Episode 7

1840 Words
"Hey, dude! Don't drink too much," awat sa kanya ni Nico. "There's something wrong, dude?" tanong ni Kent. "Any problem?" segunda ni Oliver. Di niya pinansin ang mga ito. Patuloy lang siya sa pagtungga ng alak na nasa harap niya. Halos di  na niya makita ang kanyang paligid dahil sa kalasingan pero pakiramdam niya, walang effect sa kanya ang alak kaya patuloy pa rin siya sa pag-inom. Gusto niyang makalimutan lahat. Lahat ng sakit pati na rin ang taong nagbigay ng sakit sa dibdib niya. He hate this feeling! 'Yong bang akala mo, siya na pero ang ending ... hiwalayan din pala. Masakit. Napakasakit! From now on ...ayaw na niyang magmahal ulit. Kung pinaglaruan lang nito ang feelings niya ngayon ..bukas-makalawa siya naman ang maglalaro. He will going to hate them! Di niya hahayaang saktan siya uli ng mga ito. Siya na ang manakit. Gagawin niya 'yon. Pinapangako niya! "Clyde, are you ok?" nag-alalang tanong ni Oliver. "Yeah, of course! Let'sh have a party, ok? Let'sh enjoy our shingle life!" sabi niya sabay taas sa hawak niyang basong may lamang alak. Nagkatinginan ang tatlo sa kanyang mga sinabi. "Is there a conflict between you and Cassandra?" tanong uli ni Oliver. "Me problema ba kayo?" tanong rin ni Nico. "She cheated on me," pagtatapat niya. "What?!" halos sabay-sabay na nabanggit ng mga kaibigan niya. "That's not a good joke, dude," ani Kent. "And that's not a joke!" giit pa niya. "Eh, pa'no niya nagawa 'yon?. Dude, saksi kami kung gaano ka nu'n kamahal," segunda naman ni Nico. "Yun nga din ang akala ko but she admitted the truth in front of me and it broke my heart into pieces! Ang sakit, pare. All of the sudden, magbabago siya at sasabihin niyang she don't love me anymore! After all this time, akala ko kami na pero hindi pala." "Malay mo, there's a reason behind. Dude, we all know how much  she loves you," pahayag ni Oliver. No comment na siya. Ayaw na niyang magsalita. Para 'san pa? Pero pa'no kung totoo nga ang sinabi ni Oliver? Tsk!! Ayaw na niyang magbakasakali't-maniwala dahil lalo lang siyang masasaktan. Nasaktan na siya nito, di naman siguro siya sobrang tanga para habulin pa ito pero God knows how much he loves her. "Alam kong magagalit ka sa itatanong ko sa'yo, Clyde. Alam kong ...nasabi ko na'to sa'yo noon pero gusto ko pa ring malaman kung nakapagpasya ka na ba," sabi ni Lucy sa anak, isang araw. Napasulyap sa ina si Clyde at napabuntong hininga siya ...nasa sala sila sa kasalukuyan habang nakasalampak sa sofa ang binata. After ng hiwalayan nila ni Cassandra, wala na siyang ibang ginawa kundi ang magkulong ng bahay o di kaya maglasing sa beerhouse nina Kent at sa tono ng pagsasalita ni Lucy, parang alam na ni Clyde kung ano ang tinutumbok nito. Kung kailan siya MAGPAPAKASAL! "May nahanap ka na bang babaeng papakasalan ko?" tanong niya rito. Napatingin si Lucy sa anak at mukhang nagulat pa. "M-meron," maikli nitong sagot. "Eh, di i-set niyo na ang wedding date namin," malamig niyang sabi. Gulat na gulat ang kanyang ina sa kanyang naging desisyon. "Nnak, C-Clyde. S-sigurado ka ba?" pagatol-gatol nitong tanong. "Yan di ba ang gusto niyo. Sige, pumapayag na'ko. Magpapakasal na ako." Matapos niyang sabihin 'yon ..agad siyang lumisan. Dumiretso siya ng kwarto at du'n nagmukmok. Si Lucy, walang nasabi. Alam niyang nabigla ito at nagtataka, pero 'yon ang gusto nitong mangyari kaya alam ni Clyde sa kaloob-looban nito, nagdidiwang na ito ngayon. Bahala na 'yun, basta gusto niyang makalimot. Magpapakasal siya sa iba upang makalimot at nais niyang patunayan kay Cassandra na hindi siya kawalan. Ipapakita niya rito na kaya niyang mawala ito sa kanya. At kung sakali mang magkrus uli ang landas nila, nais niyang maramdaman nitong di na siya epektado sa lahat ng nangyari sa kanila kaya lang ... kakayanin kaya niya? "Critical ang kondisyon niya. May nakabarang dugo sa utak niya sanhi ng pagkabagok niya at kailangan namin yon maalis agad kung hindi ...pwede niya iyon ikamatay. Kailangan namin siya maoperahan agad," pahayag ng doktor na nag-asikaso sa ina nina Andy nang maaksidente ito, isang araw. "Gawin niyo ho kung ano yong dapat mailigtas lang ang mama namin," umiiyak niyang sabi. Tumangu-tango ang doctor bago pumasok uli sa operating room. Hilam naman sa luha ang mga mata ng mga kapatid niya. Si Fe, ang kanilang ina ay nangangailangan ng agarang operasyon upang mailigtas ang buhay nito. Nasagasaan kasi si Fe ng sasakyan ng patawid na siya ng daan at nabagok ang ulo niya sa malapit na bato kaya malala ang kanyang kalagayan ngayon na siyang lalong nagpahirap sa sitwasyon nilang mag-iina. "Ate, pa'no na si Mama?" umiiyak na tanong ni Jhondel. "Magiging ok rin siya. Ok?" aniya. "Maooperahan ba siya?" tanong nito uli. "Oo," matipid niyang sagot. "Saan tayo kukuha ng pambayad, ate?" tanong naman ni Lyzel. "Si ate ang bahala basta mag-pray lang tayo na magiging ok si mama, huh?" pilit niyang pinapagaan ang kalooban ng kanyang mga kapatid. "Opo, ate," sabay pang sabi ng mga ito. Niyakap niya ang luhaan niyang mga kapatid at pilit na pinapakalma kahit pati siya, di na rin napigilan ang mapaiyak. Sobra na siyang nag-alala sa kalagayan ng kanilang ina at tama si Lyzel, sa'n siya kukuha ng pambayad sa operasyon nito? Bahala na ...ang daming paraan kung gugustuhin lang, di ba? Isa pa, gagawin niya ang lahat ...mailigtas lang ang buhay ng kanilang ina dahil ito na lang ang meron silang magkakapatid at di niya kakayanin kung pati ito mawawala na rin sa kanila. Naalala niya tuloy ang kanilang ama, kung di sana sila nito iniwan ng ganun-ganun lang at sumama sa babae nito, di sana dinanas ng kanilang ina ang sinapit nito ngayon. Di sana hahantong sa ganito ang paghihirap nila ngayon at dahil du'n, lalong sumidhi ang poot at galit niya para sa ama at kailanman di na niya ito mapapatawad sa pagiging irresponsable nito. "Lyzel, bantayan mo muna ang kapatid mo at tawagan mo'ko kung may balita na kay Mama. Aalis muna ako," paalam niya sa mga kapatid. 'Saan ka pupunta, ate?" usisa nito. "Pupunta lang ako sa isang kaibigan. Babalik kaagad ako," aniya. "Sige, ate." "Ingat ka, ate. Balik ka agad huh?" bilin ni Jhondel. "Oo." Agad siyang umalis ng hospital at binaybay ang daan papunta sa nag-iisang taong alam niyang makakatulong sa kanila ngayon. Kapalan na 'to ng mukha, kailangang may gawin siya para sa buhay ng ina, di pwedeng hanggang pag-iyak lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nandito na siya sa labas ng opisina ng taong tanging naisip niyang makakatulong sa kanila. "Ahh, good day po. Ahmmm ...nandiyan ba si Ma'am Lucy?" tanong niya sa secretary nito. "Yes, tuloy lang po kayo," sabi nito. Yes, si Lucy ang tinutukoy niyang tao na makakatulong sa kanila ngayon. Tatlong beses siyang kumatok sa pinto ng office nito bago niya narinig ang pagsalita nito mula sa loob. "Please, come in." Nag-inhale, exhale muna siya bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto at saka pumasok. "Magandang araw po," bati niya rito at agad naman itong napaangat ng tingin at bahagya pa itong nagulat nang makita siya. "Andy, it's you! What can I do for you?" "Payag na ho ako sa gusto niyo. Magpapakasal na po ako sa anak niyo," diretsa niyang sabi. Napaawang ang mga labi ni Lucy sa narinig. "R-really?!" gulat nitong tanong. "O-opo," nakayuko niyang sagot. Napatawa ng mahina ang ginang sa narinig. "I'm so glad to hear that, Hija. Buti naman pumayag ka na," nakangiti nitong sabi. "Sa isang kondisyon ho," aniya. Napataas naman ang kilay ni Lucy. "Go on. What is it?" "N-nasa hospital ngayon si Mama at kailangan niya ng agarang operasyon. Nakikiusap po ako sa inyo, tulungan niyo po kaming maisalba ang buhay niya. Pakiusap po," umiiyak niyang pakiusap. "No problem, hija. I will but promise me ... tutuparin mo ang sinabi mong magpapakasal ka na sa anak ko." "Makakaasa po kayo." "Nak?" tawag ni Fe kay Andy. "Ma? Kamusta ho kayo? May masakit ba? Sabihin niyo, tatawag ako ng doktor," taranta niyang tanong. Napangiti naman ang ina dahil sa sobrang pagkaalalahanin niyang anak. "Wala ...kayo? Kamusta kayo? Ang mga kapatid mo?" "Ok lang po kami. Pinauwi ko muna sila para makapagpahinga ng maayos." "Sorry huh? Di ko nagampanan ng maayos ang responsibilidad ko sa inyo." "Ma, sobra-sobra nga po 'yong mga nagawa niyo para sa'min, eh." Naging matagumpay ang operasyon ni Fe sa tulong na rin ni Lucy. Nagtaka ang kanilang ina kung saan nila kinuha ang binayad sa hospital bill nito pero sinabi lang niya na ang mahalaga'y ligtas ito. Alam niyang may mga katanungan pa ang ina tungkol sa pera pero pinili na lang nitong itikom ang bibig at manahimik. Pagkalipas ng halos isang buwan ...nakalabas na rin si Fe kasi fully recovered na siya at ikinatuwa naman nilang magkakapatid 'yon. "Ma?" tawag ni Andy sa ina nang kausapin niya ang mga ito. "Ohh, bakit, nak?" "Ano kasi ...may sasabihin ako sa inyo." "Ano 'yon, ate?" tanong ni Lyzel. "Ano ...ahh." Hindi niya alam kung papaano sasabihin. "Anong ano, ate?" tanong naman ni Jhondel. "Ano kasi ...kasi ..." naguguluhan pa niyang sabi. "Ano ba 'yang sasabihin mo sa'min?" tanong ng ina. Nanatili siyang tahimik. Tinawag niya ang mga ito para sabihin ang naging desisyon niya. Nagsanay pa siya kanina kung pa'no sasabihin pero ngayon wala na! Wala ng boses ang lumalabas sa bibig niya. Napipipi na kaya siya? "Ate? Magsasalita ka ba o ganito na lang tayo?" mukhang naiiritang tanong ni Lyzel. "Ano kasi ...kasi ..." "Anong kasi? Andy, may problema ka ba? May lagnat ka ba?" tanong ni Fe sa anak saka niya kinapa ang noo nito, "...wala naman, ahh! Ano ba 'yang sasabihin mo?" "Ma, kasi ...ano kasi -------- "Ate, puro ka na lang kasi, ano. Ano ba talaga 'yang sasabihin mo?" mukhang nababagot na ring sabi ni Lyzel. "Kung di mo kayang sabihin ngayon, ipabukas mo na. Ok?" ani Fe. Tumayo na ang kanilang ina upang lumabas ng bahay at nang naihakbang na nito ang isa nitong paa ... "Magpapakasal na ako!" Muntik na mapasubsob si Lucy sa kabiglaan. Napanganga silang lahat habang nakatingin sa kanya. "Ma, Lyzel ...tikom mo naman niyang bibig mo, baka mapasukan 'yan ng langaw," aniya. Sabay na nagtikom ng bibig ang dalawa. "Anak, Andy. Tama bang narinig ko? M-magpapakasal ka na?" "Opo," matipid niyang sagot. "Ate, seryoso ka ba?" tanong ni Lyzel "Mukha ba akong nagbibiro, Lyzel?" "Hindi po." "P-pero bakit? Kanino? Kailan? Saan?" sunud-sunod na tanong ni Fe. "Ma, dami niyong tanong," kunwa'y reklamo niya rito. "Pagod ka na ba sa paghihirap natin ngayon kaya mag-aasawa ka na?" Natahimik si Andy sa sinabi ng kanilang ina. Di ganito ang gusto niyang mangyari. Kung alam lang sana nila ang dahilan. "Ma, hindi po ako magpapakasal dahil pagod na'ko sa paghihirap natin. Magpapakasal ako dahil gusto ko. Someday, mauunawaan niyo rin ako." "K-kung yan ang gusto mo, wala akong magagawa. Di naman kita pwedeng pigilan eh." "Eh, ate ... sino bang lalaking pakakasalan niyo?" asked Lyzel. "Makikilala niyo rin yon balang araw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD