Episode 22

2489 Words
Nagising ang diwa ni Andy nang maramdaman niya ang init ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Napabalikwas siya ng bangon ng maalala niya ang nangyari kagabi. Panaginip lang ba yun? Nasan na si Clyde? Panaginip nga lang siguro 'yun. Pero biglang natigilan si Andy nang mapansin nyang hindi niya kwarto ang kinalalagyan niya ngayon. Kwarto to ni Clyde! So...totoo yung kagabi? Napatingin siya sa biglaang pagbukas ng pinto at iniluwa iyon ni Clyde, nakangiti itong nakatingin sa kanya habang lumalakad ito palapit sa kamang hinihigaan niya. "Good morning," bati nito sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi. Napatingin sa kanya si Clyde na nagtataka dahil wala siyang reaksiyon dahil di siya makapaniwala. "Hey, what's wrong? Are you ok?" nag-aalala nitong sa kanya. "Totoo ba to? Hindi ba ako nanaginip?" Napangiti si Clyde sa naging tanong niya. "Hindi ka nanaginip, totoo to." Napasubsob siya bigla sa dibdib nito at di niya napigilan ang mapaiyak. Niyakap na lang din siya ni Clyde at pilit na pinapakalma. "Shhhh... stop crying. Lalo kang pumapangit kapag umiiyak ka," pabiro nitong saad. Napangiti na lang siya sa sinabi nito. "Maligo ka na dahil baka ma-late tayo sa klase." Tumango-tango siya saka siya sumunod. Bago siya nito iniwan, he gave her a smack kiss. Alam na ng tropa kung ano ang estado ng relasyon nilang dalawa. Masaya sila except Rex. "Congrats sa inyo . Sana totohanan na yan," ani Dani. "Sana wala ng bawian," saad naman ni Oliver. "Masaya kami para sa inyo, dude," singit naman ni Kent. "Pang forever na sana yan," sabi naman ni Nico. "Thanks guys," nakangiting sabi ni Clyde sa mga ito. Napatingin sila sa pinto nang dumating si Rex. Narinig nito ang lahat kaya pinili nitong umalis na lang pero hinabol siya ni Clyde kinausap. "Dude, I know about your feelings for Andy. I'm so sorry for that but I hope you'll give me your blessing for our relationship now kasi ...mahirap din para sa'kin na may samaan tayo ng loob. Dude, I didn't mean to hurt you pero sana maintindihan mo'ko. I love Andy so much so please dude ..hayaan mo na kami," pakiusap niya rito. "I will. But promise me one thing." "What is it?" "Don't hurt her or else ..I will take her away from you." "Promise, dude. I won't hurt her." Ngumiti si Rex at nagyakapan silang dalawa. Approved na ng lahat ang relasyon nila ni Andy. Masarap talaga sa pakiramdam. Days, months ang nakalipas. Masaya lagi ang araw ni Andy lalo na at lagi niyang nararamdaman ang presensiya ni Clyde. Kumpleto ang araw niya dahil lagi itong andiyan. Ang tungkol naman sa school nila , ok lang kahit papaano, di naman nila iyon napapabayaan. "Saturday na pala bukas ano?" sabi ni Clyde habang magkatabi silang nakaupo sa sofa ng araw na 'yon. "Oo, may plano ka ba?" "Oo, pero I'm not sure." "Ano naman yan?" curious na tanong ni Andy. "Hmmmfff ..ito mas exciting. Laro tayo." "Anong laro?" "Starring game," sagot ni Clyde. "Ehh ..ano naman ang connection niyan doon sa pinaplano mong gagawin para bukas?" "Ang matatalo dito, siya ang gagawa ng isang unforgettable and super perfect date tomorrow," nakangising paliwanag ni Clyde. "Ano? Ano namang kalokohan yan?" "Deal?" tanong ni Clyde sa kanya. "Ayoko nga." "Wee? Takot ka ano?" "Hindi nuh?" "Oyyy ...takot daw ang asawa ko," tukso pa nito sa kanya. "Di nga ako takot. Kulit mo rin ano?" "Eh, ba't ayaw mong makipag-deal? Takot daw siya. Oyyy ...takot siya ohh." "Oo, na! Payag na'ko. Deal!" "That's my girl," ani Clyde saka bahagya pa nitong ginulo ang buhok niya. Kailangang di siya matalo dito kasi she don't have any idea about that crazy perfect date na sinasabi ni Clyde. "Ok, let's start the game in 1, 2, 3." After he count, nagtitigan na silang dalawa. Kailangang hindi siya kukurap para hindi siya matalo. "Oy, Clyde! Daya mo, ba't mo'ko sinusundot?" Nakangiti lang si Clyde sa tanong niya, di siya nito sinagot. Patuloy pa rin ito sa ginagawa nito pero di nagpapaapekto si Andy kahit na nakikiliti na siya sa ginagawa ng kanyang asawa. Pinilit pa rin niyang huwag kukurap dahil ayaw niyang matalo at buti na lang, napagod rin si Clyde. Huminto na ito sa kasusundot sa tagiliran niya pero maya-maya lang, palapit nang palapit ang mukha nito sa mukha niya. Alam niya kung anong binabalak nito pero nagpakatatag pa rin siya. Sinubukan niya itong pigilan pero di niya na nagawa hanggang sa naangkin na nito nang tuluyan ang kanyang mga labi na siyang dahilan ng kanyang pagkurap. Humagalpak sa tawa si Clyde dahil natalo siya nito. "Talo ka! Yes! Panalo ako! Yes!!" sigaw pa nito habang tumatawa at agad naman niya itong binatukan. "Aray! Ba't mo'ko binatukan?" tanong nito sabay kapa sa ulong binatukan niya. "Daya mo kasi! Ba't mo ginawa yon? Bawal yon, di ba?" "Bakit may rules ba tayong napag-usapan? Wala naman di ba? So, ibig sabihin kahit ano pwedeng gawin, matalo lang ang kalaban. So, pa'no? Bukas huh? Siguraduhin mo ang perfect date natin," panunukso nito. "Daya mo talaga! Daya! Ang daya mo!" paulit-ulit niyang sigaw. "If I were you, magplano na'ko kung ano ang gagawin ko para sa perfect date ko. Oyy, Andy remember first date natin to kaya dapat talagang maging perfect yan." Napaismid na lamang si Andy sa tinuran ng kanyang asawa pero sa totoo lang wala talaga siyang ideya para bukas. "Bilisan mo, ang bagal-bagal naman oh," reklamo ni Clyde sa kanya kinabukasan. "Excited lang? Hoy, lalaki ako ang masusunod dito." "Sabi ko nga." Matapos magbihis ni Andy ay agad na siyang lumabas ng bahay at sumunod naman sa kanya si Clyde. "Ba't naka-start yang makina ng sasakyan?" tanong ni Andy kay Clyde habang inilo-lock nito ang pintuan. "Kasi pinapainit ko muna." "At bakit?" muli niyang tanong sa asawa. "Para gamitin natin," excited na sagot ni Clyde. "Saan papunta?" Napakunot ang noo ni Clyde sa kanyang tanong. "Ano bang pinagsasabi mo? Eh di du'n sa date natin. Obvious ba?" "Bakit may sinabi ba akong gagamitin natin yan?" Lalong napakunot ang noo ng kanyang asawa. "Wala, pero..." Napakamot ito sa batok nito, "...anong sasakyan natin?" Hinila niya palabas si Clyde. Matapos nitong mai-lock ang gate ay muli niya itong hinila hanggang makarating sila a highway. "Magta-taxi tayo?" tanong nito sa kanya at nang may taxi na itong nakita ay agad nitong tinawag. "Teka! May taxi oh! Tatawagin ko na. Tax --------"Hindi yan ang sasakyan natin," agad niyang awat dito. Napatingin si Clyde kay Andy na nagtataka, "Eh, anong sasakyan natin?" Biglang may jeep na dumaan at pinara niya ito. "Dito tayo sasakay." Napatingin sa jeep si Clyde, "What?! Ipasasakay mo'ko dito?" hindi nito makapaniwalangtanong. "Oo, ba -------"Oo! Ayoko!" sabad nito. Pero hinila niya ito para sumakay na lamang. "Huwag ka nang mag-inarte. Date natin to di ba?" "Oo, p-pero bakit  jeep?" "Dami mong tanong." Sumakay na siya ng jeep at umupo sa gitna pero Clyde? Heto, nanatiling nakatayo. "Oh, ano? Ayaw mo?" Mabigat ang mga paang umakyat ito ng jeep at umupo sa tabi niya, malapit sa driver. "Sa'n ang punta natin?" "Secret," matipid niyang sagot. "May secret pang nalalaman. Ang daming sasakyan, Andy. Ba't ang jeep pa ang napili mo?" "Nagrereklamo ka? Ako ang boss dito." "Haist!!" tanging sagot ni Clyde. Napatingin si Andy kay Clyde at nakita niyang ginagawa na nitong pamaypay ang suot nitong t-shirt. Tagaktak na rin ang pawis nito. Usad pagong din kasi ang jeep. Hinto dito, hinto doon kaya lalong nagsalubong ang kilay ng kanyang kasama. "Andy, malayo pa ba?" tanong nito sa kanya. "Hintay ka lang." Huminto uli ang jeep at may sumakay. "Dikit ng konti. Dikit pa dahil ------"Manong, ang sikip-sikip na ho, nagpapasakay pa kayo? May balak ba kayong kargahin lahat ng tao dito sa maynila?" agad na singit ni Clyde. Pasimpleng siniko niya ito kaya napatingin ito sa kanya. "Ano?" Halatang nababagot na ito. "Pampublikong sasakyan to at di to katulad ng kotse mo." Natahimik si Clyde at maya-maya lang may bumaba. Iniabot nito kay Clyde ang pamasahe nito. "Kuya, paabot naman," sabi ng babae kay Clyde. "Ikaw kaya ang mag-abot, wala ka bang kamay?" "Ano ka ba?" pabulong na tanong ni Andy kay Clyde saka siya napatingin sa babae, "Akin na ho." Matapos niyag iabot ang pera sa driver, may isang lalaking sumakay at umupo sa kanyang tabi. "Ah, excuse me, miss. Magkano ba ang pamasahe?" tanong nito sa kanya. Sasagot na sana siya nang biglang nagsalita ang kanyang asawa. "Hindi siya ang driver kaya wag siya ang tanungin mo. May miss-miss pang nalalaman." "Ah, miss. Anong oras na?" tanong uli ng lalaki. "Quarter to ------"Quarter to 11:00 na! Bakit?" agad na tanong ni Clyde sa lalaki. "Ba't ba sagot ka ng sagot, di naman ikaw ang tinatanong ko, ah! Ano ka ba niya?" Mukhang naiinis na rin ang lalaki kay Clyde. "Gusto mong basagin ko yang mukha mo para malaman mong asawa niya ako?" "Clyde?" awat ni Andy at napatingin siya sa lalaki, "Pasensiya ka na sa asawa ko, seloso eh." "Anong sabi mo?" inis na tanong ni Clyde. "Tumigil ka na," pabulong niyang awat. Nang nakababa na sila sa jeep, dumaan muna sila sa isang public market. "500 pesos lahat po, ma'am," sabi ng tindera kay Andy. "Ako na ang magbayad. Ale, tumatanggap ba kayo rito ng credit card?" Aray! Sapul na naman! Napaawang na lamang ang mga labi ni Andy dahil sa kanyang asawa. "Anong credit card ang pinagsasabi mo diyan? Clyde, public market to at hindi to mall. San isaksak ni Ale yang credit card mo? Sa ilong niya?" "alay ko ba baka may machine pala siyang tinatago diyan," pagra-rason naman nito. "Tumahimik ka nga." Binayaran niya ang Ale at dumiritso na sila sa tricycle na sasakyan nila. "Manong driver, pwede bang lagyan niyo ng silencer yang tambutso ng tricycle niyo? Ang ingay-ingay kasi!" Napapikit na lamang si Andy sa narinig at umiling-iling na lang. Hirap nito! Hay, si Clyde talaga. Di lang niya to love kanina pa niya 'to iniwanan, eh. Ilang sandali na lang at nakarating na rin sila sa kanilang pupuntahan. "Ate, Andy!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata kay Andy sabay yakap sa kanya. "Kamusta kayo? Namiss niyo ba ako?" magiliw niyang tanong sa mga ito. "Opo! Sobra!" sagot naman ng mga ito. "Oyy, Andy! Kamusta ka na? Buti napadalaw ka?" nakangiting salubong sa kanya ni Sister Lina. "Oo nga po, sister. Okey po ako," aniya sabay yakap dito, "...kayo po, kamusta na?" "Naku! Sa awa ng Diyos, okey lang," sagot naman nito saka ito napatingin kay Clyde, "Sino siya?" "Ah, sister," aniya sabay hawak sa kamay ni Clyde, "...si Clyde po. Ah ------"Boyfriend po niya," agad na sabad ni Clyde sabay lahad ng palad nito sa harap ni Sister Lina, "...kamusta po kayo?" "Ay, naku! Hijo, mabuti naman," nakangiting sagot nito saka ito napatingin kay Andy, "Ang gwapo ng boyfriend mo, ah." Napangiti na lang si Andy sa sinabi ni Sister pero ang pinagtaka lang niya ay kung bakit naman boyfriend yong sinabi ni Clyde kay Sister? "Siyanga pala, Andy. Tumutulong sa pagluluto ang boyfriend mo," sabi nito sabay lakad papasok. Napatingin naman si Clyde kay Andy na nagkatagpo ang mga kilay. "Anong boyfriend?" "Boyfriend as in nobyo. Iniibig ko." Gumuhit sa mukha ni Clyde ang galit dahil sa kanyang sinabi. "Pinasakay mo'ko ng jeep, pinasakay mo'ko ng pesteng tricycle na yon! Pinagod mo'ko, pinahirapan mo'ko. Para ano?! Para makita mo yong boyfriend mo?! Ano to? Naglalaro ka ba?" Napakunot ang noo ni Andy sa naging reaksiyon nito. "Hey, relax! Selos ka?" "No!" "Oy, nagseselos siya. Nagseselos ang asawa ko," tukso pa niya. "I'm not!" tanggi pa ni Clyde. "Ba't ka nagagalit?" Hindi sumagot si Clyde kaya humaglpak sa tawa si Andy. "Nagseselos ang mahal kong asawa. Selos siya. Nagse -------"Shout up!" galit na nitong sabi, "Oo, bakit? Wala ba akong karapatang magselos? At -----" Napahinto sa pagsasalita si Clyde nang may biglang sumigaw. "Girlfriend!!" Sabay silang napatingin sa sumigaw at nang makalapit na ito sa kaya, agad niya itong niyakap ng buong higpit. Si Clyde? Gulat na gulat sa nakita. "Kamusta ka na? Namiss mo ba ako?" tanong ni Andy. "Oo naman. Miss na miss kita," sagot naman nito saka siya nito muling niyakap at napatingin ito kay Clyde, "Sino siya, girlfriend?" "Siya si Clyde.  Kuya na lang ang itawag mo sa kanya," sabi niya saka niya tiningnan ang kanyang asawa na gulat pa rin "Siya si Junior, ang boyfriend ko na..." sabi niya sabay bulong dito, "...pinagseselosan mo. Isang bagits." Napakamot na lamang sa batok si Clyde, "Eh ...di ka naman nagsabing bata pala yang boyfriend mo at -------"Girlfriend, ayoko sa kanya. Ang pangit-pangit niya." Napaawang ang mga labi ni Clyde sa sinabi ni Junior. "Ano? Ako pangit? Aba! Kung magsalita akala mo gwapo. Hoy! Kutong-lupa ka lang at -----"Clyde, ano ba?" agad na awat ni Andy. "Haist!" tanging namutawi sa bibig ni Clyde. Hinila na lang niya dalawa papasok. Isang orphanage ang pinuntahan nila. Tahanan ng mga batang walang mga magulang. Ang lugar kung san ka makakarinig ng mataginting na tawa ng mga batang walang kamuwang-muwang sa mundo. Nagluto si Andy ng mga pagkaing paborito ng mga bata at iyon na din ang pinagsalu-saluhan nilang lahat. After an hour of resting, nakipagharutan sila sa mga bata. Nakipagtaguan, nakipaghabulan and God knows how happy Clyde is lalo na kapag naririnig niya ang halakhak ng kanyang asawa. Buong maghapon silang nakipaglaro sa mga bata. Ang sarap pa lang maging bata uli. "Girlfriend, kantahan mo kami," ani Junior nang magkaharap-harap na silang umupo sa labas ng orphanage. "Huh? Eh ... boyfriend, di ka pa rin ba nagsasawa sa boses ko?" "Hindi po mangyayari yon. Sige na po," pakiusap pa ng bata. "Okey, sige." Kinuha niya ang gitara at tumingin siya kay Clyde, "Para sa'yo to." Sinimulan na niyang kaskasin ang string ng gitara at nanatili lang nakatingin sa kanya si Clyde. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng isang pusong sobrang tinamaan? Parang idinuduyan sa ulap ngayon si Clyde habang nagsisimula nang kantahin ni Andy ang kanta at pakiramdam niya, ang ganitong feelings ni hindi niya naramdaman noong sila pa ni Cassandra. Nanatili siyang nakatitig sa mukha ng babaeng mahal niya na para bang ayaw na niyang kumurap dahil baka panaginip lang ang lahat. "Yeheey!" sigaw ng mga bata matapos kumanta ni Andy. "Ang galing talaga ng girlfriend ko!" komento ni Junior sabay halik sa pisngi ni Andy. Napatayo naman si Clyde para umalma. "Hoy! Sumusobra ka na, ah! Bakit mo siya hinalikan?" tanong nito kay Junior. "Bakit nagseselos ka? Slow ka kasi ! Slowwww." "Anong sabi mo? Hoy --------- Di na nakatapos pa sa pagsasalita si Clyde nang bigla siyang hinalikan ni Andy.  Natahimik at napatitig siya sa kanyang asawa. "Oh, ano?" parang naghahamon na tanong sa kanya ni Andy. "Pwede, isa pa?" "Suntok, gusto mo?" Napangiti na lamang si Clyde at walang ano-ano'y niyakap niya si Andy. "I love you," pabulong niyang sabi rito. "I love you, too," sagot naman ni Andy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD