Emperor's POV
Kagaya nga ng gusto ni Lola. Wala akong nagawa kundi sumama sakanya kasama ng buong barkada.
Isang sasakyan lang kami nakasakay ngayon at si Gabriel ang naging driver. Kasunod naman namin ang mga body guards namin. At ang body guards ni Lola.
Hindi ko alam kung anong trip naman ni Lola ngayon. Dahil my kasama lang naman kaming 12 PSG.
Ang sabi ko nga kay Lola bakit PSG ang tawag niya. Hindi naman siya presidente.
Isa lang naman ang sagot niya sa akin. Hindi daw ba pwedeng maging ang ibig sabihin ng PSG ay Personal Security Group.
Daig pa niya ang Presidente ng Pilipinas. Mahihiya si Emelda Marcos sa pinag gagagawa niya.
"Lola Margs ang cool mo talaga!" sabi naman ni Gabriel dito na ang tinutukoy ay ang mga kinuhang alipores ni Lola.
"I know it right?" nakataas kilay na sabi pa ni Lola. Napailing nalang ako at siniko si Hermes na siyang katabi ko.
"What do you know about this?" tanong ko kay Hermes na out of nowhere ay naglabas ng sandwich at coke in can. Napatanga nalang ako.
"Matagal na niyang sinasabi sa akin yan. Ngayon ko lang napagbigyan." Sagot ni Hermes sa pagitan ng panguya.
"Pinatulan mo naman?" bulong ko pa rin dito. Nagkibit balikat lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Wala namang masama. Kayang kaya naman ni Lolang paswelduhin kahit dalawang dosena pa ng PSG ang ipadala ko. Hayaan mo nalang si Lola Margs." sabi nito.
"Sabagay, mayaman naman si Lola." napapailing kong komento.
"Where did you get that?" tanong ko ulit dito na ang tinutukoy ay ang dala niyang pagkain.
"Binigay ni Tita Corset baunin ko daw. Mukang gutom na gutom pa daw ako. You know me. Hindi ako tumatangi sa grasya." Sagot niya pa.
Napailing nalang ako at binalinga si Matt at Mikhael na busy sa kung anong kinakatikot sa kani kanilang cell phone.
"Mik, I need a hand" sabi ni Matt kay Mikhael. "Thanks man!" sabi pa nito.
"Oh, you're welcome." sagot naman ni Mikhael.
Sinilip ko kung ano ang ginagawa nila at napatampal nalang ako sa nuo ko nang makita kong township ang nilalaro ng dalawa.
Tinawagan ko nalang si Arthuro ng may alala akong ipagawa dito. Tinanong ko muna ito kung nakita na niya ang news about sa akin.
Alanganin pa nga itong sumagot ng OO. At nang sinabi niyang nakita na niya sinabi ko agad dito na alam na niya ang dapat gawin at ibinilin ko na makipag usap sa Orphanage para makapag set ng dinner together with those five kids.
Sinabi ko na din ito kay Gabriel at gumagawa na rin ng paraan ang kompanya nito para mawala agad ang issue. After all they own a telecommunication company.
"Hermes, I need your help." Seryosong sabi ko dito. Tumingin naman siya sa akin at itinigil ang pagkain.
"I need you to cover up everything about her." Sabi ko na pabulong ulit at baka madinig ng matalas na pandinig ng Lola ko.
"Man, I already did. That is the reason why your mother called me earlier. She asked me to do that. And it was already done." Nakangisi niyang sabi pero maya maya ay sumeryoso rin.
"Nabasa mo na?" tukoy niya sa impormasyong ibinigay niya sa akin kanina.
"Not yet. Why?" seryoso rin tanong ko sa kanya.
"Konti lang iyong impormation na nakuha ko. Ayaw kaseng magbigay ng impormasyon ang ampunan. Tikom ang bibig nila. Confidential daw ang files. I don't know. I think kay Cassandra lang kase they need to protect her identity for being the famous designer." Bulong din nito sa akin. Sa lahat ng sinabi nito isa lang ang rumihistro sa isip ko.
"Ampunan?" gulat na tanong ko. Tumango naman ito.
"Lola didn't tell you about it? Lumaki siya sa ampunan." Sabi pa nito.
Napatango tango nalang ako.
"That's why." sabi ko.
"Why? Did you discover something?" tanong pa nito sa akin.
"Nothing." sabay iling.
Kaya pala Ganun nalang siya ka attached sa mga street children. That's explained everything. Isama pa na talagang natural na matulungin at mabait ang babae. Plus points.
"Ano pang hinihintay mo dyan Thirdy?" tanong sa akin ni Lola ng pagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ng isa sa mga alipores niya.
Nakalabas na pala silang lahat ng hindi ko namamalayan dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Don't tell me apo natotorpe ka?" nakangising tanong sa akin ni Lola.
Umiling lang ako at bumaba na.
Inalalayan naman ito ng mga alipores nito at naunang pumasok kasunod kaming lima. Sinalubong naman agad ito ng isang matangkad na lalaki na pakendeng kendeng.
Napansin kong Napangiwi si Mikhael ng sulyapan ko ito.
"Madame, hindi naman po kayo nag inform na darating kayo." Sabi agad nito kay Lola.
"Oh, no need for that. I'm just here because I want Cassandra to design and make their tux for my upcoming birthday." Paliwanag dito ni Lola. Npabaling naman ang tingin nito sa amin at Napasinghap.
"This is Gabriel, Mikhael, Matt, Hermes and of course my only grandchild Simon." Pakilala sa amin ni Lola.
"I-It's my pleasure to meet the Big Five." nagniningning ang mga mata nitong sabi sa amin.
Isa isa naman kaming kinamayan nito at iginaya sa isang kwarto ng natural botique.
Hindi magkandaugaga ang mga taong nandoon kung paano kami aasikasuhin. Kahit ang ilang mga costumer na naabutan namin sa naturang botique ay pinag titinginan kami. Pero ang mga kasama kong lalaki ay parang walang pakiaalam sa mundo at kanya kanyang hawak na ngayon ang cellphone.
Dinala kami nito sa isang kwarto na naroon. I think this is their visitor lounge.
"Madame, wala naman sigurong martial law hanoh po?" alanganing tanong nito kay Lola pero sa mga nagkalat na body guards sa labas nakatingin.
"Palabiro ka talaga Heracio." natatawang sabi naman dito ni Lola.
"Madame, Hera nalang." nakangiwing sagot nito.
"Where is Casey?" tanong ko bigla at ginaya ko pa ang mata ko sa kabuuan ng lugar.
Kita kase sa kinaroroonan namin ang buong shop o botique ni Casey dahil gawa ito sa salamin.
"Casey?" ulit noong tinawag ni Lola na Heracio.
"Casey means Cassandra. Isn't his sweet? Did you see the news Hera?" tanong pa dito ni Lola. Nag ningning naman ang mata nito sa sinabi ni Lola at Tumango.
"Where is she?" ulit na tanong ko. I want to see her.
"Uy, may atat!" simpleng Hirit ni Gab.
"Excited!" bulong naman ni Matt
"Ayaw pa niyan sumama." sabi naman ni Mikhael.
"Oh, all of you just shut up!" I groaned.
"Oh, kids. Stop that!" saway naman agad sa amin ni Lola.
"Excuse me, do you have any foods here?" tanong ni Hermes sa isang empleyado dun.
Sunod sunod naman Tumango ito at iginiya sa kung saan si Hermes.
Nang balinga ko ulit si Hera ay nakatanga na ito sa amin na para kaming isang palabas sa tv.
"Hera, just kindly call Cassandra. Excited ng makita ng apo ko ang kaibigan mo." Nakatawang sabi ni Lola.
Nagkukumahog naman itong pumunta sa kung saan.
"Mga apo, alam ko namang mga gwapo kayo kaya lang huwag niyo namang tarantahin ang mga tauhan ni Cassandra dito ha?" sabi ni Lola sa mga kaibigan ko.
Nang hindi na ako makatagal ay sinundan ko kung saan pumunta si Hera.
"Thirdy, where are you going?" habol sa akin ni Lola.
"I hate waiting. It's killing me." sabi ko at tuloy tuloy sa paglalakad.
Wala naman pumigil sa akin dahil ang mga empleyado roon ay busy sa pag dadaydream. Nahinto ako sa nag iisang glass door na naroon.
Walang katok katok na binuksan ko ito. And there she is, sitting on her chair, sexy and gorgeous as she is. May hawak itong lapis at sketch pad. Kausap nito si Hera at may isa pang babae na kasama nito. I clear my throat. Kaya nabaling ang atensyon nilang tatlo sa akin.
"Elvin?" paninigurado pa sa akin ni Casey.
Tumango naman ako at nginitian siya.
"What are you doing here?" nakangiti rin niyang tanong sa akin at nilapitan ako.
Napapikit nalang ako. Again my heart was beating so fast. Damn! This is not really good.
"I'm here with my friends and with Lola. Ipapagawa niya daw kami ng susuotin para sa birthday party niya." Sabi ko dito.
Napatango tango naman ito at lumabas na ng opisina niya marahil iyon at Iniwan ang dalawa niyang kaibigan na nakatulala lang sa amin.
"Where are they?" tanong nito sa akin.
"In your visitor's lounge" simpleng sagot ko at sumunod dito.
Nang makita naman nito si Lola ay binati nito agad at nakipag beso pa.
"Matt!"
Nang makita nito si Matt ay akma sanang hahalikan ni Matt sa pisngi si Casey tanda ng pagbati pero pumagitna ako bigla sa kanila at binulungan ko silang apat.
"Ako nga kiss lang sa kamay tapos ikaw sa cheeks? Subukan nyo lang." banta ko pa sa mga ito. At binalingan si Casey na binigyan lang ako ng nagtatakang tingin.
"Eherm!" I heard a fake cough.
"Apo, bago ka mag selos why don't you introduce your friends with your lady." Nanlalaking mata sa akin ni Lola.
"Don't be so rude. Bawas pogi points yan. Be nice." bulong pa sa akin ni Lola. Kaya kahit labag sa loob ko ipinakilala ko sila isa isa.
"Because you already knew Matt. Let's just skip him." Sinamaan ko lang ng tingin si Matt.
"Fine." sabi naman nito.
"This is Gabriel. The very playboy one." Pakilala ko kay Gabriel.
"I'm not playboy. I just love girls." Nakipaghand shake ito.
"This is Mikhael. His also playboy." Pakilala ko kay Mikhael.
"Look who's talking." He rolled his eyes at nakipag kamay din ito kay Casey.
"And that Hermes turo ko sa kaibigan ko na kausap iyong isang babae na hinarang niya at binibigyan siya ngayon ng pagkain. Napangiwi nalang ako. "Just don't mind him." Sabi ko nalang.
Nakangiti lang siya sa akin.
"Is it true Lola Margs that I will make them a tux?" baling nito kay Lola.
"Tux would be fine. Please Cassandra I want them to look good on my birthday." Sabi ni Lola.
"Don't worry Lola." And she winked at my Lola. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya.
Unang sinukatan ang mga kaibigan ko. Binulungan ko si Lola kaya binalingan nito si Cassandra na tahimik lang.
"Cassardra can you make me a favor?" Tanong nito.
"Ano po iyon?" magalang nitong tanong kay Lola.
"Gusto ko sanang ikaw ang mag asikaso sa apo ko. Kung okay lang naman sayo?" mukang nabigla ito sa sinabi ni Lola pero tumango nalang.
Pinagmasdan ko ito sa ginagawa. She's just wearing a casual dress. Ni walang make up ang muka nito.
Natural na natural. She was really a simple woman.
"What's wrong?" tanong niya sa akin.
"Nagagandahan lang ako sayo." She just blushed at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Can I invite you for dinner?" tanong ko sa kanya.
Pero ngumiti lang siya sa akin.
Napansin ko na tuwing ngumingiti siya ay hindi iyon umabot sa mga mata nito. Tuwing tititigan ko ito sa mata ay parang laging malalim ang iniisip niya.
"Silence means Yes" sabi ko pa.
"Elvin, sorry. Marami kase akong ginagawa dito sa shop." Sabi niya sa akin. Habang may isinusulat na kung ano sa hawak nitong papel.
"Maybe next time?" Hirit ko pa.
Umiling lang siya at tinalikuran na ako.
Natahimik ako pati na ang ilang tauhan niya na naroon at nakikinig sa amin. Hindi nalang ako umimik hanggang sa pauwi na kami. Pero bago sumakay ng sasakyan ay humirit pa ako.
"Tomorrow. Dinner. Same place. I will bring the kids. I want you to be there. Susunduin nalang kita." Sabi ko sa kanya.
"Ay Emperor. Susunod nalang siya." Si Hera na ang sumagot.
"I want you to be there." sabi ko ulit at hindi ko na hinintay na sumagot siya.
Playing hard to get huh?
Ilang minuto na ang nakakalipas ng makaalis sila Elvin. Pero hanggang ngayon ay nakatanga kami ni Hera sa labas ng shop. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nangyari.
"Hera what's just happened?" wala sa sariling tanong ko sa katabi ko.
"He invited you for dinner tomorrow and you can't say no." wala rin sa sariling sagot nito.
"Ha?" napapatanga kong tanong at binalingan ito.
He blinked his eyes so many times. I gasped when I heard his loud voice.
Nagtititili itong pumasok ng shop kaya sumunod ako. Nakita ko nalang na nagtatatalon at nagtititili ang mga empleyado ko sa pangunguna ni Hera.
"Anong meron?" singit ni Clara sa mga ito.
"Si Miss Cass, may date bukas!" masayang masayang sagot ni Isay.
"Ako? May date?" parang ewan na tanong ko at itinuro ko pa ang sarili ko.
"May date sila ni Emperor!" dagdag ni Mara. Pati si Clara ay nakitalon at nakitili sa mga ito.
"Ay! Success!" tili rin ni Clara.
"Magkakajowa na ang amo niyo!" masayang anunsyo ni Hera.
Nagtiliian na naman ang mga ito.
"Tange! Date palang jowa na agad?" sabay batok ni Clara dito.
"Miss Clara ganun na din iyon!" singit ni Isay.
Napabuntong hininga nalang ako sa pinag gagagawa nila.
"Tama na yan. Balik na sa trabaho." sabi ko sa mga ito.
"Cass ano kaba? Hindi ka ba excited?" naiiling na tanong sa akin ni Hera.
"Bakit? Kailangan ba? Si Elvin lang naman iyon at kasama pa namin ang mga bata." bale wala kong sagot at dumeretcho sa private office ko.
"Si Elvin lang?! Ni lalang mo lang siya?!" di makapaniwalang sabi ni Hera sa akin na talagang sinundan pa ako.
"What is special about him?" tanong ko at pinagpatuloy ang kaninang ginagawa kong pag dedesign bago dumating ang mga Fontanilla.
"Letche! Cass, Simon Timothy Elvin Fontanilla III nilalang mo? Nababaliw ka na ba? Tinanggihan mo siya kanina sa pag yayaya sa iyo ng date!" inis na inis sabi nito sa akin.
"Ni hindi nga siya nakaimik." nakaismid na sabi ko.
"Paanong makakaimik iyong tao e pinahiya mo sa harapan pa lahat ng empleyado mo na halos lahat ay sambahin siya. Tapos ikaw na immortal tinanggihan mo siya?" histerical na sabi nito sa akin.
"So?" wala pa ring sa sariling tanong ko. At sinipat sipat ko pa ang ginagawa ko.
"O!M!G! Cassandra Cristina Carlos! Anong so?!"
Nang gigigil na sabi niya sa buong pangalan ko at kinuha ang sketch pad ko kaya napilitan ko siyang balingan. Napangiwi ako sa galit na itsura nito.
"Don't cha know na halos lahat ng babae kulang nalang lumuhod bigyan lang sila ng kahit sulyap ni Emperor samantalang ikaw! Ikaw na walang paki alam sa kagwapuhan. Kamatchohan-"
"Wala naman talaga akong interes." putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Napasabunot nalang ito sa sariling buhok at hinawakan ako sa balikat ko at inalog alog.
"Friend, gumising ka sa kabaliwan mo. Emperor is a good catch. He is a boyfriend material. NO!No!No! He is a husband material. Ikaw lang ang inaya niya ng date! Gusto ka niya! Manhid ka ba?!" Napangiwi nalang ako.
"Oo, gusto niya ako. Alam ko." sabi ko dito.
"Iyon naman pala! Ano pang inaarte mo?" nakatikwas ang kilay na tanong nito sa akin.
"Hindi ako maarte. Gusto niya ako. Gusto niya akong ibilang sa mga babaeng naikama niya." sagot ko at naupo ulit ako. Napanganga nalang ito sa sinabi ko.
"Ano naman? Atleast maranasan mo namang magka love life. My God Cass! Ayokong tumanda kang dalaga. Hindi bagay sa ganda mo kung sasayangin mo lang." parang nahahapo itong naupo sa harapan ko.
Katahimikan...........
"Hindi ka talaga interesado?" paninigurado nito.
"You know my answer." sagot ko.
"Pero anong tingin mo sa kanya?" pangungulit nito.
"What do you mean na anong tingin ko?" balik tanong ko.
"You know, kung pogi ba? Kung matcho ba etc?" napatango tango nalang ako.
"Ah." tanging nasabi ko.
"Anong ah? Sungal ngalin kita ng lapis dyan!" naiinis na sabi nito sa akin.
Natawa nalang ako at sinagot ang tanong niya.
"Pogi, oo. Halata naman. Macho? I don't know." Tipid kong sagot.
"Pwede na. Anong una mong napansin sa kanya?" pasimpleng tanong nito.
"I think his green eyes. Kakaiba kase. Basta!" sagot ko. Nakita ko namang ngumisi si Hera.
"E bakit ayaw mo sa kanya?" tanong pa ulit nito.
"Seriously?" seryosong tanong ko.
Tumango ito at sumeryoso rin.
"Simple lang. Ang mga kagaya niyang lalaki alam kong hindi niya kayang magseryoso. Bakit? Kase nga gwapo siya, hot like what you are always saying. Maraming babaeng naghahabol doon. Ayokong matulad sa ibang babae na bigla nalang my sasabunot sa akin pag kasama ko siya. Alam mong ayoko ng magulong buhay. One more thing you said that his famous. It only means, MEDIA! REPORTERS! PICTURES!NEWS! You know I hate that. I value my privacy." seryosong paliwanag ko.
Tila naman nag iisip ito sa mga sinabi ko.
"Pero friend, hindi ba at iyan rin ang sinabi mo sa akin ng idate ka rin ni Matteo Sebastian kase gwapo rin yun at mayaman?" alanganin niyang sabi.
"Pare pareho lang naman sila hindi ba?" bale wala kong sagot.
"Sige na. Sige na. Basta pumunta ka nalang bukas para sa mga bata."
Tumango lang ako ng matapos na ang usapan.
Sa totoo lang sinong nga bang hindi gugustuhin ang isang Fontanilla? They have everything. Siguro nga manhid ako o tanga. Pero para kase sa akin ang katulad kong babae na hindi alam kung anong pinagmulan ay hindi nararapat sa mundo niya. Magkaibang magkaiba kami.
Alam ko na ang mga kagaya niyang lalaki ay thrill o past time lang ang hanap. At ang tipo kong babae ay hindi nabibilang sa mundong ginagalawan niya.
Kahit sabihin nilang lahat na bagay kami. Para sa akin hindi pwede at hindi dapat.
Aaminin ko nung una ko pa lang siyang nakita, hindi ko alam pero bumilis ang t***k ng puso ko. It felt so different. It's something that I know I should be afraid of. I don't want to fall inlove. Pero base sa naramdaman ko hindi imposible na magustuhan ko siya. Lalo na nàng makita ko na malapit din siya sa mga bata.
Hinayaan ko ang sarili ko na makilala ang ibang bahagi ng pagkatao niya. Isang maliit na bahagi palang yun ng pagkatao niya what if makilala ko pa siya ng buong buo? I might fall for him. Hard and deep.
At naiinis ako sa sarili ko dahil doon at dahil nagustuhan ko kung paano niya ako ngitian at bigyan ng pansin. His sweet gesture makes my heart melt.
Kaya nang gabing matapos niya akong maihatid sa bahay ay pinatay ko na sa oras din yun kung ano ang nag uumpisa palang na nararamdaman ko para sa kanya.
Ayokong maranas muli ang kutyain. Ayokong maramdaman kung paanong ang mga kagaya ko na lumaki sa isang ampunan ay ganun nalang ako layuan at husgahan na parang kilala nila ang buo kong pagkatao. Ayokong maramdaman na ipahiya sa buong mundo at maliitin. Ayokong masaktan.
Isa lang ang taong nagpaintindi at nagturo sa akin kung paano ang maging mabuting tao. Isa lang ang taong nagbigay sa akin ng tunay na pagmamahal pero iniwan niya rin ako.
Tama na ang hirap at pasakit na naranasan ko habang lumalaki. All I can say is, life was really unfair.