Chapter 20

2123 Words
Chapter 20 Noreen "Oh ano pinagmamaktol mo?" tanong sa akin ni Ron matapos akong magwala sa kanya sa telepono, eh paano ba naman na bwi bwisit ako kay Cloud kaya umuwi na lang ako agad, makapagsalita yung lalaking iyon kala mo talaga! "Yun nga, sabihan ba naman akong ganun! Sa harap pa ng pinsan niya! Yung rinig na rinig pa, edi nagmukha akong humahabol at patay na patay sa kanya no!" halos umusok na ang ilong ko dahil sa inis. Nakakabuset talaga! "AHHH!" sigaw ko saka tinapon tapon ang unan at hinila hila ang comforter sa ibabaw ng kama ko "Tumahimik ka nga, ang sakit sa tenga bakla!" sagot ni Ron sa kabilang linya. "EH KASI NAMAN EH!" ungol ko pa "Nabwibwiset lang ako lalo kung naaalala ko yung gwapo niyang mukha!" "Edi inamin mo din..." sagot ni Ron "Ang alin?" "Na gwapo talaga siya!" paglalakas niya ng boses. "Oo na, gwapo naman talaga siya, ganda pa ng kawatan, ayaw ko namang parusahan ako ni Lord dahil itinatanggi ko yun no!" sagot ko na lang. "So crush mo siya?" tanong niya, tumaas ang isang kilay ko. "ANOOO?" papiyok kong sagot "Anong sabi mo?" ulit ko. "Naku Noreen, kilalang kilala kita, kahit bilang ng split ends mo alam ko no!" sagot sa akin ni Ron "Ew! Wala akong split ends!" sagot ko na lang "Hoy bakla atin lang ito ah! Baka kung ano masabi mo sa hambog at walang pusong lalaki na iyon kung makasalubong mo siya!" "As if naman kaya kong magsalita pag nasa harap ko na si Cloud!" sagot naman ni Ron na mas malandi pa ang boses sa akin "I'm always breathless when he is near!" tili pa niya. "Teka, bakit telepono sa bahay niyo ang gamit mo? Di ka pa umuuwi sa condo mo?" "Hindi pa, dito na muna ako baka hanggang bukas or sa isang araw, wala na akong pera eh!" sagot ko saka humiga at tumitig sa ceiling. "Hindi ko pa nakakausap sila Mommy at Daddy, sa tono ni Yaya mukhang seryoso ang pag-uusapan namin..." "Alam mo dapat noon ka pa umuwi eh, ikaw lang naman itong matigas ang ulo!" sagot niya naman sa akin "Maiba tayo, napanuod mo na ba yung mga balita tungkol sa kompanya niyo? Totoo ba iyon?" "Ang alin?" tanong ko saka kumunot ang noo, hindi ko kasi pinapakialam ang mga issues sa kompanya, malay ko doon? Ang mahalaga padalhan nila ako ng pera! "Na magkakaroon ng bagong may-ari ang kompanya niyo!" imporma ni Ron. "HUH?" pagkabigla ko, I laughed hard because of that "As if my parents will let that happen!" sagot ko na lang "Don't worry Ron, chismis lang yun ng mga ibang walang magawa sa buhay, alam mo naman sa mundo ng business, kailangan minsan gumawa ng issue para mapag-usapan ng mapansin at makabenta, tignan mo mga artista, panay issues and scandals, kulang na lang ibenta ang sarili sa madla para sumikat at makadami ng kikitaing pera!" "Okay, sabi mo eh, concerned lang ako, shempre baka-" "Baka maghirap kami? Naku sa teleserye na lang nangyayari yan Ron, hindi kami babagsak ng ganun-ganon na lang." may pagkamayabang ko pang sagot. Maya-maya may kumatok mula sa kwarto ko, kumunot ang noo ko kasi sobrang lalim na ng gabi, andyan na kaya si Mommy? Sana bigyan na nila ako ng pera. "Sige, ibababa ko na, tatawagan na lang kita ulit, okay?" Tumayo ako saka sinuot ang flip flops ko na nasa gilid ng kama, I tied my hair up saka saglit na inayos ang sarili bago tuluyang binuksan ang pinto, nakatayo si Yaya sa labas at tumingin lang sa akin bago nagsalita. "Nasa baba sila..." tumango na lang ako saka sumunod sa kanya. "Bakit ngayon? Di ba pwedeng ipagpabukas?" tanong ko. "Noreen..." sagot na lang ni Yaya and I just rolled my eyes. Pagdating ko sa baba, nakita ko si Mommy na nakatayo, hawak ang cellphone sa kaliwang kamay habang may kinakausap, she looked at me saka tinaas ang isa pang kamay para sabihing mag-antay lang ako. She then hung up the phone at hinarap ako. "Buti umuwi kana..." sagot niya sa akin saka ngumiti "I miss you!" Dugtong niya saka ako niyakap ng maghigpit, napangiwi ako at biglang kinilabutan dahil sa narinig. I removed her arms na nakapulupot sa akin saka siya tinignan. "Mom? Seriously?" tanong ko na hindi ko alam kung mas kikilabutan ng tumango siya sa akin "Ew!" I commented saka naglakad palayo sa kanya. "Where's Dad?" I asked saka umupo sa may sofa "Kala ko ba mag-uusap usap tayo? Naku bilisan niyo na, baka marami pa kayong works, nakakaistorbo pa ako!" "I'm sorry dahil late nanaman kaming dumating..." sagot ni Mommy na malumanay, shocks kinikilabutan na talaga ako sa bahay na ito. "Nasapian ka ba Mom?" tanong ko saka nagpakuha ng maiinom kay Yaya "Come on, tell me what you want ng makauwi na rin ako sa unit ko." naiirita ko ng sagot. "Nothing, we just...w-we just want to see you, anak..." lumapit siya saka tinignan ako "Bukas, we'll have a family dinner, tayo lang, ikaw, ako and daddy mo, tell us what you want, we'll give it all to you!" biglang ngumiti ang pwet ko sa narinig. "Everything?" pagtatanong ko. "Everything..." "Okay, yung allowance ko please lang wag niyo ng i-hold!" sagot ko saka siya malapad na nginitian. "Ginawa ko lang yun para pauwiin ka dito sa bahay, it's been months since the last time you went home!" sagot niya Mommy na akala mo naghihimutok. Hindi bagay sa kanya. "Parang di naman kayo sanay, wala rin naman kayo madalas dito diba? What's new?" sagot ko and she just sighed. "Okay okay, you won!" inabot niya ang bagong mga cards sa akin "That's a new account under your name, pinasara ko na yung mga dati..." inabot ko iyon saka mabilis na binulsa "Balita ko pupunta ka ng Hong Kong next week, bakasyon mo na di ba?" "Wow! Totoo ba yan Mom? Pinapaimbestigahan mo na ako ngayon? Ayy!" saka ko kinagat ang labi ko bago nagpatuloy sa pag sasalita "Matagal na pala, alam ko naman na lahat ng galaw ko may nag-rereport sa inyo eh, by the way lumabas na ba yung grades ko? Nakita mo na? Alam ko nauuna ka pa sa portal namin eh, may bagsak ba ako?" I sarcastically asked her saka umirap. "Wala kang bagsak, you almost fail pero pumasa naman." See! Sabi ko na eh, baka kino-compute palang ng prof alam niya na ang grades ko eh! "Noreen..." biglang baba ng boses niya "May I ask you something?" "What?" "Are you in a relationship with someone these days?" nabigla ako, hindi ako nakasagot agad, I cleared my throat saka tumingin sa kanya. "You know na wala..." sagot ko saka tumayo "You know na t-there's no one after him, bakit mo ba natanong yan?" naiirita kong sagot "That's good!" sagot niya saka tumango-tango "Then, we'll not have any complications." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, she tapped my shoulder saka pumanhik na rin papunta sa kwarto niya. --------- Balik condo na ako, aba shempre bumalik na rin yung pera ko eh pero nagulat ako ng may invitation akong natanggap after a few hours. "Party?" basa ko doon, "Isang formal party huh?" tuluyan kong binuksan ang invitation, birthday party pala ng nag-iisang anak ng mga Alegre, ang major stock holder ng pinakamalaking TV station sa bansa ngayon. "Mom?" sagot ko ng tumunog ang phone ko "Natanggap ko na, kung tatanungin mo yung invitation, di ako pupunta!" "Noreen, si Vanessa mismo ang nagpadala niyan para sa iyo, alam mo naman na gusto nun na mapalapit sa iyo di ba?" yung feeling maganda na babaeng iyon? Ang arte arte akala mo naman maganda. "Hindi kami close!" sagot ko na lang, feeling ko gusto niya lang makipagkaibigan sa akin dahil minsan ko siyang pinag tanggol sa mga nang bu bully sa kanya nung gradeschool pero di naman yun talaga ang intensyon ko that time, nakaharang kasi sila sa daan kaya pinaalis ko lang. "Isa pa sabi ko naman sa kanya wala siyang utang na loob sa kain, bakit ba ang pilit niya?" naiirita ko nanamang sabi. "Noreen, malaki ang tulong ng TV Station nila sa pagpro-promote ng Wise Telecom, karamihan sa mga endorsers galing sa kanila, kahit papaano dapat tayong makisalamuha, ipapadala ko na lang yung susuotin mo bukas, aantayin ka na lang namin ng Daddy mo doon!" and she ended the call. ------- Hindi ako mapakali sa loob ng unit kaya inaya ko si Ron na lumabas muna, kumain kami sa isang ice cream parlor saka naglakad lakad saglit. "Kumusta ang shop?" tanong ko sa kanya. "We are growing big." sagot ni Ron sa akin saka ngumiti. "Good! Gusto mo sumama sa akin bukas?" tanong ko, tinignan niya ako "Party, nga mga Alegre!" nanlaki yung mata niya. "Yung may ari ng Channel 11?" tanong ni Ron, tumango ako "Baliw ka ba? Wala akong invitation, di ako gatecrasher no!" -------- "Alam ko Ron, sobrang ganda ko!" sabi ko na lang ng lumabas ako ng kwarto habang suot ang gown na pinadala ni Mommy, it was a black formal ball gown na bukas sa likod. "Shempre ako nag-ayos sa iyo eh!" pagmamalaki pa ni Ron "Mag tayo na rin kaya ako ng salon?" pagloloko niya. Siya ang driver ko at magpapasundo na rin ako sa kanya mamaya. Inalalayan niya ako hanggang sa makababa ako sa tapat ng hotel na venue ng party. Naka formal ang lahat, maraming reporters and photographers sa paligid ng lugar, naka red carpet pa papasok doon sa loob. "Artista ba yan? Artista ba yan?" naririnig kong bulungan ng mga photographers, I looked at them and smiled saka nila ako sabay sabay na kinunan ng pictures. Sakto namang dumating ang kotse nila Mommy, agad silang nakilala ng mga reporters kaya pinaulanan sila ng litrato, lumapit si Mommy sa akin saka bumeso, she put her hand around my waist saka sabay sabay kaming tatlong humarap sa mga tao. "Ahh Del Vega, nag-iisang anak na mga Del Vega!" rinig ko pang sabi nila. "You look great!" puri ni Mommy. "Thanks to you!" sabi ko na lang, bumeso na lang din ako kay Daddy na pormal na pormal as usual. Nakapasok kami sa loob, puro mga bigating tao, karamihan mga artista ng TV Station nila, muntik akong mapatili ng makita ko si Rylle Villaflor! Grabe ang gwapo naman talaga niya, sobrang gwapo talaga, oo na mas bata siya sa akin pero dahil kaya niya ng gumanap ng mature roles at nagiging leading man na rin siya sa ibang pelikula, naitatago ang tunay na edad niya. Pinapartner na rin siya sa mga mas matatandang babaeng artista kumpara sa kanya, swerte lang nila! Lumapit si Mommy sa mga Villaflor at Del Rosario na nasa isang circle, wala si Cloud at Cielo, si Tita Elaine at Tito Sky lang ang andito, binati ko rin ang mag-asawang Villaflor na siyang namamalakad ngayon sa Villaflor's Creations, grabe kaya naman pala ang gwapo ni Rylle, ang gwapo gwapo din pala ng daddy niya! "Noreen, you look great!" puri ni Tita Elaine, ngumiti ako. "Kayo rin po..." sagot ko naman. "Cloud is here somewhere..." sabi niya saka tumingin sa paligid "Hmm hindi ko lang alam kung saan..." saka siya tumawa. "A-Ahh it's okay po, baka nasa paligid lang, excuse me, I'll go get some drinks!" paalam ko sa kanila. May nakasalubong ako waiter kaya binigyan niya ako ng isang cocktail drink. Naglakad lakad ako hanggang sa makita ko ang isang familiar na likod. "Masakit ba?" tanong ko ng makita ko kung saan siya nakatitig. "What are you doing here?" tanong ni Cloud habang nanlilisik nanaman ang mga mata. "You are so pathetic!" Sagot ko saka sinalubong ang tingin niya "Look at them, Mia is obviously flirting with that actor, tignan mo ang photographers na kumukuha sa kanila, pinapabayaan lang nila kasi yun ang gusto nilang lumabas sa public, na sweet sila, pero i-de-deny nila na dating na sila, para ano? Para lalong pag-usapan!" Hindi niya ako sinagot, he was about to walk out ng bigla kong hinawakan ang braso niya. "Ayaw kong isipin mo na may gusto ako sa iyo but I want you to pretend that you're with me tonight!" Nabigla siya, obvious yun sa pagkakatitig niya sa akin, ngumisi ako matapos inumin ang cocktail drink sabay balik sa tray ng nagdaang waiter "Let's see kung anong magiging reactiong ng ex mo!" sabi ko saka hinawakan siya sa kamay at hinila palapit sa direksyon nila Mia. "N-Noreen..." rinig kong bulong niya pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. I even wrapped my hand on his arm. "Don't move, sige ka iisipin ko na gustung-gusto mong maramdaman ang dibdib ko sa braso mo kaya nag-gagalaw ka!" banta ko at napangisi ng bigla namula ang tenga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD