Emperor' POV
Nakangisi lang ako ng makita kong masama ang tingin sa akin ni Cassandra na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko.
Nakarating nga kami sa rooftop ng resto at tulad ng sabi ni Lola everything was settled.
Gusto ko nalang matawa. Daig ko pa ang magpropropose sa ginawang set up nila.
A nice night. A sky full of stars. A candle light dinner. Rose petals all over the area. Violist. Very romantic ambiance. Seriously? They really plan this?
"What?" nakairap niyang tanong sa akin.
"You're really gorgeous." sabi ko dito.
She just rolled her eyes.
Sexy and hot! Sigaw ng bahagi ng isang isip ko.
"Come on, Mr. Fontanilla. You don't need to say those things. I know it right." And then she smirked.
I find her smirk sexy. Actually everything about in this woman was sexy and hot. Looking at her sexy lips, I wanted to kissed her and make her mine tonight.
"Don't look at me like...like." Alanganin niyang sabi.
"Like what?" hamon ko dito saka ako sumimsim ng alak sa kopita ko.
"Wala!" saka siya umismid.
"Like I wanted to kiss your delicate lips and make you mine tonight. Looking at your body right now giving me a hard on, Babe." I said.
Nanlalaking mata niya na lumingon sa akin.
"Maniac!" she hissed and her cheeks blushed.
"I'm just telling you the truth. I'm not maniac as you say. I'm just a man who can appreciate a beauty in front of me." Sabi ko.
Sinimangutan na naman niya ako.
"Yeah right. Let's eat para matapos na ang gabing to." Sabi niya.
Pero bago siya kumain ay tinawag niya muna ang waiter na nasa isang tabi lang at naghihintay ng utos namin. Kung anu ano pa ang inorder niya at saka kumain.
"Seriously? Take out order in the middle of a date?" di makapaniwalang tanong ko dito.
"So? Sayo na nga nang galing it's a date. So it only mean, libre. Buti nga pumayag pa akong maka date ka." nakaingos na sabi niya.
Napakunot ang nuo ko sa inaakto niya na para talagang wala siyang interes sa akin. No one dared to ignores me. I'm the Emperor.
People, especially women kneel in front of me just to give them a freaking glimpse. But this woman. And that's it. I was pissed right now.
"You don't like me. Do you?" tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagkain at tiningnan ako. Seryoso.
"Alam mo naman pala tinatanong mo pa ako." Masungit niyang sabi at Pinagpatuloy ang pagkain.
Naka hang ang karne sanang isusubo nito ng hawakan ko ng mahigpit ang braso nito.
"No one dare ignores me. And no one dislikes me Miss Carlos." Madiin kong sabi.
I looked at her in her eyes. Trying to intimidate her. Pero sinalubong niya ang tingin ko. Giving me the same look.
"Well, ibahin mo ako sa lahat ng babaeng nakilala mo. I'm not one of them. I hate your guts. I hate the way you talked. I hate your face. I hate everything about you. So let go of my arms. I'm eating Mr Fontanilla III." Sabi nito sa akin sabay hila ng braso niya.
Shocked wasn't the right term in my reaction right now. Me? The handsome and hot man that ever alive. Talking like that by a certain woman? What the f**k?! First time in my entire life na wala akong masabi. Now, I'm starting to hate this woman.
Nakabusangot nalang din na kumain ako. Nakita ko naman tumaas ang sulok ng isang labi nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa matapos kami ay hindi kami nagsasalita. Maya maya ay may inabot na paper bag ang waiter sakanya.
"Let's call it a night Mr. Fontanilla. I have to go. Thanks for the dinner. Ciao!" saka ito nagmamadaling umalis.
Again my mouth was parted. Ganun nalang siya kabilis na nawala? At tingin niya hahayaan ko lang siya? We're not yet done.
Sinundan ko ito at naabutan ko itong pasakay na ng taxi.
"Cassandra!" tawag ko sa kanya.
Nilingon niya ako saka dinilaan at sumakay na sa taxi.
"Damn that lady!" Napailing nalang ako.
"Rogelio! Nardo!" tawag ko sa dalawang body guards ko.
Nagkukumahog naman silang dalawa na lumapit sa akin.
"Yes, Emperor!" sagot naman nilang dalawa.
"Follow her!" utos ko sa mga ito nagmamadali naman nilang sinundan ang taxi na sinakyan ni Cassandra.
Sumakay na rin ako sa kotche ko. Tinawagan naman ako agad ng dalawa at sinabing nasa luneta park si Cassandra.
"What hell is she doing in that place? Is she crazing? Wearing only those piece of clothes?" naiinis na kausap ko sa sarili.
Gusto ko rin matawa sa sarili ko. Kanina naiinis ako sakanya pero ngayon pinasundan ko siya sa mga body guards ko at pupuntahan ko pa siya? What is happening to me right now?
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan ng makapag park ako. Agad akong sinalubong ng body guards ko at iginaya ako kung nasaan si Cassandra.
Lalapitan ko na sana agad ito pero napatigil ako ng makita kong may mga bata itong kausap. Street children I think. Mga lima siguro ang batang nasa harap nito at nagsisikain.
"Ate ganda, salamat sa laging pagdadala sa amin ng pagkain ha?" sabi nung isang batang babae kay Cassandra.
Ginulo lang nito ang buhok ng bata.
"Mimi, Ate Cassandra nalang. Wag nang Ate Ganda." sabi nito.
Napakamot nalang sa ulo yung bata.
"Maganda ka kase, kaya Ate Ganda ang tawag namin sayo. Katulad ngayon ang ganda ganda mo Ate para kang model. Katulad nung mga nasa billboard. Tapos ang bait bait mo pa po. Isang linggo muna kaming pinupuntahan tuwing gabi dito para bigyan lang kami ng pagkain." Sabi naman ng isang batang lalaki.
Isang linggo? It means Cassandra is going here every damn night just to bring foods to those kids? I can't believe this. Hindi ba niya alam na delikado ang ginagawa niya?
"Ate ganda, hindi ka ba napapagod na lagi kang pumupuntan dito?" tanong nung isang batang lalaki.
Umiling lang si Cassandra na katulad ng mga bata ay nakasalampak sa damuhan.
"Hinding hindi. Kase gusto ko kayong bigyan ng bagong tahanan." malumanay na sagot nito.
"Ate! Ate Ganda! Pag ba sumama kami sa iyo, marami din doong pagkain?" tanong nung matabang batang babae. Natawa naman si Cassandra.
"Oo naman Esang. At saka maaalagaan nila kayo doon ng mabuti. Marami rin mga bagong laruan at damit sa Orphanage. Marami rin kayong makikilalang bagong kaibigan at kalaro." Paliwanag naman nito sa mga bata.
Napakunot ang nuo ko. Orphanage? Nacurious tuloy akong lalo kung ano ang meron sa babaeng ito.
"Talaga?" tanong nung bata habang kagat kagat ang karne ng baboy.
"Oo, talagang talaga." Natatawang sagot naman ni Cassandra sa mga ito.
"Mabibigyan din po ba kami doon ng Nanay at Tatay?" inosenteng tanong nung batang lalaki.
Natamik naman si Cassandra sa tanong nung bata. Pero sumagot rin ito.
"Oo naman. Ihahanap nila kayo ng magiging Nanay at Tatay nyo. Katulad ko." Sabi nito.
She sounds so sad when she said it. Alam kong marami pa akong dapat malaman kay Cassandra. Hinubad ko ang coat ko at ipinatong ko sa balikat nito. Nag angat ito ng muka at nanlalaki ang mata nang makita niya ako. I just smiled at her. A genuine smile. At tumabi ako sa kanya Napatanga nalang ito sa akin.
"Ay, may pogi!" sabi nung batang babae at humagikgik pa. Nginitian ko lang sila.
"Masarap ba?" tukoy ko sa pagkain na kinakain nila.
Sabay sabay namang nagsitango ang mga ito. At nagpakilala isa isa. Si Mimi iyong batang tumawag sa akin ng pogi.
"Kuyang pogi, alam mo po ba saan ito nabibili? Ang sarap kase. Pang mayaman." Sabi noong batang lalaking mataba. Si Eboy. Natawa naman ako.
"Luto yan sa restaurant ng Papa ko." Sabi ko sa mga ito.
"Wow! Mayaman din si Kuyang pogi!" sabi naman ni Esang.
"You could say that." Sabi ko sa mga ito. Nanlalaking mata naman nila na binalingan ako.
"Kuya porenger ka?" sabi nung isang batang lalaki. Si Muymuy.
"Anong porenger?" tanong ko sa mga ito.
"Iyong mga blonde hair. Tapos English ng English. Tapos iba kulay ng mga mata. Katulad ng inyo. Kulay green. Iyong iba naman kulay asul." Paliwanag ni Eson. Napatango tango naman ako.
"A foreigner." Sabi ko sa mga ito. Nagsitango naman silang lahat.
"I'm not a foreigner." Sabi ko sa mga ito.
"Weh? Bakit green mata mo tapos nag eenglish ka pa?" tanong ni Mimi.
Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"How can I explain this?" tanong ko at binalingan ko si Cassandra na ngayon ay nakangiti sa akin.
Seeing her smile makes my heart jump out from my chest and it beat so fast than the usual. Na parang hindi na ako makahinga. Napahawak ako bigla sa parte na iyon ng dibdib ko. Napatitig ako sa kanya.
"Ayiii!"
Umiwas siya ng tingin ng magsalita si Mimi. Ako naman ay napaubo nalang.
"Ate Ganda syota mo?" tanong ni Eboy kay Cassandra. Agad naman itong umiling.
"Oo!"
"Hindi."
Sabay naming sabi. Napakamot nalang ang mga bata sa ulo. Pati ako ay napakamot nalang ng ulo. Hindi ba ako boyfriend material? The last time I checked qualified na qualified ako.
"Ate, payag na akong sumama sayo." Sabi bigla ni Eson.
"Talaga?" masayang masayang tanong ni Cassandra.
"Oo Ate." sabi nito.
Pati sila Eson, Mimi, Esang at Eboy ay pumayag.
Kaya agad agad nitong tinawag ang tauhan sa Orphanage at pinasundo agad ang mga bata. Ako naman ay pinagmamasdan lang siya.
Nilapitan ako ni Mimi at kinalabit. Tiningnan ko naman siya.
"Kuyang pogi gusto mo ba ang Ate Cassandra?" inosenteng tanong niya sa akin. Natawa nalang ako.
"Why did you asked?" tanong ko rin sa kanya at pinantayan ko ito. Napakamot lang ito sa ulo at Sumimangot.
"Kuyang pogi, tagalong lang. Hindi ko naiintindihan iyong English mo." Natawa ulit ako.
"Sabi ko bakit mo tinatanong kung gusto ko si Ate Cassandra mo?" Tila ba nag iisip ito bago sumagot.
"Iyon lang ang sinabi mo sa English tapos ang haba haba sa tagalong? Ang galing! Gusto ko rin matutong mag English." Tuwang tuwang sabi nito.
"Matututo kang mag English basta mag aral kang mabuti." Sabi ko sa kanya. Tumango tango naman siya.
"Alam mo Kuya gusto kitang maging syota ni Ate Cassandra. Bagay kayo. Pogi ka tapos maganda siya mabait pa. Hindi katulad ng mga ibang magaganda, masusungit tapos matapober pa. Si Ate Cassandra hindi. Tapos hindi pa siya nandidiri sa amin kahit madungis kami." Tuloy tuloy na sabi nito.
Sang ayon ako sa sinabi niya.
Cassandra was really kind person. Malaman ko palang na isang lingo siyang pumupuntan dito para lang mapapayag ang mga batang ito. She was something. Napangiti nalang ako.
"Bagay talaga kami?" tanong ko dito.
"Oo ah. Bagay na bagay!" kinindatan pa ako nito at nag thumbs up.
"At dahil dyan ililibre ko kayo ng masarap na pagkain bukas. Sabihin mo sa kanila." Sabi ko sakanya at agad naman itong nagtatakbo sa mga kasama niya.
Maya maya lang ay dumating na nga ang mga tauhan ng Orphanage at isinakay na ang mga ito sa service van. Nilapitan ko lang si Cassandra at inaayos ko sa balikat nito ang coat ko.
"Thank you!" sabi niya sa akin.
"For what?" tanong ko sakanya. I glanced at her.
Nakatingin pala siya sa akin at nang mapalingon ako sa kanya ay ngumiti na naman siya sa akin.
It may sound so gay, pero bumilis na naman ang t***k ng puso ko ng ngitian niya ako. Suddenly, I felt the world revolving in a much slower pace. Pakiramdam ko ay dahan-dahang humihinto ang lahat ng bagay sa paligid ko. Parang nagliwanag ang madilim na gabi. What the f**k happened?
"Don't smile at me like that, you're making me fall for you." sabay iwas ko ng tingin.
Natawa naman ito at nagsimula nang maglakad.
"Huwag mo na akong bolahin Elvin. Sanay na ako sa mga Katulad mo." Sabi pa niya sa akin.
"What did you called me?" tanong ko dito at hinabol siya sa paglalakad.
"Elvin." simpleng sagot niya. "O mas gusto mong Mr. Fontanilla?" tanong niya. Umiling lang ako.
"My Family and friends used to call me Simon. And you are the first person who called me in my third name. And its sounds so different. Why do you called me Elvin?" Sabi ko dito.
"Sabi mo nga sanay kang tinatawad na Simon. For a change I called you Elvin, sounds like evil." Natatawa niyang sabi at naupo sa nadaanan naming benches na nandun Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Evil? Sa gwapo kong ito?" tinuro ko pa ang sarili ko at tumabi sakanya.
"Just kidding. Nakakainis ka naman kasi. Para kang hari kung makapag utos ng una kitang makita." Sabi niya sa akin.
"Sorry 'bout that. Hindi lang ako sanay ng hindi ako pinapansin. What I mean is, everyone's attention was only on me. Especially women. They are dying just to have a glance from me. And then you. Lagi mo akong sinusungitan." Paghihimutok ko.
"Sorry. Ayoko lang kase na parang pinararamdam mo na mas nakakaangat ka. I really hate it. I'm sorry if you feel that way, I didn't mean too." And then she sighed.
Gustong gusto ko siyang hawakan pero hindi ko magawa.
"You don't really know me?" tanong ko sa kanya. Umiling muna siya bago sumagot.
"I don't have any idea. All I know was to designed and create beautiful dresses and gowns. I don't know anything about people around me. Si Hera naman kase ang nakikiharap sa kanila hindi ako." Sabi niya sa akin habang tinatanggal ang suot niyang high heels. "Are you some kinda celebrity or what?" tanong niya sa akin. "Damn this heels!" she hissed.
"Well, kinda." hinubad ko rin ang sarili kong sapatos at ako na mismo ang nagsuot sa kanya. Mahina akong natawa ng masyadong malaki ito dahil sapatos na panlalaki.
"Wha-what are you doing?" tanong niya sa akin. Kinuha ko naman ang high heels niya at binitbit.
"I know your feet are hurts." Sabi ko pa at nagkibit balikat.
"Pero naka medyas ka lang." sabi pa niya sa akin.
"Well, I don't mind. O mas gusto mo na buhatin nalang kita?" I asked her and then I winked at her. She just blushed. Hindi ko napigilan at pinisil ko ang ilong nito.
"Come on, I'll take you home. It's getting late." Sabay abot ko ng isang kamay niya. Tumango naman siya at naglakad na kami pa puntang kotche ko.
Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. At napansin kong nakatingin siya sa dalawang body guards ko na papalapit sa amin.
"Emperor, ako na po ang magbibitbit niyan." Sabi sa akin ni Nardo. Umiling lang ako.
"Nah, I can handle it." Saka ko sinenyasan ang mga ito. Agad naman itong lumayo sa amin.
"Who are they?" tanong nito sa akin.
"Body guards. You don't have to feel afraid." Natatawang sabi ko sa kanya. Tumango tango naman ito.
"Akin na ang heels ko. Pinagtitinginan kana ng mga tao." Sabi niya sa akin at pilit kinukuha ang high heels niya na bitbit ko. Pero hindi ko ibinigay sa kanya. Hinawakan ko lang ulit ang kamay niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Don't mind them. They're just jealous." Sabi ko dito.
"Jealous of what?" inosenteng tanong niya sa akin. Such a naïve girl.
"Because I'm kinda sweet?" tatawa tawa kong sabi sakanya. Tinampal niya lang ako sa braso.
"So conceited." Sabi niya sa akin.
Hinalikan ko lang ang kamay niya at pinasakay na siya sa kotche.
Nakita ko pa ang dalawang body guards ko na nag thumbs up sa akin. Napailing na lang ako.
First my family. Now my body guards. Who's next? My friends? Cassandra was really something. She's something to keep.