Matapos ang pangyayari sa condo ni Clyde, nagkunwari na lamang si Andy na walang nangyari since wala namang nakakaalam tungkol doon kaya itinago na lang niya ang tungkol dion at ipakita sa kanila na ok lang siya. Paminsan-minsan na lang sila nagkikita ni Clyde at minsan wala pang imikan. Tuluyan na itong nag-iba. "Ihahatid ka ba?" tanong sa kanya ni Rex. "Hindi na siguro." "Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" tanong naman ni Dani. "Ok lang kami. Kunting misunderstanding lang," pagsisinungaling niya. "Hindi na dapat pinapatagal 'yon," singit naman ni Oliver. Nanahimik na lang si Andy dahil wala na siyang masabi. Ayaw din naman niyang magsalita dahil baka iiyak lang siya sa harapan ng mga ito. "So, paano? Ihatid na kita," baling sa kanya ni Rex. Tumango-tango na lang siya bilan

