CHAPTER 31 TENSION Yassie's POV Kapwa kami nakaupo ni Zac kasama ang mga magulang namin. Magkaharap ang families namin sa dining table. Parehas din kaming walang imik, at hindi nagagalaw ang pagkain. Hindi ko alam kung trip n'ya lang akong gayahin habang pinapaikot-ikot lamang ang pasta sa plato o dahil wala rin s'ya sa mood tulad ko. Tsk. Whatever his reason is, wala na akong pake. Hindi na ako nakikinig sa pinag-uusapan nila. But based on what I've heard kanina, alam kong for the sake of the company's partnership ang reason behind this kahit na hindi nila direktang sabihin. How selfish and inconsiderate. Bakit hindi man lang nila kami nagawang tanungin kung ayos lang ba sa amin ang ganitong setup? We should have the control over our own lives, but they already did control it, without

