Nandito si Andy ngayon sa restaurant nina Lucy at kasama niya ang ina. Kanilang hinihintay si Lucy para makilala na ni Andy ang anak nito na soon-to her husband na. Nalaman na rin ni Fe ang dahilan kung bakit magpapakasal ng agaran ang anak.
Alam rin nito kung saan nila kinuha ang perang ipina-opera rito. Nagulat si Fe pero nang makabawi, sinisi niya ang sarili dahil wala raw siyang kwentang magulang. Dapat raw kasi siya ang nagsasakripisyo para sa anak at hindi ang anak ang magsasakripisyo para sa ina.
Kinausap pa niya isang beses si Lucy at sinabing pagtatrabahuan na lamang niya ang perang ginamit sa operasyon niya, wag lang ituloy ang kasalan pero di pumayag si Lucy dahil ang usapan ay usapan daw. Walang nagawa si Fe kundi ang makisabay na lang sa alon ng buhay kahit masakit sa kanya iyon.
Ipinaliwanag na rin ni Andy sa kanya na kagustuhan nito ang ginawa nito at di raw nito dapat sinisisi ang sarili. Gusto lang tumulong ni Andy sa ina at lahat gagawin niya para rito.
At first, ayaw nitong suportahan siya sa gusto niyang mangyari pero wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang. And now, they're going to meet Lucy and her son. Dinig na dinig ni Andy ang kabog ng kanyang dibdib.
"Anak, kanina pa tayo dito ah! Nasa'n na sila?
"On the way na raw, Ma."
"Pero, nak. Seryoso ka na ba dito?"
"Ma, napag-usapan na natin 'to. Babalikan pa ba natin?"
"Ano kasi, anak baka -----"Ma, kaya ko 'to."
"There you are!"
Napatingin silang mag-ina sa pinanggalingan ng boses. Boses-babae. Si Lucy! Napatayo sila parehong at nagbigay-galang sa kararating lang.
"Please, sit down. Pasensiya na medyo natagalan, traffic kasi. Kanina pa ba kayo?"
"Ah ...di naman po," sagot ni Andy.
"Ahh ...ok. Siyanga pala, on the way na ang anak ko. Di kasi sumabay sa'kin. Oh, Mrs. Fe, how are you?" baling nito kay Fe.
"Ok lang po, Ma'am. Salamat uli sa tulong."
"Oh, no! It's ok. That's not help kasi may kapalit ehh ...and please stop calling me Ma'am because as soon as possible, magiging magkumare naman tayo."
Nagkatinginan na lang sina Andy at ng kayang Ina sa tinuran ni Lucy at maya-maya lang ...
"Hey, my son. Over here!"
Tawag ni Lucy sa kararating niyang anak na nasa likuran nina Andy.
"Please, meet my son Clyde ."
Tumayo na si Fe at binati ang bisita. Bahagya niyang hinila si Andy patayo kaya napatayo naman ito pero nakayuko. Ayaw tingnan ni Andy si Clyde kasi baka tuluyan ng lumabas ang puso sa kanyang dibdib sa sobrang kaba.
"Andy, please meet your fiance, Clyde and Clyde, this is Andy, please meet her," pagpapakilala sa kanila ni Lucy.
Wala nang nagawa si Andy kundi ang tingalain ang lalaking kaharap. Literally, her jaw drop! As in nakanganga siya! Nagkatitigan sila. Natulala siya sa kagwapuhan nito. Hindi niya aakalaing matutulala siya sa harap nito.
Napakunot ang noo niya nang mapansing dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Maya-maya ay hinawakan nito ang chin niya. Lalo siyang napakunot at natataranta.
Ano na ang binabalak nitong gawin? Hahalikan ba siya nito? Anong gagawin niya? Iiwas ba siya? Itutulak ba niya ito? Sisigaw ba siya? O baka ...
"Alam kong gwapo ako kaya lang di mo kailangang mapanganga at ... wag kang mangarap na hahalikan kita."
"Huh?" napapiksi si Andy at agad siyang napamulat ng mga mata matapos niyang marinig ang mga sinabi nito.
Oo na! Di siya sumigaw, di niya ito itinulak o sinapak at lalong di siya umiwas sa halip ...PUMIKIT SIYA! pakiramdam niya tuloy, pulang-pula na ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan na kanyang naani.
Bakit pa kasi siya pumikit? Ayan tuloy, inakala tuloy ni Clyde, gusto niyang halikan siya nito. Ang init ng mukha niya, pakiramdam niya ...umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang mukha. Naiinis siya! Muli nitong inilapit ang mukha nito sa kanyang punong teynga at muling bumulong ...
"Itikom mo na 'yang bibig mo baka may langaw na papasok diyan. Sige ka, bahala ka."
Pakiramdam niya tuloy para na siyang kamatis sa sobrang pamumula. Napalunok na lamang siya ng laway sabay tikom sa kanyang bibig.
Pagkatapos sabihin ni Clyde ang mga iyon ay umupo na siya sa tabi ng Mama niya. Dami nilang pinag-usap pero halos walang nagsink-in sa utak ni Andy. Si Clyde naman, tahimik lang. Di alam ni Andy kung anong iniisip niya.
"So, we're cle -----"Lucy, what are you doing here?"
Isang boses-babae ang pumutol sa iba pa sanang sasabihin ni Lucy at ang boses na iyon ay nanggaling sa likuran nina Andy at familiar kanila ang boses na iyon.
"Ma, why are you here?" takang tanong ni Lucy kay Elizabeth.
Napalingon si Fe sa kanilang likuran at gulat na gulat ito sa kanyang nakita.
"M-Ma'am Elizabeth?!" gulat na sambit ni Fe.
Nanlaki ang mga mata ni Andy sa itinawag ng kanyang ina sa isang taong nasa likuran nila.
"Fe! You're here, too," hindi makapaniwala nitong sabi. Agad napalingon si Andy at confirm nga! Si Elizabeth nga!
"Andy?!"
"Good day po, g-grandma," nahihiya pa niyang bati. Nagtaka si Lucy sa nasaksihan at nakita ni Andy sa gilid ng kanyang mga mata ang agad na pag-angat ng tingin ni Clyde.
"What's the matter? Bakit kayo magkasama?" tanong ni Elizabeth.
"Magkakakilala kayo?" tanong rin ni Lucy.
"Ahhh ..o-opo Ma'am Lucy," sagot ni Fe.
"Well, that's good," aniya.
"Is there something that I need to know?" tabong ni Elizabeth.
Pinaupo muna ni Lucy ang ina tsaka niya ipinaliwanag ang lahat maliban sa isang bagay, yun ay ang kasalang mangyayari ay isang kasunduan lamang. Labis namang ikinatuwa ng matanda ang nalaman nito.
"I didn't expect na matagal na palang in relationship ang dalawang 'to at-----
Agad silang napatingin kay Clyde dahil bigla ba namang nabunulan sa narinig at agad naman siyang binigyan ng tubig ni Lucy.
"What's wrong, Hijo?" tanong uli ni Elizabeth.
"Nope! Nothing. Nabigla lang sa kain," sagot naman nito.
"Ehhh ...dapat kasi kumakain ka lagi, hindi 'yong --------"Grandma, I'm already in a legal age so stop lecturing me. Ok?"
Nakita ni Andy na napailing-iling na lang sina Lucy at Elizabeth sa tinuran ni Clyde.
"Ma, how did you know each other?" pagkakuwa'y natanong ni Lucy.
"Well, in an accident," sagot ni Elizabeth sa manugang.
"Accident?" takang-tanong ni Lucy.
"Yeah," maikli nitong sagot.
"When? How?"
Ikinuwento na ni Elizabeth kung paano niya nakilala sina Andy. Si Clyde naman, tahimik pa rin, nagsasalita lang kung tinatanong at tatahimik agad pagkatapos. Ini-imagine na ni Andy ang magiging buhay niya kasama si Clyde. Natatakot siya dahil baka sa kabila ng kagwapuhan nito, mala-impyerno naman ang magiging buhay niya sa piling nito!