Chapter 24

2330 Words
Chapter 24 Noreen Hindi ko namalayan na sa susunod na araw, pasukan nanaman, inayos ni Ron lahat ng kailangan ko sa school, siya na rin nag-ayos ng schedule ko pati nag-enroll sa akin. Hindi ako lumalabas ng unit, hindi rin ako nag pupunta sa shop, sa mall, sa salon o kung saan mang lugar. I don't feel like going out. Nakakatamad at wala ako sa mood. "So ano? Ganyan na lang?" tanong ni Ron sa akin matapos niya akong abutan ng isang litrong ice cream na pinabili ko sa kanya sa baba "Don't act like you committed a crime! Hindi kasalanan ang magmahal!" pang-aasar pa niya, I glared at him at tinawanan lang ako ng bruha. Umupo siya sa tabi ko saka ako hinaplos sa likod, ramdam ko na nang-aasar siya, ramdam na ramdam ko! "TIGILAN MO NGA AKO!" sigaw ko sa kanya saka nilantakan yung ice cream, he giggled at mukhang tuwang tuwa pa sa nakikita. "Tama ba yang ginagawa mo Ron?" tanong ko sa kanya "I am your friend and you are supposed to pamper me hindi yang mang-aasar ka pa!" "I am pampering you!" sagot naman niya saka ako tinignan, di parin maitago ang ngiti "Hindi lang ako makapaniwala bakla na ikaw ang unang umamin sa inyong dalawa, yun lang yun!" paliwanag niya. I closed my eyes and took a deep breath. Kinuha ko yung throw pillow saka pinaghahampas sa kanya. "SIGE IPAALALA MO PA!" sigaw ko habang tinatadtad siya ng hampas nun. He laughed at me, tumigil na rin ako dahil alam kong di siya mapapagod sa kakaasar. "I didn't expect it too!" pag-amin ko saka nilapag yung ice cream sa center table, inangat ko rin ang paa ko sa sofa saka niyakap ang tuhod. "Nagalit lang ako ng sobra sa nakita ko, nagalit lang ako kay Mia, nagalit lang ako sa kanya, nagalit lang ako ng sobra sa narinig kong usapan nila!" pagsasabi ko ng totoo kay Ron. "Hindi ko naman akalain na...n-na masasabi ko iyon." "I will not ask you all the details dahil alam kong mahihirapan ka lang, ito nga pala yung COR mo, andyan na lahat ah, pati tuition fee at schedule ng klase, don't worry classmate naman tayo lahat tulad ng dati, bayad na rin tulad ng sabi mo. Wala ka ng problema." Kinuha ko iyon saka tinabi. "Parang ayaw ko pang pumasok." Himutok ko "Parang wala pa akong gana." "Sus kahit naman di ka brokenhearted Bessy, tinatamad kang pumasok eh, wala namang bago!" komento niya kaya tinignan ko siya ng masama "S-Sige, magluluto na ako." Paalam niya. Hours passed at nakailang channel na rin ako, naubos ko na ata lahat ng channel pero wala akong mapili na panuoran, feeling ko paulit ulit na lang eh. Tumayo ako saka kinuha ang hoodie ko na nakasampay malapit sa pinto. "Ron labas muna ako, mauna ka ng mag-dinner kung di mo ako maantay!" sabi ko saka lumabas na rin. May nakasabay akong dalawang matanda na magka holding hands, I looked away matapos makaramdam ng pagka bitter. Binulsa ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie saka nakayukong naglakad palabas ng building. Maliwanag sa labas dahil sa mga street lights. Marami-raming tao rin ang naglalakad. May mga estudyante na tulad ko, may ibang matatanda na at marami ring medyo matatanda lang. Pumasok ako sa convenience store. Tumunog yung wind chime nila sabay ng pagbati nila sa akin. Ngumiti ako sa guard saka dumiretso sa may junk food section. Wala akong nahanap na gusto ko kaya pumunta na lang ako sa fridge at doon kumuha ng maiinom. "Totoo ba Mia?" napatingin ako bigla sa tv na andun matapos marinig ang balita. "Ito lang po ba Ma'am?" tanong ng cashier, tumango lang ako at di inalis ang tingin sa tv. "Is it true that you're dating right now? Non-showbiz daw!" nakita ko kung paano i-focus sa mukha ni Mia ang camera, maraming kumukuha ng litrato at nakatapat na mic sa kanya, mukhang presscon ng gagawin nilang pelikula kung saan bida si Rylle at gaganap siyang kapatid nito. "Sagutin mo naman kami Mia, kahit pahapyaw lang, totoo ba na anak ng isang business tycoon ang boyfriend mo ngayon?" I saw Mia's face, her b***h face! Nakakainis, nakakasuya! She smiled at the camera na kala mo napaka-inosente, santa santita! "Oo ba ang ibig sabihin ng ngiti mo na iyan? Sino siya? Totoo ba na siya yung kasama mo sa mga party na pinuntahan mo nitong mga nakaraang araw?" sunud-sunod na tanong nila sa kanya. Naningkit ang mga mata ko matapos makita ang pag ngiti pa niya ng mas malapad. "Sa ngayon priority ko muna ang career ko, handa naman siyang maghintay eh, manuod kayo ng movie ah!" and those were the last words she said, nahampas ko ang mesa ng cashier matapos marinig ang sinabi niya. The way she said it, she just indirectly confirmed na in a relationship siya, and with whom, with Cloud? DAMN HER! "Ma'am, okay lang ba kayo?" tanong ng cashier habang inaabot ang binili ko at ang sukli. "HINDI!" sigaw ko sa kanya saka kinuha iyon at mabilis na umalis ng lugar. Gigil na gigil kong binuksan yung inomin at halos maubos ko iyon ng ilang lunok lang dahil sa galit. I tried to calm myself saka umupo sa bench na nasa silong ng puno na nasa gilid ng kalsada. "Aba bahala siya, kung magpapakatanga siya sa babaeng iyon, hindi naman ako ang nawalan no!" kumbinsi ko sa sarili ko "AHHH!" saka ko pinaghahampas yung bote sa may upuan "BWISET! BWISET KAYONG DALAWA, MAGSAMA KAYO!" --------- "For sure ginagamit lang ni Mia ang issue para sa upcoming movie niya." komento ni Ron habang naglalakad kami papasok room. Hawak hawak niya yung dyaryo habang nagbabasa sa may entertainment page. "Ang landi landi ng babaeng ito, nakakabwiset!" rinig ko pang sabi niya. Since unang araw lang ng pasukan namin, wala pang ginagawa, yung ibang prof din di muna pumasok, tumambay ako sa shop ng matapos ang lahat ng subjects namin. Ron served me some waffles and frappe saka sinabihan ako na sabay na lang kami uuwi mamaya, umuo naman ako dahil wala naman akong kasama sa unit, mag mumukmok nanaman ako. "Welcome Pogi!" rinig kong sabi ni Ron ng tumunog ang wind chime ng shop. Nilingon ko kung sino dumating dahilan para tumili si Ron ng ganun. He smiled at me, tinanggal niya ang sombrero niya saka naupo sa tabi ko. Brick was just wearing his casual clothes. White printed tank top, stripped brown shorts at leather slippers. Nilapag niya ang phone at susi ng kotse niya sa mesa ng umupo siya sa tapat ko. I smiled at him. "Nandito ka ba para singilin ako?" inunahan ko na siya saka kumaway kay Ron, tumango siya sa akin at naghatid na rin ng pagkain para kay Brick. "Yap pati ang interest." He answered me and smiled. He removed his shades saka nilapag sa tabi ng baseball cap na suot niya kanina. "Hilig mong mang-iwan ng wala man lang paalam." Sabi niya sa akin saka nag pout "Dapat kinakadena ka eh!" dugtong pa niya kaya di ko mapigilan ang pagtawa. "I'm really sorry." Sagot ko "Babawi na lang ako sa iyo pero hindi ko alam kung kailan, nag start na kasi ulit ang klase namin at-" "I know. I know. Don't worry I understand, basta gawin mo yun before ako bumalik ng New York." He answered me and I looked at him "When will you be back?" tanong ko "I called Mom and I asked her to stay here a little longer, since na-extend din ang pagdating ni Ate Chloe, I decided na habaan muna ang bakasyon dito." He happily informed me "Why? Are you going to miss me?" he asked then winked at me. Umiling ako at tumawa. Brick is cool. He is kind and I can say na he is lovable. Whenever you're with him, hindi ka mabobore, he always finds a way para may mapag-usapan. Malakas din ang sense of humor niya which I like the most about him. Kahit total opposite siya ni Cloud, their presence is almost the same, dahil ba magpinsan sila? Dahil ba magkadugo sila? Pero bakit hindi na lang naging tulad ni Cloud si Brick? "What's wrong?" Brick asked saka pinunasan ang mukha niya "May dumi ba?" umiling ako saka humingi ng sorry "W-Wala may naisip lang ako." Sagot ko "Penny for your thoughts?" he said, ngumiti lang ako bilang sagot saka kumagat sa waffle na binigay ni Ron. "Hmm, kainin mo na yan, it's good, Ron prepared it personally!" pag-iiba ko na lang ng usapan. Ilang minuto din kaming nagkwentohan ng tungkol sa mga pamilya namin, sa mga kaibigan, sa school at kung anu-ano pa, magaan ang loob ko kay Brick, enjoy siyang kasama at kausap. I like him, as a person. "Did you and Cloud have a misunderstanding?" Brick finally brought that up. "I saw how you walked out my unit that night, pati si Cloud, he was speechless that night too." Huminga ako ng malalim. I looked at my drink, hindi ko kasi kayang salubungin ang tingin niya matapos niyang itanong iyon. "You know what, when I was here in the Philippines, the first time I set my foot here, the only friend I had was Cloud. We're cousins and we're close, he is like a brother to me. Ever since ganyan na ang ugali niya, tahimik, seryoso, misteryoso. Namimili siya ng mga taong kakausapin." Brick told me. "Hindi kami nagtagal dito, Mom and Dad decided to move to New York and base there, kasama ang little brother ko, at sunod na ang little sister ko, doon na kami lumaki." I looked at him habang nagsasalita siya, he smiled saka kumagat rin sa waffle na binigay sa kanya ni Ron bago nagsalita ulit matapos maubos ang nasa bibig "For me it was a bit hard to adapt another new life in New York, kasi I left someone close to my heart this time. Na-miss ko si Cloud, I would always cry and ask Mom na umuwi ng Philippines para maglaro kasama niya but we can't, New York is too far from here para umuwi ng pabalik balik." Pinatong niya ang kamay niya sa table "We may grew apart but our hearts remained connected." He smiled at me "Kinda cheesy ba?" he asked and I laughed saka umiling "Go on." Sagot ko, tumango siya "Cloud is cold, you can say that. He never shows emotions but you can say that he is the most genuine person I've ever met. Cloud loves Mia." Nawala ang ngiti ko matapos niyang mabanggit iyon, napatingin ako sa labas "Cloud loves her, he adores her. Mia is sweet, jolly and pretty. Cloud is aware of what Mia's dream is, he is also aware that her dream is more important than him but he accepted that." Napalunok ako at biglang nakaramdam ng bigat sa dibdib. "Si Cloud yung tipo ng lalaki na seryoso sa lahat ng bagay. For him, every word is a responsibility. Kaya kung sinabi niyang mahal niya ang isang tao, don't ever doubt that because it is true. Hindi ko alam kung paano sila naging but what I know is that their relationship was shaky the time when Mia chased her dream. Since then, Cloud never opened up to me." "Why are you telling me these?" I asked him pero hindi parin makatingin. "Noreen, Cloud is a very good person, he may be cold but trust me, Cloud doesn't know how to hurt people. Hindi ko alam kung paano kayo nagkakilala pero kung meron man kayong misunderstanding, please forgive him." hinawakan ni Brick ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya "I like you both, I don't want you to fight over things." "B-Brick..." dahan dahan kong binabawi ang kamay ko pero hinuli niya iyon, bigla akong nakaramdam ng pagkailang, ginulo niya ang buhok ko matapos magsalita ulit. "Ayaw kong mag-away kayo, ayaw kong nag-aaway ang taong pareho kong gusto, it makes me feel awkward." Narinig ko ang paghigam ni Ron, napatingin ako sa kanya at pinanlakihan niya ako ng mata, binawi ko ang kamay ko at napatingin ako kay Ron. I gulped at umiwas ng tingin. "A-Ahh.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya, he stood up while smiling saka kinuha ang kamay ko "On the other hand, bigla kong naisip na ngayon ko sisingilin yung utang mo!" deklara niya kaya nabigla ako "Come with me!" he said saka ako hinila palabas ng shop, tinawag ako ni Ron pero hindi ko na nagawang lumingon. "T-Teka bakit ngayon? Pwede bang next-" natigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang nakatayo sa labas, mukha rin siyang nagulat. Napatingin siya sa akin at sa kamay namin ni Brick na magkahawak. Napalunok ako. "Why are you here?" Brick asked him and smiled. Hindi siya agad sumagot. Tinignan niya ako sa mga mata saka sumingkit ang mga iyon. I saw him gulped and looked away. "Do you want to come with us?" Brick happily asked without even having a clue sa tension na nangyayari sa pagitan namin ni Cloud. "No." He simply replied back "I came to pick Mia's favorite tea." Yun lang ang sagot niya na parang sumampal sa akin ng malakas, di na niya ako nilingon o tinignan ulit. Para siyang hanging dumaan sa harap ko, walang lingon, walang salita, wala ni kahit ano. Napayuko ako at iniwas ang tingin kay Brick. Bakit ganito? Bakit biglang humapdi ang mata ko? B-Bakit parang may...may kirot sa dibdib ko? "I guess they're back in each other's arms, what do you think?" Brick asked me. Tinignan ko siya ng wala sa loob, pinigilan ko ang pagluha ko. "I guess they n-never left in each other's arms." Sagot ko. Binawi ko ang kamay ko kay Brick saka mapait na ngumiti "I'm s-sorry next time na lang ako sasama sa iyo, biglang s-sumama ang pakiramdam ko eh." Saka ako mabilis na tumakbo at umalis ng lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD