Emperor's POV
When I arrived at home, nagtataka pa ako na nakabukas pa ang lahat ng ilaw sa mansion. Inihagis ko lang ang susi ng kotche ko kay Rogelio at tuloy tuloy na pumasok sa mansion. Sisipol sipol pa akong pumasok.
Pagpasok sa bahay, napatalon pa ako sa gulat ng magsalita si Lola at Mama na nakaupo sa sofa. They are wearing their PJ's.
"Simon, how's the date?" excited na tanong nito sa akin.
"What the hell Ma?" inis na sabi ko dahil sa sobrang gulat.
"Ano kamusta ang date?" excited na tanong ulit ni Mama at lumapit pa sa akin. She giggled like a teenager.
"Nagustuhan ka ba ni Cassandra? Girlfriend mo na? Kailan kayo magpapakasal?" sunod sunod na tanong sa akin ni Lola.
"Ano? Kailan ang kasal?" singit ni Mama.
Nagpalipat lipat lang ako ng tingin sa kanila na hindi matapos tapos ang pagtatanong. I raise my left hand to stop them. Tumigil naman sila pero hindi nababawasan ang excitement sa muka nilang dalawa.
"The date with Casey went well." Simpleng sagot ko. Napatili naman si Mama at si Lola ay napapalakpak pa. Napakamot nalang ako sa noo ko.
"Did you hear that Mama?" tanong ni Mama kay Lola.
"Yes, yes. Very loud and clear Corset. And he called her Casey." Masayang masayang sabi pa ni Lola.
Napailing nalang ako sa dalawa na halatang hindi pa natutulog at inabangan talaga ako para lang maitanong kung kamusta ang date ko.
"Apo maupo ka muna. Magkwento kapa." sabi pa sa akin ni Lola at iginaya pa ako paupo sa sofa at tinabihan nila ako ni Mama.
"And then after the dinner, what happened?" tanong ulit ni Mama.
"After that, I drive her home." Simpleng sagot ko just to end the conversation.
"Yun lang?" Mukang disappointed ang mga ito. Tumayo ako para pumunta na sa silid ko.
"Simon comeback here! Hindi kapa tapos mag kwento." Sabi sa akin ni Mama.
"Why don't you two go back to sleep. Alam ba ni Papa na-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng lumabas si Papa galing kusina dala dala ang isang tasang kape.
Napapalatak nalang ako. Just like Mom and Lola, Dad also wearing his PJ's, same design with them.
"Pagbigyan muna ang Lola at Mama mo. Excited lang silang malaman kung nagustuhan mo ba si Cassandra." Sabi ni Papa sa akin at humigok ng kape.
I grinned at him. My dad gave me the same reaction.
"Ano? Nagustuhan mo ba siya anak?" tanong ni Mama. Binalingan ko ito.
"Well, she seems so interesting. So yeah. I guess I like her. Hindi na ako lugi, because she's gorgeous enough. For a handsome man like me." Sabi ko sa pagitan ng pag akyat sa hagdan. Napatili pa si Mama sa sinabi ko.
"So conceited Thirdy." I made a face when I heard that name that my Lola's used to call me.
Napatigil ako sa pag akyat at bumaling lang ulit ako sa kanila ng tawagin ulit ako ni Mama.
"What is it this time Ma?" inis na tanong ko.
"Oh, don't used that tone on me Simon. Your PJ's is on your bed. Wear that. Your Lola brought that for us." Sabi ni Mama sa akin. Napatingin ako kay Lola na preteng nakaupo sa sofa at nakangisi sa akin.
"Seriously?" di ko maiwasang ibulalas.
Sinong hindi masisira ang gabi? For God sake they are all wearing spongebob PJ's. Minsan hindi ko maiwasan isipin kung may Sapak ba ang pamilya ko o ano. Si Papa at Mama naman, laging pinapatulan ang gusto ng Lola ko.
"Just wear it Simon so it will end the discussion. Hindi ka naman mananalo sa Lola mo." Sabi sa akin ni Papa. Sinimangutan ko lang sila.
"I know what you feel. Just shut up and wear that even though it was disgusting." Bulong ni Papa sa huling salita pero nakaabot yata yun sa pandinig ni Mama kay piningot lang ni Mama ang tenga nito.
Napailing nalang ako na pumunta sa kwarto. Hinubad ko lahat ng suot ko nang makarating ako sa kwarto at inabot ang cellphone ko. I dialed one of my friends number.
"f**k you Emperor! What do you want?" inis na sagot ni Hermes sa kabilang linya.
"Find everything about Cassandra Cristina Carlos. I need it asap." Sabi ko sa kabilang linya. Ngayon palang ay naiimagine ko na ang ngisi ni Hermes.
"The High and mighty Green Eyed Emperor was really interested on that lady huh?" sabi nito sa kabilang linya.
"Oh, shut up your mouth about this Hermes!" I hissed.
"Then shut me up!" hamon nito sa akin.
I sighed. "What do you want?" tanong ko.
"My baby was sad. So yeah, she need a company-" pinutol ko na ang sasabihin nito ng magsalita ako.
"Considered it done, moron! Need it asap! And don't forget to shut up your mouth!" I said and end the call.
I don't know what is happening to me. All I know is that I'm really interested on her. And I'm seriously like her. Nakatulugan ko na ang pag iisip kay Casey, that's what I call her. My sweet and innocent Casey.
Nagising ako ng may mabigat na dumagan sa akin at itinulak ako pabagsak sa kama. Nagkukumahog akong tumayo. Only to find out that my f*****g friends are here. They are all grinning like a lunatic.
"Okay guys, what do you want? It's f*****g early." Naiinis na sabi ko sa kanila.
"Easy Emperor, were just here to visit you." Sagot naman sa akin ni Gabriel.
"Oh cut the crap! Hindi kayo magsisipunta dito kung wala kayong kailangan. Depende nalang kung tinawagan kayong lahat ni Mama o Lola." sabi ko at nagtuloy tuloy sa bath room.
"You didn't tell us that you had a date with Cassandra." Sabi sa akin ni Matt ng makalabas ako ng CR.
"How did you all knew that?" takang tanong ko sa kanila at lumabas ng kwarto kasunod ko pa rin sila.
"Dude, it's all over the news and social media." Sagot ni Gab.
"And the press seems that the two of you was their subject for the whole month. I think they are now on their way finding who was your date last night." Seryosong paliwanag sa akin ni Matt.
"Hindi pa ba kayo sanay?" bale wala kong sagot.
"Man, it was different this time. We're talking about Cassandra in this matter." Giit ni Matt sa akin. Huminto ako at binalingan silang dalawa.
"What's the difference? Now tell me." sagot ko. Matt sighed.
"Cassandra value her privacy so dam much. Magugulo ang buhay niya pag nalaman ng mga taga media kung sino talaga siya lalo na kung madiscover nila na si Cassandra ay si CC. The famous designer. And you know how they work. Hindi nila titigilan kung sino siya at ano siya sa buhay mo. So if you're not really serious about her, stop seeing her." Tuloy tuloy na paliwanag sa akin ni Matt.
"So, what is your point?" naghikab pa ako. Siniko naman ni Matt si Gab.
"What?" sabi namin niya.
"What what? Tell him what a press can do to Cassandra, you moron!" inis na sabi ni Matt kay Gab na seryosong nakatingin sa akin.
Pero nang tingnan ko ito ay hindi pala sa akin nakatingin kundi sa suot kong PJ's.
"Ahm, Emperor, where did you buy that pajama. It looks cute. I think if I wear that I will look hot and sexy with my girls." Seryoso pang pagkakasabi ni Gabriel sa akin.
Napailing nalang kami ni Matt kay Gabriel. Kahit kailan naman walang seneryoso itong si Gab.
"Emperor!" tawag pa rin sa akin ni Matt habang pababa ng hagdan. Itinaas ko lang ang isang kamay ko.
"Matt stop. Okay? I get it. I will tell Arthuro to have a media blackout about on this issue. Now, calm down." Sabi ko dito.
Natahimik naman ito. And then it hits me. Nakakunot nuong binalingan ko ito.
"Why do you care about her so much? Do you still like her?" seryosong tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at sinundan si Gabriel sa dining area ng mansion.
"She's a very important friend to me Simon, that's why I care about her. Especially her safety." Sagot niya.
"It's that all?" di makapaniwalang tanong ko.
"Yeah. Why do you even care if I have a special feelings for her?" tanong niya.
"Matt you're one of my important friends and I don't want to hurt you, but Cassandra was only mine. Do you understand?" I clenched my fist. Ngumisi lang siya sa akin.
"So, the news was right. The Emperor already found his match." tinapik niya ako sa balikat at nilagpasan.
Napailing na lang ako at sinundan sila. Naabutan ko si Lola at Papa na nakaupo na kasama si Gabriel at Matt. I greeted them and sat beside my grandmother.
"Where's Mom?" tanong ko sa kanila.
"Your Mom was cooking our breakfast with Mikhael." sagot ni Papa sa akin.
Hindi nalang ako kumibo at binuksan ko ang i********: ko. I hissed when I saw a photo of me and Cassandra at Luneta park. Holding her hands in my right hand while carrying her heels in my left hand. It was just a stolen shot at medyo malabo pa ang pagkakakuha ng larawan.
I don't care about the caption. I read the comments. Napangiti nalang ako ng mabasa ko ang mga comment. They find it really sweet.
Nag angat ako ng tingin at Ganun nalang ang gulat ko ng nasa likod ko pala silang lahat at nakikibasa sa binabasa ko.
"They actually look good together, Matt!" komento ni Gabriel.
"I hate to admit it, but it was true." Sabi naman ni Matt.
"My son looks so sweet." sabi naman ni Papa at napahimas pa sa baba niya.
"HHWW" sabi pa ni Gabriel.
"HHWW?" sabay sabay na ulit namin. Ngumisi naman siya sa amin.
"Holding hands while walking. Like duh?" sabi pa nito.
"Can you all mind your own business?" inis na sabi ko sakanila.
Sinamaan ko lang sila ng tingin pero Nginisihan lang nila akong lahat at nagsibalik sa kanya kanyang upuan na parang walang nangyari.
"Ngayon ko lang nalaman Simon, my pagka sweet ka pala sa katawan." Nakangiting sabi sa akin ni Lola. I just grinned.
"Ma, kay nino paba magmamana yang apo nyo?" tanong naman ni Papa.
"Wala na akong sinabi." sabi naman ni Lola.
Maya maya ay sumulpot sa harap namin si Hermes na may dalang plato na puno ng hot dog at bacon. Nakita kong napailing nalang si Matt. Kasunod nito si Mama at si Mikhael.
"Emperor, I have what you need." Makahulugang sabi sa akin ni Hermes at dinalawang kagat lang ang hotdog na hawak. Napangiwi ako.
"I'll get that later." Sabi ko nalang.
"Mukang masarap ang breakfast natin Lola Margs." Bulalas ni Gab.
"Sarap na sarap nga si Hermes." sarkastikong sabi ni Matt.
"Hindi ako matakaw, Matt." supladong sagot naman ni Hermes.
"Okay, kids stop it. Masamang pinag hihintay ang grasya." Saway ni Mikhael sa mga ito.
Habang kumakain ay si Gabriel, Mama at Lola lang ang bumabangka sa kwentuhan.
"Before I forgot mga apo. Malapit na ang birthday ko. Wag kayong mawawala." Sabi ni Lola sa mga ito.
"Basta ba maraming pagkain Lola. Hindi talaga ako mawawala." Sagot naman ni Hermes.
"Hermes apo. Maraming pagkain at si Mikhael ang head chef." Sagot naman ni Lola at nagning ning naman ang mata ni Hermes sa tinura ni Lola.
"Can I bring my girlfriend Lola?" tanong naman ni Gab. Tumango lang si Lola.
"How about you Matt and Mikhael, you can also bring you girlfriends with you." Sabi ni Mama. Umiling lang si Mikhael.
"Tita, I want too, but for now I don't have a girlfriend." Nakangiting sabi ni Mikhael.
"How about you Matt?" tanong naman ni Papa.
"Well, kung isasama ko po siya sa party, mawawalan ng date ang anak nyo Tito ST." nakangising sagot ni Matt.
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa sinabi nito. Lahat kami ay natutok ang tingin dito. Bumunghalik lang ito nga tawa at sinabing.
"Just kidding Simon. Don't give me that deadly looks. Cassandra is all yours." Sagot nito.
Lumipat naman ang tingin ng mga ito sa akin. Nang balingan ko ang Lola ko ay ngiting ngiti ito.
"What with that looks La?" saka ako nag iwas ng tingin at Pinagpatuloy ang pagkain.
"Nothing Thirdy." Masayang sabi ni Lola. "I just discover something."saka nito binalingan si Mama.
"I told you Corset." Makahulugang sabi nito kay Mama.
Hindi ko naman maintindihan ang palitan ng salita ng Mama at Lola ko. Binalingan ko ang mga kaibigan ko na mukang katulad ko ay wala ring idea kung ano ang pinag uusapan ng Mama at Lola ko.
"By the way, may mga isusuot naba kayo sa party?" tanong ni Mama sa mga kaibigan ko. Sabay sabay naman nag si iling ang mga ito.
"Great. Why don't you come with me today? I will ask Cassandra to make the five of you a suit or tux for my birthday party." Sabi naman ni Lola.
"You mean Cassandra Cristina Carlos Lola Margs?" excited na tanong ni Gab. Tumango naman si Lola.
"Sama kaming lahat Lola!" sabi ni Mikhael. Sinamaan ko lang silang lahat ng tingin.
"No, hindi kayo pwedeng sumama kay Lola." Madiin kong sabi. Tumawa si Papa sa sinabi ko pero tumahimik lang ulit.
"Wag kang KJ Emperor. Ipapagawa nga daw kaming tux ni Lola." Sabi ni Matt. I made a face.
Nagpaalam saglit si Mama ng mag ring ang phone nito.
"Anak, stop giving them a deadly glance. Why don't you come with them ng hindi ka naghihimutok dyan." Natatawang sabi ni Papa.
"Pa, why are you saying that to me?" maktol ko sa Papa ko.
"Halata namang ayaw mong ipakita si Cassandra sa mga kaibigan mo." Nakangising sabi ni Papa sa akin. Binalinga ko si Lola.
"La, ipagtanggol mo ang apo mo." Sabi ko dito. But Lola just rolled her eyes.
"Oh, shut up Thirdy. You will come with me, with your friends. So you can date Cassandra again." Then she winked at me. Napasapo nalang ako sa ulo ko.
Patuloy ang pang aasar nila sa akin ng tawagin sandali ni Mama si Hermes. I smell something. Saglit lang yun at agad na lumapit si Mama kay Lola at may ipinakita ito sa Lola ko sa cell phone niya.
"They look perfect for each other, Mama." sabi ni Mama kay Lola.
"Can't wait to see them in the altar." Parang nangangarap pang sabi ni Lola.
"And Ma, inutusan ko ang secretary ko na tayuan ng fans club ang loveteam na Calvin." And then my mother giggled like a teenager.
Nakatingin lang naman kaming lahat sa kanila. Dahil hindi namin alam kung ano ang pinag uusapan nilang dalawa.
"Calvin?" curious na singit ni Gabriel.
"Oh, you hear it right. Calvin. Means Cassandra and Elvin love team." Masayang masayang sabi pa ni Mama.
Napanganga kaming lahat. Like, what the f**k? Calvin? Love team? Ano kami teenager? Unang nakabawi sa pagkabigla si Gabriel at bumunghalit ng tawa.
"The f**k dude!" tatawa tawang sabi ni Gab tinampal naman ni Mama ang braso nito.
"Don't swear Gabriel!" saway ni Mama dito.
"Sorry Tita, can't help it. Dinaig pa nila ang Aldub at Lizquen. God! Calvin?" saka ulit ito tumawa ng tumawa. Napailing nalang ako.
"Iship the Calvin loveteam." Sabi naman ng nakangising si Mikhael. I gave him a dirty finger.
"Baka mahigitan niyo pa ang ilang million na tweets ng Aldub. Magagalit sa inyo si Lola Nidora" napapailing na sabi ni Matt.
"Matt nanunuod ka ng kalye serye?" di makapaniwalang tanong dito ni Gab.
"Yeah. Yan kase ang laging palabas sa canteen ng hospital twing maglulunch ako kasama ng mga staff ko." balewalang sagot nito.
"I'm done eating. Maliligo na ako at nang makasama ako kay Lola." Naiinis akong tumayo at lumabas ng dining area.
Habol habol pa nila ako ng panunukso.
"Burn Simon! Burn!" Hirit pa sa akin ni Gabriel.
"Oh shut up!" I hissed.