Chapter 19

2138 Words
Chapter 19 Noreen "I really can't imagine that you and Cloud are cousins!" I exclaimed ng makapasok ng unit ko si Brick "By the way pasensya na sa kalat, bukas pa kasi darating yung taga linis ko." pakiusap ko but he just smiled at me bago sumagot. "It's okay, hindi naman ganun kagulo!" napatingin ako sa kanya matapos niyang sagutin ako ng tagalog. Ang fluent lang niya sa lahat ng language na alam niya! "What do you want? Coffee, tea or juice?" I asked, umiling siya. "Water will do..." sagot niya kaya mabilis akong kumuha ng baso at cold water sa fridge saka inabot sa kanya, kumuha rin ako ng cash at inabot sa kanya pero tumanggi siya "You know what, I think I can't accept that!" sagot niya. "Huh?" kumunot ang noo ko "Bakit naman?" "If I'm going to accept that, you'll forget about me..." sagot niya saka ngumisi, hinawi niya ang buhok kaya nakita ko nanaman ang tattoo niya doon sa wrist niya. "W-What do you mean?" "I mean, I don't want you to forget about me and I want you to always remember me and that cash." he chuckled matapos niyang sabihin yun "But seriously, hindi naman kita sinisingil, wag mo na akong bayaran, please." Huminga na lang ako ng malalim saka binalik ang pera sa wallet. "And to be honest, you somehow tickled my interest." Pag-amin niya saka ngumiti, hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng pagkailang. "I'll see you more soon, thanks for the water!" sabi niya saka iyon inabot sa akin, hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng unit ko. Napasandal ako sa pader at bumuga ng hangin. Si Cloud, si Brick, magpinsan? Pusang gala naman oh! Ano bang meron sa dugo nila at ganun sila kakagwapo? ---------- Kinuha ko ang ticket ko papuntang Hong Kong kay Ron. Tapos na kasi ang final exams at obviously bakasyon na, at matagal na ring naka-book ang flight ko kasama siya. Huminto ako sa harap ng bahay nila Ron, medyo nahirapan pa akong ipasok ang kotse ko dahil maraming tambay sa daan at mga batang naglalaro, nag-iingat din ako baka magasgasan pa ng mga loko-lokong bata ang sasakyan kaya naman natagalan ako bago makapark sa harap nila Ron. Bumaba ako ng kotse. "RON!" sigaw ko mula sa labas, umiwas pa ako bigla ng may makulit na bata na nagtatakbo sa harap ko at muntik pang madapa "RON!" tawag ko ulit. Tinulak ko ang kinakalawang na nilang gate kasunod nun ang malakas na tahol ng aso nila na nakatali lang sa may gilid. "NOREEN!" salubong sa akin ng Mama ni Ron. "Tita!" bati ko rin saka nagmano sa kanya. "Kay gandang bata, halika tumuloy ka, naliligo si Ron, okay lang ba na antayin mo siya?" tanong ng Mama niya. "Okay lang po, teka kumusta na po kayo?" tanong ko sa kanya. "Mabuti naman iha, ito nga at nakakatayo na ulit, sinabi sa akin ni Ron ang mga tulong na binigay mo, maraming maraming salamat!" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko, ngumiti lang ako sa kanya. Nakita ko ang mga kapatid ni Ron na naglalaro yung iba naman nag-aaral, binati nila ako isa-isa bago ako tuluyang umupo sa upuan nilang yari sa lumang kahoy. Napalunok pa ako ng makita kong may dumaang ipis sa harap namin. "Pasensya kana Iha alam kong hindi ka sanay sa ganitong lugar pero saglit na lang din yun si Ron, sasabihan ko na lang na andito ka para magmadali na!" aniya saka ngumiti sa akin "Okay lang po, wag po kayong mag alala." I answered her and slightly raised my foot. "Gusto mo ng juice?" tanong niya, umiling na lang ako. "Okay lang po ako..." sagot ko na lang. Hindi ako madalas dito kila Ron pero isa ito sa mga tinakbohan ko ng mga panahong baon na baon ako. Masaya sila kahit luma at maliit lang ang bahay nila. Yung mga kapatid niya nahihiga pa sa sahig na gawa sa kahoy at mukhang komportable naman sila. "Aba senyorita, ano ang pinunta mo dito?" napangiti ako ng makita ko si Ron na palabas mula sa CR, nakabihis na ng pambahay. "Ron, kukunin ko lang yung ticket na pina-book ko sa iyo." sagot ko naman, busy na siya masyado sa shop matapos magsimula ang bakasyon, doon na rin kasi siya nag focus matapos iyon. "Ah yun ba? Wait lang Bessy kukunin ko lang sa kwarto." mabilis niya rin naman yung nakuha saka bumalik sa akin, pinaalis niya ang mga kapatid niya at pinalaro sa labas "Pasensya kana sa lugar, bakit kasi hindi mo na ako inantay sa condo mo?" tanong niya sabay abot ng ticket "O kaya pina forward na lang ito via email." "Bored na rin ako saka gusto kong lumabas!" sagot ko na lang saka nilagay sa bag ang inabot niya "Ano, makakasama ka ba sa akin?" tanong ko saka siya tinaasan ng kilay. "Naku Bessy..." sagot niya saka huminga ng malalim "Mukhang malabo, daming trabaho sa shop, isa pa sasamahan ko ang Nanay sa mga check-up niya!" "Ganun ba?" sagot ko saka nag-pout "Sayang naman yung isa pang ticket." "Ibenta mo na lang!" suhestyon niya, tinignan ko siya "Joke!" pahabol niya agad matapos ko siyang tignan "Isama mo na lang si Yaya mo!" dagdag na lang niya "I doubt!" sagot ko saka sumandal "Eh ang Mommy mo, bonding kayo!" sagot niya ulit na parang nang-aasar. "Uuwi pala ako bukas!" paalam ko sa kanya "Baka kasi dumaan ka sa unit..." "Aba himala!" sagot niya na parang may himala ngang nangyari "Kailangan ko kasi ng pera..." sagot ko "Ubos na ang pera sa debit card ko, isa pa gusto kong malaman kung bakit nila iniipit ang allowance ko and after that fly na ako papuntang Hong Kong!" "Ikaw bahala..." sagot na lang sa akin ni Ron, tumayo na ako saka nagpaalam sa kanilang lahat, hinatid na lang niya ako hanggang sa gate "Osige, mag-ingat ka ah!" paghabol niya sabi at tumango na lang ako. ------ Nakabalik na ako sa unit at kinuha yung ibang marumi para dalhin at ipalaba kay Yaya sa bahay. Tinawagan ko na rin siya para makapaghanda siya ng makakain ko pagdating ko doon. Luckily, wala sila Mommy at Daddy, meron daw business meeting sa Singapore, kaya ayun party ako sa mag-isa! Kahit papaano na-miss ko na rin ang kwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko saka pinikit ang mata ng biglang tumunog ang phone ko, binuksan ko iyon at nakita ko ang message ni Tita Elaine. 'Can you join us for dinner tonight?' Agad akong bumangon at binasa ulit ang message niya, I immediately replied yes at ngumiti ng malapad. 'Great! We'll wait you, okay?' Agad-agad akong tumayo saka binuksan ang closet ko, naghanap ako ng disenteng dress na pwedeng suotin at nakita ko ang dark pink na nakahanger sa may dulo. May fine lace yun na nakalagay sa may dibdib giving you a sexier look, ganun din sa may palda niya, pinili ko iyon along with the dark pink stilettoes. Tumingin ako sa wall-clock at agad na ring naligo, sakto lang ang oras ng pag-alis ko at pag-aayos kaya kailangan gumalaw na rin ako agad. "Saan ang lakad mo?" tanong ni Yaya matapos kong isuot ang sapatos ko, nagdala kasi siya ng juice sa kwarto. "Sa mga Del Rosario po!" sagot ko naman saka ngumiti sa kanya. "Kay ganda naman ng gayak mo iha!" puna ni Yaya "Anong meron?" "Dinner lang Ya, inaya nila ako." Sagot ko saka ngumiti "Paano kung dumating ang parents mo?" she asked saka nilapag sa kama ang tray na hawak. "Please tell them na lang na bukas na lang kami mag-usap, sabihin mo na lang din kung saan ako pupunta, hindi naman ako super late uuwi." tumayo ako agad saka bumeso sa kanya matapos kunin ang purse ko"Bye Ya." ----- "You look stunning, Noreen!" puri ni Tita Elaine sa akin matapos akong yakapin at halikan sa pisngi "I like your perfume too!" habol pa niya saka tumawa. "Thank you po!" sabi ko saka tinapunan ng tingin si Cielo, nakausot lang siya ng simpleng shirt at jeans kaya naman napangiti ako, simpleng lang talaga siya, to the point na aakalain mong lesbian siya. Inaya nila ako papasok at napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Brick na nakatayo sa gilid. Simple lang ang suot niyang plain white shirt at rough jeans pero sobrang gwapo at cool niyang tignan. "Brick!" bati ko sa kanya saka bumeso. "You two know each other na pala!" sabi ni Tita Elaine na parang nabigla. "We've met, through Cloud!" sagot naman ni Brick saka tumingin sa akin "I told you, I'll see you more after the last incident..." and we chuckled. Natigilan lang kami ng may humigam mula sa itaas ng hagdan. Napalunok ako ng makita ko si Cloud habang binubotones ang puting polo na suot. He rolled it up to his elbow, giving him a prim and proper look. He looks like a real gentleman and a really hot one. He wasn't wearing his glasses this time, nag contacts ba siya? "C-Cloud..." bulong ko na ako lang nag nakarinig. He looked at me at ewan ko kung bakit biglang nagwala ang dibdib ko. Namumula ang labi niya na kakabasa niya lang ng sariling dila. "Where's your Dad?" tanong ni Tita sa kanya "He'll be downstairs after a few minutes, let's just wait him sa dining area..." seryoso niyang sagot saka nauna ng naglakad papunta doon. Nag-kwekwento si Tita Elaine at Tito Sky habang nakikinig kaming lahat, minsan si Brick at Cielo din nagbibida pero hindi mo maririnig si Cloud na magsalita. Tahimik lang siya at paminsan-minsan nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. "Thank you at nakapunta ka dito." ani Tita Elaine ng pumunta na kami sa may garden para uminom ng tea "Wala naman pong masyadong gawain kaya okay lang..." sagot ko naman "Besides, bakasyon naman kaya free na free ako." "Wala ka bang ibang plano?" tanong pa niya "Bali sa susunod na araw po pupunta ako ng Hong Kong to do some shopping..." sagot ko naman "That's good, tapos pagbalik mo, maybe you can join us again? Family dinner ulit, malapit na kasing umuwi si Chloe..." sabi pa ni Tita "I want you to meet her..." "A-Ah sure po, it will be an honor!" sagot ko na lang. Nagpaalam si Tita sa akin matapos siyang ipatawag ni Tito Sky, iniwan niya ako kay Brick para daw malibang ako. Shempre si Cloud kasi busy sa pagtulala habang umiinom ng tea at si Cielo ewan ko kung nasaan na. "Akala ko hindi ka magtatagal dito?" I asked Brick "That was the original plan but since Ate Chloe will be here, I'll just wait for her before I'll go." mabait niyang sagot "I see..." sagot ko saka tumango. Naubos ko na ang tea kaya lumakad ako papunta sa may mini table para kumuha refill ng bigla akong natapilok at napadapa.Nabuhos sa dress ko yung laman ng teapot at nagmantsa sa buo kong katawan. "Are you okay?" biglang saklolo ni Brick, nahihiya akong tumayo at mabilis na pinunasan ang dress ko "Are you bleeding?" tanong pa niya matapos makita ang gasgas sa may palad ko. Nakagat ko ang labi ko matapos maramdaman ang hapdi doon, naisandal ko siguro iyon ng bumagsak ako. "I'm fine." sagot ko saka binawi ang kamay "It's o-okay!" "You're not!" sagot ni Brick "Exactly, that's why instead of asking her if she's alright, you should go inside and get the first aid kit." sabat ni Cloud saka hinigit ang kamay ko na may gasgas at tinignan iyon "Get some med before it gets infected!" sabi pa niya at sumunod na rin si Brick. Sungit talaga, kahit sa pinsan niya! Hinila niya ako saka pinaupo, humila din siya ng upuan at umupo sa harap ko. Nilabas niya ang isang white handkerchief at tinakip iyon sa may gasgas "Masyado ka kasing pasikat." rinig kong sabi niya kaya nagpanting ang tenga ko. "PASIKAT?" hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya "PAANO NAGING PASIKAT YUN-AHHH!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng biglang kumirot iyon ng ginalaw niya ang panyo "Bakit ba ikaw pa ang nagagalit?" tanong ko na lang saka kumunot ang noo. "Sino bang may sabi sa iyo na magsuot ka ng ganyang damit?" tanong niya saka tinignan ang medyo expose kong cleavage "May pinagpapasikatan ka ba?" "Bakit pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?" tanong ko at umiwas siya ng tingin "Sabi naman nila bagay sa akin ah!" himutok ko "Ayaw mo ba ng ganitong style?" sunod-sunod kong tanong. "Na turn off ka ba?" "Here is the med-" natigilan si Brick ng biglang tumayo si Cloud at binitiwan ang kamay ko. "Turned off?" he asked pero hindi makatingin sa akin "Noreen, I never felt turned on in first the place!" sagot niya saka padabog na umalis sa harap namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD