Chapter 30

1618 Words
Chapter 30 Noreen "Eh di kayo na?" bungad na tanong ni Ron sa akin, tinignan ko siya. "H-Hindi ko alam, wala pa naman kaming label sa isa't isa, pero yun ang sinabi niya, what's mine is mine and I am not good at sharing." Sagot ko naman. "Possessive much ang bakla!" komento ni Ron. Nasa shop kami, tapos na ang klase. "Eh pagkatapos nung dinner ano ginawa niyo?" tanong pa niya. "Ayun, hinatid niya ako sa unit ko. He said na from now on sabay na daw kaming uuwi and if possible, papasok din." Tumili si Ron saka pinaypayan ang sarili, pinagtinginan pa siya ng mga tao doon kaya hinampas ko siya ng mahina. "Umayos ka nga!" "Di kasi friend, nakita ko kasi kung paano niya inangkin ang mga labi mo nung gabi iyon!" pagpapaalala niya, bigla akong namula, kasabay ng pag-init ng pisngi ko. "Masarap ba?" "Alin?" tanong ko, ngumuso si Ron. "Ikaw talaga!" "Hindi nga? Seryoso ako, yummy ba ang lips ni Papa Cloud?" pinipigilan ko ang pagngiti ko pero ang hirap gawin. Tumingin ako sa malayo saka tumango. "BAKLAAAA! NAKAKAINGGIT KA!" tili niya ulit matapos kong sumagot. Sabay kaming napatingin ng may tumunog na wind chime. Pinigilan ko ang kilig sa katawan ko ng makita ko si Cloud. Naka-black leather jacket siya at rough jeans. Kahit plain white shirt lang ang nasa panloob niya, he looks so hot. Mainit pa sa kape na si-ne-serve dito sa shop! Lumapit siya sa table namin ni Ron. Nagkatinginan sila. "Alam ko na kung bakit ka threatened sa akin!" Ron suddenly blurted out "You find me handsome no?" tanong niya, inantay ko kung ano ang isasagot ni Cloud pero tinignan niya lang ak. "Tse, sungit F.Y.I lang Cloud Co-Del Rosario ah! Bestfriend ko yang nililigawan mo, dapat ikaw maging mabait ka sa akin dahil kung hindi susulsulan ko yang sister ko na di ka sagutin!" Cloud cleared his throat. Bigla akong nahiya dahil malakas ang boses ni Ron, naririnig sa buong shop. "We'll see you later." Mahina pero malalim niyang sabi. Tinignan niya ako saka kinuha ang bag ko na nasa upuan. I winked at Ron and Ron winked back. "Bessy next time sabihin mo pati ako ligawan niya kung gusto ka niyang mapasagot ah!" sabi niya kaya di ko napigilang tumawa. I walked after Cloud, nakatayo na siya sa kotse at pinagbuksan na ako nun. I sat down saka nagpasalamat sa kanya. "Where are we going?" I asked him. "Sky Ranch. Tagaytay." It took us only one and a half hour para makarating doon. It is my first time to visit this place. Naririnig ko na dati ang tungkol dito pero I didn't have the chance to see it with Ron. Siguro magugustuhan nung bakla na iyon kung pupunta kami dito. After Cloud find a place to park. Bumaba na rin ako. Kinuha ko yung face powder ko saka nag apply ng kaunti. Mabilis na inayos ang buhok saka hinarap si Cloud. "Let's go?" he asked at tumango ako. Tinignan niya ang bag ko na dala dala ko "Iwan mo na sa kotse yan." utos niya kaya bumalik ako, I grabbed my phone saka bumalik sa kanya. "Let's go?" naglakad kami sa lugar. Kinda chilly pero refreshing ang hangin. The place was huge. Nakaka relax at napakaganda sa mata. Maraming tao, mukhang kilala na nga ito. "How did you know this place?" I asked him. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na pumila sa mga bilihan ng ticket. "Family friend." Sagot niya ng makasakay na kami Sky Cruiser. It was built for two. I'm not afraid of heights kaya hindi ako bothered sa taas nun. Cloud was sitting sa tapat ng manubela nun. We enjoyed it. Lahat ng rides. From Super Viking, Nessi Coaster at Sky Jump. We tried it all. Sobrang saya at sobrang enjoy. Nagpahinga kami saglit and took some snacks. "Did you like it?" Cloud asked matapos iabot sa akin ang drinks. Tumango ako ng mabilis. Bumuga ako ng hangin at napatingin sa paligid. "I want to go here again." Bulong ko pero narinig niya. "I'll bring you here again." Sagot niya sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa saya at kilig na nararamdaman. Kanina pa niya kaya ako inaalagaan, pati isang sabi ko lang sinusunod niya. Kung saan ko ituturo doon kami pupunta. Oh di ba? Sobrang improving kaming dalawa! "Want to try horseback riding?" he asked me. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko iyon. Pumili si Cloud ng white horse at inalalayan niya akong makasakay doon. He then rode it and I felt secured ng makaupo na siya sa likod ko "Do you know how to ride?" I asked him "Someone taught me how, don't worry." He answered me saka hinila ang lubid ng horse. Medyo mabagal lang ang takbo namin. Ginala niya ako sa lugar. "Are you enjoying?" tanong niya ulit. "Sobra." Pagsasabi ko ng totoo "Salamat. Lagi ka ba dito?" I asked him at hindi siya sumagot agad. "Don't tell me dito mo dinadala si Mia?" I asked him "Noreen." "AHH! BULLSEYE!" sigaw ko saka pinahinto sa kanya yung kabayo. Bumaba ako at ganun din siya. Bigla akong nakaramdam ng inis matapos malaman na ang ginagawa namin at parehas lang ng ginagawa nila ni Mia noon. "Bakit ka nagagalit?" he asked me. "Bakit? Sana naman dinala mo ako sa ibang lugar!" sabi ko sa kanya "Eh dito pala kayo naglalandian ni Mia before eh!" "What?" he asked me. Lumapit siya saka hinawakan ang kamay ko, I let him do that pero hindi ko siya tinignan, oo nag-iinarte ako! "We've been here, yes, pero Mia doesn't like the rides, she doesn't enjoy the place, not that much. Hey." Pagpapaamo niya sa akin "Look Noreen, I brought you here not because it was the usual place Mia and I went but because I want to enjoy the place with you." Bumuga ako ng hangin saka tinignan niya "Di ba sabi ko sa iyo, Mia doesn't have any business between us. Stop thinking of her!" inayos ko ang buhok ko at kumalma naman matapos ang sinagot niya sa akin. "Are we okay?" he asked again, worried. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka tumango sa kanya. He smiled again. Oo, Cloud smiled. It was a genuine smile na ngayon ko lang nakita. Narinig ko na rin ang pagtawa niya kanina. Sobrang sarap pakinggan. I never imagined that he is capable of doing these things. Medyo madilim na ang gabi ng sumakay kami ng Sky Eye. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ng maayos. It was breathtaking lalo na ng umabot kami sa pinakataas. "It's the country's tallest ferris wheel." Rinig kong sabi ni Cloud. I looked down at napangiti matapos makita ang view. The lights were turned on na rin. "Ang ganda." I blurted out matapos di mapagilan ang sarili sa paghanga doon. "Dali, tignan mo!" tawag ko sa kanya. Lumapit siya at tinuro ko yung paglubog ng araw "Ang ganda di ba? Salamat huh, kasi hindi ko nakikita sa mga malls ang ganito scenery." Paglingon ko sa kanya nakakatitig na pala siya sa akin. Nagwala ang puso ko ng magtama ang tingin namin. "Promise me, babalik tayo dito, ita-try natin lahat." Sabi ko, tumango siya. I feel so tired pero very happy. Hindi mawala ang ngiti ko kahit nakaabot na kami sa labas ng unit ko. Late na kami nakauwi, kumain na rin kasi kami sa labas bago dumiretso ng building. I cleared my throat saka siya nilingon matapos buksan yung pinto ng unit ko. I can't hide my smile. Kahit ang kilig hindi rin ako iniiwan. Cloud was trying to hide his smile to at hindi makatingin sa akin. "Ahhh!" "A-Ahh!" Natawa kami ng sabay pa naming nasabi iyon. I bit my lower lip and tuck my hair behind my ear "Ikaw na mauna." I cutely said. "Hindi na ikaw na." sagot naman niya. "Ahhh, thank you!" sabi ko "I enjoyed it, so much." Ngumiti siya sa akin saka binulsa ang dalawang kamay sa pocket ng pantalon na suot, para siyang nakahinga ng maluwag matapos ang sinabi ko. "It was a date." He declared pero kita ko na nahihiya parin siya sa akin. Parang may kumikiliti sa tagiliran ko sa tuwing makikita kong nangingiti si Cloud. Lalo kasi siyang gumagwapo pag nakangiti. Labas din ang dimples niya na lalong nagpapagwapo sa kanya. "It was." Sagot ko saka mahinang tumawa "Thank you, s-sige papasok na ako." Tinignan ko siya at inantay na aalis pero nakatayo parin siya sa harap ng unit ko. "May gusto k-kang sabihin?" I asked him. "A-Ahh I enjoyed it too." Sagot niya at bumuga ng hangin, parang kaming nag-aantayan. Nahihiya na nag-aantayan. HAHAHA! Hindi ako malandi ah! Pero aaminin ko, para na akong maiihi sa kilig ngayon! "I'll go first!" paalam niya. Tumango ako. I was about to go inside my unit ng tinawag niya ako ulit. "Noreen!" mabilis akong humarap. "Yes?" sagot ko. "A-Ahh wala." Sabi niya at umuling na lang "Sige, bye." Tinalikuran na niya ako at naglakad na ng dalawang steps ng bigla siyang bumalik. I was caught off guard when he pinned me on my door, cupped my face saka hinalikan ako sa may labi. It was a long, passionate kiss. Hingal kami pareho ng nilayo niya ang labi niya sa labi ko. Ngumiti siya saka marahan na pinisil ang ilong ko. "Let's do it again, okay?" Bulong niya saka nagpaalam na rin at pumasok na sa unit niya. Nakangiti ako at parang nasa alapaap ng sinara ko ang pinto. Napasandal pa ako doon matapos makaramdam ng panghihina ng tuhod. "Let's do it again?" ulit ko sa sinabi niya "Alin? Yung Tagaytay o yung kiss?" and I squealed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD