BUONG araw akong hindi inimik ni Senyorito. Hindi rin siya halos nagpapakita sa akin. Wala siya sa kanyang kwarto habang naglilinis ako roon. Halatang guilty siya sa nagawa niya.
Mabuti na rin iyon dahil nakakilos ako ng maayos. Pero sa bawat sandaling dumadaan ay pasan ko pa rin ang sama ng loob. Inaasahan ko ng pinagtritripan niya lang ako pero hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan.
"Ayos ka lang ba apo?" Kasalukuyan akong nagluluto ng meryenda niya nang tumabi sa akin si Lola Sima. "May ginawa naman ba sa iyo ang Senyorito mo?" Tanong pa niya.
Humarap ako rito ng nakangiti. "Wala naman Lola."
"Sigurado ka apo?" Naniniguradong tanong nito. Muli ko itong ningitian at ibinalik ang atensyon sa pagluluto.
"Pagpasensyahan mo na ang Senyorito Yvo mo kung nagpapakita siya ng kagaspangan ng ugali sayo. Mabait naman siyang bata noon hijo. May nangyari lang sa kanya dahilan ng ipinagbago niya. Intindihin na lang natin siya ha?" Saad nito.
Gusto ko sanang sabihin kay Lola kung gaano ko iniintindi si Senyorito Yvo. Pero umabot na talaga sa sukdulan ang huli. Kung hindi lang dahil sa gastusin namin ay umalis na ako rito. Kinakaya ko na lamang dahil naaawa na ako kay Nanay. Titiisin ko na lang ang nalalabing limang linggo na kasama siya.
"Opo Lola," sa halip ay tugon ko na lamang.
Hindi na nagsalita si Lola Sima at nagpaalam na umalis. Sa kabila ng sama ng loob na nararamdaman ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi nito.
Nakikita ko naman ang kabaitan ni Senyorito kaya minsan gusto kong paniwalaan ang ginigiit ni Lola na mabait siyang tao pero nasasapawan lang talaga ng pinapakita niyang kagaspangan ng ugali. At totoo kaya ang sinabi nito na kaya siya nagbago ay dahil sa nangyari sa kanya? At ano naman iyon kung sakali? Gaano ba iyon kalaki kung bakit higit na naapektuhan ang pag-uugali niya?
Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko na dapat iniisip iyon. Gagawin ko na lamang ang trabaho ko dahil iyon lang naman ang ipinunta ko rito.
Pagkatapos maiayos ang pagkain ay inihatid ko na ito sa itaas. Saktong kaliliko ko sa pasilyo papuntang kwarto ni Senyorito nang makita ko siyang kalalabas lang ng kwarto ni Senyorito Ysmael.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako. Mukhang babalik pa sana siya sa loob ng kwarto kung hindi lang ako nagsalita.
"Ito na po ang pinapaluto niyo Senyorito." Mahinang saad ko pero sapat naman upang marinig niya.
"Hindi naman kita inutusang magluto." Aniya.
Ibinaba ko ang tingin dahil hindi ko kayang titigan ng matagal ang mga mata niya. Naaalala ko lang at nararamdaman ang sama ng loob sa ginawa niya kanina.
"Sinabi niyo po iyon kahapon." Katwiran ko.
Matagal bago siya nagsalita.
"Okay. Pakipasok na lang sa kwarto." Agad akong tumalima at tinungo ang kwarto niya.
"Ako na." Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang seradura ng pinto at siya ang nagbukas nito. Pumasok na lamang ako sa loob at dali-daling nilagay sa mesa ang tray ng pagkain niya.
"Mikko..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita siya. Iba ang paraan ng pagkakasambit niya sa pangalan ko.
"I-I..."
"May kailangan po kayo?" Tanong ko, pilit nilalabanan ang pagrigodon ng puso ko sa kaba.
Nang hindi siya nagsalita ay humarap ako sa kanya. Nahigit ko ang hininga sa nakitang ekspresyon sa mukha niya.
"Kung wala na po kayong kailangan, aalis na ho ako." Bago ko pa man siya malampasan, mabilis niya ng nahawakan ang braso ko dahilan para mas lalong maghurumentado ang puso ko.
"Mikko..."
Napapikit ako nang muli niyang sambitin ang pangalan ko. Bakit iba na lang ang dating nito sa akin? Tila bagang nakakalimutan ko kung anong ginawa niyang kasalanan.
"I-Im sorry..."
Nagulat ako sa sinabi niya. Humihingi siya ng tawad? Si Senyorito?
Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung haharapin ko siya. Parang nablangko ang buong isip ko ngayon.
"I didn't mean that way---ugh! Fvck! Sh!t! Sorry..."
Binitawan niya ang braso ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"H-Huwag mo na lang isipin iyon Senyorito. Trabaho ko naman po ang linisin at ayusin ang kwarto mo. Pakitawag na lang ako kung may kailangan kayo." Lakas loob kong sabi at nagmamadadling umalis ng kanyang kwarto.
Napasandal ako sa malapit na pader at hinawakan ang brasong hinawakan ni Senyorito Yvo. Bakit ganito? Ang daya. Ang daya-daya!
Dapat na isipin ko ay ang ginawa niyang kasalanan sa akin pero bakit mas nangingibabaw ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko at pagkakahawak niya sa braso ko.
Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.
NAGULAT ako sa nakitang itsura ng kwarto ni Senyorito Yvo pagkapasok ko roon kinabukasan. Malinis ang buong silid. Maayos ang lahat ng kagamitan. Kahit ang aparador niyang dinadaanan ng bagyo tuwing bubuksan ko ay ganoon din. Pati ang kama at ang banyo. Kung anong mukha ng silid matapos kong linisin at ayusin kahapon ay ganoon din ito ngayon.
Dapat ko na itong asahan dahil sa pagkakahuli ko sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasan ang magulat. Dapat ko rin itong ikatuwa dahil sa tingin ko ay nakonsensya na siya sa pinaggagawa niya. Iyon lang ay hindi ko maiwasan makaramdam muli ng sama ng loob sa katotohanang pinapahirapan niya ako.
Pero anong magagawa ko? Amo ko siya at katulong niya lang ako. Wala akong karapatang magreklamo dahil nakasalalay sa kamay niya ang magiging sahod ko.
Napahugot na lang ako ng hangin. Mabuti na rin na nangyari iyon. Pabor din sa akin ang pagkakahuli ko sa kanya dahil hindi na ako mahihirapang linisin ang kwarto niya. Hindi na ako mahihirapang indain ang ilang na mararamdaman kapag kasama siya. Iyon lang ay mananatili ang natamo kong sama ng loob mula sa kanya.
Napangiti ako nang mabilis kong natapos ang paglilinis sa kwarto niya. Hindi man lang ako umabot ng kalahating oras. Ito na ata ang pinakamabilis na oras na pananatili ko sa kwarto niya. Naabutan ko pa silang mag-anak na kumakain pa rin ng almusal sa pagbaba ko.
Nagulat pa ang lahat ng kasamahan ko sa kusina nang dumaan ako roon bitbit ang mga labahan ni Senyorito. Sa kabila ng nangyari ay wala akong pinagsabihan ni isa sa kanila. Kahit si Nanay. Ayaw ko ring mag-aalala siya.
"Ang bilis mong natapos, Iko ah?" Ani Lola Sima.
"Ah opo Lola. Hindi po kasi gaanong makalat ang kwarto ni Senyorito Yvo ngayon." Tugon ko at nagpaalam na rin sa kanila. Tinungo ko na ang laudry area at nilabhan ang mga damit ng herodes kong amo.
Kasalukuyan akong nagsasampay ng mga damit nang tawagin ako ni Lola Sima. Lumapit siya sa akin at ipinahayag ang pakay. Pinapatawag ako ng Senyorito. Umakyat na raw agad ako dahil may iuutos ito sa akin. Siya na raw ang bahala sa mga damit na hindi ko pa nasasampay.
"Pinapatawag niyo raw ako?" Ang nakatungo kong tanong nang makarating sa kwarto ni Senyorito.
"I want you to come with me. Pupunta tayo ngayon sa batis. I want to swim." Hayag niya.
Nainis naman ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Tila bumalik na sa normal ang pakikitungo niya sa akin na parang walang nangyari. Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko sa isang tulad niya? Luluhod sa harap ko? Imposible!
"Sige po Senyorito." Tugon ko. Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako.
"For what happened yesterday... I wa---"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
"Huwag niyo na pong isipin iyon Senyorito. Tapos na po iyon." Maggalang na sagot ko sa kanya. Wala na ring silbi kung ibabalik pa iyon. Nangyari na ang nangyari.
Bumuka ang bibig niya na parang magsasalita sana pero hindi na niya naituloy pa.
"Sa labas na lang kita hihintayin Senyorito."
TAHIMIK ang naging byahe namin papunta ng batis. Hindi umiimik si Senyorito at ganoon na rin ako. Tanging ugong lang ng sasakyan ang pumapainlang sa paligid naming dalawa. Pero mas naging mahirap naman ito dahil matinding ilang ang nararamdaman ko.
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko rin ang minsanang pagsulyap ng tingin sa akin ni Senyorito. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi.
Tulad ng dati ay ipinarada namin ang sasakyan sa labas ng kakahuyan. Tahimik din naming tinungo ang daan papuntang batis. Nang makarating roon ay agad kong inilipag ang dala kong sapin sa isang malapad na bato. Inilapag din ni Senyorito ang basket na may lamang mga pagkain sa tabi ko.
"Ako na ang bahala dito Senyorito." Hayag ko sa kanya.
"Okay." Sagot naman niya at naglakad paalis. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay tinutungo ang batis.
Nagulat ako nang bigla siyang maghubad ng damit at shorts at itinira lamang ang boxer briefs. Hindi ako umiwas ng tingin bagkus napatingin pa ako sa pang-upo niya.
Hindi ko maiwasang pagmasdan iyon. Napakandang tingnan lalo pa't matatambok ang mga ito. Bumagay sa malaki niyang katawan at mahahabang biyas. Para talagang nililok ng magaling na iskulptor ang maganda niyang katawan.
Inunat niya ang kanyang mga braso. Snundan pa niya ito ng pagsipa-sipa. Para siyang nagwawarm-up. Bawat galaw ng mga muscles niya ay kay sarap pagmasdan.
Nanatiling nakatingin lamang ako sa kanya, namamangha. Para bagang isa siyang magandang tanawin na hindi pwedeng palagpasin ng mga mata ko upang makita.
Saka lang ako bumaba ng tingin nang lumingon siya sa akin. Doon ko lang napagtanto ang ginawa kong kapangahasan.
Kapangahasan?
Tinitingnan ko lang siya!
Wala ka na bang ibang iisipin kung 'di ang purihin siya ha, Mikko?! Bulyaw ng isang parte ng utak ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga pagkain sa sapin. Pinilit ko ang hindi mapagawi ng tingin sa direksyon ni Senyorito pero ang walanghiyang mga mata ko ay hindi maiwasang sulyapan ang magandang atraksyon.
Napapansin kong nag-uunat pa rin siya pero nakaharap na sa direksyon ko. Bumilis tuloy ang t***k ng puso ko.
Bakit ba sa akin na siya nakaharap ngayon? Hala! Nahuli kaya niya akong nakatitig sa kanya kanina?
Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang tunog gawa nang pagtalon niya sa tubig. Tuluyan akong napaharap sa kanya. Doon ko na rin kinastigo ang sarili.
Ano ba itong nararamdaman ko sa kanya? Gusto ko nga na ba talaga si Senyorito Yvo?
Oo, crush ko siya. Sino bang hindi hahanga sa taglay niyang kakisigan at kagwapuhan? Pero iba na ito ngayon e. Ibang pagkagusto na. Parang mas malalim na.
Agad ko itong iniwaglit sa aking isip at puso. Hindi ko dapat nagugustuhan ang isang tulad niya. Masama ang ugali. Mapang-api, mapangmata.
"Hey Mik! The water's cool and refreshing. Come and join me here!" Halos ikinasanghap ko nang marinig ko ang boses niya na nagpabalik sa akin sa kamalayan. Nakaahon na pala ang mukha niya sa tubig.
"A-Ah kayo na lang Senyorito. Hindi po ako marunong lumangoy e." Nauutal na tugon ko. Gusto kong sampalin ang sarili. Umayos ka Mikko!
"It's okay, I'll teach you." pamimilit pa niya.
"Kayo na lang po talaga Senyorito." Giit ko at ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga pagkain namin. Lumipat ako ng pwesto patalikod sa kanya at sa ganoong posisyon ko inayos ang mga ito. Nagpasalamat naman ako nang hindi na siya nagpumilit pa.
Nakaramdam ako ng inis.
Hindi ba niya naaalala ang ginawa niya sa akin noong unang beses na pumunta kaming dalawa rito? Muntik na akong malunod dahil sa kagaguhan niya. Siya pa ang may ganang magalit no'n.
Tama 'yan Mikko, dapat mong pairalin ang kasamaan niya para hindi ka linalangin ng damdamin mo! Hiyaw ng isang parte ng utak ko.
Matapos kong maiayos ang mga pagkain ay itinabi ko na ang basket. Saktong tumayo ako nang may pumulupot na mga kamay sa baywang ko at sunod ko na lang namalayan na nakaangat na ako sa ere. Binuhat ako ni Senyorito patalikod sa kanya. Dahil sa liit at gaan ko ay walang kahirap-hirap na nabuhat niya ako at dinala papunta sa batis.
"Senyorito! Bitawan niyo ako!" Tili ko. Bago pa man ulit ako makasigaw ay bumagsak na kaming dalawa sa tubig. Napapikit na lamang ako. Nakainom pa ako ng tubig dahil sa nakabukas kong bibig dala na rin ng labis na kaba.
Narinig ko na lang ang malutong na tawa ni Senyorito nang umaahon kami. Agad akong napaharap sa kanya at nangunyapit sa leeg niya. Nanlalambot din ang mga paa ko dahil sa paulit-ulit na pagkakampay.
"Hey hey, relax. I'm here hindi kita bibitawan."
Mas higpitan ko ang pagkakayakap sa kanya nang bahagyang lumubog ang katawan ko. Agad naman niya akong inangat. Magkalebel na ngayon ang kanyang mukha sa dibdib ko. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko na naigalaw ang ibang bahagi ng katawan ko. Pero nandoon pa rin ang panik at kabang nararamdaman ko.
"Mikko, relax. I'm here. Hindi kita hahayaang malunod."
Doon na ako paunti-unting huminahon. Napababa ako ng tingin. Nang-init ang pisngi ko dahil doon ko lang napagtanto kung ano ang posisyon naming dalawa. Kasabay din nito ang pang-iinit ng buong katawan ko dahil halos kalahati ng katawan ko ang nakadikit sa kanyang hubad na katawan kahit pa malamig ang tubig ng batis.
"S-Senyorito ibalik niyo na ako sa itaas." Nauutal na hiling ko sa kanya. Napangiti lang siya.
"Ayaw mo munang manatili sa tubig?" Tanong niya. Bilib din ako sa kanya dahil parang hindi man lang siya nahihirapan na ibalanse ang katawan niya kahit pa buhat-buhat niya ako. Hindi na ako magtataka dahil isa siyang mahusay na manglalangoy.
"Senyorito..." Parang gusto ko ng sumabog. Hindi ko na ata kakayanin pang manatili sa ganitong posisyon naming dalawa.
Muli akong nagikla nang ibaba niya ako hanggang sa magpantay ang mukha namin. Mas humigpit ang pagkakangunyapit ko sa leeg niya. Parang instinct na ito ng mga ito dahil sa takot na malunod.
"Later, Mikko. Gusto kong ganito muna tayo." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang titigan ang mga mata niya ng matagal. Para na rin akong nalunod kapag hindi ko pa pinutol iyon.
"Anong bang sinabi ko dati ha? 'Di ba dapat tumitingin ka sa akin kapag kinakausap kita?" Pagpapaalala niya pero hindi ko siya sinunod. Napatili na lang ako nang binitawan niya ako. Bago pa man ako lumubog ay napayakap na ako sa kanya. Kahit ang mga binti ko ay pumulupot na sa baywang niya. Iisipin ko pa ba ang magiging posisyon namin kaysa sa malunod ako?
Gusto ko ng maiyak. Isa na naman ba 'to sa mga kalokohan niya?
Narinig ko ang mahinang tawa niya. Lumangoy naman siya papunta sa may gilid pero doon sa hindi ako makakaakyat. Sa itaas nito ay malaking bato na napapalibutan ng maliliit na ugat. Agad akong bumitaw sa kanya at humawak sa bato at sa isang ugat patalikod sa kanya.
"Senyorito ibinalik niyo na ako sa itaas." Pagsusumamo ko. Para na ring mababasag ang boses ko. Nang-iinit na ang sulok ng mga mata ko.
"Don't be scared, Mikko. I told you I will not let you drown. Gusto kong ma-enjoy mo rin ang sarap ng tubig ngayon."
Paano ako mag-ienjoy kung ganito ang ginagawa niya sa akin? Halos patayin na niya ako sa sobrang nerbyos.
Muli na namang nanigas ang katawan ko nang ikulong niya ako patalikod sa kanya. Pinatong niya ang mga kamay sa bato sa magkabilang gilid ko at idinikit ang harap ng katawan niya sa likuran ko. Kahit may suot akong damit, ramdam na ramdam ko ang mga matigas na bahaging iyon ng katawan niya. Sumusundot iyon sa isang pang-upo ko.
"You don't know how much I've been wanting this to happen Mikko."
Libu-libong bultahe ang kumalat sa buong katawan ko nang dumampi ang mainit na hangin mula sa kanyang bibig sa leeg ko.
"I don't know why I'm doing this but it feels so good. Gustong-gusto ko na ganito kalapit ang katawan natin sa isa't-isa."
Bago ko pa napagtanto ay nakaharap na pala ako sa kanya at ikinasinghap ko ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Salung-salo ko ang kulay abuhin niyang mga mata. Titig na titig ang mga ito sa akin hanggang sa bumaba ito patungo sa aking mga labi.
Napalunok ako.
***