"Sorry kung hindi namin sinabi sa'yo dahil... alam namin na magagalit ka," paghihingi ng tawad ni Fe sa anak. "Hindi niyo na sana ginawa 'yon. Pinagtabuyan niyo na sana siya." "Nang mawala ka, isa kami sa mga nakasaksi kung paano siya bumagsak dahil hindi niya matanggap na wala ka na. Nak, hindi ko sinasabing iwan mo na si Rex at balikan mo si Clyde, ang gusto ko lang sabihin sa'yo... na sobra rin siyang nasaktan sa mga nangyayari sa inyo, akala niya kasi sa ganoong paraan niya maibigay sa'yo ang kaligayan ng buo-buo. Mahal ka niya, hindi ka lang niya nagawang ipaglaban," mahabang litanya ng kanyang ina. "Magpapahinga lang ako," pag-iiwas niya. Agad siyang umalis sa harapan ng kanyang ina at dumiretso siya sa kanrhang kwarto. Padapang ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng kama at is

