"BATOK!"
Imbes na matuwa dahil makalipas ang isang taon na hindi siya nakita ay nainis lang ako. Bakit ba sa dinadami ng pwede niya ibansag sa akin ay 'yon pang pangalan na 'yon.
"Batok" ay isang Ilongo word na ang ibig sabihan ay sunog. Hindi naman ako maitim at mas lalong hindi ako sunog. Mas maitim pa nga sa akin si Isko e. Dapat ito ang tinatawag niyang Batok at hindi ako.
Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Nakasunod naman sa kanya si Isko.
"Kumusta ka na, Batok?" Tanong niya.
"Tigil-tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin ng Batok, Carl. Nakakainis ka naman e."
Napatawa siya ng malakas.
"E sa gusto kitang tawaging Batok, pakealam mo? Bagay naman sayo a?"
"Sunog ba ako ha? E halos magkapantay nga lang ang kulay ng balat natin noon e. Palibhasa kasi pumuti ka lang ganyan ka na kayabang!" Singhal ko sa kanya. Pareho na silang natawa ni Isko. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Kahit kailan talaga napakamainitin 'yang ulo mo. Hindi ka na mabiro." Aniya.
"Ikaw kasi e."
"Sorry na. Sa totoo nga niyan, tama ang sinabi ni Isko. Medyo lumiwanag na ang balat mo." Pagbawi niya at inakbayan ako.
"Ano ba Carl?! Huwag ngayon, ang baho ko pa o. Kagagaling ko lang sa trabaho." Inalis ko ang braso niya pero muli niya itong ibinalik at hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. Dahil sa matangkad siya ay nakulong ako sa kilikili niya. Mabango naman siya pero walang tatalo sa pagiging mabango ni Senyorito Yvo.
Hala! Bakit ko naman isinali si Senyorito Yvo?
Tuloy, bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kahapon.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Ayaw ko namang mag-assume. Imposible pa sa pagkakaroon ng water lily sa gitna ng disyerto na magkakagusto siya sa akin.
Umabot talaga ako sa puntong iyon. Sa kasarian ko pa lang ay napakaimposible na talaga.
"Anong mabaho, ang bango mo nga e. Amoy baby." Nabalik lang ako sa sarili nang magsalita si Carl na kasalukuyang inaamoy ang buhok ko.
"Namiss talaga kita Batok." Sabi pa niya saka ako binitawan sa pagkakaakbay.
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi? Kala ko nalunod ka na roon sa Maynila?" Mataray kong saad. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na namiss ko siya pero neknek niya. Nakakainis kamo siya.
"Matitiis ko ba naman na hindi ka makita?" Nakangising depensa niya.
"'Yon o!" Sabat ni Isko.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Totoo nga. Kaya ko nga pinilit si Mama na umuwi dito kasi namimiss na kita."
"Oo na lang. Kahit talaga kailan napakahilig mo akong pagtripan. Syempre, uuwi ka kasi ganoon naman talaga parati ang ginagawa mo tuwing bakasyon." Pagtatama ko.
"Pambihira ka talaga! Ang hirap mong diskartihan. Ang arte!" Asik niya.
Ako naman ang napatawa. Syempre alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Ayaw ko lang paniwalaan dahil kilala ko siyang mapagbiro.
"Sabi ni Isko, ikaw daw 'yong tagalinis ng kwarto ni Yvo?" Pagkuway tanong niya.
Napatango ako.
"Hoy Batok, sinasabi ko sayo, huwag kang magkagusto dun sa Yvo na iyon ha. Katulad 'yon ni Ysmael na maloko. Mga babaero iyon doon sa Maynila."
Kahit hindi niya sabihin ay alam ko ang tungkol doon.
"Napakagago nga ng Ysmael na 'yon e. Alam mo bang nakabuntis iyon pero ideny niya lang. Syempre, gamit ang pera nila nagawa nilang lusutan iyon. Kawawa nga ang babae e, iyak ng iyak. Classmate ko pa naman iyon."
Nagulat ako sa ipinahayag ni Carl. Hindi ko inaasahan na magagawa iyon ni Senyorito Ysmael. Mabait naman ito.
Sabagay, baka mali lang ang pagkakaalala ko rito. May alam din si Carl tungkol sa magkakapatid dahil nasa iisang paaralan lang sila pumapasok. Gawa ng kanyang ina kung bakit nakapasok siya sa isang paaralan kagaya ng pinapasukan ng magkapatid na Jontaciergo.
Iniba na ni Carl ang topiko matapos niyang ipaliwanag ang nangyari. Pinag-usapan namin ang mga nangyari sa amin sa loob ng isang taon. Umalis na rin kami kung saan sila nag-abang sa akin 'di kalayuan sa labas ng malaking gate ng mansyon ng Jontaciergo.
DAHIL linggo bukas at day off ko ay gumala kami nina Isko at Carl sa bayan. Unang beses kong makapag-day off simula nang mamasukan ako. Noong nakaraan kasi ay ilang araw pa lang ako sa trabaho kaya hindi ako nabigyan nito. Nagpapasalamat naman ako ng malaki dahil makakawala ako sa anino ng kahit isang araw mula sa demonyo kong amo.
Sakto namang walang trabaho si Koray kaya nakumpleto ang barkada. Dahil si Carl ang mapera sa amin ay siya ang gumastos ng lahat ng kinain namin. Wala naman kaming naging problema sa sasakyan dahil ipinuslit niya ang multi cab na pagmamay-ari nila.
Pumunta kami sa perya at sumakay ng mga rides. Naglaro na rin ng mga laro na may premyo. Pag-uwi tuloy namin ay marami na kaming bitbit tulad ng mga chichirya at mga softdrinks kung saan dinala namin sa paborito naming tambayan. Isang bahagi ng bukirin sa bayan namin. Hindi na rin sumama si Koray dahil pinapauwi na siya ng kanyang tiya kaya kaming tatlo na lang ang tumambay doon.
Paborito naming gawin dito ay umakyat sa isang puno ng ipil-ipil. Nakapahalang ito kaya kung hindi ka kakapit ng maayos malamang sa paanan ka na ng bukid pupulutin.
"Alam niyo, kung hindi lang dahil kay ate ay mas gugustuhin ko pang mag-aral dito sa atin para makasama kayo parati. Mahirap kasi makahanap ng totoong kaibigan doon sa Maynila. Kada taon na lang ay iba-iba ang mga nagiging kaibigan ko. Mahirap din kasi kapag wala kang kasama roon, mukha kang kaawa-awa lalo na sa paaralan namin. Halos lahat pa naman ng mag-aaral doon ay mayayaman. Nakikipagkaibigan na lang ako for the sake na may matatawag na kaibigan dahil kailangan mo maging kabilang sa kanila. Hindi iyong makikipagkaibigan ka kasi gusto mo talaga silang maging kaibigan." Seryosong saad ni Carl habang nakatingin sa malayo.
"Alam mo Carl, nakapag-Maynila ka lang, ang drama mo na." Ang natatawang sambit ni Isko sa kanya. Tinapunan naman niya ito ng laman ng chichiryang hawak niya.
"Uy, sayang 'yong pagkain o. Aba Carl, porket mapera na kayo, nagsasayang ka ng pagkain?" Saway ko sa kanya.
"Grabe kayo, pinagtutulungan niyo talaga ako. Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Kaya nga ako umuwi kasi gusto ko kayong makasama at dahil kayo na lang ang tunay kong mga kaibigan tapos gaganituhin niyo lang ako." Kunwaring nagtatampo niyang sabi.
"Hoy, wala akong kinalaman diyan ha? Ang akin lang, sinasayang mo 'yang pagkain." Depensa ko.
"E iba ang dating sa akin e. Tapos sayo pa nanggaling. Doble ang sakit." Sabi pa niya at hinawakan ang dibdib na kunwaring nasasaktan.
Kumuha ako ng bunga ng ipi-ipil at tinapon iyon sa kanya. Sapol siya noo. Napahiyaw siya sa sakit. Namula ang noo niya lalo pa't matulis ang magkabilang dulo nito.
"Sadista ka talagang Batok ka! Kung hindi lang kita ma---kung hindi lang kita kaibigan, baka tinulak na kita!"
"Sabi nang itigil mo na ang pagtawag sa akin ng batok e. At bagay 'yan sayo Carlito!" Sabi ko at napangisi lalo pa't bumusangot ang mukha niya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa buong pangalan niya katulad na lang sa bansag niya sa akin.
"Isko o, inaaway ako ni Iko. Tingnan mo, parang nagkasugat pa ang noo ko." Parang batang sumbong niya kay Isko sabay pakita ng noo niya na wala naman talagang sugat.
Napatawa lang si Isko. "Para kamong bata Carl. Huwag mo kasing binubuska iyang si Iko. Kahit maliit 'yan, kaya ka niyang patumbahin."
"Wow! Nagsalita ang matangkad."
"Atleast, matangkad ako sayo ng kaunti." Depensa ni Isko. "Atsaka mas maganda naman ang katawan ko kaysa rito kay Carlito."
"Sabi ng huwag niyo akong tawaging Carlito e!" Sa inis ni Carl ay tinapunan niya kami ng bunga ng ipi-ipil. Gumanti kami ni Isko sa kanya kaya nagtapunan kami ng mga ito. Tumigil lang kami nang tumunog ang kinauupuang sanga ni Carl na parang mababali. Kaya nagmamadali kaming bumaba ng ipil-ipil.
Magtatakip-silim na nang magdesisyon kaming umuwi. Una naming inihatid si Isko dahil siya ang may pinakamalapit na bahay na madadaanan namin. Nang kaming dalawa na lang ni Carl ay naging tahimik ang byahe. Pero maya-maya ay bigla siyang nagsalita.
"Batok."
"Sabi ng huwag mo akong tawagin ng ganyan e." Singhal ko sa kanya.
"Hayaan mo na kasi ako. Gusto ko ako lang ang naiiba sa pagtawag sayi. Nga pala..." Binuksan niya ang box na nasa harap namin at may kinuha roon. "O, 'yong promise ko sayo. Be lated happy birthday."
Nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Hala Carl. Hindi ko matatanggap 'yan. Mukhang mahal 'yan o." Sabi ko sabay balik nito sa kanya. Isang kahon na ang laman ay cellphone.
"Tanggapin mo na kasi. Mura na nga 'yan para tanggapin mo. Tsaka magagamit mo 'yan sa pag-aaral mo. At syempre, makakausap na kita araw-araw kapag nasa Maynila na ulit ako."
"Pero Carl..."
"Please Mikko, tanggapin mo na. Kahit na lang diyan hindi mo ako marereject." Makahulugang wika niya.
Napatitig ako sa kanya. Hinihintay ko na bumakas sa mukha niya ang biro pero wala akong nakita. "Magkaibigan tayo Carl."
"Alam ko kaya hindi ko na lang pinipilit kasi kapag sinabi ko na 'yon sayo, biro lang din ang magiging dating sayo." Seryosong saad niya.
Hindi ako umimik. Hindi na rin siya nagsalita.
"Buksan mo na. Tuturuan kitang gumamit niyan." Maya-maya'y wika niya. Nahihiya man ay sinunod ko ang sinabi niya.
Namangha ako nang makita ang cellphone. Ito ang unang beses na magkakaroon talaga ako ng ganito. Nakikita ko lang ito sa mga gamit ni Senyorito Yvo.
"Huwag mo ng tangkain na ibalik sa akin 'yan. Don't worry, mayroon din niyan si Isko at Koray. Bukas ko na lang ibibigay 'yong sa kanila. Nag-ipon talaga ako para maibili ko kayo niya para kahit papaano ay makakausap ko kayong tatlo. Pero syempre, mas mahal 'yang sayo dahil espesyal ka sa akin. Naks!"
"Ang ganda. S-Salamat."
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha.
Habang nagmamaneho siya ay tinuro niya sa akin kung paano gamitin ang cellphone. Dinidikta niya lang ang pagtuturo at ako ang gumagawa. Mabilis ko lang natutunan dahil kahit papaano ay may nalalaman ako rito. Mayroon kasi siyang lumang bersyon noon ng touch screen na pinapahiram niya sa amin.
"Ang talino mo talaga Batok. Ang bilis mong matuto." Komento niya noong ako na ang bumubutingting sa cellphone.
"Hala Iko, bakit may sasakyan kayo sa harap ng bahay niyo? Huwag mong sabihin nangangarnap kayo?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Napaangat ako ng tingin at nakita ang sasakyan na tinutukoy niya sa harap ng bahay namin.
Inihinto na rin niya ang multicab 'di kalayuan sa bahay.
"Hindi amin 'yan e. Hala!" Sigaw ko nang maging pamilyar sa akin ang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko.
"Sasakyan 'yan sa mansyon!"
"Sa mansyon 'yan? Bakit nasa bahay niyo? Hala, ninanakaw mo?"
Dahil sa inis ay nabatukan ko siya.
"Gago ka ba? Mukha ba akong magnanakaw? Marunong din ba kaming magneho niyan?"
"Oo nga pala. Kariton lang pala ang alam imaneho." Aniya at napahagikhik.
"Ewan ko sayo."
Bumaba na ako ng jeep at nagmamadaling pumunta sa bahay. Hindi ko na nilingon si Carl dahil alam kong nakasunod siya sa akin. Sa bawat hakbang ko naman ay dumadagundong ang dibdib ko sa kaba.
Hindi kaya'y... Hindi! Ano namang gagawin niya rito?
Nasagot ang tanong ko nang makita ko si Senyorito sa loob ng bahay namin at kaharap ang kapatid kong si Aiko at si Tatay.
Napaawang ang labi ko.
Napatuon naman ang atensyon niya sa akin at kay Carl na nooy nasa likuran ko.
"Kuya! Nandito si Kuya Yvo! Kanina ka pa niya hinahanap!" Nakakilos lang ako ng maayos nang lumapit sa akin ang kapatid ko.
Lumapit ako kay Tatay at nagmano. Nagmano rin sa kanya si Carl.
"Magandang gabi po Tiyo." Wika ng huli.
"Kailan ka lang umuwi Carl? Kumusta ka na?"
"Kahapon lang ho at ito, nagbabakasyon dito sa atin."
"A-Anong ginagawa niyo rito Senyorito Yvo?" Tanong ko sa kanya na prenting nakatingin kay Carl.
Bumaling siya ng tingin sa akin.
"You didn't informed me na day-off mo pala ngayon. Parang tanga akong naghintay na may maglilinis ng kwarto ko kanina. Nalaman ko lang nang magtanong ako kay Yaya Sima." Sagot niya sa malalim na boses.
"Sa pagkakaalala ko po nasabi ko iyon sa inyo kahapon." Paliwanag ko.
"Wala akong naalala." Giit niya.
"Pumunta din siya dito kanina Kuya pero wala ka naman at sinabi kong kasama mo sila Kuya Carl at Kuya Isko." Sabat ni Aiko.
"Gusto ko sanang magpasama sayo sa bayan pero hindi na kita naabutan kasi may kasama ka na pa lang iba." Segunda ni Senyorito na nakatitig na ngayon kay Carl. Sa pamamaraan ng titig niya ay parang sinusuri niya ang pagkatao ng kaibigan ko.
"Pasensya na Senyorito. Hayaan niyo bukas, sasamahan ko kayo."
"Huwag na. Just be early tomorrow dahil may ipapagawa ako sayo."
Kinalabit ako ni Carl at binulong na aalis na raw siya. Magkita na lang daw kami bukas ng hapon pagkauwi ko galing sa trabaho. Nagpaalam din siya kina Tatay, Aiko at kay Senyorito Yvo.
"He's familiar." Wika ni Senyorito nang makaalis na si Carl sa bahay.
"Schoolmate niyo siya Senyorito."
"O." Iyon lang ang lumabas sa bibig niya.
"Mag-usap muna kayong dalawa anak. Kami na ang bahala ni Aiko na magluto Iko. Senyorito, dito ka na kumain ha." Ani Tatay.
"Sige ho." Magalang niyang sagot. Umalis na ang dalawa at tinungo ang kusina. Umupo na rin ako sa mesang kinauupuan ni Senyorito Yvo.
"Pasensya ka na sa bahay namin Senyorito. Maliit lang po at marami pong lamok."
"Don't bother." Sagot lang niya.
"Tell me. That guy named Carl, is he your friend?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
"Kababata ko po."
"I don't like him." Prangka niyang sagot.
"Mabait naman po si Carl. Hindi niyo pa siya nakilala." Mahinang depensa ko. Sa loob-loob ko ay naiinis na ako sa kanya. Kung makapagsabi siya tungkol kay Carl.
"I don't care. Hindi ko siya gusto. Tell me do you have a relationship with him?" Mabilis akong tumanggi. Bakit niya naman iyon nasabi?
"Tulad nga ng sabi ko, magkakabata kaming dalawa Senyorito."
May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya naituloy pa. Mabuti naman kung ganoon.
"Nag-abala pa kayong pumunta rito Senyorito. Pwede niyo namang bukas na lang sabihin. Atsaka maaga po akong pumupunta sa mansyon dahil tumutulong ako kay Nanay sa pagluluto."
"I came here also to personally give you this." Aniya at may kinuha sa tabi ng upuan niya.
Isang cellphone?
"I want you to have this para mas madali kitang matawagan kapag may kailangan ako."
Tinitigan ko lang ito.
"Hindi ko matatanggap 'yan Senyorito, mayroon na po ako." Sabi ko sabay pakita ng cellphone mula sa bulsa ko. "Bigay po 'to ni Carl."
Magsasalita na sana si Senyorito nang marinig ko ang boses ni Carl na kakapasok lang sa bahay. "Batok! 'Yong box at charger naiwan mo sa multicab." Anito at lumapit sa akin at binigay ang kahon at charger.
"Malayo na ako nang mapansin ko 'yan." Hayag niya. Napatingin naman siya sa cellphone na nasa gitna ng mesa.
"Ibalik mo sa kanya ang cellphone at itong akin ang gamitin mo." Sabat ni Senyorito na seryoso pa rin ang boses.
"Bakit naman niya isasauli ito sa akin e binigay ko 'to sa kanya?" Mariing wika ni Carl. Nagsukatan sila ng tingin. Namuo ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"You will get your cellphone back or I will destroy it? Choose." Banta pa ni Senyorito.
"Kung ang cellphone mo kaya ang sirain ko?" Banta rin ni Carl.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila.
***