Chapter 22
Noreen
Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Mommy at Daddy dahil halos araw-araw nila akong isinasama sa mga business parties na pinupuntahan nila. Naiirita ako pero hindi ako makatanggi, minsan lang kasi makiusap sa akin si Mommy ng matino at puro bribe pa!
The last time, we had a dinner party with the Alejandros and Casagrande. hindi ko sila maintindihan puro merging sa company pati kung anu-anong investments ang pinag-uusapan nila. I just sat there o kaya naglalakad lakad palibot sa lugar, in all fairness magaganda ang places na pinipili nila during dinner parties.
Hindi ako nag-stay sa bahay, I always insists na uuwi ako ng condo. Hindi makakauwi si Ron ngayon, birthday kasi ng kapatid niya, wala naman akong maisip na iregalo kaya yung ticket ko na lang papunta sa Hong Kong ang binigay ko, bahala na si Ron mag ayos nun, besides tinatamad na rin akong pumunta at saka may mga lakad na rin akong iba sa araw na iyon.
I had dinner pagdating ko sa condo, bukas ng maaga pupunta ako sa training center for my swimming training, medyo hindi ako nakapag-focus dahil sa busy ko school. Seryoso, these past few months hindi na ako makapag-focus on swimming, feeling ko unti-unting nababago ang buhay ko, yung tipong dumadami ang pinapasan ko kahit wala pa naman. Sigh.
Last Monday, tinanong ako ni Coach kung kaya ko pang maki-compete, kung itutuloy ko pa ang passion ko sa pagswi-swimming, madalas kasi akong mag skip ng trainings at hindi na rin ako pumupunta tuwing meetings.
Mommy had my schedule already, she asked me kung pwede ko ba daw ng tigilan ang pag swi-swimming, actually no hard feelings for it eh, I can give it up, lalo na ngayon feeling ko maraming bagay ang darating.
--------
I was changing my clothes, matapos iyon lumabas na rin ako, I called my coach to tell about my plans, sinabi ko rin na hindi na kakayanin kung idadag dag ko pa ang swimming sa responsibilities ko, isa pa ang hirap pagsabayin ang pagiging athlete at graduating, mas lalo pang magagalit sila Mommy sa akin kung bumagsak ako dahil dito. Mas kailangan ko ng oras sa studies saka sa beauty ko, ayaw ko masyadong ma-stress, nakakabawas ng ganda.
Wala na siyang nagawa, it was my final decision, tumawag na rin siya sa school head para i-inform ang tungkol dito, I thanked him and said my goodbye.
Bitbit ko ang bag ko ng nakasalubong ko si Cielo, she smiled at me. We did some chikahan and she even managed to ask me about the real score between me and Cloud.
"Walang ganyan!" sagot ko saka maarteng ngumiti sa kanya, she looked at me with meaning, as if she was teasing.
"I can hear Mom and Dad talking about you!" sagot niya sa akin "Even Kuya!" she said.
"Your Kuya? He is talking about me?" I asked.
"Sometimes..." she answered "Pero madalas tahimik lang siya." tumango na lang ako, I was about to ask more ng bigla siyang nagpaalam "I have to go, marami pa rin kasi akong gagawin, hahabulin ko pa din si Daddy after this!" paalam niya and I just waved at her.
I tossed my bag inside my car. I took a deep breath bago binuhay ang makina. I looked at my wrist watch bago tuluyan ng umalis ng lugar. Nakauwi ako ng mas maaga sa condo, I called Ron immediately to inform him na gusto kong mag-saya tonight, just like the old days.
"Bessy, club tayo later!" bungad ko agad sa phone ng sagutin niya iyon. Naririnig ko ang mga salita ng tao sa background, nasa shop nanaman siya.
"Sige, antayin mo ako!" sagot niya na lang at ibinaba ko na ang phone, I took a nap, gigisingin naman ako ni Ron pag dumating yun eh.
----------
I wore my party dress. Nagdala na rin ako ng maraming cash, Ron is with me tonight kaya kampante naman ako. I wore heavy makeup, si Ron nag-ayos ng buhok ko. I put on my earrings and bracelet and I am ready to go. I insisted na ako na ang mag drive. Pumunta kami sa usual club na pinupuntahan namin, club owned by Villaflors.
Maraming tao as usual, maingay, malakas ang music. Agad akong umorder ng heavy drink saka nagsayaw sa gitna. Nakailang shots ako, ganoon din si Ron, mas marami pa nga ata siyang lalaking nakasayaw kesa sa akin eh.
I patted Ron's shoulder when I got tipsy, he nodded at me matapos kong ituro ang sofa, I think I need to slow down a bit, natamaan na ako sa mga ininom ko eh!
Sinandal ko ang ulo sa sofa matapos makaramdam ng pagsusuka. I closed my eyes and after a moment doon ko naramdaman na may lumapit sa akin at humawak sa binti ko, pagbukas ko ng mata ko, I was startled ng makita ko ang walang hiya na si Derick!
"Hi baby girl!" bati niya sa akin, I was shocked "Grabe, you look hotter now!" dagdag pa niya, agad akong tumayo pero hinawakan niya ang wrist ko, nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas para sa akin.
"Where are you going? Spend some time with me, just like the old days..." sabi niya na may halong kabastusan.
Inangat ko ang kamay ko sa malakas na hinampas sa pisngi niya, natapon ang hawak niyang alak at galit na tumingin sa akin.
"f**k YOU!" he shouted na sakto naman sa paghina ng music sa loob ng club, we attracted some of the people's attention dahil sa pagsigaw niya.
"LEAVE ME ALONE!" sigaw ko at akmang pupuntahan si Ron sa dance floor para ayain ng umuwi pero malakas niya akong hinila at pinaupo sa sofa.
"Kung umasta ka kala mo virgin ka!" he said saka mabilis na hinawakan ang magkabilang kamay ko, I shouted for help, hindi rin ata ako mapansin ni Ron dahil nilalandi na siya ng kasama niyang lalaki.
"Sige, sumigaw ka, kala mo matutulungan ka nung bakla mong kasama? Parehas kayo nun, gutom sa lalaki!" sabi pa niya saka biglang pinagtulakan ang sarili sa akin.
Nagpupumiglas ako at nagsisigaw ng biglang tumigil si Derick matapos may humila sa kanya, sinuntok siya at napasubsob sa sahig.
"I TOLD YOU NOT TO LAY YOUR HANDS ON HER!" sigaw niya kay Derick, nakatalikod siya at hindi ko makilala dahil sa sobrang dilim at paiba-ibang ilaw sa loob ng club.
Kwenelyohan niya si Derick saka binigyan pa ng ilang malakas na suntok, biglang dumating ang dalawang lalaki, doon ko nakita na si Cloud pala ang dumating matapos nilang hilahin siya at suntukin din, pinagtulungan nila si Cloud but Cloud managed to fight back.
"Del Rosario ka di ba?" biglang sabi ni Derick ng makatayo siya, tinulak ni Cloud ang lalaking nakahawak sa kanya saka pinunasan ang labi at galit na tinignan si Derick.
"Gusto mo siya?" tanong ulit ni Derick saka ngumisi "Sige, sa iyo na siya, total tira tira ko naman na yan eh!" bigla akong nanginig at napaiyak matapos marinig iyon, marami ng taong nakatingin sa amin at tumigil na rin ang tugtugan sa loob ng club, nakita kong nagtatakbo si Ron palapit sa akin saka ako mabilis na niyakap.
Wala akong nagawa kundi umiyak dahil sa sobrang galit! Lahat! Lahat ng kawalang hiyaang sinabi ni Derick, alam ng Diyos na hindi totoo!
Galit ako! Sobrang galit ako dahil di ko magawang ipagtanggol at linisin ang pangalan ko. Galit ako, galit ako dahil obviously hanggang ngayon, Derick can still hurt me!
"I'll put you in jail for this!" banta ni Cloud.
"Kung kaya mo!" sagot naman ni Derick "Hindi mo ako kilala..." nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Cloud "Siguro nga gusto mo siya kaya lagi mo siyang pinagtatanggol pero Pare, payong kapatid lang ah, kung ayaw mong kung kani-kanino nagpapatira yang babae mo, bantayan mong mabuti, madaling sumama yan sa-"
Hindi na niya napagpatuloy ang pagsasalita niya ng bigla siya ulit sinuntok ni Cloud. Mabilis at malalakas ang mga suntok na iyon, kahit ang mga kasama ni Derick hindi siya napigilan, dumating na rin si Brick na may kasamang mga guwardiya, siya na rin ang umawat kay Cloud.
"Cloud, stop it!" rinig kong sabi ni Brick saka niya hinawakan ang pinsan niya. I was shaking and crying matapos mapahiya dahil sa pinagsasabi ni Derick, kitang kita ko ang pagtingin sa akin ng mga tao, lalo na ng mga babae mula ulo hanggang paa.
"Dalhin niyo na yan sa labas at kung nanggulo pa, ipakulong niyo na!" utos ni Brick.
Hinawakan ng guard si Derick pero winaksi niya iyon, ngumisi siya saka tinignan si Cloud matapos bumaling sa akin "Di pa tayo tapos!" banta niya saka parang asong ngumisi at umalis ng lugar.
Cloud was standing there, pinapakalma ako ni Ron at paulit ulit na humihingi ng sorry, hindi ko siya pinansin dahil mas gusto kong malaman kung ano ang nasa isip ni Cloud ngayon.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Brick saka hinamplos ang buhok ko, I just nodded at him, pinunasan niya ang mga luha ko, doon ko nakita na naglakad palayo si Cloud without even looking back. Tinanggal ko ang kamay ni Brick saka hinabol siya palabas ng lugar.
"C-Cloud!" pigil ko sa kanya, tumayo ako sa harap niya at doon ko nakita ang dumudugo niyang labi, pupunasan ko sana iyon pero iniwas niya, tinanggal niya din ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"C-Cloud, I'm sorry, ple-" natigil ako ng naglakad siya without even listening to me. Hinabol ko siya saka pinigilan ulit "Look, hindi ko alam na andito siya, hindi ko alam na he is capable of doing that, I'm sorry kung nasaktan ka dahil sa akin, I'm sorry dahil-"
"Dahil nagpapahawak ka lang kung kani-kanino?" tanong niya that caught me off guard, hindi ako nakapagsalita, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya "Na sumasama-sama ka lang kung kani-kanino?"
"C-Cloud that's not true!" sagot ko na halos maiyak ulit sa harap niya.
"Then how can you explain to me what you did there?" tanong niya habang nakaturo ang kamay sa club "Ilang lalaki ang sinayaw mo?" napalunok ako "Ganyan ka ba kalakas uminom?" may diin ang bawat salita na lumalabas sa mga labi niya.
"C-Cloud, I'll explain, I am j-just here to have some fun, feeling ko kasi andaming nangyayari ngayon and I want to-"
"And this is what you call having fun?" he looked straight into my eyes, narinig ko na rin si Ron at Brick palapit sa amin "You like men touching you, don't you?" tanong pa niya na tumama sa p********e ko, sinampal ko siya matapos iyon. Narinig kong tumili si Ron. Lumapit din si Brick sa amin saka tumayo sa pagitan naming dalawa.
Nakita ko na mas lalong dumugo ang putok na labi ni Cloud, agad akong pumikit at napakagat sa sariling labi, lumapit ako sa kanya.
"I'm s-sorry..." hingi ko agad ng tawad pero tinanggal niya ang kamay ni Brick saka agad na sumakay ng kotse niya at mabilis na umalis ng lugar.
-------
I can't sleep that night, even the following day parang may tumutusok sa akin para lumabas. I grabbed my phone and wallet, binuksan ko ang pinto ko at napatigil ako ng makita ko si Cloud na nakatayo sa harap ng unit niya, he was about to enter his unit ng naglakas loob akong tawagin siya.
"Cloud!" tawag ko, saka lumapit sa kanya, kita ko parin ang bakas ng sugat sa gilid ng labi niya dahil sa nangyari nung isang gabi "I'm sorry..." sabi ko agad, tumigil siya sa tuluyang pagbukas ng pinto at nakinig sa akin, sinamantala ko iyon para magsalita pa.
"I'm sorry for causing you trouble, I called Mom and Dad about it, they had it arranged, naka blotter na si Derick at kung lalapit pa siya sa akin, dadamputin na siya ng mga pulis, they had him informed too about it..." wala siyang imik, nakahawak lang siya sa handle ng pinto at nakatingin doon "About that night, sorry, sorry dahil sa inasta ko, I shouldn't have-"
"Why are you apologizing to me?" he asked saka ako tinapunan ng tingin.
"D-Dahil, D-Dahil ako ang dahilan kung bakit, k-kung bakit ka nagkaganyan..." I honestly said "Wag kanang magalit sa akin, andoon lang talaga ako para mag loosen-up, kahit tanungin mo pa si Ron, wala-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng agad siyang pumasok sa unit niya without fully listening to what I am saying, malakas niyang sinara ang pinto at naiwan akong parang tanga doon.
I took a deep breath at biglang nanlumo. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang dulo ng mga mata ko matapos niya akong hindi pakinggan. I was on my way papasok ulit ng unit ko ng tumunog ang phone ko. I answered it without looking at my screen.
"Noreen, are you okay?" I didn't answer back "This is Brick, please tell me you're okay..." ang bigat ng pakiramdam ko at lalong sumama iyon matapos ang pag-uusap namin ni Cloud.
"C-Can I see you?" I asked him without even thinking.
"Of course, I'll pick you up!" sagot niya.