Chapter 32
Noreen
Sabay kaming umuwi ni Cloud, hinintay niya ako hanggang sa last subject ko. He offered me dinner na siya rin ang nagluto. I stayed at his place for a couple of hours ng maisipan kong mapaalam at umuwi na.
"Why don't you stay here tonight?" he asked me kaya napatingin ako sa kanya "You can sleep here if you want." Alok niya saka siya ngumiti.
Hinawakan niya ang kamay ko saka pinaupo sa lap niya. I can't hide my happiness sa tuwing gagawin niya ito. Hinaplos ko ang buhok niya saka ngumiti sa kanya. I never thought na merong ganitong side si Cloud. He is like a cotton candy na mahirap i resist.
"Do you want me to stay?" I asked him at tumango siya na parang bata, I smiled wider. "Okay." Sagot ko kaya niyakap niya ako agad.
Tumayo ako saka sumunod sa kanya sa kwarto "But I want to take a bath." I informed him "I'll just go home and get some clo-"
"No need." Sagot niya sa akin saka pumunta sa cabinet niya "I'll just lend you some." Inabot niya sa akin ang isang white shirt at boxer short. Kinagat ko ang labi ko matapos niyang gawin iyon "Why?" tanong niya matapos mapansin na pinigilan ko ang pagtawa.
Ang cute kasi nung boxer shorts na inabot niya, spongebob ang design "I didn't use that, Mom bought that for me pero maliit. And obviously it's not my style." He said habang nakatingin sa akin "Bago rin yung shirt so don't worry."
Tinaasan ko na lang siya ng kilay saka pumasok sa CR. Siguro iuuwi ko na lang itong boxer shorts niya at ipapa frame ko kasama nung brief niya HAHAHA!
His unit amazes me to the point na parang laging bago iyon sa mga mata ko. Every day I learned more and new about Cloud and lalo akong humahanga sa kanya dahil doon.
It is true na madali siyang ma misunderstood dahil sa type of personality na meron siya and isa na ako sa mga tao na iyon dati. But as I stay with him every single day, mas na re-realize ko kung bakit hindi siya mahirap mahalin. Lahat ng mga sinasabi niya simula ng naging ganito kami, he made sure na ginagawa niya and I appreciate that.
I went out of his comfort room while drying my hair with the white towel I found inside it. Pag angat ko ng tingin, I saw Cloud standing near the door and looking at me. I smiled at him. He looked at me from head to toe.
"I think bagay sa akin ang damit mo." I mocked him and he smiled back.
Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa noo. Siya naman daw ang maliligo. Humanap ako ng blower at luckily meron siya nun. I blow dried my hair habang hinihintay siyang matapos.
Maya maya pa, bumukas ang pinto sa CR, napatingin ako sa kanya at di ko mapigilang mapalunok dahil doon. Pinupunasan niya ang basang buhok habang may ilang droplets paring nakakawala at tumutulo sa upper naked body niya.
He was just wearing a gray stripped pajamas and nakapaa lang siyang naglalakad papunta sa akin.
"What's wrong?" he asked saka pinunasan ang chest. Biglang nanuyo ang mga labi ko. My eyes were froze sa abdominal muscles niya.
"W-Wala." Simpleng sagot ko pero di parin maalis ang titig doon, ngumisi siya.
Nilagay niya sa laundry area yung ginamit niyang towel bago umupo at nahiga sa tabi ko. Ang bango niya. Sobrang bango niya. The scent of the shower gel he used, covered his entire room. Ang bango. Ang sarap sa ilong.
Biglang nawala ang antok ko matapos niyang tumabi sa akin. Nilapag niya ang phone niya sa bedside cabinet kaya napatingin ako doon.
"Can I see it?" tanong ko sa kanya referring to his phone. He didn't answer immediately pero pumayag din siya. He looked at me confused, though.
I browsed at his photos and as I suspected andun pa nga yung mga pictures nila ni Mia together.
"You still have it." Mahina kong sabi matapos makaramdam ng inis. Tinignan niya ako.
"Ang alin?" Tanong niya saka sinilip kung anong tinitignan ko sa phone niya. "Ah. I forgot about it and I don't check my gallery."
Sumimangot ako and was about to give back his phone ng nagsalita siya ulit.
"Delete it." Utos niya sa akin kaya tinignan ko siya.
"Are you sure?" I asked him.
"Of course. Please delete it all." Pakiusap niya na, kaya I happily did it. Walang natira doon, kahit isa wala. "Happy now?" he asked pero hindi ko siya sinagot. "Noreen." Bulong niya saka lumapit sa akin "I told you di ba? Mia and I are over."
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa malayo. "Pero bakit something is telling me na hindi yun totoo?" tanong ko.
"What?" takang tanong niya.
"Brick's party, I saw Mia, she told me na you picked her up at sabay kayong pumunta sa party." Sagot ko saka nag crossed arms. "She kissed you!"
"Exactly, she kissed me, she's the one who kissed me." Depensa niya sa akin "I picked her up dahil inaya din siya ni Brick and Brick asked me to convince her na pumunta doon since matagal na silang di nagkikita. That's all, hanggang doon lang yun."
"Eh ano yung sa interview niya?" I question him. Tinignan ko siyang mabuti habang inaantay ang isasagot niya. Sinalubong niya naman titig ko.
"She said that guy is willing to wait for him, is he referring to you? Of course she is!" Singhal ko? biglang uminit ang ulo ko lalo matapos maalala yung interview ni Mia.
"There's a rumor spreading around about her, having a relationship sa anak ng isang business tycoon. Ikaw lang kilala kong lalaking naghahabol sa kanya!" dagdag ko pa.
"Noreen." Hinawakan niya ang braso ko saka lumapit sa akin.
Wala parin siyang upper shirt kaya nakaka distract yung katawan niya. Nakakainis lang talaga!
"I don't know what's she's talking about. Maybe it is one of her publicity stunt. Hindi ko alam. Isa pa, I don't do cheating. If I'm dating you, you can be confident na ikaw lang. Noreen, I assure you that."
Tinignan ko siya matapos niyang sabihin iyon. I suddenly felt secured matapos marinig ang mga sinabi niya. It somehow erased my hesitation and gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.
Tama nga sila. Cloud has this charm. When he said it, you have to believe it kasi alam mo na nagsasabi siya ng totoo. I want to believe him. I want to trust him.
"Are you jealous?" he asked saka ngumiti at hinawi ang buhok ko.
"I'm territorial." Sagot ko naman at hindi niya napigilan ang pagtawa dahil doon.
"Fine. You have the right to be." Sagot niya "I'm all yours." He whispered saka hinalikan ako sa noo. "Can we now sleep peacefully?" he asked at tumango ako.
He pinched my nose saka hinila na rin yung comforter. He reached for the remote control and turned off the main light. He even dimmed the lights from the lampshades bago umayos ng pagkakahiga.
"Hindi ka ba mag-shi-shirt?" tanong ko ng makahiga na kami.
"I sleep like this." Sagot niya, tumahimik na lang ako "Good night..."
Ilang minuto pa akong nakatulala at nakatingin sa ceiling. I can't sleep, gusto ko siyang tignan magdamag, ang gwapo niyang mukha, ang namumula niyang mga labi. Gusto kong pakinggan ang hininga niya, gusto kong marinig kung sakali man mag salita siya habang nananaginip siya.
Cloud makes me happy, no doubt about that. Mahal ko siya, I'm sure of that. Pero bakit parang ang bilis ng oras sa tuwing kasama ko siya? Parang kulang ang twenty four hours a day na gusto ko siyang makasama?
Brick never contacted me since then, okay lang siguro mas mabuti na muna na ganun. I never asked Cloud pa din kung nagkausap na silang dalawa, siguro mas maganda na hindi na muna iyon i-open up. Ron is staying with her mother and I'm happy na there's someone who will accompany me during these times.
Derick never showed up after the incident. I'm at peace dahil doon. Sana nga maka-commit siya ng crime at makulong na ang bastos na iyon!
After what Cloud told me about Mia, I chose to believe him. I know that's the right thing to do. Just like what Brick said about him, he is type of guy that keeps his words, I should trust him, yes, I think I should.
I moved near him and lightly traced his nose, ngumiti ako habang ginagawa iyon.
"Why are you making me feel like this?" mahina kong bulong "Aaminin ko, I don't feel fully secured about your feelings towards me pero sa tuwing kasama kita, I can't stop myself from loving you more." Ngumiti ako and was about to turn my back on him ng hinuli niya ang kamay ko saka hinila at pinulupot sa beywang niya.
Nanigas ako matapos maramdaman ang mainit niyang katawan. Ang matigas niyang dibdib.
He let his other arm na gawin kong pillow, he pulled me closer to him kaya napasiksik ako sa may dibdib niya. I gulped matapos niya akong yakapin ng mahigpit.
"Don't worry too much." Rinig kong bulong niya "I told you di ba? Ikaw lang. " At doon na dahan dahang bumigat ang mga mata ko "Good night, Noreen."