Emperor's POV
"Steve!" tawag ko sa manager ng main branch ng restaurant ni Papa
Agad naman itong lumapit sa akin.
"Emperor." magalang na bati nito sa akin at bahagya pang yumukod.
Napangisi nalang ako.
"Kindly assist those kids. Ipakain mo sa kanila ang lahat ng gusto nilang kainin. Pag hindi sila nasatisfy I will fire you. Do you understand?" Napalunok ito at sunod sunod na tumango.
Tinawag naman agad nito ang isa sa mga waiter ng resto at inasikaso ang limang bata na kasama ko. Napangisi nalang ako ng mga nakanganga ang reaksyon ng mga ito.
"Parang hari. Tapos tawag sayo Emperor." hangang hangang sabi sa akin ni Mimi.
"Kuyang green ang mga mata, sa Papa mo po talaga 'to?" di makapaniwalang tanong sa akin ni Esang habang iginagala ang mata sa kabuuan ng resto.
Nakangiting tumango lang ako.
"Wow!" sabay sabay nilang bulalas.
"Just order what you want. And eat as long as you want. It's my treat." nakangiting sabi ko sakanila ng iabot dito ni Steve ang menu.
Sabay sabay naman silang nagkamot ng ulo.
"Kuyang Pogi, di ba sabi ko tagalog lang? Hindi nga kase namin alam iyong english. Hindi naman kami nakapag aral. Tagalog lang." angal agad ni Mimi. Napailing nalang ako.
"Sabi ko pili na kayo ng gusto niyo. Kahit ano, kase libre ko naman." paliwanag ko sa kanila.
"Talaga?" di makapaniwalang tanong ni Eboy sa akin. Tumango lang ako.
"Pwedeng mag uwi din Kuya?" tanong naman sa akin ni Muymuy.
"Oo. Kahit mag uwi pa kayo para makatikim iyong mga bago niyong kaibigan sa Orphanage." Tumango tango naman sila.
"Oh, sabi ni Kuya pili na daw tayo ng kakainin." sabi ni Eson at kung anu ano ang basta nalang itinuro sa menu.
Ginaya naman ito ng mga kasama niya. Hindi tuloy magkanda ugaga si Steve at ang isang waiter na kasama niya. Inulit nila ang order ng mga bata at napanganga na naman ang mga ito.
"Wow!" sabay sabay ulit nilang sabi.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa.
Napatingin tuloy sa akin si Steve at ang waiter na abalang nagsulat ng order ng limang bata.
I clear my throat to compose myself. Umalis naman agad ang dalawa para asikasuhin ang order ng mga ito.
Napatigil lang kami sa kwentuhan ng lumapit sa amin si Papa. I stand up to great my father.
"Pa!" bati ko kay Papa.
"So, it's true, that you're here and with...kids." sabi niya sa akin at tumingin sa mga bata. "Hello kids!"bati niya kila Mimi.
Nabaling naman ang tingin ng lima dito. Nanlalaking mata naman ni Mimi at itinuro pa si Papa.
"Hala! Kamuka nya si Kuyang Pogi pati kulay ng mata." Nanlalaking mata na sabi nito kay Papa.
Napatingin naman sa akin ang Papa ko na nakangiti. Nagkibit balikat lang ako.
"Because I'm his father." paliwanag naman ni Papa at nakiupo sa table namin.
"Englisero din." sabi naman ni Muymuy.
"Father? Di ba ama ang ibig sabihin non Eboy?" tanong ni Esang kay Eboy.
Tumango naman si Eboy.
"Ibig sabihin siya ang Tatay mo Kuyang Pogi?" baling sa akin ni Eson.
"Kids, siya ang tatay ko. Siya ang may ari nitong restaurant." Paliwanag ko sakanila.
Nanlalaking mata naman nila itong tiningnan.
"Wah! Ibig sabihin mayaman pala ang Tatay mo Kuyang Pogi! Ang galing!" hangang hangang sabi ni Mimi.
"Pwede po bang ampunin nyo nalang ako Mamang Pogi para maging mayaman din ako tapos magkaroon din akong katulad na ganito na restaurant para hindi ako magutom?" tuloy tuloy na sabi nito sa Papa ko.
Natawa lang si Papa. "Pwede."
"Naku Mamang pogi pasensya na po kayo kay Esang matakaw lang po talaga siya." Sabi naman ni Muymuy.
"Eh, sabi naman ni Mamang Pogi pwede naman daw." katwiran ni Esang.
"Edi iiwanan mo kami sa Orphanage? Akala ko ba walang iwanan?" naiinis na sabi ni Mimi dito.
Napakamot nalang si Esang sa ulo saka binalingan ulit ang nakangiting si Papa.
"Mamang Pogi, huwag na po pala kase maiiwan sila Muymuy sa Orphanage kawawa naman sila." seryosong sabi nito kay Papa.
Natawa lang ang Papa ko at ginulo ang buhok nito.
"Sige hindi na. But why did you called me Mamang Pogi and to my son is Kuyang Pogi?" curious na tanong dito ni Papa.
Tumili na naman si Mimi at humalukipkip. "Ih! Wag nga po kaseng english hindi po namin naiintindihan." and she pouted her lips.
"Huwag mong awayin Mimi baka hindi na tayo pakainin niyan." bulong dito ni Eson.
"Pa, tagalog lang." simpleng bulong ko kay Papa.
"Okay, my bad. Ang tanong ko bakit ang tawag niyo sa akin ay Mamang Pogi tapos sa anak ko Kuyang Pogi?" nakangiting paliwanag ni Papa.
"Ah, iyon po ba? Kase po si Kuya mas bata kaya Kuya. Tapos kayo naman medyo matanda na kaya Mamang Pogi. At saka magkamuka po kase kayo. Parehong pogi tapos pareho pang kulay ng mata. Kulay green. Parang sa mga porenger." Paliwanag ni Eboy.
"Porenger?" ulit ni Papa. Napatawa nalang ako at pasulyapsulyap sa hawak kong cellphone.
"Kuya kaw na nga pong magsabi. Nakakapagod naman magpaliwanag sa inyo." kakamot kamot sa ulong sabi ni Mimi.
"Pa, Foreigner." iiling iling na paliwanag ko kay Papa.
Natawa nalang si Papa at tatango tango.
Maya maya ay dumating na ang mga order ng mga ito at nagsimula ng magsikain. Nagpaalam naman na si Papa at marami pa raw siyang dapat gawin.
"Kuya bakit wala pa si Ate?" tanong sa akin ni Eson sa pagitan ng pagnguya
"Sabi ni Casey malapit na daw siya." sagot ko.
"Kuya tawagan muna." sugsog sa akin ni Mimi.
Tumango nalang ako at sinubukang tawagan ito. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag.
"Yes, hello?" sagot nito.
Biglang hindi ako mapakali at bumilis na naman ang t***k ng puso ko pagkarinig ng boses nito.
I clear my throat first and speak.
"Ahm, I-I'm. I mean they. Yeah that's right. They asking where are you now?" gusto kong suntukin ang sarili ko sa pagiging tense ko.
Natawa naman si Casey sa kabilang linya.
"Hey, you looked tense. I'm already here. Just look at to your right."
Wala sa sariling napalingon ako sa kanan ko.
There she is, walking towards me with a sweet smile on her face.
Again for the 2nd time around. My world stop. Everthing went into slow motion. Parang lahat ng ilaw ay nagpatay sindi. At tangin siya lang ang nakikita ko.
She really have a face of an angel and a body of a goddess. Eventhough she's just wearing a simple dress and a flat shoes.
Bumalik lang ako sa sarili ko ng my kumalabit sa akin at ng mabalingan ko ay si Mimi pala at inabutan ako ng table napkin. Nagtataka ko siyang tiningnan. Si Muymuy ang sumagot.
"Tulo laway kana kase Kuya." sabi nito at naghagikgikan sila. Wala sa sariling naipahid ko ang tissue sa bibig ko.
"Ate si Kuyang Pogi tulo-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Mimi ng takpan ko ang bibig nito.
"Huwag kayong maingay." bulong ko sa mga ito.
Nakangisi naman silang nagsitango. Agad akong tumayo at ipinaghila ng silya si Casey.
Napabuntong hininga nalang ako ng makita ko na naman ang ngiti ni Casey.
"Anong pinag uusapan niyo?" tanong niya sa akin.
"Wala naman. May itinatanong lang sila sa akin." simpleng sagot ko.
Laking pasalamat ko ng hindi na ito nagtanong at nagsimula nang kumain. In the whole duration of our dinner I just stared at her.
Hanggang sa matapos ang dinner at naipahatid ko na ang mga bata pabalik ng Orphanage. Napabuntong hininga nalang ako.
This feeling was something. This is the first time I felt this way.
First, my world stop everytime she smiles at me. Second, my heart beats fast whenever she's around. Third, I felt selfish and possessive when it comes to her.
And for a guy like me. I know this is not a good sign. I know I'm on trouble. A big big trouble. Again I sighed.
"Ang lalim naman nun." biro niya sa akin.
"I think I like you." I say out of nowhere.
Tiningnan ko lang siya ng seryoso. Mukang nailangan naman ito sa tingin ko.
"Where here." anunsyo ko sa kanya. Agad ko siyang pinigilan ng akmang bababa siya ng sasakyan.
"Look, I said I think I like you. Oh. Let me correct it. I really like you Casey." seryoso kong sabi sa kanya.
Nanlalaking mata niya akong binalingan. Pero agad din siyang sumeryoso.
"Look Elvin, if you are playing a games. 'Wag ako ang gawin mong laruan. I'm just here with you because of those kids. Nothing else. And I DON'T LIKE you!" itinuro niya pa ako.
"I'm not one of your women who would do everything just to get you. I don't have time on this s**t! Just look for another frey. Not me. So if you don't mine I have a lot of things to do."
Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng kotche. Hindi na niya ko hinintay na pagbuksan siya ng pinto ng kotche agad siyang bumaba ng sasakyan.
Sinundan ko siya at hinaklin ko ang braso niya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita inunahan ko na agad siya.
"This is the first time I felt this way. So, wheather you like it or not you will going to love me. It's a promise of forever Babe." I winked at her and kissed her hand.
I leave without saying goodbye. Dahil babalik at babalik ako hanggang hindi napapasa akin ang puso ni Casey. She will going to be mine.
Itaga nyo man sa Malacañia ni Duterte!
Hindi ako sa mansion dumeretcho kundi sa condo unit ko. Ayokong my mangungulit sa akin. I clenched my fist because of annoyance.
For the f*****g first time may umayaw sa aking babae. At harap harapan akong tinanggihan. It was really f*****g annoying and... devastating on my part.
Seriously, it was my first time to feel this thing towards a girl.
You say you like her but you just be rejected? Ilang beses na ba niya akong tinanggihan? s**t!
Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinaghahagis ko lahat ng bagay na madampot ko.
"f**k! f*****g s**t!" galit na galit ako ngayon.
Pati couch na nasa sala ay itinaob ko sa sobrang inis ko. Pati coffee table ay sinipa ko.
"f**k! f**k! f**k!" patuloy ako sa pagwawala.
Ang mga body guards ko naman ay walang imik na nakatingin lang sa akin. Binalingan ko silang dalawa.
Napapitlag pa ang mga ito.
"Nardo! Tell me the truth! I want to hear the truth!" Namewang ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Ano pa bang ayaw sa akin ng babaeng iyon?" inis kong tanong.
Nagkatinginan ang dalawang bodyguards ko at nagkamot sa ulo.
"Emperor, hindi naman sa ganon siguro. Wala namang babae ang hindi kayo magugustuhan." Sagot ni Rogelio.
"Pero ayaw niya sa akin. Ilang beses na niya akong tinanggihan." inis na inis na giit ko.
"Emperor, baka naman kase my kulang. Alam nyo na?" sabi naman ni Nardo.
May kulang? Anong magiging kulang? Gwapo ako. Hindi lang gwapo ubod ng gwapo at hot pa. Mayaman ako. Sikat. Lahat nasa akin na. Ano pang kulang?
"Then what is it? Tell me!" sabi ko sa mga ito.
Nagkatinginan na naman ang mga ito.
"Alam nyo ba Emperor ang salitang panliligaw?" tanong sa akin ni Nardo.
"Courtship? Oh, ano naman ang panliligaw? Bakit nasama sa usapan?" tanong ko sa mga ito at naupo ako sa couch na inayos muli ni Rogelio.
Lumagay naman sa likod ko si Nardo at sinimulan akong masahihin.
"Yoon ang kulang sa inyo Emperor. Huwag nyo namang mamasamain, Emperor. Kaya lang, iyan ang hirap sa mga gwapo hindi alam ang salitang ligaw." Paliwanag nito. Kumunot ang nuo ko.
"Kailangan ko siyang ligawan, ganon? Where already in the f*****g 21st century. Why would I need to court her?" Di makapaniwalang tanong ko.
Umalis sandali si Rogelio at pagbalik nito ay may dala nang bote ng alak at tatlong baso. Sinalinan nito ang isang baso at ibinigay sa akin.
"Base kase sa klaseng babae ni Miss Casey-" Sinamaan ko si Rogelio ng tingin.
"Don't called her Casey. Ako lang ang may karapatang tawagin siya." Masungit kong sabi.
Nagtawanan lang ang mga ito.
"Pasensya na Emperor. Yoon nga, Base sa klaseng babae ni Miss Cassandra. Siya iyong Maria Clara sa panahon natin. Alam nyo yun?"
"Maria Clara? The lover's of Crisostomo Ibarra?" takang tanong ko.
"Emperor hindi iyon. Maria Clara. Conservative hindi liberated. Neber bin touch, Neber bin kiss. Ganon yon, Emperor." paliwanag ni Nardo at uminom sa baso niya.
Napatango tango nalang ako at inabutan ko rin ng baso ng alak si Rogelio. Umupo naman ito sa harap ko katabi si Nardo.
"So you mean, I need to court her?" tanong ko muli. Nangalumbaba pa ako.
"Oo Emperor, iyon ay kung gusto mo talaga si Miss Cassandra. At kung talagang seryoso kayo sa kanya." Sagot naman sa akin ni Nardo.
"Ang klase niya kaseng babae ang hinahanap Emperor, ay iyong pang matagalan at pang seryosohang relasyon." Dagdag ni Rogelio.
"Ang tanong Emperor. Seryoso nga ba kayo kay Miss Cassandra o baka naman na excite lang kayo dahil siya lang ang babaeng tumangi sayo?"
Napabaling ako dito at Tumango tango ako. Tinitimbang ko ang mga sinasabi nila sa akin.
"I don't know." sagot ko.
"Pero Emperor, kung ako ang tatanungin bagay kayo. Bilib nga ako dyan kay Miss Cassandra, hindi siya Katulad ng mga babae nyo na agad agad bumibigay wala pa man kayong sinasabi." Sabi ni Rogelio. Sumang ayon naman dito si Nardo.
"Hindi ba she's just playing hard to get?" tanong ko ulit.
Sabay namang Umiling ang mga ito.
"Hindi siguro Emperor." Sagot ni Nardo.
"How did you know?" tanong ko ulit.
Sinalinan muna ulit ni Nardo ang baso ko bago sumagot.
"Alam nyo Emperor, sa tagal namin kayong nakasama at sa dami ng nakasalamuha naming mga naging babae ninyo. Tingin palang namin, alam na namin kung sino ang nagsisinungaling at umaarte lang. Sa parte ni Miss Cassandra. Masakit man Emperor na aminin. Pero mukang tagilid talaga ang lagay nyo." Seryosong sagot ni Nardo.
Hindi ako kumibo. Pinag iisipan ko lahat ng sinabi nila sa akin.
Nagkatinginan lang ang mga ito.
"Emperor kung hindi niyo naman mamasamain. Pero ano ba talagang nararamdaman niyo sa kanya?" alangang tanong ni Rgelio.
"I don't know. Basta gusto ko siya. She seems so interesting." Sagot ko.
Napakamot nalang sila sa ulo.
"Ganito nalang Emperor. Nandoon na tayo sa punto na gusto nyo siya. Pero wala ba kayong ibang nararamdaman. Katulad ng selos?" dagdag ni Nardo.
Nag isip ulit ako at Napakunot ang nuo ko nang maalala ko si Matt.
"I don't know if I'm jelous, but whenever she smile and the way she talked to Matt. Naiinis ako." Seryosong sagot.
Tumango tango naman ang mag ito.
"Wala ba kayong nararamdaman na kakaiba?" tanong pa ulit ni Nardo.
"Kakaiba?" nag isip ulit ako.
"It might sound so gay, but whenever she smiles at me my world turn into a slow motion. Alam nyo iyon? Basta!" sabi ko pa.
Nag apiran ang mga ito at ngumising bumaling sa akin.
"Konpirm Emperor. In love nga kayo sa kanya!" masayang masayang sagot ni Rogelio.
Nakakunot ang nuo ko nang balingan ko sila. "Who says about love?"
Mabilis naman umiling ang dalawa.
"Tuloy nyo lang po." sagot ni Nardo.
"Inamin ko na sa sarili ko, kahit sa kanya sinabi ko rin na gusto ko siya pero hindi niya daw ako gusto. And she hates everything about me!" I hissed.
Sumama na naman ang mood ko ng maalala ko ang nangyari kanina.
"Emperor, ligawan nyo kase. Ang alam namin sa inyo hindi kayo basta basta nalang sumusuko." Sabi ni Rogelio.
"Okay. Nandoon na tayo sa part na liligawan ko nga siya eventhough I don't know how I will do it. Pero what if she turn me down again?" tanong ko ulit.
"Alam nyo Emperor, iyong kasabihang try and try until you die?" seryoso pang tanong sa akin ni Rogelio.
Binatukan lang ito ni Nardo.
"Try and try until you saksid! Yun yon!" sabi naman ni Nardo. Napailing nalang ako.
"So?"
"Iyon nga Emperor, huwag kang susuko kahit anong mangyari." Sulsol ni Nardo.
"I am maybe a failure but I am not a quiter." Seryoso kong sagot.
"Yun naman pala. Don't worry Emperor. Tutulungan ka namin." Sabi naman ni Nardo.
"Lalo na ngayon nahanap niyo na ang icing sa ibabaw ng cupcake nyo." Sabi pa ni Rogelio.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.
I must say, ready your heart Casey Babe. Baka magkaheart attack ka sa kilig sa gagawin ko. Galawang Fontanilla ito.