"Ma, good morning," bati ni Clyde kay Lucy saka siya nagmano rito. "Good morning po, Ma," bati rin ni Andy dito saka niya hinalikan sa pisngi ang ginang. "Good morning. Buti naman naisipan niyong dumalaw dito," ani ng ginang. "Pasensya na po, medyo na-busy lang," sagot naman kaagad ni Andy. "Ok lang yon." Napatingin si Lucy sa mga kamay nina Andy at Clyde na magkakahawak. "Your grandmother is not here, so you are free. Di niyo kailangang magpanggap," sabi pa nito. "Ahhh ..Ma, kaya po kami nandito dahil po du'n," saad ni Clyde. "Bakit me problema ba?" "Magagalit po ba kayo kung aaminin naming mahal na namin ang isa't-isa? Walang halong biro, totohanan na po," pahayag ni Clyde na siyang nagpalito sa kanyang ina. "I can't get it." Itinaas ni Clyde ang kanyang kamay habang hawak n

