Chapter 33
Noreen
Cloud was preparing breakfast for us ng biglang tumunog ang phone niya. I was standing behind him, watching him kaya nakita ko agad kung sino iyon. He looked at me for a second bago nagsalita "Will you answer it for me?" he asked kaya napatingin ako sa kanya.
"Ako?" I asked him na may pagtataka.
"I'm preparing our breakfast, if you're not going to answer that, just leave it ringing." Sagot niya sa akin saka ako tinalikuran. Nag ring ulit yung phone niya kaya nairita ako lalo. Inabot ko iyon saka sinagot.
"C-Cloud." Mahina pero masakit sa tengang sabi ni Mia "C-Cloud are you free today? I want to see you, maaga kasing natapos ang shooting kaya may time ako-"
"He is preparing our breakfast." Putol ko sa pagsasalita niya sa kabilang linya. Nakatingin ako kay Cloud habang sinasabi iyon. He didn't react sa sinabi ko at feeling ko sinadya niyang ipasagot sa akin ang tawag ni Mia. He glanced at me and saglit na ngumiti bago nagdala ng plates sa mesa.
"W-Why are you there?" tanong ni Mia kaya napangisi ako.
"Hindi ba obvious Mia? Try to ask yourself, alam kong alam mo ang sagot." Pag tataray ko sa kanya. "He is busy, he doesn't have time for you." dagdag ko pa, natahimik siya at hindi nakasagot agad.
"C-Can I talk to him?" kalma pa niyang tanong, huminga ako ng malalim saka tinignan si Cloud.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? And why are you still calling him?" Naiirita kong sagot sa tanong niya, akala ko sasagot pa siya pero ang narinig ko na lang ay ang end tone. Padabog kong nilapag yung phone ni Cloud sa mesa saka nag crossed arms.
"Let's eat?" tanong niya saka humila ng upuan.
"Why?" I asked him kaya naman napatingin siya sa akin.
"Why? What, why?" he asked back.
"Why did you let me answer that call?" hindi parin ako umuupo.
"Then, what do you want? I'll answer it and hide it from you?" he asked kaya natigilan ako. "I let you answer that call Noreen because I want to gain your trust." Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I promise not to hide anything from you and you will do the same, right?" lumunok ako saka umiwas ng tingin "Noreen..."
"Y-Yes..." sagot ko sa sinabi niya.
"Now, what do you want?" Sabi niya habang hinuhuli ang tingin ko. "Hmm? Hmm?" Cloud asked sweetly na parang pinapangiti ako. He cupped my face saka hinalikan ako sa may ilong "Tell me, tell me what you want." Umiling-iling ako saka ngumiti sa kanya. "Then let's eat."
-----------
"So? Kumusta?" chika sa akin ni Ron "Lalo kang gumaganda Bessy ah!" puna niya kaya I flipped my hair saka nag tantalizing eyes.
"Happy!" sagot ko bago uminom sa biniling frappe ni Ron. Naka upo kami sa may bench at nanunuod ng practice ng soccer team. "Sobrang happy na hindi parin ako makapaniwala na ganito na kami ngayon." Pagsasabi ko ng totoo kay Ron. Tumango-tango siya habang nakikinig ng mabuti.
"So, paano siya sa iyo? Is he sweet? Caring? Lovable? Ano?" sunod-sunod na tanong ni Ron.
"All of the above." Sagot ko sa kanya saka siya nilingon. "You know what he did? He let me answer Mia's call at hinayaan niya lang akong sungitan siya!" pagkwekwento ko
"I guess he wants to gain your trust." Ron concluded, tumango ako "So, naniniwala ka na wala na sila?" he asked
"That's what Cloud said and I don't think he is capable of telling lies besides yun naman ang pinapakita niya at pinaparamdam niya sa akin eh." Sagot ko naman "Mia on the other side sounds flustered when she heard my voice. Feeling ko nga, siya itong gumagawa ng ways para makabalik kay Cloud ngayon eh."
"And a woman with that kind of agenda is a bit dangerous." Ron warned me "So, may label na?" Ron asked again "Kayo na talaga? Is it official?"
"Do I need to announce it?" tanong ko sa kanya saka dumekwatro at tumulala sa soccer field "He promised me security, panghahawakan ko ang mga salita niya. I love him Ron and I feel that he loves me too."
"Sabagay, mas mainam ng malinaw ang nararamdaman niyo sa isa't-isa kesa naman may label man kayo o tawagan pero ikaw mismo nalilito kung yun nga ba talaga turingan niyo. I'm happy for you Bessy, at least ngayon boyfriend mo na ang crush mo noon!" pang-aalaska niya, I just rolled my eyes on him.
Pauwi na ako ng biglang tumawag si Yaya. She told me na may sakit daw ang Daddy kaya dumaan na ako saglit sa bahay. Pagdating ko doon, nakita ko siyang nakahiga sa kama. May gamot sa tabi niya na si Yaya mismo ang nagpapainom.
"Where's Mom?" agad kong tanong bago binaba ang bag malapit sa paanan niya.
"She's working." Maikling sagot ni Dad, hahawakan ko sana yung noo niya pero iniwas niya sa akin iyon, I looked at Yaya.
"Pinainom ko na siya ng gamot, siguro sobrang pagod kaya ayan nagkasakit." She informed me.
"You shouldn't have called her." Malalim ang boses ni Daddy at ngayon ko lang napansin na tumatanda na talaga siya.
Most of his hair has turned white, his face aged and malaki din ang pinayat niya. I stared at him, the man I fear the most before is now lying on the bed in front of me, looking old, looking weak.
"Are you still eating?" tanong ko na may kasamang inis, may sakit na nga kay taas pa ng pride "Look at your condition, akala mo ba maganda yang ginagawa mo? Sige, mag work all night and day ka, pabayaan mo ang sarili mo and let's see kung ano mangyayari sa pinaghirapan niyo!"
"Noreen..." sita sa akin ni Yaya. Tumayo ako saka kinuha yung bag "Hindi ka ba dito matutulog?" she asked me, napatingin ako kay Daddy, tinalikuran niya kami, well I guess sa kanya ko namana ang katigasan ng ulo!
"I can't stay." Sagot ko naman, hinatid ako ni Yaya sa baba at doon ko nakita si Mommy na kakarating lang galing trabaho "Did you know?" bungad ko sa kanya.
"What?" she innocently asked.
"Na may sakit si Daddy?" sagot ko, tinignan niya si Yaya "See, asawa mo hindi mo alam kung may sakit o wala!"
"Noreen!" sita ulit sa akin ni Yaya. I just rolled my eyes. Nakakairita kasi sila, wala ng alam kundi pera!
"H-How is he?" bigla kong narinig ang pag-aalala sa boses ni Mommy "D-Did he faint? What happened to him?"
"If you're that worried, at least check on him. Hindi yang puro trabaho ang inaatupag niyong pareho. If you will continue doing that Mom, sooner or later you'll end up just like Dad." Sita ko sa kanya. She didn't bother looking at me, nakatingin lang siya kay Yaya habang hinihintay ang sagot nito.
"Binigyan ko na siya ng gamot. Mataas ang lagnat niya pero ayaw niyang magpadala sa ospital." Sagot ni Yaya sa kanya. Tumango-tango si Mommy saka mabilis na naglakad paakyat ng hagdan, parang nawala kaming dalawa ni Yaya, bigla sa harap niya. "Nagpapahinga na siya!" Pahabol pa na sabi ni Yaya.
"Please update me sa health ni Daddy." Pakiusap ko na lang bago tuluyang sumakay ng kotse. Hinatid ako ni Yaya hanggang sa labas ng gate.
"Hindi ka man lang ba kakain?" tanong ni Yaya.
"Hindi na po..."
"Oh di dalhin mo na lang yung mga niluto ko." saka siya tumawag ng katulong at mabilis na pinabalot yung mga niluto niya at inabot sa akin "Mag-iingat ka Iha." Tumango na lang ako at ngumiti bago tuluyang umalis.
Traffic. Sobrang traffic that's why it took me two hours bago nakauwi sa building namin. Kinuha ko yung paper bag na pinadala ni Yaya saka umakyat na rin agad. I texted Cloud na may dala akong food kaya wag na siyang magluto pero hindi siya nag reply, di ko rin siya matawagan dahil out of coverage ang phone niya.
Dumiretso muna ako sa unit ko saka saglit na nagpalit. Ron is not coming home tonight, doon muna siya sa pamilya niya. Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa unit ni Cloud. I checked my phone pero wala siyang reply o tawag man lang.
"Baka nakapatay yung phone niya." kausap ko sa sarili ko. I pressed his door bell twice pero walang sumagot. I pressed it again at doon ko narinig yung pagpihit ng door knob. Unti-unting nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang bumukas ng pinto.
She's wet and from the looks of her parang fresh from the bath pa nga. Nakahawak siya sa may dibdib niya supporting the white towel which covers her body. Her skin is tanned and she obviously loves swimming because of the tanned marks. Hindi ko alam kung kulot ba talaga siya o dahil lang basa ang buhok niya.
"Hello!" bati niya sa akin habang tumutulo pa ang basang buhok. "Who are you?" she asked at biglang umakyat ang dugo sa ulo ko matapos marinig ang tanong niya, she bit her lower lip saka tumayo ng tuwid, napatingin ako sa puno ng dibdib niya pababa sa may paa. "Cloud just went downstairs to buy something, do you have business with him?"