Episode 19

1595 Words
"W-what are you doing? What is that?" tanong ni grandma nang makita niya si Clyde. "Ah ...eh. Grandma, how are you?" kabadong tanong ni Clyde sa kanyang lola. Agad siyang lumapit kay Grandma tsaka yumakap dito. Sakto kasing paglabas niya sa kwarto ni Andy bitbit ang mga damit nito ay siya ring pagbukas ng pinto at iniluwa iyon nina Andy at Grandma. Parehong natulala ang dalawa ng makita ang ayos niya. "Ano 'yang mga yan?" kunot-noong tanong ng matanda. "Grandma, kasi..." Napakamot na lamang sa batok si Clyde habang nag-iisip ng pwede niyang idahilan, "...ano kasi to, mga maruruming d-damit ni Andy." Nanlaki ang mga mata ni Andy.  Hindi kasi nito inaasahan sa magiging alibi niya. Wala na kasi siyang naisipan pang gawing palusot. Agad namang lumapit ang kanyang asawa sa kanya. "Ano k-kasi, Grandma.  Weekend na kasi bukas maglalaba kami ni Clyde. Inilabas muna niya para prepare na for tomorrow," segunda ni Andy. "Wow! Good idea," bulalas ni Grandma. Bigla silang iniwan ni grandma at pumasok ito sa kwarto ni Andy. "Tapos ka na?" pabulong na tanong ni Andy kay Clyde. "I'd texted you that I'm not done." "Pa'no na --------"Clyde, Andy! Come here," tawag sa kanila ni grandma. Nagkatinginan silang dalawa at parehong kinakabahan sabay sabing " patay ". "Bakit po?" tanong ni Clyde nang makalapit  na sila rito. "Bakit may mga gamit dito ni Andy?" "A-ano po kasi ...ahhhmmm,,,, minsan po kasi dito na'ko natutulog kasi..." Ano nga ba ang dapat niyang irason sa tanong nito ngayon? "Kasi?" Napatingin si Clyde kay Andy na nakakunot ang noo at naghihintay na rin sa magiging sagot niya. Napakamot sa batok si Andy bago pa man ito muling nagsalita. "Kasi si C-Clyde, kapag pagod po kasi, di ako nakakatulog ng maayos kasi ang lakas kung humilik." Bigla siyang siniko ni Clyde na siyang pagtingin sa kanila ni grandma. Pilit at kunwaring ngiti ang pareho nilang ibinigay sa matanda. "Kayo bang dalawa ay magkakasundo sa lahat ng bagay?" "Oo naman, Grandma," sabay pang sagot ng dalawa. "Masaya ba kayo sa pagsasama niyo?" "Oo naman po," sagot ni Clyde saka niya binalingan si Andy para sumang-ayon sa kanyang sinabi. "Talaga?" "Talagang-talaga, Grandma.  Love na love ko kasi tong asawa ko kaya masaya po kami sa pagsasama namin." Napatingin si Clyde kay Andy. Napakaseryoso ng mukha nito nang sabihin niya ang mga katagang 'yon pero di niya matanto kung nagsasabi ito ng totoo o kunwari lang para mapaniwala nito si Grandma.  Ang alam lang niya, nagbigay yon ng tuwa sa kanyang puso. Dumidilim na pero di pa rin umuuwi si Grandma. Balak pa yata nitong matulog ngayon dito. Nagtulung-tulong ang dalawa sa paghahanda ng hapunan nilang tatlo tsaka maya-maya lang ay naghapunan na rin sila. "Perfect dinner! Wow! Masarap rin pala magluto 'tong asawa mo, Clyde," nakangiting puna ni grandma. "Oo nga po, Grandma." "What recipe is this?" "Ahh ..ano po yan. Curry rice po, japanese style, Grandma," maagap na sagot ni Andy na siya namang agad na tinikman ng matanda. "Hmmmfff ...delicious!" bulalas nito. "Salamat po." "Do you know how to cook kare-kare, Andy?" tanong sa kanya ni grandma. "Not really, Grandma." "Ai, sayang. Favorite food niyan ni Clyde. You need to know on how to cook it because the shortest way to a man's heart is through his stomach." "Pag-aaralan ko po." "I will teach you," kusang offer ni grandma na siyang nagpa-excite kay Andy. "Really, Grandma? Wow! I'm excited to learn." "I'm sure Clyde will fall in love with you soooo much." Nagkatitigan silang dalawa ni Clyde at bigla nitong hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa mesa since magkatabi lang naman sila. "No need na, Grandma kasi even if she don't know on how to cook kare-kare, in love na ako sa kanya. Sooobra." Nagkatitigan uli sila. Nag-uusap ang mga mata. Di niya mabasa sa mga mata ni Clyde kung nagsasabi ba ito ng totoo o palabas lang ang mga yon. Gusto niyang itanong dito ang katanungang yon pero di naman niya magawa. "Ah, Grandma.  Dumidilim na, di pa po ba kayo uuwi?" maya-maya'y tanong ni Andy sa matanda. "Why? You want me to go home right away?" May himig ng pagtatampo ang boses nito. "Ahh ..hindi ho. I mean, after our dinner. Delikado na kasi ang daan ngayon lalo na kapag gabi." "Bakit sinabi ko bang uuwi ako ngayon?" "You mean, you're going to spend your night here?" hindi makapaniwalang tanong ni Clyde sa kanyang lola. "Exactly!" Biglang nabunulan si Andy sa kanyang narinig na sagot mula rito. "What's wrong? Give her a water," nag-aalalang utos ni grandma kay Clyde. Agad siyang sinalinan ni Clyde ng tubig at agad naman niya itong ininom. Sino bang hindi mabubunulan sa narinig? Si Grandma, dito matutulog? Talaga? Seryoso? "Are you ok, darling?" tanong nito sa kanya nang naging maayos na siya. "P-opo, Grandma," aniya saka niya muling tiningnan si grandma, "...s-seryoso po ba talaga kayo na ...na dito kayo matutulog ngayong gabi, Grandma?" "Bakit? Ayaw niyo yata akong matulog dito, ah." "Ahh ...hindi po!" sabay na sagot ng dalawa. "Ang ibig naming sabihin ...anytime, Grandma. Kahit anong oras, makakatulog kayo dito," agad na sabi ni Clyde para hindi ito magdududa. "O-opo! Welcome na welcome po kayo dito," segunda naman ni Andy. "Good to hear that." Muli silang nagkatinginan ni Clyde habang ipinagpatuloy ni grandma ang pagkain niya. Through eyes, parang sinasabi nila sa isa't-isa na "pa'no 'to?" "Ako na lang diyan sa sahig," ani Clyde nang inihahanda na ni Andy ang gagamitin nito sa pagtulog. "Wag na! Ako na lang dito. Sanay na'ko sa ganito, eh." Inilatag na nito sa sahig ang bedsheet at tsaka humiga patalikod sa kanya. "Ahh .. Andy, tulog ka na ba?" "Hindi pa, bakit?" "Ahh ...wala lang. Seryoso ka bang ayos ka lang diyan? Kung gusto mo, dito ka na lang sa kama at ako na lang diyan." "Ayos lang talaga ako dito.  Huwag kang mag-alala. Matulog ka na." "S-sige, goodnight." "Goodnight." Tahimik na ang loob ng buong kwarto. Pati si Andy, tahimik na rin. Ilang minuto na rin ang lumipas pero di pa rin makatulog si Clyde. Inisip niya na sana siya na lang 'yong nasa sahig. Kosensiya pa niya tuloy. Tulog na kaya si Andy? Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang katawan para matingnan ito. Ang cute nitong tingnan habang yakap-yakap nito ang unan. Bigla itong tumagilid paharap sa kanya at saktong-saktong nakikita niya ang maamo nitong mukha na ngayon ay tahimik at payapang natutulog. Ang sarap nitong tingnan pero maya-maya lang ay biglang natigilan si Clyde when he heard something, it's sounds like a ------ a footsteps?! A footsteps! Palapit ng palapit sa pinto! Baka si Grandma to. Dali-dali siyang bumaba ng kama at agad na ginising si Andy. "Andy, wake up! Wake up!" Umungol lamang ang kanyang asawa pero hindi pa rin ito nagigising. "Andy, please wake up!" muli niyang pukaw dito at inimulat naman nito ang kaliwa nitong mata. "What's wrong? I'm so sleepy, Clyde.  Don't disturb me, please," sabi nito saka muling ipinikit ang mata. "I said wake up." He hold her shoulders and he shake her to make her awake. "Wake up. Ano ba?" "A-anong problema? You know what the time is it now? Clyde naman! Magpatulog ka naman," naiinis nitong sabi saka muling pumikit. Diyos ko po! Hirap gisingin ng babaeng 'to oh. "Grandma's coming!!" "What?!" gulat nitong sabi sabay balikwas ng bangon. Pareho silang napatingin sa pinto nang marinig nila ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ni ﹰClyde. "C'mon." Hinablot ni Clyde ang bedsheet na ginamit nito at dali-dali niya itong isiniksik sa loob ng cabinet. At ito naman ay agad na pinulot ang unan at kumot nito. Muling may kumatok sa pinto, "Clyde, Andy! Tulog na ba kayo?" Narinig nilang tanong ni Grandma mula sa labas ng kwarto. "Dali," ani Clyde. Mabilis ang kilos nila at parehong wala sa sariling umakyat sila ng kama at agad na humiga. Napaunan ito sa kanyang braso, niyakap niya ito and she hugged him back. Saktong pagpikit ng mga mata nila ang siyang pagbukas ng pinto at maya-maya lang ay naririnig nila pareho ang mga yabag palapit sa kama. "Wow! So perfect! Ang sweet nilang tingnan. I want to take a picture of them," pabulong na saad ni Grandma. After awhile, they heard a click of a camera! Nakiramdam pa sila pareho tapos maya-maya lang, Clyde's felt Grandma's lips on his cheeck. "Goodnight and sweet dreams, Clyde and Andy," sabi nito. At maya-maya lang, narinig na nila ang pagbukas ng pinto pati na ang pagsara nito. Lumabas na rin si Grandma at nararamdaman na rin ang paggalaw ni Andy. Maya-maya lang pinipilit nitong makawala sa loob ng braso niya para makabangon pero di niya iyon hinayaang mangyari. "Stay," sabi niya habang yakap-yakap pa rin niya ito. "Pero, ano kasi -----Muli niya itong niyakap ng mas mahigpit pa kesa kanina kaya napahinto ito sa pagsasalita pero medyo nagwawala pa rin ito. "Clyde, kasi ...sa -----sa baba na lang ako. P-pwede?" Patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas para makawala. "Please, stay. I want you to stay with me tonight, Andy. Please," pakiusap niya rito. "O-ok," anito saka ito huminto sa pagpupumiglas. Namuo ang matamis na ngiti sa mga labi ni Clyde. Ewan pero may saya siyang nadarama ng mga oras na 'yon. "Goodnight," sabi niya rito. "G-goodnight, too," mahinang sagot ni Andy. He kissed her forehead but he don't know why he did that, ang alam lang niya, masaya siya kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito na para bang ayaw na niya itong pakawalan pa tsaka tuluyang natulog habang yakap-yakap niya ang kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD