Sa sobrang daming nangyari, pinili muna ni Clyde ang maglibang. Pinuntahan niya ang mga lugar na madalas nilang pinupuntahan noon ni Andy. Napapangiti siya kapag naaalala niya ang mga masasaya nilang araw at hindi na rin niya maiiwasang mapaluha kapag sumasagi sa isipan niya na kailanman ay hindi na ito magiging kanya. Mula nang umalis si Andy, halos araw-araw na niya 'tong ginagawa, ang balik-balikan ang mga masasaya nilang ala-ala. He's hoping that he can replay it and press the pause button so that they can stay what they were before. Masayang-masaya sita nang malamang bumalik na ito pero hanggang doon na lang 'yon lalo na ngayong may singsing nang nakasabit sa daliri nito. Masakit! Napakasakit! Pero may magagawa pa ba siya? Hindi na siya ang mahal nito pero alam ng lahat na si

