Chapter 28
Noreen
"What brings you here?" nagulat ako ng binuksan ko ang pinto, akala ko kung sino na ang dumating.
"Why? Masama bang bisitahin ko ang anak ko?" she asked saka mahinang tinulak ang pinto ng hindi ko pa iyon binubuksan masyado. Kusa siyang pumasok kahit hindi ko pa sinasabi. Ginala niya ang tingin niya sa paligid. She put down her bag on the sofa saka umupo doon. "Hindi mo ba ako aalukin ng juice?" she asked me.
Mas lalo akong nagtaka sa ginagawa niya. Nakakunot ang noo ko habang papunta sa kusina, kumuha ako ng orange juice saka cold sandwich at ininit yun saglit sa microwave. I served it to her. She smiled at me saka ininom ang juice "You're creeping me out!" I blurted out matapos kilabutan sa pinaggagagawa ng Mommy ko.
"Relax , I am just visiting you!" sagot niya sa akin. I laughed sarcastically saka tinignan siya.
"Mom, since I moved here, you never visited me. Kaya wag ako ang lokohin mo!" I was about to turn my back on her ng narinig ko siyang magsalita. She picked up the magazines na nasa center table saka tinignan iyon.
"Hmm, do you like to be a celebrity?" she asked habang pini-flip yun "Are you interested with Villaflor Twins?" she asked ulit matapos mapansin ang mga litrato nila.
"You're holding a Villaflor owned magazine." Paliwanag ko sa kanya, tinignan niya iyon
"Ohh!" parang nang-aasar niyang sagot
"But I am a fan. I like Rylle." Pagsasabi ko ng totoo. She smiled at me saka nilapag yung magazine and took a sip from the juice I served her.
"Did you know that they're a distant relative?" she asked me.
"What?" nabigla kong tanong.
"Her mother, the heiress of the famous textile company is a Del Vega." She smiled at me, tumayo siya saka naglakad lakad. Kumunot ang noo ko when she touched the flower Brick gave me. "Your father and her mother are third cousins." She informed me.
"S-So kamag-anak natin sila?" I asked, she nodded
"A distant relative. You by blood, me by law."
"B-Bakit? Bakit hindi ko alam?" I asked her.
"Oh dear, why don't you ask yourself? Kailan ka ba nagkaroon ng interest sa business?" she answered me.
"Mom, our relation to them is family not business!" sagot ko.
"You know nothing, Noreen." Naglakad siya papunta sa kusina habang tinitignan ang mga gamit doon, parang chi-ne-check niya lahat habang nagsasalita .
"In our world, you should know who are the people who can help you." She said habang binubuksan ang fridge ko. "You should know every single detail ng mga taong pwede mong maging kaibigan o kalaban. Know their weaknesses, likes and dislikes and use it to manipulate them."
"If we are going to talk about business here, you can go now Mom." Tinalikuran ko siya pero nagsalita siya agad.
"The business we are talking about here is the main reason why you have everything." She stated. She walked near me saka pinatong ang kamay sa balikat ko "Without it, you are nothing." Dugtong niya.
"You're the most ewan person I know!" sagot ko, lumakad ako papuntang sofa saka doon kinuha ang bag niya, sumunod siya sa akin kaya inabot ko sa kanya iyon "Don't ever visit me again Mom, kinikilabutan ako eh!"
Kinuha niya yung bag niya saka ako tinignan at yung bulaklak doon sa center table "Don't accept suitors." She plainly said "It will not help you."
"Don't interfere in my personal life." Sagot ko. kumunot ang noo niya, alam ko kung paano galitin si Mommy, kung may isang bagay akong master na master yun ay ang pakuluin ang dugo nila ni Daddy!
"Do what you want but don't make any move that will affect our family." She warned me "And mind you my dear, you're still my one and only daughter and I will do anything just to secure your future, our future." Yun lang at kusa na siyang lumakad papunta sa pinto. She turned the knob at nagsalita ako ulit.
"Please close the door when you leave." Saka ako pumasok ng kwarto at di na siya hinatid palabas ng unit kahit sa tingin man lang.
I was preparing for my afternoon class. Ilang days wala si Ron dito sa unit kasi sinusumpong nanaman yung Nanay niya.
"Ihahatid na kita!" I insisted ng matapos ang klase namin at pumayag naman siya. Ron drove my car hanggang sa kanila, hindi na rin ako bumaba at nagtagal doon.
I decided na dumaan sa isang pizza house at nagtake out mula doon. I don't have anything to eat para sa dinner at tinatamad akong magluto, no actually baka pag nagluto ako, di ko rin malunok. The guard greeted me ng makapasok ako ng building, dumiretso ako sa may elevator at nag-antay na makapasok doon.
It was a long night for me. Walang kasama sa bahay, walang magawa bukod sa manuod or gumamit ng social networking sites. Nang magsawa ako, pumasok na ako sa kwarto at doon natulog ng maaga, maaga kasi ang pasok ko kinabukasan.
---------
I was hugging Ron's arm habang naglalakad kami sa corridor. Palipat na kami sa susunod na subject.
"Natulog ka ba?" tanong ni Ron, nakapikit ako at nakasandal ang ulo sa braso niya habang naglalakad kami. Tumango lang ako at hindi nagsalita. "Eh bakit mukhang puyat ka?" tanong niya ulit.
"Ewan ko, basta inaantok lang ako!" sagot ko "Alam mo bang pumunta si Mommy doon?" agad siyang napahinto sa paglalakad. Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa kanya "Nakakagulat no?"
"Sobra!" sagot niya saka ako tinignan na parang kinilabutan "Ano daw gusto niya?" tanong ni Ron.
"Ewan ko, wala naman siyang sinabi." Sagot ko na lang. "Isa pa, ayaw ko ng idagdag sa isipin ko yan, masyado na akong stress nitong mga nakaraang araw."
"Wow huh! Buti nga ikaw lovelife mo lang problema mo, ako buong pamilya ko!" sagot niya sa akin.
"Bakit? Ano nanaman ang nangyari?" umiling siya sa akin saka ako tinignan.
"Wala, kaya ko na ito." Sagot niya, bumuga ako ng hangin at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ni Ron, we continued walking ng bigla siyang huminto, napatingin tuloy ako sa harap namin.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan matapos makita ang titig ni Cloud. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan kami ni Ron.
Hindi niya inaalis ang tingin niya sa amin ni Ron. I heard Ron cleared his throat saka inalis ang kamay ko sa braso niya.
"Beks, galit ata." Bulong niya sa akin kaya napatingin din akong mabuti kay Cloud. I cleared my throat saka hinawakan si Ron sa kamay. Inilalayo pa ni Ron yung kamay pero hindi ko siya pinayagan.
"L-Let's go!" sabi ko at kahit parang natatakot, naglakad kami papunta sa direction ni Cloud. We were about to pass through him ng bigla niya akong hinawakan sa braso. Para akong nakuryente at sobrang nagulat sa ginawa niya.
"Let's talk!" mahina pero malalim niyang sabi.
"M-May kla-"
"I said let's talk!" nabitawan ko ang braso ni Ron matapos niya akong hilahin.
Yung ibang mga estudyante pinagtitinginan kami. Binitiwan niya ang braso ko dahil doon saka hinuli ang kamay ko. Mabilis siyang maglakad at kung hindi ko sasabayan ang lakad niya, sigurado akong makakaladlad ako dahil doon.
"Get inside!"
"May klase ako!" sagot ko sa kanya pero binuksan parin niya ang pinto ng kotse saka tumingin lang sa akin. I bit my lower lip saka kinuyom na rin ang palad. "I'm not a pushover!" sabi ko na may paninindigan.I was about to walk out ng hinuli niya ulit ang braso ko saka hinigit iyon. "A-Aray!"
"I know, that's why I'm still trying to ask you in a good way." Sagot niya at wala na akong nagawa ng hinawakan niya ang ulo ko at bahagya akong pinayuko saka pinasok sa kotse. Malakas niyang sinara ang pinto ng at nakita ko ang pag-ikot niya doon at pag upo niya sa driver's seat.
Agad kaming umalis ng school. Hindi ko alam kung saan kami pupunta or kung saan balak niya akong dalhin.
"Good way? Wow Cloud huh, good way mo na yun? Eh paano pa pala yung bad way mo? Ipapa-salvage mo na ako?"
"You know that I'm not gonna do that." seryoso niyang sagot. Natahimik ako. Tumingin ako sa daan saka nag crossed arms. Hindi na kasing bilis kanina ang takbo namin. Normal na lang at parang hindi niya rin alam o sigurado kung saan niya ako dadalhin.
"What do you want?" I broke the silence between us. "Sabihin mo na dahil may klase pa ako!" mataray kong sabi. Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manubela, sa tenga niyang namumula at sa mga mata niya na tanging sa daan lang nakatitig.
"Hindi mo ba talaga kayang gawin ang sinabi ko?" kumunot ang noo ko ng hindi ko maintindihan ang sinagot niya sa akin.
"Ano? Hindi kita maintindihan!" sagot ko naman sa kanya.
"I thought I made it clear." Sagot niya ulit "Pero hindi pala."
"Pwede ba Cloud hindi kita maintindihan at kung ano man yang sinasabi mong made it clear, made it clear na yan, I'm sure wala kang nilinaw sa akin!" pagtataray ko sa kanya.
"Ang gulo gulo mo nga eh, asa ka pang may malinaw sa mga pinaggagagawa mo!" napatili ako ng bigla niyang kinabig ang sasakyan at huminto sa gilid ng daan.
"ANO BA?" sigaw ko sa kanya "ANO BANG PINAGGAGAGANYAN MO? KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY SI MIA ANG ISAMA MO!" I was about to remove my seatbelt ng hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"WHY CAN'T YOU FOLLOW ME?" sigaw niya sa akin, marahas niyang binitiwan ang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya "I ask you to stay away from men, simpleng bagay hindi mo magawa!"
"Ano?"
"Sinasadya mo ba?" tanong niya, namumula na ang magkabilang tenga
"Ang alin?" naglilito kong tanong
"NA IPAKITA SA AKIN KUNG PAANO MO YAKAPIN YUNG RON NA IYON!" I was taken back. Hindi ako makapagsalita at sobrang nabigla ako sa sinigaw ni Cloud sa akin. Galit siyang nakatitig sa mga mata ko. Naghihintay ng sagot.
"R-Ron is my bestfriend." Sagot ko
"Bestfriend? Ganun na pala ang bestfriend ngayon?" sagot niya.
"I was just leaning on his arms, isa pa walang malisya yun sa amin, Ron is a gay!" sagot ko.
"How sure you are?" tanong niya "He is still a man, stay away from him!"
"I can't do that!" sagot ko "I love Ron. I won't stay away from him dahil lang sinabi mo!" inalis ko ang seatbelt ko saka bumaba sa kotse. Hinabol niya ako.
"Noreen!" nilingon ko siya, he was trying to calm his self, kita ko iyon.
"Ron is my bestfriend!" ulit ko "He is harmless and I am pretty sure that he will be the last guy who will hurt me, hindi tulad ng iba diyan!"
"I'm sorry." Sagot niya "I...I j-just don't know-"
"Why Cloud?" putol ko sa sasabihin niya "Why are you acting like this? Are you jealous?"
"I'm just t-trying to clear things up between us." Sagot niya saka tinalikuran ako, binuksan niya yung pinto ng kotse saka tumingin sa akin "Get in." lumakad ako palapit sa kanya. Sinagot niya ang mga titig ko, pero agad ring bumawi ng tingin.
"You're f**k up!" sabi ko sa mukha niya.
Padabog akong pumasok at naupo sa kotse. Nilagay niya ang seatbelt ko matapos kong hindi makinig sa sinabi niya na ilagay ko na iyon. I wasn't looking at him the whole time na nagda-drive siya.
Galit ako sa kanya at gusto kong iparamdam sa kanya iyon. Binalik niya ako sa school saka pinagbuksan ng pinto ng kotse. Hindi ko siya kinikibo, hindi ko alam kung saan ang room niya pero nakasunod siya sa akin. Papasok na sana ako ng room ng bigla siyang nagsalita.
"Noreen." Rinig kong tawag niya. Nilingon ko siya "Don't go home with Ron, I'll pick you up later." Yun lang at umalis na siya sa harap ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo sa room namin. Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng malakas na tumibok iyon.
Nakita kong kinuha niya ang phone niya saka may tinawagan. Nabigla pa ako ng tumunog din ang phone ko, agad kong sinagot iyon.
"Let's have some dinner later, decide for the restaurant, then tell me where it is and I'll take you there."