Chapter 26
Noreen
I wasn't moving. Feeling ko hindi rin ako humihinga. Nakatulala lang ako kahit nailayo na ni Cloud ang mukha niya sa akin.
"Drive her car!" rinig kong sabi niya kay Ron, inulit niya pa iyon matapos hindi gumalaw si Ron at napatulala rin.
"A-AHH!" medyo napatili ako ng bitbitin ako ni Cloud saka naglakad papalapit sa kotse niya. Napakapit ako sa leeg niya habang nakatitig sa mukha niyang napakagwapo talaga.
Napalunok ako. Totoo ba? Totoo ba ang nangyari kanina? H-Hinalikan niya ba talaga ako?
Pinasok ako ni Cloud sa kotse niya, nilagay niya ang seatbelt ko at napatigil sa harap ng dibdib ko. Nakita ko ang paglunok niya at pamumula ng tenga, he cleared his throat saka tinapos na ang ginagawa. Umikot siya saka umupo na rin sa may driver's seat.
Narinig ko na bumuga siya ng hangin. Hindi ako makagalaw. Hindi rin makapagsalita. Nakayukom ang mga palad ko habang nakapatong sa lap ko. I can't look at him or even glance kahit mabilisan lang.
"Here." Abot niya ng black leather jacket niya sa akin. Hindi ko siya nilingon. Para pa akong nakuryente ng gumalaw siya palapit sa akin at nagtama ang braso namin. "Wear it!" bulong niya pero rinig na rinig ko. Pinatong niya sa akin ang jacket niya, tinakpan niya ang harap ko pati ang legs ko.
Tumulala ako sa bintana ng sasakyan habang pauwi kami sa unit namin. Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Sobrang awkward. Sobrang awkward talaga! B-Bakit pa kasi niya ako hinalikan? Bakit pa kasi niya ginawa iyon? Ngayon ano? Anong ibig sabihin nun?
Bumuga ako ng hangin at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tinignan niya ako dahil doon.
"A-Are you hungry?" he finally asked, umiling lang ako na hindi tumitingin sa kanya. Pero ang lecheng mga alaga ko iba ang sinisigaw. Umiling siya saka pinatakbo ng mabagal ang sasakyan ng may abutin siyang supot mula sa backseat ng sasakyan. "Eat." Maikli niyang sabi, tinignan ko yung binibigay niya.
"NANG-IINSULTO KA BA?" sagot ko matapos magalit ng makita ko kung ano yung inaabot niya, Tea yun galing sa shop, Tea yun na binili niya kanina, Tea yun na binili niya para kay Mia! "EH BAKIT HINDI MO IPAINOM YAN KAY MIA NG MAGSAWA SIYA SA FAVORITE TEA NIYA?" bulyaw ko saka nagdabog at tumingin sa daan.
"Kainin mo na, may waffle din diyan." Sagot niya lang sa akin. ABA'T! Nakakainis talaga!
"Hindi ko kakainin yan para mo na ring sinabi na kainin ko ang tira tira ni Mia!" sagot ko. Ipinatong niya iyon sa lap ko matapos sigurong mangawit sa kakaabot. Bumuga siya ng hangin at seryosong nakatingin sa daan. "Ayaw ko nito!" pilit ko saka kinuha ang supot at halos ihampas sa mukha niya.
"Hindi para kay Mia yan!" sagot niya sa akin matapos atang mainis. Natigilan ako. Huminga siya ulit ng malalim na parang nahihirapan mag-salita o ano. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya habang mahigpit na nakahawak sa manubela. Namumula iyon sa sobrang higpit "It's..." lumunok ulit siya "It's for you." Kinuha niya ang plastic saka inabot ulit sa akin, he can't look at me "Kaya kainin mo na yan."
-----------
I cleared my throat ng matapos naming makarating sa parking area ng building. Naubos ko na rin yung binigay niyang Tea at Waffle. Nakakagutom pala talaga kung iiyak ka ng iiyak. Umikot siya saka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
"A-Ah Cloud." Tawag ko sa kanya matapos maalala na nakayapak parin ako, naiwan kasi yung sapatos ko dun sa kotse ko. Nadala kaya ni Ron yun?
He looked at me at sa paa ko na namumula. Nabigla ako at napasandal sa upuan ng lumapit ulit siya at tinanggal ang seatbelt ko. Inabot niya sa akin ang susi ng kotse saka binuhat niya ulit ako palabas ng sasakyan tapos tinulak ng paa ang pinto para magsara iyon.
"Lock it." Sabi niya.
"A-Ahh sige!" sabi ko sabay pindot sa car key.
Tumunog yun kaya nagsimula ng maglakad si Cloud papunta sa elevator. Nakakapit ako sa leeg niya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, nag-iinit ang buo kong katawan dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
May limang taong nag-aantay rin sa elevator. Nakatingin sila sa amin ni Cloud, kaya bigla akong nakaramdam ng hiya, I saw Cloud gulped matapos ayusin ang jacket na binalot niya sa akin, mas tinakpan niya yung sa may leg area dahil lalong tumataas ang suot kong dress sa pagbitbit niya sa akin, kahit nahihirapan siya. Bigla akong nailang matapos tumitig sa amin lalo ng mga tao.
Napakapit ako lalo kay Cloud ng iniangat at inayos niya ang pagbitbit niya sa akin ng bumukas ang elevator. Nailapit ko ang mukha ko sa dibdib niya, ramdam ko rin ang hindi niya normal na paghinga.
Lalo kong nilapit ang tenga ko sa may chest niya at doon ko narinig ang mabilis na pagtibok din ng puso niya. Bago pa sumara ang elevator, nakahabol si Ron sa aming dalawa. Napatitig siya at parang nabuka pa ang bibig dahil sa nakikita.
Kaming tatlo na lang ang natira sa elevator ng umabot sa floor namin. Unang lumabas Ron.
"Bubuksan ko ang pinto." Aniya kaya nagmadaling pumunta sa unit ko pero laking gulat ko ng lumihis si Cloud saka huminto sa unit niya.
"1229" rinig kong sabi niya, napatingin ako "Press it! 1229!" ulit niya kaya pinindot ko ang sinabi niyang number, bumukas ang pinto niya at pinihit ko iyon.
"T-TEKA!" rinig kong tawag ni Ron pero malakas na tinulak ni Cloud ang pinto niya pasara.
"It's o-okay, doon na lang ako sa unit ko!" sabi ko pero hindi siya nakinig. Maingat niya akong ibinaba sa sofa niya, he was about to walk away ng tinawag ko siya "C-Cloud, doon na lang ako sa unit ko!" tinignan niya lang ako bago sumagot.
"Wait me here." He said at wala na akong nagawa. Pagbalik niya may dala siyang isang white plastic basin, nakasabit din sa balikat niya ang isang white towel. Lumuhod siya sa harap ko saka nilapag ang hawak.
"T-Teka!" sabi ko ng inabot niya ang paa ko, ilalayo ko sana iyon pero hindi ko na nagawa. Dahan-dahan niyang nilublob iyon sa maligamgam na tubig na nasa plastic basin. He washed my feet, removed all the dirt saka pinunasan iyon. I was looking at him the whole time na ginagawa niya iyon. Yung braso niya, yung kamay niya, yung gilid ng mukha niya, lahat yun pinagmasdan ko habang hinuhugasan niya ang paa ko.
"I'll just go get some ointment." Mahina niyang sabi ng makita niya na di nawawala ang pamumula ng paa ko. Pagbalik niya, umupo siya sa sofa saka inabot ang paa ko at pinatong sa lap niya. Napalunok ako ng mapatingin sa gwapo niyang leeg. Oo kahit leeg niya ang gwapo gwapo!
"Masakit ba?" he asked habang kinakalat ang ointment, medyo nahihila ko yung paa ko dahil sa kiliti but I tried to calm myself.
"Medyo m-mahapdi." Sagot ko, nilagyan naman niya yung kabila. Maingat siya, parang sanay na sanay. Tinignan niya ako ng matapos siya sa ginagawa. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagtitigan pero una siyang bumawi ng tingin. Tumayo siya saka pinatong ang paa ko sa throw pillow. I called him matapos makaramdam ng pagkalito sa mga ginagawa niya "C-Cloud." Tumigil siya pero di ako hinarap.
"W-What is the meaning of this?" I bravely asked him, hindi siya sumagot. Nakita ko na ginalaw niya ang ulo niya saka yumuko. "Y-You kissed me." Lahad ko "You brought me here. Tell me, anong ibig sabihin ng mga yun?"
Hindi siya sumagot sa akin, hindi rin siya humarap. "Ano? Wala lang?" tanong ko matapos makaramdam ulit ng inis "Ano hahalikan mo na lang ako kung gusto mo?"
"N-Noreen..."
"Ang gulo mo! Sobrang gulo mo!" kinuha ko yung throw pillow saka tinapon sa likod niya. Nilingon niya ako saka tinignan. Pinulot niya iyon at hinawakan "Hindi ko maintindihan ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo! Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ako sa iyo! Hinalikan mo ako Cloud! Dinala mo ako dito, ginamot mo ang paa ko! Ano? Wala lang yun? Trip mo lang?"
"N-Noreen..."
"NOREEN! NOREEN! NOREEN! BULLSHIT! ALAM KO KUNG ANO ANG PANGALAN KO CLOUD!" bulyaw ko sa kanya. Biglang kumulo ang dugo ko. Kalmado siyang lumapit sa akin saka binalik ang throw pillow sa sofa "Huh! Ang galing mo rin no? Gusto mo dala-dalawang labi ang inaangkin mo?" tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako.
"S-Saan ka pupunta?" he asked
"UUWI! ANO PANG SILBI NG PAG STAY KO DITO KUNG TRIP MO LANG PALA NA HALIKAN AKO AT SA HULI DOON KA PARIN SA MIA MO MAGHAHABOL AT MAGPAPAKATANGA!" sigaw ko sa mukha niya, tinulak ko siya pero malakas siya, ilalapag ko sana ang paa ko sa sahig ng bigla niya akong binuhat. Napatili ako ng malakas, dinala niya ako sa kwarto niya at doon niya ako pinahiga sa kama. Tinignan ko siya ng masama.
"You can't play with me Cloud!" I warned him "Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako desperada!"
"I am not playing with you!" sagot niya
"THEN TELL ME KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG LAHAT NG ITO! YUNG HALIK! YUNG YAKAP! YUNG PAG DALA MO DITO SA AKIN! SABIHIN MO!"
"PWEDE BANG MANAHIMIK KA SAGLIT?" nabigla ako sa pagsigaw niya na iyon "Sigaw ka ng sigaw, paano ako makakapag-isip?" napalunok ako. "Stop mentioning Mia's name, she is out of the picture!" he said to me saka umupo sa gilid ng kama.
Yumuko siya. "Wag mo na ulit gagawin iyon, pwede ba?" pakiusap niya, hindi ako nakasagot "Stop making me worry Noreen." Tinignan niya ako, namumula ang mukha niya "Stop doing stupid things that makes me worry!"
Tumayo siya pero hinila ko ang kamay niya kaya napatigil siya "C-Cloud, naguguluhan ako sa ginagawa mo!" pag-amin ko.
"I'm sorry." He said
"Why?" I asked him "Bakit hindi mo na lang sabihin? Bakit hindi mo na lang linawin? Sabihin mo gusto mo ba ako o hindi?" nakita ko ang pagbuntong hininga niya saka umiwas ng tingin.
"I can't say anything. I can't admit anything. I can't promise you anything." Sagot niya sa akin
"W-What?" I almost cried "B-Bakit-"
"Ayaw kong mangako Noreen!" sagot niya sa akin "Ayaw kong magbitiw ng salita na di ko naman kayang panindigan sa huli. I'm sorry for making you feel this way but trust me I feel the same too. Naguguluhan din ako kaya pwede ba habang hindi ko pa maintindihan kung ano ito, lumayo ka muna sa mga lalaki mo?!"
"Selfish." Sagot ko saka pinigilan ang pag-iyak
"Please rest. Let's call it a day." Yun lang at lumabas na rin siya ng pinto.
Humiga ako sa kama niya habang yakap yakap ang unan. I can't stop myself from not hating him. I hate him! I hate him so much!