng mga junk foods, wala na rin pa akong fresh milk sa loob ng fridge, kumuha na rin ako ng iba pang mga pagkain na matipuhan ko, dumiretso ako sa may counter ng matapos na akong makapamili, pinunch na ni Ateng cashier yung mga pinamili ko at umabot ng kulang kula one thousand yung mga binili ko. I opened my wallet at nakita ko na 500 na lang ang cash na natira doon, I bit my lower lip sabay isip kung saan ko nagastos yung ibang cash nung mga nakaraang araw. "Ahh! Nag-full tank kasi ako ng gas ng sasakyan." kausap ko sa sarili ko "Tapos ilang beses din akong kumain sa labas." "Ma'am?" tanong nung babae na nawe-weirdohan sa akin, I shook my head saka ngumiti. "Wait lang Miss ah!" sabi ko saka nilabas ang dalawang gift certificates na nakaipit sa wallet ko pero kulang parin iyon, bigla akong pinagpawisan ng malamig ng makita kong kulang pala talaga ang dala kong pera. "Ma'am pwedeng pakibilisan po? May iba pa pong customer eh!" sabi ni Ate at napatingin ako sa likod ko, I was stunned in a moment ng makita ko kung sino ang nakatayo sa likod ko. He was smiling at me habang hawak ang malaming niyang energy drink. "Having trouble?" he asked saka tumayo sa tabi ko. "B-Brick..." bati ko muna sa kanya, nahihiya man, inamin ko na kulang ang dala kong pera, ahh! Feeling ko ang poor poor ko ng masyado. "Oo e-eh, hindi ko alam na kulang pala yung laman ng wallet na dala ko..." I cutely said saka kinagat ang pang-ibabang labi. He chuckled saka nilabas ang wallet, naglabas siya ng two thousand peso bill saka inabot sa cashier "All of it, it's on me!" sabi niya saka sinulyapan ako ng tingin. "A-Ahh I'll just pay you, is it okay if I'll go get some cash sa unit ko sa taas?" sabi ko habang palabas kami ng store. He was carrying the plastic bag na binili ko, ngumiti siya bago sumagot "It's not necessary but if you'll insist then, it's fine with me!" sagot naman niya, sabay kaming umakyat ng building, sinabi ko na ako na lang magdadala nun pero sabi niya okay lang daw, same floor lang din naman daw kami bababa. "Dito kana nakatira?" I asked him habang nasa loob kami ng elevator, he shook his head saka tinignan ako. "I was just visiting someone here, I'll be back to New York after a couple of weeks, kaya i-ni-enjoy ko muna ang stay ko dito..." "You're here for vacation right? Culinary arts?" tanong ko ulit, he happily nodded. Tumunog ang elevator at pinauna niya akong lumabas. "That's my unit, you can come inside if you want!" I happily invited him pero ng mapadaan kami sa harap ng unit ni Cloud, agad din namang bumukas ang pinto nun. Nagkatinginan kami, as usual, he gave me his cold stare mula ulo hanggang paa. He even looked at my companion at sa dala niyang plastic bag. "Ah Brick, let's go?" aya ko sa kanya, saka tumingin kay Cloud, napangisi ako ng makita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. "Where are you going?" biglang tanong ni Brick kay Cloud, nagulat ako. "I thought I'm going to fetch you downstairs..." Cloud answered. "T-Teka, you know each other?" takang tanong ko, Cloud looked away saka binulsa ang mga kamay. "He is my cousin, he's the one I'm visiting, are you close?" Brick asked, nanlaki ang mga mata ko. "A-Ahh.." wala akong maisagot, lumunok ako saka kinuha ang plastic bag sa kanya "T-Then I have to get the cash, you'll wait here or you'll come with me?" tanong ko at biglang umalis si Cloud sa harap namin. "Go inside after you finished your business..." masungit na sabi ni Cloud saka malakas na sinara ang pinto ng unit niya. Go inside? T-Teka, sino ba? A-Ako o si Brick?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD