"Ma, happy birthday," bati ni Lucy kay grandma sabay kiss sa pisngi nito. Birthday ni grandma ngayon kaya ipinaghanda nila ito. "Where are the two? They're not coming?" tanong nito na ang tinutukoy ay sina Andy at Clyde. "I don't know, Ma. But I'm sure they'll come." Ngiting aso naman ang iginanti nito sa sinabi ni Lucy saka nito iniwan at inasikaso ang mga nagsidatingan nitong mga kaibigan. Hinanap ni Lucy sina Clyde at Andy ngunit hindi niya mahagip ang mga ito. Hindi kaya pupunta ang mga iyon? Lalo tuloy siyang kinabahan. Papaano kaya maayos ang sigalot na ito? Naaawa na siya sa dalawang iyon ngunit ano naman ang magagawa niya para sa mga iyon? "Ladies and gentlemen. Good evening to all of us. Tonight we'll celebrate the very important event of Ma'am Elizabeth, her birthday! Reg

