Episode 18

2044 Words
"Kaya pala ang tagal, magkasama pala," salubong ni Dani kina Andy at Rex nang dumating ang mga ito sa hide-out our nilang magkakabarkada. "Nadaanan ko lang si Andy, pinasakay ko na lang kaya magkasabay kami. Kayo talaga, oh," depensa naman ni Rex. "Wala bang ligawang nangyayari?" tanong ni Kent. "Wala pa," agad na sagot ni Rex. "Ayiiee, wala pa? So it means, you have a plan to court her?" singit ni Dani na siyang nagpangiti sa binata. "Kung papayag siya," ani Rex saka niya tiningnan si Andy. "Andy, anong sagot?" baling nj Dani sa kaibigan. "Huh? E-ewan," wala sa sariling sagot nito. "Anong ewan ba? Oo o hindi lang ang sagot nu'n," sabad naman ni Nico. "Eh, ang tanong papayag ba si Clyde?" pahayag naman ni Oliver. "Hindi!" Napatingin silang lahat sa biglaang pagsulpot ni Clyde. "Dude, nandiyan ka pala," salubong ni Rex sa kaibigang kararating lang. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Kent pero parang walang narinig si Clyde. Di sumagot siya sa tanong ni Kent. Lumakad siya palapit kay Andy tapos ang dilim pa ng mukha. Nang makalapit na siya rito, bigla niya itong hinablot ang braso at hinila palayo sa grupo. "Clyde, what are you doing?" tanong ni Andy habang hila-hila niya ito. "Clyde, ano ba? Huwag mo nga akong kaladkarin, nasasaktan ako!" angal nito pero wala pa rin itong sagot na nakuha galing sa kanya. Naiinis siya, 'yon ang nararadaman niya! "Ano ba?! Bitawan mo'ko, Clyde!" Ipinasok niya si Andy sa isang silid na galit na galit. "Ano bang problema mo, huh?!" bulyaw nito sa kanya nang sa wakas ay binitiwan na rin niya ito mula sa pagkakaladkad niya. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" singhal niya. "Ano bang ginawa ko kaya ka nagkakaganyan?" Bigla niyang hinawakan sa balikat si Andy at sinalubong ang mga mata nito. "Anong meron kayo ni Rex? Ba't ganu'n na lang kayo ka-close?" "Are you jealous?" diretsang tanong sa kanya ng kanyang asawa. "I'm not jealous! Itong tandaan mo, kahit anong mangyari, hinding-hindi ako magseselos dahil hindi kita gusto!: Parang bulkang sumabog sa magkabilang tenga ni Andy ang mga huli nitong sinabi. Garnun na ba ka-imposibleng magkakagusto ito sa kanya? "Eh, bakit ganyan ka kung magreact huh?" "Ayoko lang mabuko tayo! Kaya, layuan mo si Rex na yan. Naiintindihan mo?!" "Hayaan mo'ko kung saan ako masaya," sabi niya na siyang lalong nagpainit sa dugo ni Clyde. "A-anong sabi mo?" "Ang sabi ko, hayaan mo'ko kung saan ako masaya. Naiintindihan mo?" "Gusto mo bang mabuko tayo, huh?" galit na tanong nito. "Oo! Dahil ayoko na! Nakakapagod na!" Agad niyang iniwaksi ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya at agad siyang lumabas ng silid. Di na njya hinintay ang mga sasabihin pa nito dahil baka iiyak lang siya sa harapan nito mismo. Ang sakit na, eh! Kailangan pa ba talaga nitong ipamukha sa kanya na kahit kailan, hinding-hindi siya nito magugustuhan? Ganu'n na ba ka-baba ang tingin nito sa kanya? Isang babaeng napaka-imposibleng magugustuhan ng isang lalaking katulad nito? Matapos ang eksenang yon, halos di na sila nag-uusap ni Clyde . Nag-iiwasan sila hangga't magagawa nila kahit pati na sa loob ng bahay. Nagtataka man ang grupo pero nanatili silang tahimik dahil akala nila, family issue lang talaga ang nangyari, iyon din kasi ang pinalabas ni Clyde ng magtanong si Oliver kung bakit siya kinaladkad nito ng mga oras na yon. Wala rin naman siyang nagawa kundi ang makisabay sa daloy ng buhay. Kailangan niyang magtiis dahil kailangan pa niya ang magtiis para sa pag-aaral at sa pamilya. Days, weeks, months na ang nakalipas ..kung ano yong pakikitungo ni Clyde sa kanya magmula ng magkasagutan sila mas lumala pa yata ngayon. Kung dati malayo ang loob nito sa kanya, mas lumayo pa ngayon. Lagi na lang niya itong di nakikita at nakakasama maliban lang kung nandiyan si Grandma.  Kung nakikita't-nakakasama  man niya ito, doon sa hide-out lang ng school nila, sa bahay ni Grandma pero pagkatapos nu'n, wala na! Pag-uwian naman galing ng school, si Rex na ang naghahatid sa kanya sa bahay tapos pagdating niya ng bahay wala ito, madalas nasa condo. Ewan pero pakiramdam niya mas mabigat ngayon ang kanyang nararamdaman dahil sa pag-iwas nila sa isa't-isa. Mabigat sa kalooban niya ang paglayo't-pagbabalewala nitk sa kanya! "Bakit nag-iisa ka dito?" tanong ni Rex kay Andy nang makita niya itong nag-iisa. Agad napalingon sa kanya si Andy.  Nasa isang park kasi ito na malapit lang sa school. Nag-iisa't-nagmumuni-muni. Ang layo ng lipad ng isip. "You startled me. Bakit ka nandito?" balik-tanong nito. "Ehh ..ikaw, bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" "Ahhhmmm ...nanonood, nagpapahangin." "Habang naglalakbay ang isip sa kawalan?" "Kawalan? Ahh ...hindi, ah!" "Talaga?" Hindi kumbinsido si Rex sa mga naging sagot  sa kanya ni Andy. Ramdam kasi niyang may mas malalim na dahilan ang pag-iisa nito ngayon. "O-oo!" matipid nitong sagot. "Ahhh ...ok, sabi mo eh." Ang dami niyang gustong itanong lalo na tungkol sa paghila ni Clyde rito dahil hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Clyde na dahilan kung bakit nagiging ganu'n na lamang ito, kung bakit hinila na lamang nito si Andy ng ganu'n-ganu'n lang pero wala namang boses na lalabas sa bibig niya kung yon ang itatanong niya. "Halika ka, kain tayo doon, oh! Treat ko," biglang yaya sa kanya ni Andy. "Oh, sige ba," agad niyang pagsang-ayon. Hinila siya nito sa isang malapit na kainan. "Order ka ng gusto mo," agad na sabi ni Andy sa kanya nang maayos na silang nakaupo. "Seryoso ka bang ililibre mo'ko?" "Oo, naman! Sige na." "Ok, sige." Nag-order na siya at nag-order na rin si Andy, maya-maya lang ay isa-isang inilapag ang mga inorder nila sa kanilang harapan. Waiter: enjoy your meal, sir- ma'am "Thank you," nakangiting saad ni Andy. "Thank you," sabi din niya sa waiter. "Oh, kain na tayo," aya ni Andy sa kanya. "Sige ba." Nagsimula na silang kumain at nakikita niya kay Andy ang kawalang gana sa kinakain. Minsan pa'y natutulala sa harap ng pagkain. "Andy?" tawag niya rito nang bigla itong natigagal habang nakamasid sa pagkain. "Huh?" "May problema ba?" nag-aalala niyang tanong. "Pasensiya ka na. May iniisip lang ako ----" Hindi na nito naituloy ang iba pa sana nitong sabihin ng biglang tumunog ang phone nito. "Teka lang si Clyde tumatawag. Kausapin ko lang saglit," anito saka agad na sinagot ang tawag ni Clyde. "Hello? Oh, ba't napatawag ka? May problema ba insan?" "Tigilan mo na yang 'insan-'insan mo. Nasa'n ka? Umuwi ka na! Bilisan mo baka maabutan pa ni Grandma ang kuwarto mo!" natatarantang pahayag ni Clyde mula sa kabilang linya. "A-ano?! Si G-Grandma? P-pupunta?" nabiglang tanong ni Andy. "Oo! Kaya bilisan mo na!" "Oo, na! Nandiyan na!" Agad na in-end ni Andy ang tawag ni Clyde saka nahihiyang napatingin siya kay Rex. "Ahh...Rex. sorry, I need to go," pagpapaalam niya rito. "P-pero pa'no na'tong inorder mo?" "Ikaw na lang muna ang bahala." Natarantang kumuha siya ng pera sa wallet niya at  inabot niya ito sa binata. "Ikaw nang bahalang magbayad huh? Sige, kailangan ko ng umalis." Ni hindi na nagawa pang tanggihan ni Rex ang perang binigay ni Andy na inilagay pa nito sa kanyang palad. Ang plano pa naman niya, siya na ang magbabayad nito pero ayun! Di na siya nakatanggi dahil daig pa nito ang hangin sa bilis ng kilos nito. Lagi na lang palpak! Tiningnan niya ang perang nasa kanyang palad. Isasauli na lang niya to bukas. Saa sobrang pagmamadali ni Andy parang papel na naka-crumpled ang pera sa sobrang g**o. Inayos niya ang pera, nilagay niya iyon sa mesa nang may narinig siyang tumaginting sa mesa. Parang metal na tumama sa mesa. Napakunot ang kanyang noo kasi  perang papel naman ang ibinigay nito sa kanya, wala namang coins pero ano 'yong tumaginting sa ibabaw ng mesa? Gumuhit sa mukha niya ang labis ng pagtataka nang makita niya kung ano 'yon. "Andy, Andy. Andy! San kana? Ba't ba ang tagal mo?" bulong ni Clyde sa sarili habang hindi siya napapalagay. Pinasok na niya ang kwarto nito at dali-daling kinuha ang iilan nirong gamit na nandoon at inilipat niya sa kanyang kwarto na siya namang pagdating nito na hinihingal pa. "Where's Grandma?" agad nitong tanong. "Buti nandito ka na. She's on her way! Bilisan mo. Tulungan mo'kong mailipat sa kwarto ang mga gamit mo bago pa makarating si Grandma." "Oo, na! Heto na!" Pareho silang nagmamadali at natataranta, binilisan nila pareho ang kilos. Nilagay nila sa cabinet ni Clyde ang mga gamit ni Andy. "C-Clyde , Grandma's calling." "Answer her." "P-pero -------"Bilis," agad na putol ni Clyde sa iba pa sanang sasabihin ni Andy. "H-hello, Grandma?" "I'm here outside of your house. Don't you want me to come inside?" Biglang nataranta si Andy sa narinig saka pasimpleng sinilip niya sa bintana si Grandma. "Oh, w-wait a minute, Grandma.  I'm coming," aniya at dali-dali niyang in-end ang tawag nito. "C-Clyde, si Grandma n-nasa labas na." Napasubsob si Clyde sa gamit ni Andy  na bitbit niyo. Nagulat ito sa nalaman na nasa labas na si Grandma. "Buksan mo na. Huwag mo munang papasukin dito dahil di pa tayo tapos." "P-pero ...p-pano kung gusto na niyang pumasok?" "Aliwin mo muna," bilin niya saka sabay silang napatingin sa pintuan nang biglang tumunog ang door bell. "Sige na, buksan mo na 'yon baka magdududa 'yon. Ako nang bahala dito." "O-oo, sige." Nag-inhale-exhale muna si Andy bago pa man niya binuksan ang gate "Grandma," kabado niyang sabi sabay yakap dito. "Ang tagal naman," reklamo ng matanda matapos niya itong yakapin. "Ahh ...pasensiya na po. Pasok po kayo, Grandma." "Where's Clyde?" "Ahhhmmmm ...sa loob po, Grandma." "Ok, pasok na tayo para----"Ahh ...Grandma, ano kasi ...ah, kasi ano. M-may imported, oo, tama! May imported po akong bulaklak. Gusto niyo po bang m-makita?" kinakabahan niyang pahayag na siyang dahilan para mapahinto sa pagsasalita ang matanda. "Really? Where is it?" Lihim na nakahinga nang malalim si Andy dahil parang sumasakay sa trip niya si grandma. "Over here, Grandma." Bahagya niya itong hinila patungo sa gilid ng bahay at pinakita niya rito ang isang bulaklak na hiningi pa niya kina Dani noong nakaraang buwan. "What do you call this flower?" "Ahhhmmmm ...nakalimutan ko, Grandma.  Binigay lang kasi yan ng kaibigan ko." "It's so nice. I love this flower. Can I have one of these next time?" "Oo naman po." "Ok, let's get inside.: "Ahh ...a-ano -------"C'mon," agad na singit ni Grandma. Agad niya itong pinigilan sa braso, napatingin naman si Grandma sa kanya na nagtataka at siya? Heto nakangiting aso na lamang. "Grandma, kasi ....m-may ahhh ....ano kasi. S-si Clyde po, m-may b-balak na ...na mahlagay ng fountain dito sa bahay a-at gusto sana niyang s-sa likod ng bahay niya i-ilagay. Grandma, pwede ko bang i-ipakita sa'yo yong area na lagyan ni Clyde ng fountain? K-kasi a-alam kong magaling kayo sa ....sa mga ganyan...." Pilit na ngiti ang kanyang pinakawalan, "...pwede po ba?" "Sure, why not." "Hoh! Thank you, Lord," usal ng kanyang isipan. Makumbinse niya rin ito. Pumunta sila sa likod ng bahay at kunwaring nagtuturo ng area na papalagyan ni Clyde ng fountain kahit di naman totoo. "Nice place, kailan niyo ba ipapalagay yong fountain?" "Di ko pa po alam, Grandma.  Plano pa kasi," aniya saka siya pasimpleng napatingin sa kanyang phone. "Ganu'n ba? Lagyan niyo para mas gumanda ang bahay tapos kung may kailangan pa kayo, sabihin niyo lang sa'kin o di kaya sa Mama Lucy niyo. Ok?" Napatingin sa kanya ang matanda, "Sinong ka-text mo?" "Po? Ah, ano ... k-kaklase ko po," agad niyang sagot na siya namang pag-vibrate ng kanyang phone. From: Bingbang          Di pa'ko tapos. Sandali na lang. Aliwin mo muna yan "Ano ba yan, ang tagal naman," pabulong niyang sabi saka siya napatingin kay grandma. "Ahh ...Grandma?" Labis ang kanyang pagtataka nang hindi na niya ito nakita. "Teka! Nasan na si Grandma?" kinakabahan niyang tanong Umalis ng di nagpapaalam ang matanda. Baka nakapasok na yon. Mabilis na tumakbo siya papuntang pinto at saktong pgdating niya, nakahawak na si Grandma sa doorknob at agad naman niya itong pinigilan. "What's wrong?" nagtataka nitong tanong sa kanya, "Something's wrong?" "W-wala po, Grandma. Ahh ..gusto ko lang kayo ipagbukas ng pinto," aniya saka niya binuksan ang pinto. "Tuloy po ka-----" Hindi na naituloy pa ni Andy ang iba pa sana niyang sasabihin nang matigilan sila sa kanilang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD