CHAPTER 6 — STRAWBERRY SCENTED 2

2727 Words
Christian's POV "*batok kay Richard* Pasalamat ka yan lang maigaganti ko sayo! Loko ka talaga!" Alam ko naman na ako ang tinutukoy ng Richard na yun. "Bakit ba? Apektado ka? Sus! Gusto mo rin naman. Tsk!" Richard "Isa pang asar mas malala pa sa batok ang sasapitin mo" "Tsk! Awan daw." Takot ka naman pala. "Hi guys, good morning Christian." Sugar "Tsss." "Guys, ano nangyari kay Christian? Is there something wrong? Ininis ka na naman ba nung pesteng Yassie na yun? Huh?" Sugar "Tsk! Never mind." "Good morning class." mam " Good morning mam." *After 55 minutes* Wala akong naintindihan sa lesson. Tsss. Katamad. "Okay, for your assignment, go to the library and search for the article..." Tsk! Article na naman! Pinakayoko sa English. Nakakatamad basahin. Tapos magsasagot ng mga tanong tungkol sa article na binasa! I hate that. *kkkrrriiinnggg* "Okay, class dismissed. Goodbye class." Saka na umalis si mam. Break time. Tsk! Maisasakatuparan na namin yung plano. Nang patayo na kami, bumalik si mam. "Uh, John, Sheena, come with me. May ipapakuha ako." "Uh , yes mam." Sheena and John Tssss. Kung siniswerte ka nga naman. "Ano, Christian? Handa ka na?" Roy "Let the game begin." This is really exciting. Makakaganti na rin kami sayo, Yassie. Humanda ka na. Yassie's POV "Sige na, Yassie. Mauna ka na sa canteen. Sunod na lang kami." Sheena "Sure kayo?" me "Oo naman. Baka kasi maagawan na naman tayo ng pwesto kaya magreserved ka na. Okay?" Sheena "Tsss. Sige, sige." "Ingat ka sa daan. Baka mapano ka." John "Aye-aye, captain!" me with matching salute. Tsk. Baliw. "Hahaha! Sige. Una na kami, Yassie. Baka iniintay na kami ni mam." Sheena "Sige. " me, at naghiwalay na kami ng mga landas. Hayst! Sana nga di ako madisgrasya sa daan. Habang naglalakad ako papuntang canteen, napatigil ako. Tsk! I hate strawberry! Allergic ako dun! Para kasing may naaamoy akong pabango na strawberry scented. Tsk! Ayoko talaga nun! "Yassie." Christian, kasalubong ko. Kasama nya barkada nya. At habang lumalapit sila, lalo kong naaamoy yung strawbeerrryy—sa kanila ba galing yun!? "Ano na naman ba?" Medyo parang nakakapanghina. Ayst! Kahinaan ko'to ehh! "Tsss. Ano? Bakit? Parang antamlay mo ata?" Christian Hindi ko na talaga kaya. Aalis na ako. Nasusuka na ako! Urgh! Nang paalis na sana ako, hinarang ako ni Christian. "Alam mo, ambango talaga nito." Christian, sabay labas ng bote, yun ba yung pabango? Ayst! Nagspray pa sya, dahilan para mas maamoy ko yung pabango. Wwwaahh! Nakakahilo na talaga yung amoy! "Padaanin mo nga ako!*ubo*ubo*" Nahihilo na ako! Goosshhh! Tsk! Bwisit! Ansakit na ng ulo ko! Urgh! "Bakit baga? Kabango bango ayy, ohh." Christian, sabay spray na naman nung pabango. Urgh! Letse! Tumalikod ako para sana bumalik na lang ng room, pero pinalibutan na ako nung lima pa. Waaahhhh!!!! Lahat sila may hawak na pabango na tulad ng kay Christian!! Pinlano ba nila to!? "Hoy—kayo ahh—hindi na ako nakikipagbiruan—sa inyo! Itigil nyo na yan kung ayaw nyong.." Urgh! Ansakit na talaga!! Yung amoy nung pabango, parang naglalakbay sa buong sistema ko at unti-unting sinisira ang katawan ko! "Yassie, alam mo, paborito namin to *spray*"-Richard "Oo nga, kaya ibibili ka namin ng maraming ganito para magustuhan mo rin. hahahaha*spray*" Joshua "Oh guys, sabay sabay tayo!" Christian Itinaas nila yung hawak nilang pabango. "One, two, three, spread the scent! Wooohhh!!" Christian, sabay spray nila nung pabango papunta sakin. Hindi ko na talaga kaya. Nahihilo na talaga ako. Pakiramdam ko, babagsak na ako. Napahawak ako sa ulo ko, tapos napaluhod na ako sa sobrang hilo. Huhuhuhu! Napapaiyak na ako dahil sa sobrang hilo! huhuhu! "Aaww, si Yassie, nagdadrama. hahahaha! Best actress ang aktingan!" student Mga wala silang puso! Di man lang ako tulungan! Sa tingin ba nila nagbibiro ako sa ganitong lagay? "Yassie, aba, tayo! Di ka dyan pwedeng matulog! Hahaha!" Christian A-ansakit na talaga. A-ansakit. An--sa--kit-- "Jo--Jordan..." *black* Christian's POV Bigla kong nabitawan ang pabango na hawak ko nang makita ko si Yassie na natumba. Tsss. Jordan. Paki ko ba! Lumapit ako sa kanya. Yassie, sabihin mo na nagbibiro ka lang. "Yassie, Yassie! Hindi magandang biro yan, Yassie!" sabi ko habang niyuyugyog ang balikat nya. Hindi sya nagalaw. Shit! "Yassie, hoy, Yassie! Bumangon ka nga!" me, pero di pa rin gumagalaw. Lumapit na rin sina Joshua. "Guys, kailangan na natin syang dalhin sa clinic." sabi ko kina Joshua. *dub-dub*dub-dub*dub-dub* Eto na naman to! Tsk! Kinakabahan na ako. Paano kung napasama si Yassie!? Tsk! Kami ang lagot, sigurado! Ayst! Sinimulan ko nang angatin ang ulo nya para mabuhat ko sya. "Yassie!!! " Jordan. Kunwari concern. "Get your dirty hands off her!" Jordan, sabay tulak sakin, dahilan para mapaupo ako sa semento. " Yassie, Yassie, please wake up." Jordan, tinatapik nya nang mahina ang pisngi ni Yassie habang nakaalalay yung kaliwang kamay nya sa ulo ni Yassie. "Jordan, dadalhin na namin sya sa clinic." Joshua "Back off! Pagsisisihan nyo pag may nangyaring masama sa kanya. Lalo ka na, Christian! Damn it!" Agad nyang binuhat si Yassie, at tumakbo, sigurado papunta yung clinic. "Grabe! Ibang klase talaga ang Jordan na yun." Joshua, habang inaalalayan akong tumayo. "Tsss. Sino ba sya? Boyfriend ba sya ni Yassie? Kung makaasta ewan!" Richard "Tsk! Kawawa talaga si Yassie." Jerome "Mas kawawa tayo. Ano? Handa na ba kayo para sa suspension?" Roy "Tsss." me Bwisit! Letse! Sheena's POV "Hay! Kagutom na! Nakaorder na kaya yun si Yassie?" tanong ko kay John. Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen. "Tsss. Si Yassie pa." Sa gitna ng paglalakad namin, "Tabi! Tabi!" Boses yun ni Jordan. Ano na naman bang problema nitong timer na to? Nakita namin sya, mabilis na tumatakbo, sa may direksyon namin sya papunta, at, may karga syang girl. Sino ba yun? Medyo malayo pa kasi sa ngayon. Wag naman sana si Yassie. Habang papalapit sya nang papalapit, hala! Unti-unti kong narerecognize kung sino buhat-buhat nya. OMG! Si Yassie ba yun? Kakasabi ko pa lang na sana di yun si Yassie ehh! Nang magkalapit na kami, hinarang ko si Jordan. "Jordan! Ano nangyari kay Yassie!? Huh!?" agad kong tanong. Bakit wala syang malay!? "Sheena, ipa-guidance mo sina Christian, silang lahat. Sila ang may gawa nito." "Ano!? A-ano ba nangyari!?" "Basta! Dadalhin ko si Yassie sa clinic, as soon as possible. Kaya pumunta ka na sa Guidance." Jordan sabay takbo ulit papunta ng clinic. Ayst! Ano ba nangyari!? "Tara na, Sheena!" John "Ta-tara." Agad na kaming tumakbo papunta ng guidance. Waahh! Naguguluhan na naman ako! Yassie, ano ba nangyayari? *Skiptime* *Settings: Guidance Office* "Mam, good morning po. May irereport lang po sana kami." sabi ko. Kinakabahan ako ehh! Paano kung, palabas lang ang lahat ni Jordan tapos ibinaling lang kina Christian? Tsk! Ano ba tong iniisip ko!? "Ok. Go on." mam "Mam, irereport lang po sana namin sina Mr. Christian Concepcion." John "Hanggang ngayon sila pa rin? Oh, ano nang problema tungkol sa kanila?" "Mam, about sa bullying na ginagawa nila kay Yassie Mandigan." me "Yassie Mandigan? Diba mayroong same case na naganap last year sa pagitan nina Christian at Yassie?" mam "O-opo, mam. And as much as possible po sana, di po ito malaman ng parents nya." me "Bakit naman? Kailangang malaman ng parents nya na hanggang ngayon binubully pa rin sya. Besides, nasa rules yan ng school." "Mam, please. Nakikiusap po kami. Hindi po ito pwedeng malaman ng parents nya, mam." "Bakit ba hindi ito pwedeng malaman ng parents nya, Sheena?" "Ah, mam, kasi po—" "Mam, yun lang po irereport namin. Tatawagin na po ba namin sina Christian?" John "Hmm, sige. John, tawagin mo na sila. Sheena, mag-uusap tayo." Tumayo na si John. Hala! Baka pag-usapan namin ni mam yung tungkol sa kaso sa pagitan ni Yassie at ng parents nya!Huhuhu! Ano gagawin ko? Magsisinungaling ba ako para sa kapakanan at sa hiling na rin ng kaibigan ko, o, magsasabi ako ng totoo na pwedeng ikagalit sa akin ni Yassie? Waaahh anhiraapp! Christian's POV *Settings: Room* "Guys, paano kung ipinaguidance na kayo ng Jordan na yun?" Sugar, sabay akbay sakin. Nagtatanong lang kailangan pang mang-akbay. Tsss. Parang ako ang nahaharass. "Kung ipapaguidance naman kami ng Jordan na yun, haharapin namin yun." sabi ko sabay tanggal ng kamay ni Sugar sa balikat ko. "Guys, ano gimik natin habang nasa suspension tayo?" Roy "Loko ka! Iniisip mo pa talaga ang gimik ngayon! Syempre ayokong masuspend! Gegerahin na ako ni dad sa bahay!" Richard "Tsss. Suspension for one week. So be it." Pahinga ko na rin. Tsk! First week of school pa lang pero ampagod na talaga! Kung pwede lang na huminto na ako sa pag-aaral. "Joshua, Christian, Roy, Richard, Jerome, Aldrin, kailangan kayo sa guidance office." John, sabay alis din. Ayan na. Suspension is coming. "Guys, mamimiss namin kayo." Richard, sabay tayo at kaway pa sa iba pa naming classmates. "Richard, di kayo masuspend, nararamdaman ko." Joey, classmate namin "Oo nga. Manalig ka." Kyle "Mga baliw." me "May sinasabi ka, Christian?" Kyle "Mga baliw talaga kayo." "Ayy! Sana masuspend kayo! Hahahaha! Joke lang." Kyle Tsk! Suspension, huh!? Nakakaexcite. Jordan's POV *One message received* [Jordan, nasan ka ba? May naghahanap sayo, Thea ang pangalan.] Ayst! Kamalas naman oh! Tsk! "Danny, nandito ako sa clinic. Sinasamahan ko dito etong si Yassie." *sent* *One message received* [Aba, aba, may change of heart bang nagaganap? Anong nangyari? Bakit nandyan yan sa clinic?] "Tsss. Gustong gusto ko na ngang umalis dito, nakakainip! Pero di ako pinaalis nung nurse. Bantayan ko daw muna ito dito." *sent* *One message received* [Tumawag ka na lang kaya! Nakakapagod magtype!] "Bawal. Nandyan pa ba si Thea?" *sent* *One message received* [Oo. kanina pa ito dito.] Tsk! Naman oh! "Uh, Jordan?" Nagising na din sa wakas! "Danny, Maya na lang ulit. Gising na si Yassie. Sabihin mo kay Thea magkita kami mamayang uwian ng hapon sa carenderia ni manay Pona." *sent* Tsss. Malas! Yassie's POV Hmm. Nararamdaman ko na ulit yung katawan ko, hanggang sa unti-unti ko nang naimulat ang mata ko. Agad kong nakita si Jordan na nakatayo sa may pinto, pero nakatalikod sya sakin, tapos parang may tinataype sya sa cp nya. "Uh, Jordan?" Di sya agad humarap. Baka mahalaga yung kausap nya. Hinayaan ko na muna. May kabutihan naman pala tong si Jordan, kasi sya pa nagdala sakin dito, samantalang sina Christian di man lang naisipan na dalhin ako dito. Saka, bakit naman nila gagawin yun? Ayst! Sa gitna ng pag-iisip ko, nabigla ako nang hawakan ni Jordan kamay ko. Napatingin ako sa kanya nang deretso. "Yassie, okay ka na ba? Tawagin ko ba si nurse? May masakit ba sayo?" Napangiti na lang ako. Tsss. Sinong mag-aakala na ang dating lalaking tinitingnan ko lang mula sa malayo ehh nasa harapan ko na ngayon at inaalagaan ako? Hayst! Ansarap sa feeling! "Ano yang ngiti na yan? Maganda ba ibig sabihin nyan?" "Hehehe. Jordan, okay na ako. Salamat." "Buti naman kung ganun." Ngumiti sya. Ang cute nya tlaga! Unti-unti kong iniangat yung katawan ko para makaupo, at tinulungan ako ni Jordan. Hay! Sweet naman! "Hehehe, salamat Jordan. Saka, paano mo nalaman yung tungkol dun kanina?" "Papunta sana ako ng canteen, tapos nakita kita na nakahiga na dun at walang malay. Tapos nakita ko pa sina Christian na binabato ka ng mga papel habang wala kang malay, kaya ako na ang nagdala sayo dito, tutal wala namang ibang tumutulong sayo." Binabato pa ako ng papel habang wala akong malay? Huhuhu! Nakakainis na talaga sila! "Jordan, salamat ahh. Buti na lang dumating ka. Nakakainis na kasi talaga sina Christian. Buti nga nagawa ko pang magising. Akala ko katapusan ko na kanina." "Yassie, wag mong sabihin yan. Di mo pa katapusan kasi liligawan pa kita." Huuhh?? A-ano kamo?? Liligawan?? Naku! Sinundot ko magkabilang tenga ko. Baka nagkamali ako ng dinig. "Ano ginagawa mo?" "Hehehe. Baka may naiwan kasing tuli kaya baka nagkamali ako ng dinig." "Bakit? Ano ba pagkakarinig mo?" "Na, di ko pa katapusan kasi, liligawan mo'ko. Diba mali?" "Paano kong totohanin ko iyon? Papayag ka ba?" Napaisip ako sa tanong nya. Syempre, gustong gusto ko, pero, alam ko rin naman na, marami na tong pinaiyak na babae kasi, timer 'to. Naalala ko lang din kasi yung mga bilin nina Sheena. Paano na ba? "Yassie, gusto ko lang malaman mo na, iba ka sa mga nakilala ko. Ikaw lang ang nagparamdam sakin ng, kakaiba. Bumibilis t***k ng puso ko pag nandyan ka, hindi ko maiwasang isipin ka pag uuwi ako. Tsss. Kahit kailan di ko pa naranasan yung ganung pakiramdam, ngayon lang, at sayo yun , Yassie." Nakatingin lang ako sa mga mata nya habang nagsasalita sya. Sya kasi titig na titig lang din sakin. Yung mga mata nya, ampupungay, parang nagsasabi talaga sya ng totoo. "Yassie, tutal magkasama na rin naman tayo ngayon, hindi ko na aantayin na mag lunch break pa. Yassie, pwede ba kitang ligawan?" muli niyang tanong. Sheemmss! "Jordan, seryoso ka!?" "Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?" Timer ka daw kasi saka manloloko. Pero, gusto talaga kita ehh. Ano ba? Isip o puso? "Yassie, Hindi kita lolokohin. Totoo na to." "Uh, Jordan..." Christian's POV "Ano, pre? Kumusta kamay mo? Sakin namumula na." Joshua Nandito kami sa canteen, specifically sa kitchen, naghuhugas ng mga pinagkainan. Tsk! Bakit kasi hindi na lang suspension! *Flashback* "Instead of suspension, magsasagawa na lang kayo ng school service for the whole day. Christian and Joshua, you will be assign in canteen, Roy and Richard, sa school ground, and Aldrin and Jerome, sa library. Alam nyo naman ang ginagawa pag nag i-school service kaya I'll not explained it further. Understood?" mam "Mam, bakit hindi na lang po suspension? Ok lang naman po samin yun." Joshua "At marunong ka pa sakin, Mr. Veneracion. Pasalamat kayo hindi na kayo masususpend, at hindi na rin nalalaman ng mga magulang nyo ang kalokohang ito!" "You'll not gonna tell this to our parents?" me "Tsss. Pasalamat kayo kay Sheena, dahil sa kanya hindi kayo masusupend, at hindi rin kayo mapapalayas sa mga bahay nyo." Napatingin kami kay Sheena. At seryoso rin ang tingin nya samin. Bakit mo ginawa yun, Sheena? "Ok, go to your assigned tasks. Sheena, go to your room. I'm counting on all the six of you. Understood?" "Tsss...yes mam." kaming lahat, sabay tayo namin at labas ng guidance. "Sheena, bakit mo ginawa yun?" me "Christian, ginawa ko yun, hindi para sa inyo, para kay Yassie yun. Kaya wag kang assuming." Para kay Yassie? Bakit? *End of Flashback* "Sana talaga suspension na lang, kesa namn naghuhugas tayo ng mga plato dito." me "Nakialam pa kasi yung Sheena na yun. Tsk!" "Isa pa yung Jordan na yun. Akala mo kung sino." me "Ayst! Dapat ikaw ang kasama ni Yassie sa clinic ngayon. " Joshua "Bakit ko namn gagawin yun?" "Christian, gagawin mo na nga sana, kaya lang nakialam yung asungot. Aminin mo, nag alala ka kay Yassie, noh? Kung makayugyog sa balikat ni Yassie kanina ehh." "Kaya ko lang naman nagawa yun kasi, natakot lang ako na pag may masamang nangyari sa kanya, syempre tayo ang mapagbibintangan, baka makulong pa tayo." "Yun lang ba? Dahil sa atin o sadyang ikaw lang talaga?" "Ang ano?" "Wag na nga. At least nag-alala ka sa kanya. Hahahaha." "Bakit nyo ba ipinipilit yang bagay na yan? Wala nga akong gusto sa babaeng yun! Kulit nyo rin eh!" "Bahala ka. Pero paaalalahanan lang kita. Alam mo, kapag pinipigil ang nararamdaman, lalong lumalalim. Kaya, wag mo yang pigilan. Ilabas mo yan." Tsss. Pigilan. Wala akong pinipigilan. Bwisit naman! "Kayong dalawa, kanina pa kayo dyan. Dalian nyo na at gagamitin namin yang mga plato." isa sa mga tagaluto. "Hayst! Dalian na nga natin. Tsk! Di ko akalain na maghuhugas ako ng pagkarami-raming plato. Di 'to nababagay sa kapogian ko." Joshua "Isara mo kasi yang bibig mo nang mabilis kang natatapos." Sheena's POV Kumusta na kaya si Yassie? Doble pa pag-aalala ko, kasama nya yung timer na yun. Tsk! Baka kung ano-anong kabolahan na naman ang sinasabi nun sa best friend ko. Si Yassie pa naman, mabilis maniwala, dagdag pa yung pagkakagusto nun dun sa letseng yun. Napatingin ako sa may pinto, at nakita ko dun si Yassie na nakatayo, katabi si Jordan. "Sino teacher?" tanong nya, pero walang boses. Pero halata naman sa tanong nya na yun yung sinabi nya. "Mr. Shin," reply ko naman, wala ring boses. Naku!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD