Chapter 9

2454 Words
UNTI-UNTING lumiliit ang espasyo sa pagitan ng mga mukha namin. Napapikit ako ng ilang dangkal na lang ang layo ng labi niya sa labi ko. Hinintay kung lumapat ang kanya. Kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pero bago pa man mangyari ang inaasahan ko ay may narinig kaming mga nagtatawanang boses. Noon lang kami natahuan ni Senyorito. Sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ng mga tinig at ganoon na lang ang panglalaki ng mga mata ko nang mapagsino ang mga ito. Sina Carl at Isko! "Fvck!" Agad akong gumawa ng distansya mula kay Senyorito. Naghanap ako ng ibang makakapitan upang mas mapalayo sa kanya bago pa mapalingon sa kinaroroonan namin ang dalawa kong kaibigan. "Batok!" Napapikit ako ng marinig ang boses ni Carl. Nang lingunin ko sila ni Isko, pareho nang nakakunot ang kanilang noo habang nakatingin kay Senyorito. Nasa malapit na rin sila. "Anong ginagawa niyo rito, Batok? At bakit nandiyan ka sa tubig? Tangna! Hindi ka marunong lumangoy!" Sigaw ni Carl. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalon sa tubig at lumangoy papunta sa direksyon ko. Pero bago pa man siya makarating sa kinaroroonan ko ay nilapitan na ako ni Senyorito. Mabilis na hinawakan ang bewang ko at hinila papalayo. "Hoy! Anong ginagawa mo kay Iko?!" Rinig kong sigaw ni Carl na nakaahon na marahil sa tubig. Hindi sumagot si Senyorito bagkus dinala niya ako sa itaas. Inalalayan niya akong umakyat at sumunod naman siya. Lilingon sana ako kay Carl pero hinawakan na ni Senyorito ang balikat ko at dinala sa kinaroroonan ng mga gamit namin. Kinuha niya ang tuwalya at ibinalot ito sa katawan ko. "Anong ginagawa niyo rito? Bakit nasa tubig kanina si Iko? Hindi iyan marunong lumangoy. May balak ka bang patayin ang kaibigan ko?" Doon na ako napalingon kay Carl nang muli siyang nagtanong. Nakaakyat na rin siya mula sa batis. "Could you shut that fvcking mouth of yours! Kanina ka pa ah?!" Asik ni Senyorito. Nang tingnan ko siya. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Carl. Nakakuyom din ang kanyang kamao na para bang nagpipigil na manuntok. "Ikaw ang tumahimik gago ka! Kung hindi pa kami dumating baka nilunod mo na si Iko!" Bulyaw ng huli. "Sinong gago?" Nanlaki ang mga mata ko nang sugurin ni Senyorito si Carl at sinuntok ito sa mukha. Mabilis akong lumapit sa kanila at hinila si Senyorito. Ganoon din si Isko para hilahin si Carl. "Pvtangina mong gago ka! Pre, bitawan mo ko, susuntukin ko ang gagong 'to!" Akmang lalapitan ulit ni Senyorito si Carl pero mabilis na akong humarang at niyakap ang katawan niya. Ginamit ko ang lahat ng pwersa ko kahit pa ang laki-laki ng katawan niya. "Senyorito tama na..." Pagususumamo ko. Bumaba siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. "Ano ba Isko. Bitawan mo ako sabi e! Babawian ko ang gagong 'yan!" Natangis ang bagang ni Senyorito at tumingin muli kay Carl. "Senyorito tama na... Parang awa mo na." Sa labis na kaba at takot ay napaluha na lamang ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Tumigil ka na Carl kung ayaw mong sapakin ko 'yang kabilang pisngi mo!" Muli akong tiningnan ni Senyorito. Muling lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita akong lumuluha. Hinawakan niya ang mukha ko at pinahiran ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang dalawang hinlalaki. "Shhh. Hush now. Titigil na ako. Titigil na ako." Aniya sa mahinang boses. "Hoy hoy hoy! Anong ginagawa mo kay Iko? Batok, bitawan mo nga ang lalaking 'yan? Bakit nakayakap ka diyan?!" Doon lang ako nabalik sa sarili nang marinig ko ang sinabing iyon ni Carl. Agad akong bumitaw kay Senyorito at lumayo sa kanya. Kunot-noo niya akong tiningnan. Napaiwas din ako ng tingin nang masilayan ko naman ang kahubadan niya lalo na sa parteng iyon. Bakat na bakat pa naman ito dahil sa pagkabasa. Humarap ako sa dalawa at lumapit sa pwesto nila. "Hoy Iko, kung makayakap ka diyan kay Senyorito wagas ha? May paiyak-iyak ka pang nalalaman." Ani Isko. Si Carl ang talim ng titig sa akin. "Pero kung ako ang yumakap sayo parang nandidiri ka. Sino ba ang kaibigan mo sa aming dalawa ha?" Segunda pa ni Carl. Bago pa man ako makapagsalita ay pinutol na iyon ni Senyorito. "Mikko, come here. Umuwi na tayo." Umuwi na tayo. Umuwi na tayo. Umuwi na tayo. Para bagang umalingawngaw sa isip ko ang huling sinabi niya at hindi ko alam kung bakit. Tila may ibang ibig sabihin iyon. "Huwag kang sumama sa kanya Mikko. Bahalang umuwi mag-isa ang gagong 'yan!" "One more word and I will fvcking destroy your face!" Matigas na banta ni Senyorito. "Please, Carl. Tumigil ka na kasi. Wala namang ginagawang masama si Senyorito sa akin e." "Kakampihan mo pa talaga siya kaysa sa sa 'kin? Huwag ka ng sumama sa kanya. Dito ka na lang, laro ulit tayo nila Isko tulad ng dati." "Mikko, let's go!" Tawag sa akin ni Senyorito. "Promise. Tuturuan na kitang lumangoy. Hindi na kita pagtatawanan kahit langoy-palaka ka pa." Sabi pa ni Carl at mahinang tumawa. "Let's go home, Mikko. That's an order!" Giit ni Senyorito. Bakas na sa boses ang labis na pagkainis. "Sh!t ka talagang kanong-hilaw ka! Ikaw ang umuwi mag-isa mo!" Bulyaw sa kanya ni Carl. "I told you to shut that mouth of yo---" "Sh!t ka! Huwag kang umingles gago ka!" "Sabi ng tumigil ka na e!" Sa ikalawang pagkakataon nakatikim na ng suntok si Carl pero hindi na iyon galing kay Senyorito kung 'di, galing na kay Isko. "GRABE ka Pre, ang sakit mo pa lang sumuntok---Aray naman Isko! Dahan-dahan naman!" Reklamo ni Carl nang idiin ni Isko ang pagkakadampi ng bato sa pisngi niya. "Isa pa Carl at itong bato na mismo ang ipangsasapak ko sayo para tumigil ka na diyan sa kaingayan mo." Banta ni Isko sa kanya na ngayon ay inis na inis na. "Iko, kumuha ka ulit ng bato. Hindi na malamig 'to e." Utos nito sa akin. Tumalima naman ako at pumunta sa maliit na kweba na malapit sa talon. Kumuha ako ulit ng bato roon. Dahil wala kaming mapagkukuhanan ng yelo, bato ang ginamit namin sa pisngi ni Carl upang hindi mamaga. Kasing lamig din ng yelo ang mga batong nasa loob ng maliit na kweba. Nang bumalik ay napagawi ako ng tingin kay Senyorito na kasaluluyang naliligo ilang dipa mula sa talon. May tubig na nahuhulog din doon sa kinaroroonan niya na animoy faucet ng shower na katulad sa banyo niya. Nakatingala siya na tila ninanamnam ang mahinang bagsak ng mga butil ng tubig na unti-unting pumapasada paibaba sa katawan niya. Kay ganda niyang tingnan sa ganoong posisyon. Mabuti na lang at tumigil na rin sila ni Carl. Salamat kay Isko dahil nakatulong ang pagsuntok nito sa huli. Hindi na rin nag-aya pang umuwi si Senyorito. Humiling ako sa kanya na manatili muna ako rito dahil gusto kong makasama ang dalawa. Isa pa ay para magamot ang mukha ni Carl. Ayaw din kasing umuwi nito dahil gusto pang maligo sa batis. "Hoy Iko! Bilisan mo nga!" Para namang nabalik ako sa sarili nang marinig ko ang boses ni Carl. Pinang-initan ako ng pisngi. Napagtanto ang ginawang kapangahasan ng mga mata ko. Kapangahasan? "Hoy Batok! Umamin ka nga. Napapansin kong parang may pagtingin ka sa gagong 'yon." Saad ni Carl nang makabalik ako sa pwesto nila. "Anong sabi mo? W-Wala akong gusto kay Senyorito nu?" Tanggi ko at inabot ang bato kay Isko. Nang idadampi na nito ang bato sa kanya ay tinabig niya ang kamay nito. Tumayo siya at hinarap ako. Kinabahan ako sa paraan ng pagkatitig niya. Napatungo ako. Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Mapaghihinalaan talaga ako dahil sa mga kinikilos ko. "Hindi e. Meron talaga, sabihin mo na. Hindi kita naging kaibigan ng mahabang panahon para hindi ko malaman 'yang kilos mo." "W-Wala nga sabi e." Giit ko. Napakagat ako ng labi nang marinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Carl. Hindi talaga ako makakapagsinungaling sa kanya, sa kanilang dalawa ni Isko. "Sabihin mo na ang totoo, Iko. Nagseselos kasi ang gagong 'yan." Sabat ni Isko sabay tawa. Napaangat ako ng tingin. Kunot-noong tiningnan ko silang dalawa. "Pre naman e. Tangna!" Bulalas ni Carl. "Sabihin mo na kasi Carl. Kaibigan naman natin 'yan si Iko e. Maiintindihan niya ang nararamdaman mo." Dagdag pa ni Isko at napahalakhak na. "Suntukan na lang o." "Magagalit si Iko." Inakbayan ako ni Carl at idinikit sa kanya. "Syempre, nag-aalala lang ako kay Batok. Magkakagusto na nga lang siya, sa mayabang pa na lalaking 'yon. Kilalang gago 'yon sa Maynila. Walang mapapala si Batok sa kanya." "Malala ka na Carl. Tingnan mo, nagmukha ka ng tilapya sa mga pasa mo." Mapang-insultong wika ni Isko sa kanya. "Kung hindi ka lang din kasi gago, nasuntok ko na rin ang Yvo na 'yon. Dapat nga siya ang sinuntok mo at hindi ako." Paninisi niya. "Edi nawalan kami ng kabuhayan kapag ginawa ko 'yon kay Senyorito. Sa kanila nakasalalay ang kinakain namin sa araw-araw." "Kung ako lang talaga mayaman, hindi na kayo mahihirapan pa." "Mayaman naman na kayo 'di ba?" "Sila ate ang mayaman, hindi ako. Ulol! Aray naman! Ang sakit" Natawa lang Isko sa pagdaing ni Carl sa sakit mula sa natamong suntok. Kahit ako ay napatawa na lang din sa inakto ng dalawa. Maloko talaga. Tatanggalin ko na sana ang braso ni Carl pero hindi niya ako pinayagan. "Ikaw ang gamot ko kaya huwag ka munang umalis. Unti-unti ng nawawala ang sakit sa mukha ko, alam mo ba 'yon?" "Baduy talaga." Napatawa lang si Carl sa sinabi ni Isko. Kung hindi ko lang kilala na maloko si Carl ay paniniwalaan ko na ang mga sinasabi niya. Tumigil lang sa katatawa ang dalawa nang marinig namin ang boses ni Senyorito. "Mikko." Bumitaw ako kay Carl at humarap sa kanya. "Bakit Senyorito?" Halos mautal ko ng tanong. "Let's go. Tuturuan na kitang lumangoy." Sagot niya. Wala na akong nagawa kung 'di ang sundin ang utos ni Senyorito. Ayaw ko na ring makipag-argyumento pa. Wala na ring nagawa si Carl na panay ang kasasabi na siya na lang daw ang magtuturo sa akin. Mabuti na lang at sinasaway siya ni Isko dahil pagod na akong humarang sa kanilang dalawa ni Senyorito kapag nag-away pa sila. "Huwag kang manigas habang nasa tubig ka. You are adding more weight kaya lulubog ka talaga." Paano ako hindi lulubog kung nakahawak siya sa baywang ko. Hindi ako matuto nito sa kadahilanang siya ang nagtuturo sa akin. Walang sinabi ang lamig ng tubig sa init na nararamdaman ko dahil sa pagkakahawak niya sa akin. "Hindi naman natututo sayo si Batok. Kanina mo pa siya tinuturuan pero hindi pa rin siya natututong lumangoy." Ungot ni Carl nang makalapit siya sa pwesto namin. "Why won't you shut your mouth?! Sa tingin mo ba, sa isang turuan lang matututo agad si Mikko? I thought you already knew that since you're a swimmer yourself." Katwiran ni Senyorito habang binibigyan niya ng matatalim na titig si Carl. "Sige na, sige na. Kung hindi lang dahil kay Mikko, kanina pa kita sinapak diyan. Ang yabang mo!" Napabuntong hininga na lamang si Senyorito at napailing. "Remind me to inclose this area para wala ng sagabal sa susunod." Aniya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Pinagpatuloy niya na ang pagtuturo sa akin hanggang sa paunti-unti ay natuto na akong lumangoy. Hapon na nang magdesisyon kaming umuwi. Sasabay sana ako kina Carl dahil may dala siyang motor pero hindi pumayag si Senyorito. Siya raw ang maghahatid sa akin pauwi. Ano pa nga bang magagawa ko? Siya ang boss kaya siya dapat ang sundin. KATULAD kahapon ay malinis pa rin ang kwarto ni Senyorito pagdating ko roon. Walang kalat, kahit ang kama niya ay nakaayos. Ganoon din ang aparador at ang banyo. Mapait akong napangiti. Totoo nga talagang pinapahirapan niya lang ako nitong mga nakaraang linggo. Napahugot na lang ako ng hangin. Ang sayang naramdaman ko kahapon doon sa batis ay napalitan ng pagkadismaya at sama ng loob. Nagwalis na lamang ako at kinuha ang maruruming damit ni Senyorito. Sa totoo lang ay hindi naman talaga marurumi ang mga ito. Hindi nga rin mabaho. Amoy pabango pa niya na naghalo sa natural na amoy niya. Hindi ko alam kung bakit dinala ko sa ilong ang isang t-shirt niya at inamoy ito. Ewan ko ba, pero parang hinahanap-hanap ko na ang amoy ni Senyorito. Ganito talaga siguro kapag gusto mo ang isang tao. "Mikko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang kanyang boses. Agad na ibinaba ko ang kanyang damit. Kasabay nito ang pagdagundong ng puso ko sa labis na kaba. "What are you doing?" Tanong niya. Unti-unti akong lumingon sa kanya. Muntik na akong mapasinghap dahil nasa likuran ko na pala siya. "S-Senyorito..." Nauutal kong sambit. Napatungo ako lalo pa't nakangisi siya. Ang tanga ko! Nahuli nga niya ako. "Why are you sniffing my shirt Mikko?" Napalunok ako. Paano ko ipapaliwanag ang nangyari. Nahuli niya na ako! "Kasi... Kasi po... T-Tinitingnan ko lang kung marumi Senyorito." Halos wala ng lumabas na boses sa bibig ko. Muntik pa akong pumiyok. "Hindi ko naman sinabi na tinitingnan mo. Sabi ko, bakit mo inaamoy?" Pagtatama niya. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay alam kong nakangisi pa rin siya. Hindi naman iyon ang ibig kong iparating e. Gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko pero napapangunahan na ako ng kaba. Nahuli ako sa akto. Kahit pabulaanan ko iyon, hindi ko na mababali sa isip niya ang nakita niyang kapangahasang ginawa ko. Parang katumbas nito ang pagkatitig ko sa buong katawan niya habang naliligo siya kahapon doon sa batis. Ang tanga ko talaga. Bakit hindi ko man lang isinara ang pinto. At bakit nandito siya? 'Di ba nag-aalmusal sila sa ibaba? "P-Pasensya na Senyorito, hindi na po mauulit. Patawad..." Napatawa siya. "Hindi naman kita pinapagalitan Mikko, at hindi rin kita pinagbabawalan. So what you were sniffing my shirt? Hindi naman siguro krimen iyon 'di ba?" Hindi na ako umimik. Kinakagat ko na lang ang labi at hinigpitan ang pagkakahawak sa damit niya para sawatain ang hiya qt kabang nararamdaman ko. "Tell me, Mikko? Do you like my scent? To be honest, hindi ito ang unang beses na nahuli kitang inaamoy ang damit ko." Nanlalaki ang mga mata ko nang mag-angat ng tingin sa kanya. N-Nahuli na niya ako dati? Paano? Gusto kong sumigaw. Nakakahiya na talaga! Muli siyang humalakhak sa nakitang reaksyon ko. "So it's true? Inaamoy mo nga talaga ang mga pinaghubadan ko?" Nagtaka ako. "Fvck! Inaamoy mo nga!" Tuluyan akong napipilan. Hindi maari. Hinuhuli niya lang pala ako. "Damn! Continue what you were doing to my clothes Mikko. Gustong-gusto kong inaamoy mo ang mga damit ko." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD