Chapter 21
Noreen
"HI!" bati ko kay Mia habang mahigpit na hinawakan si Cloud. He couldn't look at her, umiwas pa siya ng tingin at ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Mia looked at me at sa kamay namin ni Cloud, lalo akong ngumiti ng malapad at kulang na lang ngisian ko siya. "You're here..." sabi ko na feeling close.
"I am..." sagot niya na parang nailang "Hi, Cloud..." bati niya sa kanya, Cloud just looked at her.
"Kanina pa kayo?" maarte kong tanong "And who is he?" tanong ko sa artista na kasama niya, kitang kita ko kung paano bumuka ang bibig niya dahil sa pagtatanong ko ng ganun, shempre artista siya at insult sa kanya na hindi ko siya kilala.
"A-Ahh he is Jerome..." pakilala niya.
"Boyfriend? Or loveteam? Oh wait artista rin ba siya?" halata na sa tono ko ang pang-aasar , kitang kita ko ang pamumula ng kasama ni Mia.
I felt Cloud's grip, alam kong sinasaway niya ako pero di ko siya pinansin, bakit ba? Eh nag-eenjoy ako eh!
"He's my loveteam, Miss Noreen..." sagot ni Mia, ngumiti ako ng malapad.
"Yes naman, kilala mo rin pala ako, sabagay you should know all the people here, lalo na yung mga makakatulong sa pagsikat mo, have you met my mother? Ayy oo nga pala, you work for our company di ba? You do the promotions?" nginitian ko siya, she can't look at me.
Naiinis talaga ako sa babaeng ito, lalo na nung narinig ko ang pinagsasabi niya kay Cloud nung nasa mall. Kala mo sikat na sikat na, makaasta!
"Yes, d-dati..." sagot niya ng totoo sa akin, ngumisi ako.
"Ahh ikaw ba yun? Yung pinalitan agad kasi-"
"Noreen!" napatingin ako kay Cloud, he was looking at me, giving me a warning look. Sinagot ko ang titig niya. I closed my fist saka tinignan ulit si Mia.
"As I was saying, both of you should really work hard para maabot niyo ang dream spot niyo, lalo kana Mia..." sabi ko saka lumapit pa lalo kay Cloud.
"You've lost or should I say you've given up someone important in your life for all of these di ba?" hindi siya nakasagot "I hope you're happy, well you really should be happy, regards to the both of you!"
Sabi ko na lang. I was about to say something more ng bigla akong hinila ni Cloud palayo sa kanila.
He is mad, I know and I don't care.
"YOU'RE SUCH A LOSER!" sigaw ko sa kanya ng mahila na niya ako sa walang tao. He looked at me furiously, namumula ang mukha at naniningkit ang mga mata. Tagos sa salamin niya ang titig niyang halos makapatay na.
"And what do you want me to do? Do what you did?" matigas at mahina niyang sabi, nanggigigil siya pero nakakapag pigil pa "You shouldn't have done that!"
"Bakit? Kasi napahiya sila? Bakit Cloud, hanggang ngayon ba mahal mo parin ang Mia na yun?" hindi siya nakasagot "Tell me! Bakit ba ang tanga-tanga mo? Sobrang tanga mo!"
"You shouldn't have done that!" ulit niya saka tumitingin sa paligid.
"I DID IT FOR YOU! I DID IT FOR YOU DAHIL ANG TANGA MO NA UMASA PA SA KANYA! I DID IT-"
"EXACTLY!" sigaw niya na natigilan ako "You shouldn't have done that, lalo na kung para sa akin, you're not that low!" tinalikuran niya ako but I pulled his arm kaagad.
"C-Cloud..." lumunok ako saka lumapit sa kanya "I'm sorry..." nakita ko na huminga siya ng malalim saka ako hinarap, wala na ang galit sa mukha niya kanina "Nainis lang k-kasi ako, ikaw kasi, nakakainis ka rin!"
"Noreen."
"Totoo naman eh, ang sarap kayang asarin yung-"
"Noreen."
"Fine! Sorry na, di na mauulit, wag kana magalit..." sabi ko saka tumingin sa malayo, hawak ko parin ang sleeve ng tux niya. Hindi siya gumalaw kaya kumapit ulit ako sa braso niya.
"Balik na tayo sa loob?" Tanong ko, hindi siya sumagot pero naglakad siya kasama ko, ewan ko ba, bigla akong kinilig ngayon! AHIHIHI!
--------
Hindi mawala ang ngiti ko hanggang kinabukasan, napansin ni Ron ang mga iyon kaya chinika nanaman ako ng bakla!
"Ikaw huh, mga galawan mo huh!" sita niya sa akin saka kumagat sa saging na nakahanda sa mesa "Ano? Kilig to the max ka nanaman bakla!"
"Oi hindi ah! Natuwa lang ako kasi nakita ko yung mukha ni Mia na yun sa ganung situation, alam mo Ron kung nakita mo lang si Cloud dati, maaawa ka sa kanya habang pinagsasalitaan siya ni Mia ng masama..." Sagot ko na lang saka nag transfer ng gatas sa baso.
Kinuha ko ang rubber pony tail sa wrist ko saka tinaas ang buhok. Tumunog ang doorbell at binigyan ko ng pera si Ron dahil dumating na yung in-order naman para sa breakfast.
"Bumalik nanaman pala ang yaman mo, kaya napakasaya mo ngayon!" komento niya at kinindatan ko na lang siya. He shook his head saka lumabas at kinuha ang dumating, kumain na rin kami agad pagbalik niya sa dining room.
Nakakamiss rin pala ang school kahit papaano, well nakakatamad kasi dito sa condo, panay panunuod ng movies at series ang inaatupag ko, bihis na si Ron at bihis na rin ako, sasama ako sa kanya sa shop ngayon baka kasi maging bato na ako dito sa loob ng condo.
Maraming customers ngayon, nakakapagod pero kailangan ko rin silang tulungan. Kahit term break, marami parin kaming mga customers, karamihan parin mga estudyante at yung iba napadaan lang. Yung tea shop namin unti-unti ng nagiging café, Ron managed to add some spice kasi sa menu, he offers bread products na rin, nakakatuwa kasi di niya pinapabayaan ang business namin.
Tumunog yung wind chime "WEL-" natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang dumating, naka casual wear lang siya, printed shirt, stripped shorts at slippers, nagtama ang tingin namin, hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko pero the next I thing I know, malapad na akong nakangiti sa kanya.
"PAPA CLOUD!" tili ni Ron, lumapit siya agad sa kanya saka hinila at pinaupo sa vacant chair, he wasn't looking at me, akala ko kung ano na ang rason kung bakit tumili ulit si Ron eh, yun pala dumating rin si Brick, naka tank-top and shades din siya, he removed his aviator shades saka ngumiti sa akin, I smiled back.
"Ano ba yan? Ano bang meron ngayon at binibisita tayo ng mga kalahi ni Hercules!" pagloloko ni Ron, sinundo niya rin si Brick mula sa pinto kaya natawa ito.
"Good to have both of you here..." bati ko saka inabot ang menu, Brick smiled but Cloud didn't. Okay lang, sanay na ako.
"Actually pumunta talaga kami dito dahil sa iyo." Brick said habang nakatingin sa menu "I'm throwing a party, I want you to be there!" napatingin ako kay Cloud, nakakunot lang ang noo niya at nakatingin sa isang direction, he doesn't talk nor give any reactions.
"Party? For what?" I asked.
"Just for fun!" Brick answered me saka tumawa "Are you cool with that?" he asked, tumango ako.
Cloud clicked his tongue, kapwa kami napatingin ni Brick sa kanya.
"Don't mind him, we'll have our orders ready-to-go, is that okay?" tanong pa niya ulit.
"Oo naman, just wait for a couple of minutes..." sagot ko.
-------
Nauna akong umuwi sa condo, hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Cloud. I took a deep breath saka kinuha ang phone ko, I used iMessage and sent him a message, agad niya rin yun nabasa, kita ko eh! I bit my lower lip while patiently waiting sa reply niya.
Noreen: Hey! Still up?
(Read: 10:19 PM)
Noreen: Alam ko binabasa mo kaya mag reply ka naman!
Type ko agad matapos walang matanggap na reply mula sa kanya.
Cloud: Do I have to confirm it?
Noreen: Sungit mo talaga!
Hindi na ulit siya nagreply pero alam ko nabasa niya na yung last message ko. Grabe lang talaga itong lalaking ito! I tossed my phone saka humilata. Ginulo ko ang buhok ko saka nagsisigaw matapos maguluhan sa nararamdaman ko ngayon.
"Hay! Bakit kita iniisip?" kausap ko sa sarili ko, I bit my lower lip saka inabot ang unan at hinampas hampas sa headboard ng kama ko "Ang gulo gulo mo lang, minsan napakabait mo, pero madalas napakasungit mo, hindi ko na alam kung may pag-asa ba ako sa iyo o wala eh!" natigilan ako sa paghampas ng unan.
"WHAAT? ANO SABI MO NOREEN? MAY PAG-ASA?" sinampal sampal ko ang sarili ko, nakakabaliw pala ang ganitong pakiramdam no? Umupo ako saka bumuga ng hangin, gulo gulo ang buhok ko dahil sa pagwawala kanina.
Bakit ganito? Bakit iniisip kita? Bakit naiinis ako kay Mia? Bakit gusto kitang makausap? Bakit gustung-gusto kong makita ang mukha mo? Bakit? Bakit Cloud? Bakit mo ginagawa sa akin ito?
"AHHHHHHH!!!!!!!!" sigaw ko na halos lumuwa na ang vocal chords ko.
Kumuha ako ng ice cream sa fridge saka nilantakan sa harap ng tv. Nasa sala ako ng may biglang nag doorbell, baka si Ron na! Hawak hawak ko ang malaking lalagyan ng ice cream habang subo subo pa ang kutsara na punong puno nun. Hindi ako nakasuklay at gulo gulo pa ang mukha ng binuksan ko ang pinto.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Cloud na nakatayo sa likod ng pinto. Hindi siya nakatingin sa akin, sa pinto siya nakatingin habang namumula at hawak ang isang paper bag.
"OH!" abot niya sa akin nun, tinanggap ko naman. Napatitig siya sa akin ng humarap siya, doon ko naalala ang itsura ko, agad akong namula at nahiya.
"A-Ahh k-kala ko kasi si Ron, kaya di na ako nag-ayos, a-ahh gusto mo?" alok ko na lang ng ice cream sa kanya. He just looked at me at sa ice cream na hawak ko.
"Paano ka makakatulog niyan kung puro matamis ang kinakain mo?" he said.
"A-Ahh hindi nga kasi ako makatulog, t-teka bakit andito ka? Kala ko nag stay ka muna sa inyo ngayong term break? Saka ano ito? Saan galing?" binulsa niya ang mga kamay niya bago nagsalita, he looked away again bago ako sinagot.
"Marami akong school works na dapat gawin, hindi ako makapag-concentrate sa bahay, galing kay Mommy yan, akala ko tulog kana kanina kaya ngayon ko lang naibigay..."
"So, nasa kabila ka lang nung nag message ako sa iyo?" tinignan niya ako na parang nag-sasabing, commonsense naman oh! Kinagat ko na lang ang labi ko saka ngumiti "Sabi ko nga!" pahabol ko na lang "Andyan ba si Brick?" bigla kong tanong.
"Bakit? Gusto mo siyang makita?" masungit niyang tanong.
"A-Ah? Hindi naman, tinatanong ko lang, kasama mo-"
"Wala na siya, umuwi na!" sagot niya saka ako tinalikuran bigla.
"A-Ahh. Thank you pala dito!" pasigaw ko ng sabi dahil mabilis na siyang naglakad pabalik ng unit niya. I closed my door and squealed.
Kaya ba Cloud? Kaya ba hindi ako makatulog dahil iniisip mo din ako kanina?!