"Clyde!" Parang mabingi sa lakas ng sigaw ni Andy si Dani nang makita nito na si Clyde ang duguang nakaratay sa stretcher na tulak-tulak ng mga nurse papasok sa emergency room. Sobra silang nabigla at hindi makapaniwala sa nangyari. Agad namang sumunod si Kent sa loob ng emergency room at si Andy hindi mapalagay at umiiyak na rin sa nakita. "Bakit niyo pa kasi siya tinawagan?!" umiiyak na tanong nito sa kaibigan. "Hindi naman namin alam na mangyayari 'to. Kung alam lang namin eh di, hindi na sana namin siya tinawagan," depensa naman ni Dani. "Clyde?" humihikbi na sambit niya sa pangalan ng dating asawa. "Andy?" naaawang tawag sa kanya ng kaibigan. "Pa'no kung may mangyaring masama sa kanya? Pa'no kung..." muli siyang napahikbi. "Pa'no kung..." hindi kayang sabihin ng kanyang mga

