Chapter 25
Noreen
"HUH!" bumangon ako sa kama matapos makaramdam ng paghihirap sa paghinga dahil sa walang sawang pag-iyak "Bakit kaba umiiyak?" punas ko sa mukha ko saka tumingala at tumingin sa ceiling.
Singkit na singkit na rin ang namumula kong mga mata. Nakakainis, para ng kinagat ng ipis yun dahil sa pamamaga. Tumayo ako saka pumasok sa CR, doon ako naghimalos at pilit na pinakalma ang sarili.
"Noreen, umayos ka nga!" sumbat ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin, tinapik tapik ko ang mukha ko saka bumuga ng hangin "You shouldn't be crying over him, you're his lost, bahala siya kung magpapakatanga siya sa babaeng iyon, hindi mo siya hahabulin o pipilitin!"
I grabbed my phone and called Ron immediately. He answered his phone after few rings and I cleared my throat before talking to him "What's wrong? Kasama mo parin si Brick?" he asked.
"No, Ron nasa unit ako, hindi a-ako sumama kay Brick!" sagot ko. Half lies.
"Teka bakla, anong nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" napatingin ako sa sarili ko sa salamin saka pinalakas ang loob. I'm not weak, not anymore!
'H-Hindi, sinipon lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya pero alam ko na di siya naniniwala.
"So why did you call? Do you need me there? Pwede kong iwan ang shop saglit para-"
"Hindi!" I cut him in "I called you to say na lalabas ako tonight, don't worry about me, I'll just loosen up a bit."
"Saan ka pupunta?" tanong niya habang naririnig ko ang mga tunog utensils sa shop sa background, mukhang busy talaga siya.
"Don't worry, I won't go to a place na maingay, I want to think and be alone muna. I'll be safe." saka ko ibinaba ang phone ko matapos sabihin iyon.
Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. I wore my fitted dress na kulay royal blue saka kinuha ang light brown coat at pinatong doon.
I wore a semi-heavy make up to hide my swollen eyes dahil sa pag-iyak. Pagkatapos isuot ang stiletto shoes, agad ko na rin kinuha ang sling bag ko kasama ang susi ng kotse.
I stepped on the gas matapos mag green ang light. Mabigat ang pakiramdam ko na parang daig pa ang nilalagnat. Parang may kirot sa dibdib ko na di ko alam kung paano gagamutin. Bakit pa kasi sa lahat ng magugustuhan ko, yung lalaking wala puso pa?
"Huh! Yan ang mahirap sa iyo Noreen eh, niligtas ka lang ng ilang beses na-fall ka na! Assuming ka kasi! Assuming ka kasi na may care siya sa iyo kaya niya ginagawa yung mga bagay na iyon!"
Oo para akong baliw na kumakausap sa sarili ko pero ano pa ang magagawa ko? Nasabi ko na sa kanya ang lahat, ang mga dapat niyang malaman at wala na akong pwedeng gawin kundi mag move on at kalimutan siya.
Isa pa, choice na niya yun. Kung patuloy siyang magpapakatanga kay Mia, desisyon na niya yun. Simula ngayong gabi wala na akong pakialam sa kanya. Simula ngayong gabi di ko na siya kilala!
"Lilipas din ito. Makakalimutan din kita. Ang ganda ganda ko kaya! Kala mo walang magkakagusto sa akin? Kapal mo! Magsama kayo ng malandi mong babae! Magpagamit ka hanggang gusto mo!"
Inapakan ko ang gas kaya biglang bumilis ang sasakyan. Agad kong kinabig iyon sa kaliwa matapos makita ang bar na gusto kong puntahan.
I carefully parked my car saka bumaba na rin doon. The guard opened the glass door for me matapos akong batiin.
The place is elegant. Tahimik unlike sa mga club. You can drink as much as you want without anyone disturbing you.
Hindi ganun karaming tao dito, only few people can afford this kind of place. Aside from serving alcoholic drinks, they also have fancy foods here kaya minsan marami ring rich couples ang nagpupunta dito.
Pagkapasok ko sa loob, tunog ng violin ang agad na sumalubong sa akin. I removed my coat saka pinatong iyon sa katabi kong umupuan matapos makahanap ng pwesto.
The bartender attended to me quickly at binigyan agad ako whiskey. Nakailang rounds ako. Umiinom habang tumutulo ang luha.
"I'll bet I look so pathetic right now." Bulong ko at napatingin sa akin ang bartender, gwapo siya in all fairness ah.
I put my hand on my chin habang nakatingin sa nilalarong ice na nasa glass ko.
"Marami pong pumupunta dito dahil sa ganyang rason." He answered me matapos lagyan ulit ang baso ko. I grinned at him.
"Do they look like me?" I asked na halatang may tama na ng alak.
"Umiiyak habang umiinom?" ngumiti siya "Kadalasan po."
"My yaya used to heal my wounds using alcohol." I looked at him and smiled bitterly "Maybe this thing." I raised my glass of whiskey "Will heal my wounded heart too, what do you think?"
I cheered the glass in the air saka inubos ang laman nun ng isang lunukan. Mainit sa lalamunan. Gumuguhit. Masakit na rin sa ulo pero kung ito lang ang paraan para hindi ko na maramdaman ang sakit bukas pag-gising ko, hindi ako titigil sa pag-ubos nito.
"Ma'am may mga bagay na hindi nagagamot overnight." He answered me and smiled "It takes time, tulad ng sugat sa binti, sa braso. Kusang maghihilom iyon, mag-mamarka man pero wala na ang sakit, ang meron na lang ay yung ala-ala, ala-ala kung paano na nasugatan at nasaktan."
"You're saying that, magagamot din ako? Magagamot din ang lecheng sugat na ito?" ngumiti siya.
"Kahit anong uri ng sugat, maghihilom yan. Depende na lang sa lalim kung gaano katagal pero maghihilom din yan. Matagal man sa ibang kaso pero maniwala ka, sa pagdaan ng panahon, maghihilom din yan." He brightly smiled at me.
"You're so profound, are you single?" I asked na lasing na. Tumawa siya saka pinakita sa akin ang kamay "Oh damn it, why on earth that every single man I like is already taken?" pagbibiro ko, tumawa siya "Congratulations and she's so lucky."
Tumayo ako at muntik matumba dahil sa kalasingan. I grabbed my wallet and left some cash para bayaran ang mga nainom ko pati na rin ang tip ko sa bartender.
"Okay ka lang ba? Mukhang bata ka pa, hindi ka dapat nag-iinom ng ganyan karami." I heard him say. Umiling ako at ngumiti.
"Maturity of a person doesn't come with age," I pointed my finger at him saka ngumiti "Trust me Sir, I have faced so many heartaches more than you with my age!" umiling na lang siya ng kinuha ko ang coat ko sa upuan. He called some waiters para i-assist ako sa paglalakad pero I refused them.
I tried to walk straight and I managed to reach my car. Nagmaneho ako kahit lasing at tinawagan ko pa si Ron "Rown. Rown. Besshheeee..."
"NOREEN?" rinig kong sagot niya sa kabilang linya "Lasing ka ba?"
"AKO? HINDI AH! HINDI AKO LASHING! AHIHIHI!" sagot ko.
"Umuwi kana! Saan ka ba? Wag kana mag drive susunduin kita!"
"Oks na oks ako. Keribels pa ng lola mo!" sagot ko "Hindi pa ako uuwi ah? A-Ayaw ko pang.." bigla kong kinabi ang manubela sa gilid ng daan matapos bumigat ang mga mata ko "R-Ron..." iyak ko saka hinampas hampas ang manubela "B-Bakit ganito? Bakit ang sakit sakit?" I broke down.
"Noreen..."
"Naiinis ako Ron! Naiinis ako! Bakit ang sakit? Bakit ang sakit dito?" sabay turo sa may dibdib.
"Asan ka? Pupuntahan kita?" umiling ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
"Gusto kong mapag-isa. D-Don't worry about me." Saka ko agad na pinutol ang tawag.
Pumasok ako sa isang convenience store saka bumili pa ng beer in can. The cashier was looking at me and I just smiled at her.
"Don't worry, may gagamutin lang ako." Sabi ko saka inabot ang bayad. Huminto ako sa isang tulay saka bumaba ng kotse. I know I shouldn't be parking here pero wala akong pakialam kung ipakulong pa nila ako dahil dito.
I opened the can saka parang tubig na ininom iyon. Mapait sa panlasa pero nakakagaan sa pakiramdam. The wind is cold pero hindi ko sinuot ang coat ko. My dress was a little expose but I don't care. I don't care kung bosinahan pa ako ng mga nagdadaan. I don't care kung pitohan pa ako ng mga bastos na lalaki. I don't care kung damputin pa ako ng mga pulis.
I don't care. All I know is that I am hurt right now at gusto kong mawala na ito agad.
Sumandal ako sa hood ng kotse. Hinayaan kong nakabukas ang ilaw nun habang nag-iinom ako. Halos makalahatian ko ang binili ko but I am starting to crave for some more.
"Maganda naman ako. Mayaman. Di saksakan ng talino pero may ibubuga naman. Anong ayaw mo sa akin?" kausap ko sa sarili ko. I removed my shoes saka pinatong sa hood ng sasakyan ko.
Naramdaman ko ang kagaspangan ng kalsada dahil doon. Namumula ang talampakan ko pero hinayaan ko lang iyon. Pagyuko ko dahil sa bigat ng ulo biglang may tumigil na pulis car at may isang pulis na lumapit sa akin.
"Miss bawal kang mag park dito." Sabi niya at tinignan niya ako. I didn't mind him. Parang wala akong narinig. "Miss narinig mo ba ako? Saan ang cellphone mo? Tatawagan ko na magulang mo-" natigil siya ng inalok ko sa kanya yung iniinom ko.
"Drink with me." Lasing ko ng sabi. "L-Let's have some fun!" nainis ata sa akin yung pulis kaya lumapit siya saka hinanap ang cellphone ko.
"N-NO!" agaw ko sa kanya ng makuha niya ang cellphone ko "Y-You can't make a call, I don't need them, I don't want them to know!" saka ako napaupo at nag-iiyak. "A-Ayaw ko. Ayaw kong makita nila akong ganito. A-Ayaw ko, a-ayaw ko..."
Hindi siya nakinig sa akin. Naririnig ko ang pagsabi niya ng location namin sa kabilang linya, hindi ko alam kung sino ang tinawagan niya. Hindi ko rin alam ang gagawin ko bukod sa pag-iyak. Kung si Mommy ang natawagan niya for sure grounded nanaman ako sa bahay.
"Miss, tumayo kana diyan." Sabi ng pulis pero nagmatigas ako. "Miss isuot mo na ang sapatos mo at magpahinga sa loob ng sasakyan mo habang inaantay yung mga susundo sa iyo."
Hinampas ko ang kamay niya saka siya tinignan. My hair was ruined, my make-up was ruined, I look wasted right now, I know but I don't care!
"Bakit walang batas na nagsasabing pwedeng ikulong ang mga taong nananakit sa damdamin mo?" natigilan ang pulis sa tanong ko "Bakit hindi niyo hulihin ang mga taong nagpapaasa at nagpapahulog ng damdamin ng iba?"
"M-Miss.."
"Bakit? Bakit hindi niyo magawa? Di ba nangako kayo? Nangako kayo na proprotektahan niyo ang tao? Bakit? Bakit niyo magawa?" tumayo ako saka hinampas hampas ang dibdib nung pulis. I cried while doing that.
"H-Hindi ako mahina, mali ang nasa isip mo." Bulong ko "H-Hindi- " I stopped when someone grabbed my wrist. Naiangat ko ang tingin ko at doon ko nakita si Cloud na nakatingin sa akin.
"I'm sorry for the trouble." Rinig kong hingi niya ng tawad sa pulis. Ngumisi ako.
"Bakit andito ka?" tanong ko saka hinila ang kamay ko.
Umalis ako sa harap nilang dalawa habang nakayapak at doon ko nakita si Ron. Nakatayo siya sa kotse ni Cloud. Kumunot ang noo ko.
"You brought him here?" I asked Ron, he just looked at me. I can see through his eyes that he was sorry.
"I'll take it from here, I'm really sorry for the trouble." Rinig kong paliwanag ni Cloud sa pulis.
"Naku kung may problema kayo ng girlfriend mo ayusin niyo agad. Kausapin mo. Suyuin mo. Ganyan ang gusto ng mga babae." Rinig kong sabi ng pulis saka umalis na rin. Bumuntung-hininga si Cloud saka lumapit sa akin, he pulled my wrist again saka nagsalita.
"Let's go home, enough for all the trouble you have done today!"
"HUH!" hila ko ng kamay ko "Trouble? Yan! Yan naman ang tingin mo sa akin eh, troublemaker, sino ba kasing may sabing pumunta ka dito?"
"Noreen."
"WHAT? KAYA KONG UMUWI MAG-ISA HINDI KITA KAILANGAN!" bulyaw ko sa kanya saka naglakad papunta sa harap ng kotse.
Maliwanag doon dahil sa head light ng sasakyan na kanina pa nakabukas. Nakayapak parin ako pero wala akong pakialam. Ron talked to me too but I refused to listen.
"I said we will go home!" mahina pero matigas na sabi ni Cloud. Lumapit siya sa akin kaya hinarap ko siya.
"BAKIT BA? BAKIT KA BA NAKIKIALAM SA AKIN? EH IKAW NGA AYAW MO PAKIALAMAN KITA EH! AYAW KONG UMUWI AT HINDI AKO SASAMA SA IYO!" hinigit niya ang braso ko.
I saw his eyes ng hilahin niya ako palapit sa kanya. Galit, may pag-aalala ewan, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga titig niya.
"Wag ng matigas ang ulo mo Noreen, umuwi na tayo!"
"AYAW.KO." sagot ko sa kanya saka sinalubong ang galit niyang mga mata "Sino ka ba para sundin ko?" he bit his lower lip na lalong nagpapula sa mga labi niya, I can see through his face na inis na inis na siya sa pinag-gagagawa ko.
"Hindi naman kita tinawagan ah! Did I bother you? Hindi naman di ba? Sige nga, bigyan mo ako ng rason para sundin ka! Bigyan mo ako ng rason para sumama ako sa iyo pauwi ng bahay!"
Huminga siya ng malalim at unti-unti niya akong binitawan. He didn't remove his eyes on me pero hindi siya nagsalita o sumagot sa akin.
"See? You don't really care about me! You don't really care kung mapasok ako sa gulo at masaktan, for you I was just a troublemaker na dapat mong patigilin because it annoys you! Bakit hindi ka umuwi na lang doon sa Mia mo at lunurin mo ng favorite tea niya!" sumbat ko sa kanya saka siya tinalikuran.
I was about to take another step ng hinila niya ang braso ko saka ako hinarap sa kanya. He pulled my waist, grabbed my nape and claimed my lips.
Nagwala ang puso ko na parang tatalsik dahil sa bilis ng pagtibok. Nanigas ako. Nanghina.
Dilat ako habang magkadikit ang mga labi namin. I saw him. I saw his face while claiming my lips. Nakapikit siya. Wala ang galit sa mukha. Napalunok ako ng maramdaman ko na gumalaw ang kamay niya sa likod ko and pulled me even closer.
Seconds. Minutes. Hindi ko alam kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi namin pero para akong lumilipad. Para akong wala sa sarili at sa saglit na sandaling iyon para akong mababaliw sa tuwa.
I was shocked. Speechless. Breathless.
"Is that enough?" he whispered matapos niyang ilayo ang mga labi niya sa mga labi ko saka nilapit ang noo.
Nakatutok sa aming dalawa ang head light ng sasakyan. Masakit sa mata pero hindi ko ininda. I was just looking at Cloud's face. His lips which landed on mine few seconds ago. His forehead which is leaning on mine right now. His eyes .His nose. His scent. His warmth. His breathe. Kay Cloud lang ang focus ko, wala ng iba.
"Is that reason, enough to come home with me?"