Chapter 7

3245 Words
SA HULI kay Senyorito Yvo ang pinili kong cellphone. Sinabihan ko na lang si Carl na ibigay na lang iyon sa kapatid ko. Kinausap ko rin siya sa labas ng bahay na pagkatapos kung magtrabaho sa mansyon ay isasauli ko rin ang cellphone nito. Ipinaliwanag ko sa kanya na binigay ito para sa trabaho ko. Mabuti na lang naintindihan niya iyon. Sa totoo lang ay pareho kong ibinalik ang cellphone sa kanila pero parang mas lumala ata ang tensyon kaya iyon na lang ang naisip kong paraan nang sa gayun ay tumigil lang silang dalawa. Cellphone lang naman iyon at pag-aawayan na agad nila? At bilib din ako kay Carl dahil hindi man lang siya nasindak kay Senyorito Yvo kahit matatalim na titig ang tinatapon nito sa kanya. "Kailangan pa ba kitang turuan kung pa'no gamitin 'yon?" Napalingon ako kay Senyorito nang magsalita siya. Ang tinutukoy niya ang cellphone na binigay niya kagabi. Nasa kwarto na niya ako ngayon at kasalukuyang naglalampaso. "Hindi na kailangan Senyorito. Alam ko na hong gamitin ang cellphone." Sagot ko. Tumango-tango siya. "Good." Bahagya akong yumuko at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis. Parang hindi naman ako nakakagalaw ng maayos dahil napapansin kong panay ang titig niya sa akin. Parang binabantayan niya ako kung tama o mali ba ang ginagawa ko. Binilisan ko na lang ang pagkilos at pagkatapos ay tinungo ang banyo para roon naman maglinis. "Mikko." Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses niya. Nasa pinto na siya ng banyo. "Magbabanyo ba kayo Senyorito?" Umiling siya. "'Yong ipapagawa ko pala sayo. You said, marunong kang magluto, right? I want you to cook something for me." Aniya. "Po?" "You heard me." "Ano po bang ipapaluto ninyo? Kaunti lang ang alam kong lutuin Senyorito. Pwedeng si Lola Sima o si Nanay na lang po." Katwiran ko. "Bakit ba ang hilig mong sawayin ang utos ko?" Inis niyang wika. Bahagya akong napatungo. "Pasensya na Senyorito. Ano po bang ipapaluto ninyo sa akin?" "Give me your phone." Utos niya. Nagmamadali ko namang ibinigay iyon sa kanya. Kinuha din niya ang sa kanya. May binutingting siya sa dalawang cellphone. Kalaunan ay ibinalik niya ang sa akin. "I send a video there. Gayahin mo kung paano lutuin ang recipe na 'yan. Alam na 'yan ng nanay mo ang mga gagamitin para diyan. Asked her. Bumaba ka na. I want my food after an hour." Panay ang kamot ko sa ulo ko habang sinusunod ko ang niluluto sa video. Ang hirap bigkasin ng pangalan ng pagkain pero isa iyong recipe na ang pinaka-main na ingredient ay pasta. Medyo nakabisado ko na siya iyon lang ay unang beses kong magluto ng ganito klaseng pagkain na maraming kaartehan. Hindi naman ako matulungan ni Nanay dahil inabisuhan siya ng Senyorito na hayaan akong magluto. Bwisit talaga siya! Gustong-gusto talaga niya akong pinapahirapan. Kung sana ay spaghetti lang ito ay kanina pa ako natapos. Marami kasing kailangan gawin tapos ang end product ay kakaparinggot lang. Nakakainis talaga! "Ayos ka lang ba 'Nak? Malapit ka na bang matapos diyan?" Tanong ni Nanay nang makabalik siya galing sa likod ng bahay. Tumulong siya sa labandera roon. "Ayos lang Nay. Malapit na 'to." Sabi ko sabay patay ng stove. Luto na kasi ang sauce. Nang tingnan ko ang orasan, mayroon pang natirang labinlimang minuto bago matapos ang isang oras. Tinikman ko siya. Para sa akin ay ayos na ang lasa. Sana masarapan ang damuho rito dahil kung hindi ihahampas ko 'to sa kanya. Mabuti sana kung magagawa ko iyon. Inayos ko na ang plating at agad na inihatid ang pagkain sa kwarto ni Senyorito. "Ang bilis a." Aniya nang ilapag ko ang tray sa katabing mesa ng higaan niya. "Smells good. Mukhang kuha-kuha mo rin ang plating. Job well done." Komento niya habang sinusuri ang pagkain. Kinakabahan naman ako dahil pinupuri na niya agad kahit hindi pa niya natitikman. Kinuha niya ang tinidor sa tabi ng pinggan at kumuha ng laman nito. Napapikit ako nang isubo niya ito kasabay ang pagkabog ng dibdib ko. Sana naman Lord magustuhan niya. Narinig ko ang ungol niya. Napadilat ako nang mata. Nakapikit siya habang ngumunguya. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi nangyari bagkus nagpatuloy lang siya sa pagsubo. Doon lang niya ako kinibo nang mangalahati na ang pagkain. "Sarap." Sambit lang niya. Para akong nabunutan ng tinik. Kahit wala na siyang naging iba pang komento ay lumundag ang puso ko sa tuwa. Mukhang nasarapan naman talaga siya dahil mababakas din iyon sa kanyang mukha. Nagpatuloy siya sa pagkain kaya tumalikod na ako at tinungo ang kanyang aparador. Napabuntong-hininga ko nang makita ang laman nito. Para na namang dinaanan ng bagyo. Ano pa nga bang aasahan ko? Nabawasan tuloy ang saya ko dahil dito. Kailan ba titigil ang lalaking 'to na pahirapan ako? "Bukas ikaw uli ang magluto. Maghahanap ako ng videos ngayon. You'll watch and list down the ingredients. We will buy those this afternoon." Aniya nang kunin ko ang tray. Himala na naubos niya ang pagkain ngayon. Dati kasi ay parang tinitikman niya lang tapos sa akin niya ipapaubos. "Sige po Senyorito. May iuutos pa ba kayo?" Umiling siya. "You can go. Pero bumalik ka agad. Ipapakita ko sayo ang mga madadownload kong videos." Tumango ako bilang tugon at lumabas ng kwarto. "Mikko!" Napalingon ako nang tumawag sa pangalan ko mula sa likuran. Si Sarya. Isa sa mga katulong. "Bakit?" Lumapit siya sa akin at sumabay sa paglalakad ko. "Napapansin kong kapag nasa kwarto ka ni Senyorito Yvo, minsan ka lang kung lumabas. May ginagawa kayong milagro diyan nu?" Pang-aakusa niya. Napangiwi ako. "Ano bang pinagsasabi mo Sarya. Kung alam mo lang kung gaano kahirap linisin ang kwarto niya." Depensa ko. "Sabi ni Genevi, hindi makalat sa kwarto iyang si Senyorito Yvo. Minsan kalahating oras lang ay tapos na siya. Sinasabi ko sayo bakla ka, huwag mong gawing katulad 'yang si Senyorito sayo." Napailing na lang ako. Iba rin ang utak ng babaeng 'to. Kung saan-saan lumilipad. "Babae ba ako? Sa tingin mo papatulan ako ni Senyorito?" Napalabi siya sa sinabi ko at nag-isip. "Oo nga naman nu? Imposible naman talaga 'yon. Pero maswerte ka pa rin dahil ikaw ang tagalinis ng kwarto niya." Kung alam niya lang kung gaano kamalas. Mas gugustuhin ko na lang na magdamo at magtanim ng bulaklak kasama si Mang Elvie kaysa kasama ang demonyong Senyorito. Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy ang paglalakad. Si Hanna ay salita pa rin ng salita pero hindi ko na siya masyadong pinapansin. Pero napaisip ako sa kanyang sinabi. Totoo ba talagang hindi makalat si Senyorito sa kwarto niya? Kasi ganoon din ang sinabi sa akin ni Lola Sima. Pero sa dalawang linggo na paglilinis ko sa kwarto ni Senyorito ay maabutan ko 'tong makalat. Tumitibay na nga ang paniniwala ko na pinapahirapan talaga niya ako. KAHIT anong tuon ko sa pinapanood na video sa laptop ay maaagaw talaga ito ng lalaking nasa likuran ko. Sobra na akong naiilang. Gusto ko ng umalis o sabihin sa kanya na mamaya ko na lang papanoorin ang video pero hindi ko magawa. Pinaupo kasi niya ako sa silya ng study table niya at pinanood ng mga video kung paano gawin ang isang recipe. Nakadukwang, nasa bandang gilid ng mukha ko ang mukha niya at nakatukod ang isang kamay sa mesa at isa nama'y nasa likod ng silya kung saan nararamdaman ng likod ko. Nakakailang. Nakakahiya. Sa lapit niya ay siguradong amoy na amoy niya ang kapanghian ko. "Hey, you're not focusing. Paano mo mali-list down ang kailangang ingredients kung hindi ka nagfofocus?" Para akong pinanlamigan sa pagdampi ng mainit na hangin sa tenga ko. Nahigit ko ang hininga ko. Hinigpitan ko ang pagkahawak sa ballpen at sinulat doon ang nabanggit sa video na ingredient. Parang ayaw pang makisama ng ballpen dahil nagkandamali-mali ako sa pagsusulat. Narinig ko ang mahinang tawa ni Senyorito. Mukhang napansin niya ang nanginginig kong kamay. "Relax. Hindi naman kita kakainin." Aniya at muling natawa. Parang gusto kong itarak sa leeg niya ang ballpen na hawak ko. Pwede naman kasi siyang lumayo. Hindi niya kasi alam kung ano ang epekto ng kinikilos niya. Pinilit ko na lang na ituon ang atensyon sa video. "Tell me Mikko, anong pabango mo?" Natigil ako sa panonood nang muli siyang magsalita. Napatingin ako sa kanya na hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Napatingin din siya sa akin. Napako ang titig namin sa isa't-isa. Nakakamangha talaga ang kagwapuhan ng lalaking 'to. Napakaganda ng kulay abong mga mata. Matataas na pilik nito. Makapal at pormadong kilay. Matangos na ilong. Hugis puso at kulay mansanas na labi. Ang kinis ng mukha na dinaig pa ang sa babae. Ang swerte niya na biniyayaan siya ng ganitong mukha. Ngumiti man siya o hindi ay gwapo pa rin siyang tingnan. Mahuhumaling pa rin ang makakakita sa kanya. Napaiwas ako ng tingin nang ngumisi siya. Ibinalik ko ito sa laptop. Sumikdo ng pagkalakas-lakas ang puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. "You smells good Mikko." Wika pa niya na mas nagpataas ng balahibo ko sa katawan. Kailan ba siya titigil? Sumusobra na siya. Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko alam kung pinagtitripan na naman ba niya ako. Ano namang mabango sa akin? Pawis na pawis nga ako e. May deperensya ba ang ilong niya? Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay natapos ang video. Halos kalahating oras ko ring ininda ang pagkailang. Mabuti na lang nang nasa kalagitnaan na kami ay umupo siya sa kama. Pero iyon lang ay malapit din siya sa pwesto ko. "SENYORITO, pwedeng umuwi muna ako? Magbibihis lang ako ng damit." Paalam ko sa kanya nang mag-aya na siyang samahan ko siya sa bayan. "Huwag ka ng magbihis. Matatagalan lang tayo. Maayos naman ang itsura mo." Saad niya. "Pero Senyorito..." "Fine! Stay here. Manghihiram ako ng t-shirt ni Ysabelle." Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis na siyang umalis at lumabas ng kwarto. Noon lang ako nakaramdam ng hiya. Nagalit ko na naman siya. E nakakahiya naman kasi ang itsura ko. Nakapangbahay lang akong t-shirt tapos maluwang ang tsinelas ko. Nakapaa pa ako. Siya pormado. Kahit kasi nakasando na pinarisan ng pantalon ay maayos pa rin siyang tingnan. Bagkus, mas lalo pa siyang gumwapo. Napailing ako. Puro papuri na lang ata ang naiisip ko sa kanya. Maya-maya'y bumalik siya ng kwarto bitbit ang isang t-shirt, pedal short at pares ng tsinelas. Inilahad niya ang mga ito sa akin na agad kong inabot. "Hindi na daw ito ginagamit ni Ysabelle. Magkasing-laki lang kayo ng katawan kaya kasya 'to sayo. Don't worry, hindi ka magmumukhang katawa-tawa niyan. Go to the bathroom and dress yourself. Bilisan mo." Tumango naman ako at nagmamadaling tinungo ang banyo. Tama nga siya, kasya sa akin ang damit kahit ang pedal short. Sa katunayan ay hindi masikip dahil medyo may laman si Senyorita Ysabelle habang ako ay buto't balat lang. Isinuot ko na rin ang tsinelas. Bago lumabas ng banyo ay napabuntong hininga muna ako. Okay lang kaya ang ayos ko? "See? I told you. Nagmukha ka ng tao." Komento niya nang makita ang ayos ko. Bahagya pa siyang natawa. Sabi ko na nga ba't pagtatawanan niya ako. Napatungo na lang ako. "Ang arte mo talaga kahit kailan. You look good, okay. Let's go." Wika ulit niya at nauna nang lumabas ng kwarto. Muli akong napahugot ng hangin bago sumunod sa kanya. "Lagpas na po tayo sa sentro Senyorito." Puna ko sa kanya nang nagtuloy-tuloy lang ang sasakyan. "I've been there yesterday. Walang masyadong available na kakailanganin nating ingredients diyan. Sa malapit na syudad tayo pupunta." "E malayo po iyon Senyorito." Saad ko sa kanya. "We have a car. Just sit there and shut up." Matigas niyang sabi. Tumahimik na lang ako. Bakit pa kasi ako nagsalita? Tama naman siya na may sasakyan siya kaya mabilis kaming makakarating doon. Pero sa kabila ng nararamdaman ay nakaramdam naman ako ng eksayment dahil makalipas ang isang taon ay makakapunta ulit ako sa syudad na 'yon. Huling punta ko pa doon ay noong isinama ako ni Nanay dahil doon dinala si Aiko noong magkasakit ito. Bumalot ang matinding katahimikan sa loob ng sasakyan. Nakakailang, kaya itinuon ko na lang ang tingin sa labas. Naaliw ako sa mga nakikita ko. Maya-maya'y naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Mukha may nagmensahe. Nang makita ko ang nakarehistrong pangalan sa screen ay napangiti ako. Si Carl. Binasa ko ang laman. Batok, sunduin kita maya. Isasama ko Isko. Magdadala ako ng popcorn at chicharon. Tinugon ko ang mensahe niya. Ilang segundo lang ay muli siyang nagmensahe hanggang sa nag-uusap na kami sa pamamagitan nito. Pinag-usapan namin ang nangyari kagabi. Dahil palabiro si Carl kahit seryoso ang usapan ay napapatawa ako. Tumigil lang ako nang marinig ko ang boses ni Senyorito na tila nililinis ang lalamunan. "Sinong ka-text mo?" Tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Nagdadalawang-isip akong sabihin ang totoo. "Is that the Carl guy?" Tanong pa niya. "Oo Senyorito." "Bakit mo siya ka-text?" Usisa niya. "Nangugumusta lang ang kaibigan ko Senyorito." "Hindi ko binigay ang cellphone sayo para kamustahin lang ang kung sino. Why did you give your number to him?" "Kasi kaibigan ko siya Senyorito." Giit ko at idiniin ang salitang kaibigan. Ang tuwa sanang nararamdaman dahil kahit papaano ay nagkausap kami ni Carl ay parang nawala dahil sa pakikialam ng lalaking 'to. Kung galit siya sa akin ay sana huwag niyang idamay ang mga kaibigan ko. Sumusobra na talaga ang kagaspangan ng ugali niya. "Fine! Makipag-text ka na sa kanya!" Asik niya at muling itunuon ang atensyon sa pagdadrive. Ako naman ay natahimik at hindi na sinagot ang mga mensahe ni Carl. Hanggang sa makarating kami ng syudad ay hindi kami nag-usap. Okay na rin iyon kaysa makarinig ako ng masasakit na salita sa kanya na ikakasama lang ng loob ko. Napawi ang nararamdaman ko nang masilayan ang syudad. Hindi magkamayaw ang mga mata ko sa katatangin sa paligid. Maraming establisyemento, matataas na gusali at mga tao. Dumeretso kami ni Senyorito Yvo sa isang mall. Ipinarada niya muna ang sasakyan bago kami pumasok sa loob. "Are you hungry? Kumain muna tayo. Saan mo gustong kumain?" Tanong niya nang tuluyan kaming makapasok sa mall. Napapansin ko rito kay Senyorito na napakahilig niyang kumain pero hindi naman siya tumataba. Sabagay, araw-araw naman siya nagbubuhat ng barbel. Mayroon silang mga kagamitan doon sa mansyon nila. "Kayo na po ang bahala Senyorito." Gusto ko sanang tumanggi pero baka masabihan na naman niya akong maarte. Atsaka akala ko ba, bibili kami ng kakailanganing sangkap para sa mga lulutuin ko? "Gusto mo ba sa Jollibee?" Tanong niya. Para namang nagningning ang mga mata ko. Doon kami parating kumakain noon ni Mommy. Si Mommy... "Ayaw mo?" Tanong ulit niya. Mukhang napansin niya ang reaksyon ko. "Hindi Senyorito. Doon na lang po tayo kumain." Sabi ko na lang. "Okay." Aniya at nag-umpisa ng maglakad. Mabilis ang naging kilos niya kaya minsan lakad takbo akong humahabol sa kanya. Halos magkandadulas-dulas pa ako. Pinahanap niya ako ng bakanteng pwesto at siya na raw ang bahalang pumila. Sakto namang katatapos lang linisin ng isang crew ang malapit na mesa kaya doon na ako umupo. Tiningnan ko si Senyorito na ngayon ay nasa counter na. Napapansin ko naman ang mga gumagawi ng tingin sa kinaroroonan niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang paghanga. Kahit naman siguro ay hindi maiiwasan na mapatingin sa kanya lalo pa't ganoon ang ayos niya. Mataas din siya at maputi. Mukha ngang artista sa ibang bansa. Nang makuha ang inorder ay agad niya akong hinanap. Itinaas ko naman ang kamay ko. Agad niyang tinungo ang direksyon ko nang makita ako. "Sabihin mo lang kung kulang." Aniya nang mailapag ang tray. Napaawang ang labi ko. Sa dami ng inorder niya, makukulangan pa ba ako nito? Hindi ko rin maintindihan itong si Senyorito. Minsan ang bait niya sa akin. Kung bakit ganito ang pakikitungo niya. Kung hindi lang talaga niya ako sinusungitan ay maniniwala na talaga akong mabait siya. Nag-umpisa na kaming kumain. Tigdadalawa kami ng burger, tig-isang fries at inumin. Isa lang 'yong nakain ko dahil nabusog agad ako. Sa kanya ay naubos niya ang dalawa. "Dalhin ko na lang ito Senyorito. Ibibigay ko sa kapatid ko. Busog na kasi ako." Hayag ko. Tumango siya bilang tugon. Nang matapos ay dumeretso na agad kami sa Supermarket. Binili na namin ang kakailanganing sangkap. Mabilis kaming natapos iyon lang ay natagalan kami sa pila. Alas cuatro nang bumyahe kami pauwi. "Bukas, gawin mo 'yong fruit salad. Pero after lunch mo na gawin." Aniya. "Sige Senyorito." Katulad kanina ay naging tahimik ang byahe. Panay naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang silipin ko ito kanina ay si Carl pa rin ang nagtetext. Mamaya ko na lang sasagutin kapag nakauwi na kami baka ano naman ang sabihin ng lalaking 'to. Lumubog na ang araw nang makarating kami ng mansyon. Agad kong kinuha ang mga pinamili namin at dinala sa kusina. Si Senyorito naman ay dumeretso na sa itaas. Mukhang napagod sa pagmamaneho. "Sa wakas dumating ka na rin. Kanina pa ako naghihintay." Reklamo ni Carl nang makalabas ako sa gate. "Pasensya na Carl. Isinama kasi ako ni Senyorito sa syudad. Hindi na ako nakapagreply sayo. Kinakausap kasi niya ako." Pagsisinungaling ko. "Bakit ka niya isinama sa syudad? Ibig sabihin ikaw iyong kasama niya sa sasakyan niya kanina. Akala namin ni Isko, nagmamalik-mata lang kami. Anong ginawa ninyo dun Batok?" "Huwag ka nga oa Carlito. Isinama lang ako dahil may pinamili siya. Syempre alalay niya ako. Tagabitbit." Giit ko. "Akala ko kasi idinate ka nang gagong 'yon." Napailing ako at sarkastikong tumawa. Iba talaga kung mag-isip ang lalaking 'to. "Sana lang talaga hindi. Iba kasi ang kutob ko diyan sa Yvo na 'yan. Mukhang silahis ang animal." "Uy, huwag kang ganyan Carl. Nag-aakusa ka ng walang basehan. Hindi baliko ang kasarian ni Senyorito ulupong ka. Sa gwapo niyang 'yon, mababakla siya? Imposible!" "Hindi mo nga talaga alam ang nangyayari sa panahon ngayon. Kung makakatira ka lang sa Maynila. Sabagay, hindi pa mulat sa makabagong mundo ang lugar na 'to. Kaya gustong-gusto kong manatili rito e." Nalito ako sa kanyang sinabi. Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Huwag mo ng isipin. Ang mabuti pa umalis na tayo dahil magluluto pa tayo ng popcorn sa bahay niyo." Hindi na ako nakaimik nang hilahin na ako ni Carl. Nakasunod namin sa amin si Isko na natatawa lang. TULAD ng nakagawian, madilim pa lang ay binabagtas ko na ang daan papunta sa mansyon. Pagdating doon ay agad akong tumulong kay nanay sa paghahanda ng almusal. "Mikko, pakitawag nga ng Senyorito Ysmael at Senyorito Yvo mo. Sabihin mo kakain na." Ang utos sa akin ng Donya nang makaupo ito sa mesa. Nandoon na rin ang asawa nito, ang anak na babae at ang matandang Jontaciergo. Agad kong sinunod ang utos nito. Unaahin ko sana ang kwarto ni Senyorito Ysmael nang mapansin ko ang mga ingay galing sa kwarto ni Senyorito Yvo. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Dala ng kyuryusidad ay lumapit ako roon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Senyorito Yvo na nakaharap sa aparador at sinisira ang maayos na pagkakatupi ng mga damit. Natigilan ako. Kaya pala. Kaya pala sa tuwing binubuksan ko ang aparador niya ay parang dinadaanan ito ng bagyo. Sinasadya nga talaga na gawing makalat ang kwarto niya para pahirapan ako. Dahil sa inis ay binuksan ko ang kwarto niya. Agad siyang napalingon sa akin na ikinagulat niya. "Kakain na raw sabi ng Donya, Senyorito." Matigas kong sabi kasabay ang paghigpit ng hawak sa seradura. "Mikko..." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD