CHAPTER 32 THREAT Yassie's POV Matapos ang discussion ay kasunod na ang break time. Kaagad kong iniligpit ang mga gamit ko para sana makatakas mula kay Zackiel na buong lesson proper ay walang imik. Tumayo s'ya sakbat abg kaniyang bag, at akala ko aalis na s'ya pero tumayo lang s'ya sa tabi ko. Medyo binagalan ko ang paglalagay ng ballpen sa bag dahil pinapakiramdaman ko s'ya. And, yeah. Mukhang hinihintay nga n'ya ako. "Yassie, mauna na muna ako ha?" biglang pagpapaalam ni Sheena na bigla kong ikinalingon sa kan'ya. Pero too late. Nakaalis na s'ya sa puwesto n'ya. Waaaa anong nangyari?! Samantala, may biglang humablot ng bag ko na ikinalingon ko naman doon. "Urgh! Bitawan mo nga bag ko Zackiel!" bulyaw ko sa kan'ya. Kami nalang naman ang tao rito. Pero sa halip na sagutin ako ay is

