Chapter 27
Noreen
I woke up covered with by his comforter. Hindi ko maalala na nagkumot ako kagabi kaya nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko na nagawang makapagbihis at makapaghilamos kagabi kaya naman dumiretso ako sa CR niya pagkagising na pagkagising ko. I washed my face thoroughly, medyo namula pa nga iyon. Suot suot ko yung fluffy slippers niya habang nasa loob ng CR, inabot ko ang face towel saka nagpunas agad ng mukha.
Masakit ang ulo ko, dahil siguro sa dami ng ininom ko kagabi. Hinihimas himas ko iyon habang palabas ng kwarto niya. Saan kaya natulog yung lalaking iyon? I cleared my throat bago ko siya tinawag.
"Cloud?" tumingin ako sa paligid ng unit niya, as usual, malinis at maayos parin iyon "Cloud, saan ka?" dumiretso ako sa kusina, doon ko naalala na tumingin sa wristwatch ko "Ah, malapit na mag alas dose ng tanghali, kaya pala nagugutom na ako!"
Dumiretso ako sa may dining table niya, may mga nakatakip ng foil doon, pag-alis ko, mga pagkain pala, mushroom soup, beef steak at mixed vegatables, yun ang mga nakahanda. Napatingin ako sa kulay light green na note na nasa tabi ng plate.
Please eat. I went to school.
Huminga ako ng malalim saka bumuga din agad. Hinila ko ang upuan saka inabot ang kutsara at tinikman ang soup na andun.
"Bakit ang sarap niyang magluto?" tanong ko sa sarili ko "Ano pa ang mga bagay na di mo alam Cloud bukod sa pag-amin?" parang baliw kong kausap sa sarili ko saka sinimulan na ang pagkain doon.
Umuwi ako ng unit ko pagkatapos kong kumain. Naligo at nagpahinga. Ron called me immediately matapos ko siyang i-text, nasa school daw siya.
"Masakit ang ulo ko." bungad ko sa kanya.
"Paanong hindi sasakit ang ulo mo, ilang litrong alak ang inubos mo kagabi?" satsat niya mula sa kabilang linya "Bakla pwede ka ng makipag contest sa inoman sa lakas mong uminom!"
"Makapagsalita ka naman kala mo araw-araw kong ginagawa!" sagot ko naman sa kanya. Humiga ako sa sofa saka hinina yung volume ng TV.
"May pagkain sa ref, iinit mo na lang, mayang gabi pa ang dating ko bakla, baka magpapagutom ka nanaman at kung ano nanaman pumasok sa kokote mo niyan!"
"Kumain na ako." Sagot ko sa kanya "Nag-iwan ng pagkain si Cloud sa akin bago siya pumasok sa school." Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Ron pero hindi siya nakasagot sa akin agad "Hello? Andyan ka pa ba? Ron? Hoy bakla!"
"A-Ahh andito pa ako!" sagot niya "Talaga? Nag-iwan siya ng pagkain para sa iyo?" tanong niya.
"Oo, pati note nag-iwan siya." Pagsasabi ko ng totoo. "R-Ron."
"Oh?"
"K-Kagabi ba tinawagan mo siya para hanapin ako?" Ron cleared his throat bago ako sinagot.
"Nung tumawag ka, nasa shop siya yun. Nakaupo lang, ilang oras siyang andun, parang may inaantay na di ko maintindihan. Gusto ko ngang kausapin pero baka hindi ako kibuin, alam mo naman medyo masungit yan eh." Sagot niya sa akin.
"But prior to that, bumili siya ng Tea at Waffle, I served it to him pero later on he asked to have it ready-to-go. Nakatingin siya sa labas the whole time, parang ang lalim ng iniisip, ewan ko kung nakita mo siya or nagkasalisihan kayo, kasi nung dumating siya kakaalis niyo lang ni Brick. Tapos you informed me na hindi ka sumama kay Brick."
"A-Ahhh..." sagot ko lang.
"I have no choice but to ask help from him matapos akong tawagan ng pulis. Andun na siya eh! Pero in all fairness ah, worried siya, sobrang worried niya, muntik pa nga akong iwan matapos kong sabihin kung ano ang sinabi ng pulis eh sa pagmamadali niya eh!"
"O-Ohh, t-talaga?" sagot ko.
"Noreen." Tawag niya.
"Hmm?"
"Okay ka lang?" may pag-aalala niyang tanong. Bumuga ako ng hangin saka inabot ang throw pillow sa sofa at niyakap iyon.
"Hindi ko alam." Sagot ko
"Ano bang sabi niya?" he asked
"Na hindi niya din alam kung anong nararamdaman niya." pagsasabi ko ng totoo "N-Na pati siya naguguluhan din."
"Noreen..."
"Ron sabi niya he can't admit anything, he can't promise me anything. Ayaw niya daw mangako sa akin, ayaw niya daw magbitiw ng mga salita na di naman niya kayang panindigan." Napatulala ako at napapikit matapos maalala ang pag-uusap namin ni Cloud kagabi "Pero Ron hinalikan niya ako eh! Niyakap niya ako ng mahigpit, inalagaan niya ako kagabi!"
"Noreen, baka ayaw lang magpaasa nung tao."
"Ayaw magpa-asa? Eh bakit niya ginawa yung mga iyon?" may galit na tanong ko sa kanya
"Oh bakit sa akin ka nagagalit?" tanong naman niya "Siguro gusto niyang linawin muna ang lahat bago siya magbibitiw ng salita. Action speaks louder than words Noreen."
"Exactly!" sagot ko "Kaya nga ganito ako eh, kasi sa mga pinapakita niya na taliwas sa mga sinasabi niya! N-Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano dapat kong isipin."
"Ano pa bang sabi niya?" tanong niya ulit. Napatulala ulit ako bago siya sinagot
"N-Na, na gusto niyang lumayo ako sa mga lalaki habang hindi niya pa daw maintindihan kung ano ang nararamdaman niya!" narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Ron mula sa kabilang linya.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa love love na yan eh, pag tinamaan ka na there's no turning back, it's either magpakabaliw ka o magpakatanga."
"You're not helping."
"But I wish I could." Sagot niya "Naku kaya ako, bakla masaya na ako sa buhay kong ganito, wala man akong boylet at least safe ako sa mga ganyang heartaches!"
"Wala ka bang subjects?" pag-iiba ko ng usapan
"Ito na nga papasok na ako, osige kita na lang tayo mamaya, kumain ka ah!" paalala niya saka binaba na ang linya.
Ang bilis ng oras, mag-aalas tres na ng hapon. I turned off the tv saka kinuha ang phone ko. May mga messages si Mommy pero di ko binasa. Wala akong magawa, nabobore ako ng bigla kong naalala na ngayon pala yung pick up ng laundry.
Pumasok ako sa kwarto saka kinuha ang marurumi kong damit. I texted Yaya na papuntahin na yung driver dito para kunin ang mga damit ko. I was arranging my undies ng bigla akong napatigil ng makita ko ang naiibang klaseng underwear na nakahalo sa gamit ko.
"TSS!" hila ko doon. "Alam mo ikaw yung utak mo parang pangalan mo, sobrang CLOUDY!" turo ko sa brief ni Cloud.
Umupo ako sa kama habang hawak hawak iyon. Pinitik pitik ko yung brief niya habang kung anu-ano ang sinasabi. Nilabas ko ang sama ng loob ko doon. Ipinatong ko iyon sa kama saka iyon dinaganan. Pinaghahampas hampas ko rin at saka binanat.
"AAHHH!" sigaw ko at tumigil na lang ng nagmukhang ni-r**e ng ilang daang beses ang brief niya dahil mukha na itong loshang at sobrang luwang.
Napatingin ako sa may pinto ng biglang may nag door bell, nandito na ata yung driver namin. Lumabas ako para pagbuksan siya ng pinto pero laking gulat ko ng makita si Brick na andun.
"Hi!" bati niya sa akin habang may hawak na paperbag na may lamang pagkain. Napatingin din ako sa hawak niyang maliit na paso na may bulaklaking tanim, may pulang ribbon pa iyon sa may stem nito.
"B-Brick." I greeted him
"May I come in?" he asked, niluwangan ko ang bukas ng pinto. Nakangiti siya habang pinapasok ang dala at dahan-dahang nilagay sa may glass center table yung halaman. "It's beautiful, right?" he asked at napatango ako "Nagustuhan mo ba?"
"Oo, salamat." Sagot ko. Inabot niya yung food na dala niya at napatigil ng mapansin niya ang hawak ko.
"W-What's that?" tanong niya saka kumunot ang noo. Bigla kong naalala ang brief ni Cloud.
"A-Ahh, wala, basahan!" sagot ko saka mabilis na binulsa yun "A-Amina, ihahanda ko na yung dala mo." Sabi ko saka umalis na rin sa harap niya. "Ikaw talaga Noreen, paminsan di ka talaga nag-iisip!" bulong ko sa sarili ko ng paalis ako sa harap niya.
Kinumusta niya ako. We talked, matagal din, nag-eenjoy ako sa pagkikipag-usap sa kanya. Nakalimutan ko saglit ang ang sakit ng ulo ko at sama ng loob "How did you know na andito ako?" tanong ko sa kanya.
"Dumaan kasi ako ng shop niyo. Wala doon si Ron kaya yung mga crew na lang ang tinanong ko. Eh wala naman silang alam kaya nagbaka-sakali na lang ako na andito ka, and here you are!" sagot niya. Napatingin ako sa halaman na dala niya. "Ang ganda di ba?" tanong niya, sumang-ayon ako.
"Instead of giving out bouquet of flowers, my Dad told me na I should give something like that, lalo na kung special na tao ang pag-bibigyan ko." he looked at me saka pinagpatuloy ang pagsasalita "In that way, the flower won't wither and die easily but instead, it will grow and bloom just like how you feel towards the person na pagbibigyan mo." Ngumiti siya
"A-Ahh..." sagot ko saka umiwas ng tingin
"Please take good care of it Noreen." Pakiusap niya habang nakangiti "Please take good care of my feelings."
"A-Ahihi..." hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya "M-Maganda yung b-bulaklak..." sabi ko na lang. Ngumiti siya saka bahagyang umiling, tumayo siya kaya tumayo rin ako.
"Sige, I'll visit you often, okay lang naman di ba?" ngumiti na lang ako bilang sagot, hinatid ko siya palabas ng unit saka nagpaalam at nagpasalamat din. Napaupo ako at matagal ding napatitig sa binigay niyang halaman.
"Ahh!" singhal ko saka ginulo gulo ang buhok, sumandal ako sa sofa saka napatingala. "Nanliligaw ba siya?"