Chapter 23
Noreen
It was the most boring and longest term break I ever had. Naiinis ako. I can't sleep at pagulong gulong ako sa kama ng bigla akong nahulog "AAHH!" I shouted habang sapo sapo ang pwet dahil sa pagbagsak.
"Yan kasi, kung anu-ano ang ginagawa!" sita ni Ron sa akin habang busy sa paggamit ng laptop ko. Inaayos niya ata ang financial report ng shop namin.
"Anong yan kasi? Makasalita ka kala mo wala kang kasalanan sa akin ah!" sagot ko at doon niya ako nilingon, nakonsensya ata siya kaya siya tumayo at lumapit sa akin, bumalik ako sa kama saka niyakap ang unan. I looked at him in despair.
"Sorry na, hindi ko naman aakalain na ganun ang mangyayari, hindi ko naman alam na ganun maglaway sa iyo ang hayop na iyon kaya aabot sa ganun ang eksena na ginawa niya!" Ron reasoned out. I just rolled my eyes.
"Pati pa tuloy si Cloud, galit sa akin!" paghihimutok ko.
"Bakit di ka sumama kay Brick?" tanong ni Ron, I just looked at him.
"I don't think that's the right thing to do..." sagot ko na lang matapos kong tawagan ulit si Brick at sabihing masama ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim saka kinagat ang pang-ibabang labi. "I feel hopeless, alam mo yun? Ang bigat sa pakiramdam!"
"Gusto mo pumunta ng Hong Kong? Pwede kong bawiin ang ticket-"
"NO!" agad kong sagot kay Ron "It was a gift, don't ever think na pwede mong bawiin sa kapatid mo yun, isa pa hindi mo ba nakita kung gaano siya kasaya nung sinabi mo yung regalo ko?" tumingin lang sa akin si Ron. "Don't worry, okay? Kung gusto kong pumunta doon, I can buy as many ticket as I want..."
"Kumain ka muna." Sabi niya matapos lumabas at gumawa ng sandwich sa kusina. Nagdala siya ng freshly squeezed lemon juice saka inabot sa akin.
"I don't feel like eating." Sagot ko saka tumulala.
"Noreen, kailangan mong kumain, bukas may lakad ka nanaman kasama ang parents mo, gusto mong pumangit?" tanong ni Ron. I looked at him "So kumain ka!" pagtatapos niya ng usapan.
I took some bite pero hindi ko iyon naubos, for me walang lasa ang mga pagkain. I grabbed my phone at ilang ulit na bumuntung-hininga habang nakatitig sa number ni Cloud. I want to call him, I want to talk to him pero siya, gusto ba niya?
Tumayo ako saka kinuha ang first aid kit ko. Dinala ko din yung sandwiches na ginawa ni Ron. Nakatitig lang si Ron sa akin at nakita ko na napailing pa siya ng makita akong lumabas ng unit.
Huminga ako ng malalim bago nag doorbell sa harap ng unit ni Cloud. Naka tatlo, apat na beses akong nag doorbell pero walang nasagot o nagbukas.
Pinindot ko ang intercom saka humarap sa camera na nasa gilid ng pinto niya.
"Hey, it's me Noreen, brought you some sandwiches saka first aid kit. Please treat your wounds. Again I'm sorry." Sabi ko na lang saka binaba ang mga dala sa harap ng pinto niya.
Alam kong nasa loob siya, ayaw niya lang akong labasin. Bumalik ako sa unit ko at saglit na inantay siyang lumabas hoping na lalabas siya at kukunin ang dala ko pero hindi niya ginawa iyon.
Huminga ulit ako ng malalim saka sinara ang pinto. Nabigla ako ng hinila ako ni Ron saka pilit na papasukin sa CR "Maligo ka, pupunta tayo ng shop ngayon!" sabi niya.
--------
Natapos na akong naligo at nagpatuyo ng buhok. I brushed it saka namili ng damit na susuotin. Wala ako sa mood ngayon kaya yung inabot lang ni Ron ang ginamit ko. He grabbed my mini leather bag pack na kulay emerald green saka ngumiti sa akin.
"I'll drive!" sabi niya saka nauna sa may pinto at binuksan iyon.
I locked my unit at sa paglingon ko nahinto ako dahil nakita kong andoon pa yung dinala ko para kay Cloud. Hindi man lang niya nilabas? Hindi man lang ba niya sinilip? Ganoon ba siya kagalit?
"Halika na!" aya ni Ron ng makita niya akong napatulala. He placed his hand on my shoulder, saglit akong ngumiti at tumingin sa kanya.
"S-Sige!"
----------
It's been a long day. Nakakapagod, saglit kong nakalimutan ang lungkot matapos magtrabaho kasama si Ron ng buong araw. He prepared dinner for both of us ng bigla siyang magsalita.
"Dumating yung damit na isusuot mo para bukas Bessy!" he informed me saka nginuso yung isang malaking box na nasa sofa. "Dumating kanina habang naliligo ka!" he added.
"Feeling ko dini-display ako nila Mommy and Daddy for potential buyer!" himutok ko kay Ron.
"Ano ba yang sinasabi mo?" he answered me saka naupo na rin matapos niyang i-serve yung buttered vegetables na niluto niya.
"Kasi naman eh, panay ang dala nila sa akin sa mga ganyang party tapos pinapakilala pa ako sa mga matatandang investors o kaya naman business partners nila, ilang beses ko pang naririnig na they want me to meet their sons!" sagot ko
"Hindi ba natural lang yun?" tanong ni Ron. I pouted
"Ewan ko sa kanila, ang boboring nila!" sagot ko naman
"Ang boboring? O sadyang may gusto ko lang na iba?" tanong ni Ron na parang tamang tama sa akin. Nabilaukan pa ako habang umiinom ng tinanong niya iyon.
"A-Ano bang sinasabi mo?" pagmamaang-maangan ko
"We both know what I am talking about!" sagot ni Ron saka ako tinaasan ng kilay. "Gusto mo na ba si Cloud?" he asked. I cleared my throat "Kaya ganyan ka ka-affected?" hindi ako nakasagot.
"Don't deny Noreen, kilala kita, ako kasama mo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Alam kong hindi ka makatulog o makakain man lang dahil sa pag-aalala mo kay Cloud. Takot na takot ka rin na baka hindi ka niya pansinin matapos ito." he pointed his fork at me saka nagsalit ulit "Anong nangyari sa inis at galit mo sa kanya? Anong nangyari sa kakasumpa mo sa kanya?"
"R-Ron..."
"Are you acting like that because you like him, already?"
--------------
Days passed at wala paring nangyayari. Hindi ko nakikita si Cloud, kinuha ko rin yung first aid kit ko at tinapon yung nasirang sandwich na binigay ko sa kanya na di man lang niya kinuha.
Paminsan nakikita ko siyang lumalabas ng unit niya pero wala akong lakas ng loob na kausapin siya ulit. Alam kong nakikita niya ako paminsan but he chose not to look at me, parang hangin lang ako sa kanya.
"Wait lang!" sigaw ko ng marinig kong tumunog yung doorbell, ang aga naman ata ni Ron? 8 PM palang ah! "O-Oh bakit ang-" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino yung nasa labas "B-Brick, napadalaw ka!" sabi ko na lang. He sweetly smiled at me saka may inabot na paperbag.
"May I come in?" he said kaya niluwangan ko ang bukas ng pinto.
"S-Sure!" sagot ko saka dumiretso sa kusina para ikuha siya ng juice "Here!" abot ko sa kanya.
"Thank you!" sagot niya saka nilapag sa center table.
"What brought you here?" I asked him saka umupo sa tapat niya.
"Sabi ko na eh, malilimutan mo!" himutok niya, he is really good in using all the language he knows. Nakakabilib lang, hindi siya nabubulol or what.
"A-Ang alin?" tanong ko
"Nakakatampo, don't tell me hindi ka pupunta sa party ko?" he asked saka sumandal sa sofa. I opened my mouth saka saglit na tumawa.
"A-Ayy oo nga pala!" sagot ko na lang "N-Ngayon pala yun, nakakahiya naman pinuntahan mo pa ako!"
"Actually kanina pang 7 PM yun nagsimula pero hindi kita maantay kaya I decided to go here and pick you up instead." Sagot niya habang nakangiti.
"A-Ah?"
"Don't tell me you're going to send me away? I personally came to you, aren't you moved?" he mocked kaya napangiti na lang ako.
"May magagawa pa ba ako?" sagot ko na lang "But can you wait for another 30 minutes?"
"30 minutes is nothing compared to an hour of waiting for you, don't mind me, hindi ako aalis hangga't wala ka!" sagot niya sa akin.
I don't why I suddenly felt awkward matapos niyang sabihin iyon. Agad na rin akong tumayo at nagbihis. I grabbed my pouch matapos makapag-ayos.
"Don't mind the car, I'll take you home, I promise!" he said matapos akong lumabas.
He opened the door for me and I locked it afterwards. Napahinto ako sa tapat ng unit ni Cloud saka napatingin doon. "Why?" Brick asked.
"N-Nothing..." sagot ko saka humawak sa braso niya na inoffer niya matapos bumukas ang elevator.
Huminto kami sa isang building na obviously pag-aari nila. "Akala ko you stay kila Cloud?" tanong ko kay Brick matapos niya akong pagbuksan ng pinto
"Yes pero nahihiya kasi akong magpaparty doon, we had a unit here at the penthouse, my family and I spent some years dito bago kami tuluyang pumunta ng New York at mag stay doon." Paliwanag niya.
"Your Dad's pad?" I asked.
"You can say that!" sagot niya saka inaya ako papasok.
Pagdating namin sa taas, bumungad sa akin ang malakas na tugtugan. Pinakilala ako ni Brick sa ilan niyang bisita na andoon, kilala ko ang ilan, mga models, may ilan ring mga artista na kasing edad lang namin. Yung iba anak ng mga mayayamang tao. I smiled at them.
"Let's go?" rinig kong sabi ni Brick saka ako inalalayan papunta sa pool.
"Do you like pool parties?" he asked at ginala ko ang tingin ko sa paligid. Maraming mga babaeng naka-bikinis. Marami ring mga lalaking magagandang katawan ang andoon. Bigla akong napatingin sa kanya "Yes, Noreen, mas maganda pa ang katawan ko sa kanila!" sagot niya kaya hinampas ko siya ng mahina.
"Do I look like a p*****t to you?" I asked him habang nakangiti, ngumuso siya saka tinaas ang kamay at pinakita ang dalawang daliri sa akin.
"Kunti." Maikli niyang sagot, mas lalo akong natawa. Inabutan niya ako ng cocktail drink matapos pumunta sa may Disk Jockey na andun, may binulong siya sigurong ilang kanta na gusto niyang marinig. "Are you enjoying?" he asked.
"Kakarating ko lang di ba?" pabiro kong tanong sa kanya. Ginala ko ang tingin ko sa paligid, doon ko napako ang tingin ko kay Mia. Naka suot siya ng two-piece bikini na pinatungan ng colorful cloth na nakapulupot sa leeg niya. Hilahin ko yun eh ng matuluyan siya!
"MIA!" tawag ni Brick, bumuntung-hininga ako "Glad you make it!" sabi niya saka bumeso sa kanya "Balita ko may big break ka ngayon?"
"A-Ahh, nothing big." Sagot naman niya "I will just play an older sister to Rylle Villaflor sa upcoming movie niya." then she looked at me "Hi Miss Noreen!" bati niya, tinaasan ko lang siya ng kilay "Looks like, you're with Brick, are you close?" she asked.
"We are." Sagot ni Brick "Where's Cloud?" Brick asked, aware ba siya na wala na sila ng pinsan niya? Bakit ganyan ang tanong niya "He told me that he will pick you up, did he?" Mia looked at me and smiled.
"He did." Sagot niya at parang nagpanting ang tenga ko dahil doon. "Doon siya, nagpapahinga, kanina pa kasi kami umiinom." Sagot niya na parang sinasadyang iparinig sa akin. I looked at her fiercely "Sige, I'll leave you both, by the way Brick, nice party, I enjoyed!" saka siya bumeso at umalis sa harap namin.
Kanina pa umiinom? Eh 7PM lang nag simula ang party? Hilahin ko kaya ang buhok mo?
I closed my fist at kulang na lang sumigaw sa sobrang inis sa kanya. Agad akong kumuha ng dalawang cocktail drink ng may waiter na dumaan sa harap ko. Napatingin na lang si Brick sa akin.
"Excuse me!" paalam ko sa kanya, tumango na lang siya at wala ng nagawa.
Umupo ako sa may gilid saka kumuha ng ilang bote ng alak. I grabbed some finger foods na rin, hindi ko na nga alam kung nakailang plato ako. Basta, inis na inis ako ngayon! Dapat di na lang ako sumama. Sira nanaman gabi ko.
"AHHH!" I groaned matapos kong tunggain ang pangatlong bote na iniinom ko. "Sunduin? Susunduin mo talaga ang ex mo? Talaga? Ano bang meron siya at kailangan mo siyang habul-habulin ng ganun? Damn it!" kausap ko sa sarili ko.
Maingay sa lugar. Napakaraming tao, sa pool, sa pool side. Sa mini garden nila, kaya minarapat ko na pumasok muna sa loob at humanap ng kwarto na pwede kong pagpahingahan, naparami na ang inom ko.
Pumasok ako sa isang bakanteng kwarto. Nag-CR at naghilamos. I looked at myself in front of the mirror, pulang pula ang mukha ko at leeg.
"AISH!" I murmured matapos makita ang sarili.
I was about to open the door knob ng CR ng marinig kong bumukas ang kwarto, napatigil ako.
"Hindi ka dapat uminom ng ganun karami." rinig kong sabi mula sa labas, sumilip ako sa maliit na awang ng pinto matapos ko iyon buksan at doon ko nakita si Cloud na bitbit ang lasing na lasing na si Mia.
"Ano ka ba? We need to celebrate, may break na ako, at ikaw andito ka sa tabi ko!" maarte at malandi niyang sabi habang nakapulupot sa leeg ni Cloud. Huminga ako ng malalim matapos makaramdam ng pag-iinit sa buong katawan dahil sa kumukulong dugo ko ngayon.
"You should sleep!" ani Cloud saka inalis ang kamay ni Mia na nasa leeg niya. Inayos niya ang pagkakahiga nito at hinihila ang comforter para balutin siya nun ng biglang hinila ni Mia ang kwelyo niya at hinalikan siya sa labi.
Cloud was shocked, ganun din ako. Nanigas ako at parang puputok sa sobrang galit matapos ang nakita.
"M-Mia!" sita ni Cloud saka siya nilayo sa kanya.
"W-Why? Don't you want it? Just like the old days..." Mia whispered pero rinig na rinig ko at parang nag-echo pa iyon sa tenga ko. I bit my lower lip at pinunasan ang nabasa ng pisngi dahil sa kumawalang luha.
Ah. Bakit ako umiiyak? Lagi mong sinasabing tanga si Cloud pero sino ang mas tanga ngayon?
"You're drunk!" sagot ni Cloud saka siya hiniga, Mia chuckled saka tumalikod at tuluyan ng natulog.
I looked away and stood away from the door. I was catching my breath ng humarap ako sa mirror at nabigla ako ng bumukas ang pinto ng CR. Pinunasan ko ang pisngi ko saka pinakalma ang sarili.
Cloud saw me. Our eyes locked for a moment pero agad din akong bumawi agad. He cleared his throat kaya naman na-alarma ako. I was frantic kaya nagmamadali akong lumabas ng CR pero hinarangan niya ako at hinawakan sa may braso.
"K-Kanina ka pa?" he asked in a low voice.
"W-Why do you care?" I asked back.
"N-Noreen..."
"I have to go!" matigas kong sabi. Winaksi ko ang kamay niya at mabilis na lumabas ng kwarto. I was about to take another step when he grabbed my arm , hingal siya, I can't look at his face kaya nakayuko lang ako.
"Noreen. Did you-"
"YES!" sigaw ko sa kanya ng hindi mapigilan ang sarili. Tears started to fall, kahit ako nabigla rin sa naging reaction ko.
"I DID! EVERYTHING CLOUD, EVERYTHING!" napalunok siya. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na niya akong binitiwan "B-Bakit ba? B-Bakit kaba ganyan katanga sa kanya?" tanong ko.
"It's none of your business." Sagot niya lang saka ako tinalikuran, this time ako naman ang humila sa braso niya.
"None of my business?" tanong ko saka ngumisi "Sabagay, sino ba naman ako sa buhay mo di ba?" tanong ko na lang saka binitiwan siya matapos niya akong harapin "Sorry ah, kasi wala naman akong karapatan kwestyonin ka, kasi sino ba naman ako sa iyo di ba? Ahhh, ako lang naman si Noreen, yung lagi mo nililigtas, yung laging sakit ng ulo mo, yung laging rason kung bakit ka napapahamak, tama, sino ba naman ako para makialam sa iyo!"
"N-Noreen."
"Eh bakit kasi ang tanga-tanga mo? Eh bakit kasi ang bulag-bulag mo? Nakakainis ka! Nakakainis ka dahil di mo man lang makita ang ibang taong handa kang pahalagahan tulad ng pagpapahalaga na binibigay at pinapakita mo sa malanding babaeng iyon!"
"NOREEN!" he shouted, galit na siya but I don't care
"What? Magagalit ka? Magagalit ka kasi minamasama ko si Mia?"
"Stop this non-sense!" he answered me saka ako tinalikuran pero hinawakan ko siya sa balikat saka hinarap sa akin, lalo siyang naguluhan "Why are you acting like this?" he asked.
"Huh? Why? You don't know why? Hindi ba halata Cloud? Hindi ba halata na kaya galit na galit ako sa babaeng iyon, kaya halos isumpa ko siya ay dahil sa iyo? Huh? Hindi mo ba makita? Hindi mo ba maramdaman?" lumunok ako saka siya tinignan sa mga mata "Gusto kita Cloud, gustung-gusto kita kaya ako nagkakaganito! Ngayon alam mo na?"
Nabigla ako sa sarili ko.Oo. Hindi ko alam na masasabi lahat iyon. I saw him too, he was shocked at hindi rin makapagsalita.
He was just looking at me. No words. No emotions. No reactions at all.
"At mas tanga ako, dahil nagkagusto ako sa isang tulad mo!" sabi ko saka hinampas siya sa may dibdib at umalis sa harap niya.
I walked away from the place. Brick tried to stop me ng makita niya akong papalabas sa unit niya pero hindi na ako nagpapigil. Sumakay na rin ako ng taxi pauwi ng unit ko. I looked at my refection at the car's window.
I wiped my face. I don't know how will I face you in the following days pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko ang nararamdaman ko sa iyo besides, you don't even care about me, so wala rin namang magbabago...