Days had passed, Andy was expecting na babalik sa dati ang pakikitungo ni Clyde sa kanya pero hindi nangyari iyon at pakiramdam nga niya mas lumala pa ito at tuloy hindi niya na ito maintindihan. "How was your day, guys?" masiglang tanong ni Dani sa kanilang lahat. "Hay, bored," sagot naman ni Kent. "Hindi nakapag-hunting ng maganda," biro ni Oliver sa sinabi ni Kent. "Luko ka talaga, Oliver," sabi naman ni Dani. "Where's Clyde, Andy?" baling ni Rex sa nananahimik na si Andy. "Nasa room pa siguro nila," sagot naman nito. "Anong nasa room? Eh, kanina pa sila nagsilabasan," singit ni Kent. "Ok lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Dani. "Oo naman, ok lang kami. Baka may inasikaso lang." Hinintay nila si Clyde pero ilang oras na rin ang lumipas, wala pa ring Clyde na dumating. "Dar

