Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ni Andy kinabukasan, ang mahimbing na natutulog na mukha ni Clyde ang nagisnan niya. Nakaunan siya sa braso nito habang ang isa nitong braso ay nasa beywang niya nakadantay. Tiningala niya ito upang mapagmasdan niya nang maigi ang mukha nito, itinaas niya ang isa niyang kamay at dahan-dahan na hinaplos ang mukha nito. Gumalaw si Clyde at tumihaya ito, dahan-dahang bumangon si Andy at muli niya itong tinitigan at muling hinaplos ang mukha nito. "Good morning," bulong niya at dahan-dahan niya itong dinampian ng halik sa mga labi nito ngunit sobra siyang nabigla nang bigla nitong ikinawit ang braso nito sa kanyang batok at tinugunan ang halik niya. He kissed her back while his eyes still close. Nang pinakawalan na nito ang mga labi niya, binatukan niy

