Chapter 29
Noreen
"HOY!" hampas sa akin ni Ron "Kanina ka pa nakatulala ah!" I cleared my throat saka nilingon siya, natapos na ang klase namin pero wala akong naintindihan, kanina pa kasi tumatakbo sa isip ko si Cloud.
"Bakla, kung may mag-aaya sa iyong kakain sa labas, saan mo gusto pumunta?" tanong ko at kumunot ang noo niya.
"Ako? Kilala mo naman ako Bessy, I'm not into fancy restaurant, kahit saan basta mabubusog kami!" sagot niya saka inayos ang bag. Tumayo rin ako at naglakad na kami ng sabay. "Bakit? Wag mong sabihin yan ang iniisip mo sa buong klase kaya hindi na nakikinig!" dugtong niya.
"Eh si Cloud kasi, sabi niya mag-dinner daw kami, kahit saan ko daw gusto dadalhin niya ako." Napatigil si Ron sa paglalakad at napaawang ang bibig.
"BESSY DATE BA YAN?" tili niya at di ko mapigilan ang ngiti ko.
"Baka?" sagot ko na nagpakipot pa. Tumili ng malakas si Ron, naghawakan kami ng kamay at nagtatalon na parang bata.
"Luma-lovelife kana baklaaa!" hampas niya sa akin "So umamin na siya? Bet ka niya?" sunod-sunod niyang tanong. "Nag-I love you na ba?"
"Hindi pa!" sagot ko
"Hindi pa? So confident ka na doon din darating iyon?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot. Palabas na kami ng building ng nakakapit ulit ako kay Ron. Inaamoy niya ang buhok ko "Bessy anong shampoo mo?" tanong niya "Ang bango, bet ko sa hair ko."
"Kumuha ka na lang doon sa condo." Sagot ko sa kanya. Tumigil siya ng mapansin niya ang lipstick na gamit ko. Hinawakan niya ang baba ko saka pinagmasdan mabuti iyon.
"Ano gamit mo? Bago no?" tanong niya, ngumiti ako "Ayy bet ko yang Red Matte Lipstick mo! Try ko yan minsan ah!" tumango ako saka tumawa. Biglang nang ring ang phone ko at agad kong sinagot iyon matapos kong makita na si Cloud.
"Where are you?" bungad niya sa akin.
"Sa labas na ng building namin." I plainly answered him.
"Who are you with?" he asked ulit.
"A-Ahh, I'm-" natigil ako sa pagsasalita ng pagtingin ko sa harap namin ni Ron, andun na siya nakatayo, he was leaning on his car habang nakatingin sa amin. He put down his phone at doon ko narinig ang end tone ng tawag niya. Ibinaba ko na rin ang phone ko.
Naglakad siya papalapit sa amin ni Ron. "Bessy, galit ba siya sa akin?" bulong ni Ron, tumango ako.
"He told me to stay away from you." Pagsasabi ko ng totoo. Na-shocked si Ron at parang na stress ang beauty niya.
"Sinabi mo bang babae ako?" tanong niya ng mahina at pabulong habang naglalakad si Cloud papunta sa amin "Anong tingin niya sa atin, lesbian couple?"
"I told him that pero sabi niya you're still a man!"
"Ahh!" sagot ni Ron "Ang ispiritu ko ay babae na naligaw lang at napasok sa katawan ng lalaki!" sagot niya sa akin "Alam mo yan bakla!" natahimik siya ng makarating na si Cloud sa harap namin.
Cloud gave him a serious yet deathly glare. Ron smiled at him pero hindi pinansin ni Cloud iyon.
"Naku Bessy sige na sumama ka na sa kanya baka ma-salvage pa ako dito ng wala sa oras, kaloka!" sabi ni Ron saka pinunasan ang pawis niya na namumuo sa noo. I shook my head.
"Naku Papa Cloud wag kang mag-alala, safe sa akin si Noreen!" pinipigilan ko ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag si Ron "Hindi ko siya type, ikaw ang type ko!" dugtong pa niya.
Di ko na napigilang matawa dahil doon. Cloud looked at me and I just raised my shoulders.
"Mauuna na kami." Paalam ko kay Ron. Hahalik sana ako sa kanya ng inilayo niya ang sarili niya. Natawa ako at naglakad na lang papunta sa kotse ni Cloud. Napahinto ako ng marinig ko ulit siyang nagsalita.
"Pero ito tandaan mo Papa Cloud, wag na wag mong papaiyakin ulit ang sister ko dahil sa susunod na ginawa mo iyon, tatawigin ko buong federasyon at ipapa-bugbog kita!" banta niya saka tinalikuran si Cloud. Lihim akong napangiti. Inantay ko na pagbuksan ako ni Cloud ng pinto at ginawa niya naman yun.
Matapos niyang isara ang pinto, hindi siya agad nagsalita.
"Take that warning seriously." Basag ko sa katahimikan "Maraming tulad ni Ron ang babawi sa iyo kung pinaiyak mo ulit ako." Nakita ko ang paglunok niya kaya lihim akong natawa.
"W-Where do you want to eat?" pag-iiba niya ng topic. Binuhay niya ang makina ng sasakyan matapos naming ilagay ang seatbelt.
"I don't feel like going to restaurants." Sagot ko, tinignan niya ako.
"Then what do you want?" he asked again.
"Cook for me." I ordered him saka siya tinignan "Cook dinner for me."
-------------
Nasa sofa ako at nanunuod ng romantic film habang nagluluto si Cloud sa kusina. Nasa unit niya kami at hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti kanina pa. Ka text ko si Ron habang nanunuod, Nasa bahay nila siya ngayon at kanina pa tanong ng tanong kung ano ang ginagawa namin.
Maya maya tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad iyon matapos makita na si Brick ang tumatawag "Hey!" bati niya agad.
"B-Brick!" sagot ko naman.
"Are you home?" he asked, medyo maingay sa background niya, di ko maintindihan kung ano or sino ang mga nagsasalita doon.
"A-Ahh, no..." sagot ko, which is true naman di ba? Wala naman ako sa unit ko.
"Ahh, sayang, I will bring you some food sana." He said.
"A-Ahh ganun ba? Don't bother, kumain na rin ako." Sagot ko.
"Saan ka?" he asked
"Ah?"
"Where are you, can I see you?" he asked again. Napatingin ako ng makita kong papalapit si Cloud sa akin. Natigil siya ng makita akong may kausap sa phone.
"A-Ahh I'm doing some important matter eh, saka na lang, sorry." Sagot ko na lang sa kanya.
"A-Ahh is that so? That's okay, I'll see you soon, bye!" at binaba ko na ang phone. Kumunot ang noo ni Cloud, napalunok ako.
"Who is that?" he asked saka tinanggal ang apron na suot. Hindi ako agad sumagot "Brick?" Tanong niya ulit, umiwas ako ng tingin. "Let's eat!" aya niya kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya sa dining area.
Cloud prepared beef steak. It was perfectly grilled. My appetizers rin siyang hinanda such as mashed potato, balance din dahil may preni-pare siyang mixed vegetables. Cloud poured some wine sa glass ko.
"Thank you!" I uttered matapos niyang gawin iyon. Tahimik siya habang kumain kami. "Can I ask you something?" tanong ko at tumingin siya sa akin "Is it a date Cloud?" he looked away saglit pero binalik din ang tingin sa akin.
"If t-that's how you see it." Sagot niya sa akin.
"Ah, super romantic!" I sarcastically said. Saka binalik ang pansin sa steak.
"It is a date Noreen." He finally said. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-ngiti.
"Why would you date me?" tanong ko ulit pero di siya tinitignan. Hindi siya agad sumagot.
"I...I want to k-know you more." He answered me.
"Why?" I asked again saka tumingin na sa kanya.
"What, why?" he asked back.
"Why do you want to know me more?" I replied. Lumunok siya. "Are you interested in me?"
"Just eat!" sagot niya habang namumula ang tenga.
"I will not eat until you answer my questions!" sagot ko saka nilapag ang hawak na table knife and fork. "Are you interested in me?" ulit ko sa tanong, he looked at me, sinalubong niya ang titig ko bago ako sinagot.
"I am." Nagwala ang puso ko dahil sa dalawang salita na iyon. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa mukha ko lalo na ng tinitigan niya akong mabuti.
"A-Are you doing all of these dahil ba alam mong gusto kita?" lakas loob kong tanomg "Cloud, I don't need your sympathy. Kung ginagawa mo lang to dahil alam mong gusto kita, you can stop now. You can always go back to Mia na lagi mong hinahabol habol!" Huminga siya ng malalim saka nilapag ang hawak sa mesa.
He looked at me straight in the eyes.
"I'm doing all of these because I think I like you."
Napalunok ako, biglang namawis ang kamay ko at parang tatalsik ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nun.
"Minsan ko lang sasabihin ito Noreen kaya makinig ka. I like you not because you said that you like me. I like you that's why I want you to stay away from other men. Naiinis ako kung nagpapayakap, nagpapahawak o lumalapit ka sa kanila. From now on, stop mentioning Mia's name. And refrain from seeing my cousin."
"Brick is a friend." sagot ko "Ron is a friend, you can't tell me lumayo sa kanila!"
"I'm sorry but what's mine is mine and I am not good at sharing."