"Teka, anong ginagawa niyo?" gulat na tanong ni Andy nang bigla ba namang hinila ng mga tropa nila si Clyde palayo sa kanya. "Dude?" taka ring sambit ni Clyde sa mga ito. "Dalhin niyo doon si Clyde.." utos ni Dani sa tatlong lalaki at agad namang tumalima ang mga ito, "...at ikaw, halika. Dito ka," baling naman nito kay Andy na nagtataka pa rin sa mga pinaggagawa nila. Matapos kasi ang seremonya ng kanilang kasal, agad na nagsilapitan ang mga ito sa kanila saka hinila nila palayo sa kanya si Clyde. "Dani, what are you doing?" nagtataka pa ring tanong niya rito. "Inuunahan na namin kayo. Mas mabuti na 'tong sigurado," makabuluhang saad ng dalaga na siyang lalong ikinataka ng mga nandu'n lalo na ng bagong kasal. "What do you mean?" takang tanong ni Clyde habang nagpupumiglas ito mula

