Episode 21

2806 Words
Masaya si Andy nang nalaman na ng tropa ang buong katotohanan, para siyang nakawala sa isang masikip na hawla kung saan siya pilit na isiniksik kahit di na kasya. Dahil sa alam na ng buong tropa ang totoo tungkol sa kanilang dalawa ni Clyde, tuluyan na itong lumayo sa kanya na siya namang lalong nagpapahirap sa kanyang kalooban. "Wala ka bang balak na sabihin sa kanya ang totoo mong nararamdaman?" tanong sa kanya ni Dani isang araw nang mapagsolo silang dalawa. "Para san pa? Wala rin namang magandang patutunguhan 'yon eh kahit pa ipagsigawan ko pa sa buong mundo." "Mas ok rin kasi 'yong alam niya kung ano ang nararamdaman mo," dagdag pa nito. "Hindi na mahalaga 'yon, Dani. Baka tuluyan ng mawalan ako ng tsansang makita at makasama ko siya," malungkot niyang saad. Napatahimik na lamang si Dani. Naiintindihan nito kung ano ang nararamdaman niya pero ayaw naman niya na may gagawin ito para du'n kaya kapag nasasaktan siya, dinadamayan na lamang siya nito at buti na rin andiyan si Rex, dahil dito, naco-convert ang attention niya sa ibang mga bagay at nalilimutan niya kahit papaano ang hirap ng kanyang kalooban. "Magre-ready na kami for your birthday tomorrow," ani Lucy nang makausap nito si Clyde. "Kailangan, ganito 'yong set-up natin -------"No, grandma. Don't bother anymore about my birthday because I just want to celebrate it with my friends and also with Andy," agad na putol ni Clyde sa iba pa sanang sasabihin ng kanyang lola. "Sige, kung yan ang gusto mo. Andy, let my grandson's birthday unforgettable," baling ni grandma kay Andy sabay smirk dito. "Sure po, grandma," agad namang tugon nito. Pagkatapos nilang mag-usap tungkol sa birthday ni Clyde. Umuwi na sila. Okay naman sila sa harap nina Grandma hindi sa harap ng ibang tao. Okay lang, kakayanin ni Andy. "Andy, darating pa kaya yon?" tanong ni Dani nang ilang minuto na nilang hinintay si Clyde. "Kanina pa tayo dito, pero wala pa rin siya," saad naman ni Rex. "Haayyy ..sana di na lang natin ginawa to. Napunta lang din naman sa wala," pahayag naman ni Nico. "Ano ba? Di niya naman hiningi sa'tin to. Tayo lang naman ang may gusto nito," ani Dani. "Lumalalim na ang gabi, may pasok pa tayo bukas. Anong balak niyo?" tanong sa kanila ni Kent na mukha na ring nababagot sa kahihintay sa taong hindi nila alam kung darating pa ba. "Maghintay," maikling sagot ni Nico. "Tama si Kent. May pasok pa tayo bukas. Sige na, umuwi na lang kayo," sabad na ni Andy sa mga ito. Ayaw naman niyang mapuyat ang mga ito dahil lang sa ginagawa nila ngayon. "Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Dani. "Oo, sige na. Para makatulog na rin ako." "Aayusin na lang muna natin to saka tayo uuwi," suhestyion ni Dani. "Wag na. Ako ng bahala sa mga yan," agad na awat ni Andy dito. "Are you sure?" Napatango si Andy sa tanong ni Oliver. "Salamat sa tulong, guys." "So, pa'no? Alis na kami," paalam ni Kent sa kanya. "Sige, ingat kayo. Salamat uli." "Ok ka lang talaga?" paniniguro ni Dani. "Oo naman! Ako pa," sabi niya and then she smile wryly. "Alis na kami," paalam ni Dani. "Sige. Bye." Nagsialisan na ang tatlo pero si Rex, nagpa-iwan. "Ohh, bakit di ka pa umuwi?" "I can't leave you like this." "Rex, salamat sa tulong pero yong samahan mo pa ako dito, ayaw ko na nu'n. Ayaw kong mapuyat ka dahil sa akin," saad niya rito. "Anong magagawa ko kung ------"Please, ok lang ako. Umuwi ka na ok? Makukonsensiya ako niyan ehh," agad niyang singit. "Ok ka lang ba talaga dito?" "Yeah." "Okay , sige. Uwi na'ko," pagpapaalam nito. Nag-ayos na ito ng sarili upang umuwi na pero bago pa ito nakaalis, muli siya nitong binalingan. "Kung may problema, just call me. Ok?" nakangiti nitong bilin sa kanya. "Okay." "I gotta go." "Take care." Nakaalis na si Rex pero di pa rin umuuwi si Clyde. Sinubukan na ni Andy ang tawagan ito pero di ito sumasagot. Bakit ganu'n ito? Bakit napakamanhid nito? Bakit pa kasi siya umaasa ng ganito. Tanga-tanga rin niya, ano? Nakita niya ang isang tequila at walang ano-ano'y tinungga niya iyon ng paulit-ulit. Sinabi ni Clyde kina Lucy at Grandma na magse-celebrate siya ng kanyang birthday kasama ang tropa pero ang totoo, umiiwas lang siya sa mga possibleng binabalak nila para sa kanila ni Andy. Birthday niya 'yon kaya sigurado siyang may mga sweet moments na pinaplano ang dalawa kaya ayaw niyang mangyari yon. Pumunta siya sa isang beerhouse at doon uminom ng kunti. Gusto lang naman niyang mag-celebrate mag-isa dahil naalala niya ang paghihiwalay nila ni Cassandra. Naghiwalay sila nu'n right after his birthday kaya lagi niyang naalala ang eksenang nu'n kapag darating ang birthday niya. Tawag ng tawag sina Kent sa kanya pati na si Andy, di niya sinasagot dahil gusto niyang mag-isa. Ngayon, lampas hatinggabi na siya umuwi. Nakapatay na ang ilaw, tulog na siguro si Andy kaya dahan-dahan siyang pumasok at agad na binuksan ang ilaw at natigilan siya sa bumungad sa kanya. Napatingin siya sa boung paligid ng loob ng bahay. May mga birthday decoration, mga balloons at may tarpaulin pang nakasabit na may nakasulat na HAPPY BIRTHDAY, CLYDE ! Tapos may nakita siyang cake sa mesa at may mga inumin din. Naghanda sila para sa kanya? Kaya ba sila tawag ng tawag dahil iso-surprise siya ng mga ito at dahil di siya umuwi ng maaga, napagod sila sa kahihintay kaya nagsi-uwian na lamang? Agad niyang tinawagan si Nico, matagal bago ito nasagot. "Buti naisipan mong tumawag," agad nitong sabi sa kanya. "Kayo ba ang gumawa nito?" Ang tinutukoy niya ay ang decoration ma nasa loob ng bahay. "So, nakauwi ka na?" "Yeah. Sorry kung di agad ako umuwi kasi -------"Explain to her and not to me," agad na putol ni Nico sa iba pa sana niyang sasabihin. "Kanino?" "Sa peke mong asawa dahil plano niya ang lahat ng yan. Alam mo bang siya halos ang nagpagod diyan magawa lang yan?" "Hindi ko naman hiningi sa kanya to ehh ..dapat ba akong makokonsensiya du'n? Sana naman ----------" Napatigil si Clyde sa pagsasalita ng mula sa nakatalikod na sofa, bumangon si Andy. Tumayo ito at napatingin sa kanya. Lumakad ito palapit sa kanya at nababasa niya sa mga mata nito ang panunumbat kaya ini-end niya ang tawag niya kay Nico. "Gusto lang kita mapasaya kaya ko'to ginawa. Mali ba yon?" Galit ito. Lasing rin pero wala siyang oras makipagtalo kaya dali-dali siyang lumakad papasok sana ng kwarto. "Kung ako ba si Cassandra, iaapreciate mo ba'to?" Napatigil si Clyde sa paglalakad dahil sa narinig. Ang ayaw na ayaw niya sa lahat, yong binabanggit ang pangalan na pilit na niyang kinakalimutan. "Kung ako ba si Cassandra, bibigyan mo rin ba ito ng halaga? Kung ako si -------"Wag na wag mong banggitin ang pangalang yan!" pasinghal niyang putol sa iba pa sana nitong sasabihin. "Bakit bumabalik ba ang lahat? Bakit ba hindi mo mabigyan ng halaga ang ibang taong nakapaligid sa'yo? Bakit?" "Hindi ko hiningi sa'yo ang ganito kaya wag mo akong sumbatan." "Tama ka. Hindi mo nga ito hiningi pero simple lang naman sana ang gusto kong marinig galing sa'yo, yun ay ang salitang salamat. Mahirap bang sabihin yon?" mangiyak-ngiyak na saad ni Andy. "Salamat. Salamat sa effort. Masaya ka na? Oh, ano pang gusto mong marinig?" Muli siyang tumalikod upang papasok ng kwarto pero muling nagsalita si Andy. "Bakit? Bakit di mo man lang mabigyan ng kahit kunting halaga ang mga nagawa ko?" Umiiyak na ito. "Bakit mo pa'to ginawa kung susumbatan mo lang pala ako? Bakit sinabi ko bang gawin mo'to? Alam mo naman na mapupunta lang to sa wala ..bakit ka pa nag-abala?" Nanatiling nakatikom ang bibig ni Andy habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito. "Hindi ka makasagot dahil mali mo at kailanma'y di mo'ko masisisi. Di ka makasagot dahil ------"Dahil MAHAL KITA!!" Napatigil si Clyde at nabigla ng sobra. Napatingin siya sa kanyang asawa na nakaawang amg mga labi at si Andy naman ay pilit na tumingin sa kanyang mga mata habang may mga luhang umaagos sa mga mata nito. "Ginawa ko ang lahat na'to dahil mahalaga ka sa'kin dahil mahal kita. Mahal kita, Clyde. Ma -------"At umaasa kang mamahalin rin kita gaya ng ginawa mo huh? Umaasa kang papahalagahan rin kita at -------"Hindi," maikling sagot ni Andy saka ito napahikbi na siyang nagpatahimik sa kanya. "Hindi ako umaasang mahalin mo rin ako. Ang sa'kin lang, makita kang masaya. Sapat na yon. Pero kung, nagagalit ka sa ginagawa ko, kung ayaw mong mahalin kita sige ..pipilitin kong pipigilan ang pesteng pusong 'to." Tumalikod na siya papuntang kwarto niya. Ngunit bago pa siya nakapasok, muli siyang humarap kay Clyde. "Happy birthday," aniya sa umiiyak na boses saka tuluyan siyang pumasok ng kwarto. Naiwan si Clyde na nakatulala. Di niya inaasahan ang pag-amin nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib, bakit nag-iba ang t***k nito? At pati sa paghiga, di mawala-wala sa isipan niya ang mga sinabi ni Andy. Bakit ganu'n na lang ang epekto sa kanya ng mga sinabi nito? Napailing na lamang siya, di na siya iibig pang muli. 'Yan ang pangakong binitiwan niya para sa sarili. Matapos ang eksenang yun ..halos di na sila nag-uusap ni Andy. Mabilis lumipas ang araw, tuluyan ng nag-iba ang lahat. Si Andy, tinutoo nga niya ang sinabi niya, iniiwasan na niya ngayon si Clyde at di na rin sila nag-uusap. Di na rin nagtataka ang tropa dahil di na rin yon lingid sa kanilang kaalaman tungkol sa nangyari. Lumipas pa ang ilang araw na naging linggo at naging buwan, walang nagbago mas lalo pang lumala ang mga nangyayari. "Happy birthday, Rex," bati ni Dani kay Rex sabay halik sa pisngi nito. "Ohh ..thanks a lot, Dani." "Happy birthday, dude," halos sabay pang sabi nina Nico at Oliver. "Thanks mga dude." "Happy birthday, pare," bati naman ni Kent. "Thank you, pare," ani Rex saka siya napatingin kay Clyde, "...dude, nice to have you here. Buti na lang nakapunta ka." "Oo naman! Happy birthday," bati ni Clyde sa kaibigan. "Thanks, dude," nakangiting sagot nito saka ito napatingin kay Andy, "...you're here." "Happy birthday," bati ni Andy saka niya hinalikan sa pisngi si Rex. "Thanks." Pagkatapos nilang batiin si Rex at ibigay ang kanilang gift, iginaya na sila nito sa nakalaang mesa para sa kanilang lahat. Ipinaghila ni Rex si Andy ng upuan kaya tuloy may panandaliang tuksuhang nangyari. "Ok, guys. Enjoy the party. Iiwan ko muna kayo cause I'm going to entertain my guests." "Ok, go ahead," taboy ni Dani rito. Pagkatapos umalis si Rex, nagsimula na rin silang kumain, nagkwentuhan habang kumakain. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nag-iba ang music ..naging sweet music na ito at may iilan na ring mga bisita ang pumagitna at sumayaw. Nanonood lang sila nang biglang may palad na lumantad sa harapan ni Andy, napatingala siya at nakita niya si Rex, nakangiti. "Can I have this dance with you, my dear?" nakangiti nitong sabi sa kanya na siyang dahilan para muling magtuksuhan ang magkakaibigan. "Go ahead, Andy," ani Dani. "Yeah, right. Enjoy this night," dagdag naman ni Oliver. Pinagtatabuyan na nila si Andy, napasulyap siya kay Clyde, nakamasid ito sa mga bisita at walang pakialam at naiinis siya du'n kaya walang anu-ano'y tinanggap niya ang kamay ni Rex kaya muling nagtuksuhan ang lahat ng nasa mesa nila. Iginaya siya ni Rex papunta sa gitna at inilagay nito ang isa niyang kamay sa balikat nito at nasa beywang naman niya ang isa nitong kamay habang magkahawak naman ang dalawa pa nilang mga kamay at doon, nagsimula na silang sumayaw. "Dude, gusto mo yatang malasing ngayon, ah," puna ni Kent kay Clyde. "May problema ba?" tanong sa kanya ni Nico. "Trip niya ang maglasing ngayon, hayaan niyo na," awat naman ni Oliver. "Wag naman sobra-sobra kasi di ka kayang buhatin ni Andy," paalala naman ni Dani. Hindi siya nakikinig sa mga ito, patuloy lang siya sa pagtutungga ng alak na nasa mesa nila. Naiinis siya! Oo, naiinis siya! Sino ba kasi ang hindi maiinis kung makita mo ang asawa mong nakipagsayaw sa iba habang nakangiti ng kaylaki-laki at halos wala ng distansyang namamagitan sa kanilang mga katawan. Bakit ba niya nararamdaman ang ganito? Bakit ba kasi siya naiinis? Sino ba kasi si Andy para sa kanya? Nandidilim na ang paningin niya at halos ang dalawa lang ang nakikita niya habang nagsasayaw. Gusto na niyang sumabog. Kaya, napatayo siya at walang anu-ano'y lumapit siya sa dalawang nagsasayaw. "Dude, where you going?" pahabol na tanong sa kanya ni Nico. "What's his doing?" kunot-noo namang tanong ni Kent. Nang nakalapit na siya kina Andy, agad niya itong hinala palayo kay Rex. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Andy. "What's wrong, dude?" nagtataka ring tanong ni Rex. "Let's get out of here," sabi niya kay Andy. "Ano bang nangyayari sa'yo?" naguguluhan pa ring tanong ni Andy. Hinila na niya ito palabas pero pumagitna si Rex, hinawakan nito ang isa pang kamay ni Andy at pinigilan siya. "Dude, what's wrong with you? Lasing ka lang kaya ------" Hindi na naituloy pa ni Rex ang iba pa sana nitong sasabihin nang biglang dumapo sa mukha niya ang kamao ni Clyde. Naghiyawan sa loob ng bahay at lahat nabigla sa ginawa ni Clyde na pagsuntok sa mukha ni Rex, nagsiawatan na rin ang mga tropa. "Clyde, what are you doing?" awat ni Kent sa mga ito. "Why did you punched him?" nagtatakang-tanong ni Dani. Hindi sumagot si Clyde, hinila niya si Andy palabas at pagdating nila sa labas, agad nitpng iniwaksi ang kamay niya. Galit na galit. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit mo sinuntok si Rex?" tanong ni Andy sa kanya pero hindi siya sumagot. "Bakit mo ginawa yon?" muli nitong tanong. "Umuwi na tayo," mahinahon niyang sabi. He grabbed her arm again papunta sa sasakyan kaya lang, muli naman nitong iniwaksi ang kamay niya. "Ano bang nangyayari sa'yo?" "Let's talk about it later when we get home," aniya. "Hindi. Kailangan kong balikan si Rex." Nang marinig niya ang sinabi ni Andy, mas lalo pa niyang ginustong sumabog sa inis kaya nang lalakad na sana ito papasok, bigla niya itong hinila. "You don't need to see him. Let's ------"Naririnig mo ba ang sarili mo, Clyde? Matapos mo siyang suntukin ng walang dahilan, iiwan mo na lang siya ng ganu'n-ganu'n lang?" "Di ko na problema 'yon! Alis na tayo." "Baliw ka na ba, Clyde? Ano bang nangyayari sa'yo? Ano bang problema mo? Ano -------"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Matapos mong sabihing ako ang mahal mo tapos ngayon nakikipaglandian ka sa kanya? Ganu'n lang ba kadali sa'yo ang lahat?!" Nauubos na ang pasensiya niya para rito. Pinipilit niyang huminahon pero sadyang hindi na niya kaya. "Hindi ako nakikipaglandian sa kanya! Oo, ikaw ang mahal ko, ikaw ang hinahanap at tinitibok ng puso ko. Eh, ano naman ngayon? Bakit, nagseselos ka ba huh?" "Oo! Nagseselos ako. Nagseselos ako dahil ayokong lumalandi ka sa iba! Gusto ko, akin lang ang oras mo. Gusto ko, akin lang ang attention mo. Gusto ko, akin ka. Akin ka! Ayokong mapunta ka sa iba dahil mahal kita! Mahal kita, Andy! Naii -------"Kung nagbibiro ka lang, Clyde. Alam mo bang hindi ka nakakatawa?" agad na singit ni Andy. "Oo, hindi ako nakakatawa, Andy dahil hindi ako nagbibiro," aniya saka siya lumakad palapit kay sa kanyang asawa, "...seryoso ako. Mahal kita." "Papaano ako maniniwala?" "Hindi kita pipiliting maniwala pero iyon ang totoo. Mahal kita noon pa. Di ko lang maamin dahil takot ako na baka masaktan uli pero habang tumatagal, lalo akong nahihirapan. Di ko na to kaya pang itago. Mahal kita," ulit pa niyang sabi. Nagkatitigan sila. Nakita ni Clyde ang mga luha ni Andy na dahan-dahang umagos sa magkabila nitong pisngi kaya pinunasan niya iyon gamit ang magkabila niyang hinlalaki. "Mahal kita, Andy," sabi pa niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. "Mahal din kita, Clyde." Napangiti si Clyde sa kanyang narinig. Dahan-dahan niyang inangkin ang mga labi ng kanyang asawa. Yeah, he kissed her and we both closed our eyes in order to feel the sweetest kiss that we'd shared together. Napatigil sa paglalakad si Rex sa kanyang nakita. Nang hilain kasi ni Clyde si Andy palabas ay sinundan niya ito kahit pa pinipigilan siya ng tropa. Natakot kasi siya na baka kung ano pa ang magawa ni Clyde kay Andy lalo pa at lasing ito pero iba ang kanyang nasaksihan. Nakita niyang naghahalikan ang mga ito na siyang kumurot sa kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang palad pero napatigil siya nang may biglang humawak dito. Si Dani. "Rex," tawag nito sa kanya. Nakikita na rin ng mga ito sina Andy at Clyde na naghahalikan kaya naiintindihan nila ang nararamdaman ngayon ni Rex. Dahan-dahang napaatras si Rex saka siya tuluyang umalis. Nilunod niya ang sarili sa alak habang pilit na kinakalimutan ang eksenang nasaksihan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD