CHAPTER 2 - RESBAK

2836 Words
Yassie's POV "Aahhh!" "Kkyyaahh!" "Yassiiee!" Bwisit, bwisit, bwisit!! *tulak* *takbo palayo* *lingon* "Manyyaaakkkk!" *takbo sa classroom, sabay upo.* "Urgh! Bwisit!" *Flashback* "Huh! Hanggat hindi ka umaalis, hanggat hindi ka umaadjust, hanggat hindi ka pa natututo, hindi ako titigil at ka—" Hinablot nya kanang kamay ko, sabay hila sakin, sabay hawak sa kaliwang pisngi ko, sabay, urggh! Ninakaw nya first kiss ko! *End of Flashback* "Urgh!!! Ano ba talaga nagawa ko sayo, Christian? Bakit di mo ako mapatahimik, huh!?" Muntik kong maihagis ang notebook ko. Buti na lang dumating na si Sheena, kaya nakapagpigil ako. "Oh my gulay Yassie!! Kitang-kita ng dalawang malalaking mata ko yun!" "Tumahimik ka nga, Sheena! Urgh! First kiss ko yun, Sheena, at sa kanya pa talaga! Urgh!" Napatayo ako sa sobrang inis. Gusto kong magwala dahil sa sobrang inis! "Hala! Yassie, ano yang nasa palda mo!!??" Sheena "A-ano!?" Tiningnan ko likurang bahagi ng palda ko. Hhuuwwaaatttt! Aanoo too!!?? Christian Concepcion, Malilintikan ka talaga sakin! Wwaahhhhh!! "Hahahaha! Si Yassie oohh! Tinagusan na ata! Hahahaha!" May pula kase sa palda ko! Ano to!? Kitang-kita pa naman kasi light blue ang kulay ng palda namin. Napalingon ako sa upuan ko, at may pulang something dun, naupuan ko. Di ako nag-atubili na hawakan iyon kung ano yun. Hindi naman yan ano kasi wala talaga ako ngayoonn! Inamoy ko. Ggrrr! Ink ng pentouch na pula!? "Hahahaha" "Yassiiee, gusto mo bilhan kita ng napkin? Hahahaha!" "Yyuucckksss!" Napatakbo agad ako palabas, tinabingan ko ng dalawang kamay ko ang likurang bahagi ng palda ko. Uurrgghh! Sinabutahe mo na naman ang nananahimik kong buhay, Cccchhrriisstiiann Cconncceeppcion!!!! Malilintikan ka sakin!!! Waahhhh!!!! Someone's POV "Yassie Mandigan. She's my target." "Tsss. Seriously? Mukhang mahihirapan ka sa babaeng yan, tol." Nandito kami sa second floor ng building, nanonood sa historical na bangayan nina Christian, Sheena at Yassie. "Why her?" "I just want to challenge myself." "Tsss. Good luck to you. She's different. " "Bibigay din yan. Makikita mo." Uminom ako ng C2 na kanina ko pa hawak. Humanda ka na, Yassie Mandigan. Mapapasakin ka rin. Christian's POV I wonder what Yassie is doing right now. *Flashback: Recess* "Christian, Tara na. Ano pang itina-tayo mo dyan?" Joshua Nakatayo ako dito sa may terris nitong building, sa tapat lang halos ng room. "Mauna na kayo. Susunod na lang ako." "Hmm. Gaganti ka na kay Yassie. Good luck sayo, pre." Roy "Pahalata ka na namang masyado. Roy. Ang bilis mo talagang magutom!" Jerome "Hahaha! Paki mo ba?" To "Galingan mo, pre. Iganti mo buong grupo natin." Joshua "Sige, ako na bahala." Nag-apir muna kami bago sila tuluyang umalis. Pagkaalis nila, agad na akong pumasok ng room. Wala nang tao, lahat nasa canteen. Sina Yassie, kanina pa umalis. Hinintay ko lang na mawala lahat ng tao dito sa room. At dahil wala na, maisasakatuparan ko na lang balak ko. Pumunta ako sa may upuan ni Yassie, at naglagay ng ink ng pentouch sa upuan. Halos mangalahati ang laman ng lalagyan. Tsss. Di bale. Marami naman ako nitong pambili. "Mas mapapahiya ka ngayon, Yassie. Hahaha!" Pagkatapos nun, agad kong itinago ang ink sa bag ko, sabay alis. *End of Flashback* "Huy! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Kanina ka pa ahh!!" Jerome "Tsss. Iniisip nyan yung ganti nya kay Yassie. Ano bang ginawa mo? Siguraduhin mong makakabawi tayo dyan ahh.." Joshua "Hahaha naman! Ako pa! Matatawa talaga kayo pag malaman nyo kung ano nangyari kay Yassie." Nandito na ako ngayon sa canteen, kasama ang mga tropa-pips ko. Ayst! Nakakakumpleto talaga ng araw pag kasama ang barkada! At mas nakakakumpleto ng araw kapag may naasar. "Kyaahh! Nandito si Christian ohh!! Christian, next time ako NAMAN ikiss mo aahh! Iiihh! nakakakilig!" "Tsss." "Ano, kiniss? Aba, aba, aba, naka-iskor ka nang di namin alam! Sino yan? Si Sugar ba yan? Dina? Valleen? Jean? Shane? O si Colleen? Sino?" Richard "Bakit kailangan nyo pang malaman?" asik ko sabay inom ng juice. "Syempre naman! Sino ba yan?" Jerome "Christian, hinalikan mo daw si Yassie! Totoo ba yun?" humahangos na tanong ni Sugar "Ano? Si Yassie? Paano?" sabay-sabay na tanong ng limang mulog. "Ayst! Oo, Sugar. Bakit?" Humarap ako sa kanya, nang nakaupo pa rin ako sa upuan. Nasa may likuran ko kasi sya. At, kasama nya mga alagad nya. "Masama ba?"dagdag na tanong ko. " Ahhh—hindi lang kasi ako makapaniwala na—sya—" "Pwes maniwala ka na. Nakita mo naman, diba?" "Huh! Joke lang yun, Christian, diba? Joke lang yun!" "Bakit ba ganyan kang makaasta? Girlfriend ba kita?" "Uh, hindi, I mean, ano, hindi ka pwedeng mahulog sa kanya." "Hahahaha wag kang mag-alala. Hindi ako mahuhulog sa kanya." saad ko sabay tayo, at lakad palabas ng canteen. Ako, mahuhulog kay Yassie? Tsss. Very impossible. Habang naglalakad kami pabalik ng room, "Christian, ano nga nangyari?" Jerome "Ikwento mo na. Daya mo naman eehh!" Joshua "Baka gusto mo munang tanggalin yang balikat ko kakaug-ug mo, Joshua. Masakit ehh." Kanina pa'tong mga 'to. Nakakairita na rin. Tsss. Barkada nga naman. "Ayst! Baka naman nahuhulog na kaya hinalikan." Roy "Kasasabi ko pa lang. Hindi pa ako nahuhulog sa kahit na kanino. So shut up, Roy." "Talaga lang huh!? Alam mo, nakakahalata na kami." Jerome "Oh, come on guys! I've been bullying her for three years in counting. And, nothing happened. And there would not be. So can you please stop?" "Ayst! Bahala nga kayo dyan!" Richard sabay alis. "Hala ka, Christian. Nang-iwan na naman si Richard. Alam mo naman kung bakit, diba?" Joshua "Tsss. Tampo na naman ba? Hahaha, mawawala rin yan." Kahit kailan talaga, tampuhin pa rin. Ayst! Settings: Classroom "Hmmm, wala pa yata si Yassie. Lagot ka, Christian." Roy "Takot ko lang sa kanya." "Hooyy! Christian Concepcion!" sigaw ni Sheena. Bakit pa nga ba? Edi para ipaghiganti ang kaibigan nya. "Hmmm, may ipaglilingkod ba ako, ms. Sheena Ramos?" sagot ko naman sa kanya. "Excuse me, its Gadil, not Ramos!" Galit na galit ang klase nya. Pero maganda pa rin naman, parang si Ya—parang si Yam. Oh ano, sino ba sa akala nyo? "Huh! Ikaw, mr. Christian Concepcion, pagsisisihan mo ginawa mo sa kaibigan namin!" Nang akmang sasampalin nya na ako, agad naman akong nakailag. At ang masaklap, si Joshua ang tinamaan ng sampal nya. Hahaha! Wawa naman si Joshua! Bigyan na ng lollipop yan! Hahaha! "Aray ahh! Ano ba problema mo?" tanong ni Joshua habang hawak ang kaliwang pisngi nya. Kami naman nagpipigil ng tawa. "Grabe! Kulang pa yan sa mga ginawa nyo samin, lalo na sa kaibigan namin! Alam nyo ba, hanggang ngayon hindi pa rin sya lumalabas ng cr dahil sa kagagawan nyo!" "Teka naman! Bakit nadamay ako? Si Christian ang sampalin mo dahil sya ang nagplano nun!" Joshua Sinenyasan ko yung apat na mulog na umalis sa kinaroroonan namin. Moment na'to nina Joshua at Sheena, kaya aalis na muna kami. Dahan-dahan kaming umalis, sabay upo, at pinanood yung dalawa. Bahala ka na dyan, Joshua. Ipagtanggol mo ako. Hahaha! Joshua's POV Tsk! Loko talaga 'tong Christian na'to! Ako pa ang napagbalingan ng isang napakasakit na sampal na dapat ay sa kanya naman! "Pwede ba, Sheena, maghulos-dili ka. Nakakapangit yan." "Maghulos-dili!? Pagkatapos ng kalokohang ginawa nyo maghuhulos-dili pa ako!? Alam nyo, malapit-lapit na talaga akong mag-aral ng kung-fu nang mapagsusuntok ko kayong lahat!" Ayst! Ano ba naman 'tong babaeng 'to! Daig pa ang manok sa kapuputak! "Eiihh hindi nga ako ang may gawa nun! Si Christian! Kaya bakit ako ang pinapagalitan mo?" "Kasi, ano, kasabwat ka rin!" "Bakit? Ako lang ba ang kasabwat?" "Edi inamin mo rin ba kasabwat ka!" Urgh! Loko! Tumingin ako kay— nasan na sina Christian? Lumingon ako sa may upuan naming anim, at nandun silang lima, masayang pinapanood ang bangayan namin ni Sheena! Mga letse kayo! Iniwan nyo akong nagdurusa sa kamay ng babaeng to samantalang kayo nagpapakasarap dyan! "Ano, suko ka na ba?" "Ayst—" *kkriinngggg* Sa wakas naman! Time na! Kanya-kanyang parasukan at upo sa mga upuan. "Hindi pa ako tapos sa inyo, mga mulog kayo!" Sheena, sabay talikod at upo sa upuan nya. Nagtungo na rin ako sa may upuan ko. Magkakatabi kaming anim ng upuan kaya hindi mahirap para sa akin na resbakan tong mga 'to. Pagsisisihan nyo na iniwan nyo ako dun, lalo ka na Christian! Letse! Yassie's POV "Yassie, isip-isip, dali na! Isip!" Maloloka ako neto! Nandito pa ako sa CR. 10 minutes na ang nakalipas mula nang nag bell. Huhuhu! Ano gagawin ko!? Alangan namang pumunta ako sa room nang ganito ang kalagayan ng palda ko! *ping* May nagtext. Nang tingnan ko, sa wakas! Si Sheena! Message: [Yassie, asan ka na?] My reply: 'Nandito sa cr.. May ekstra ka bang palda? Pahiram naman ohh...punta ka dito!' *sent* *ping* Message: [Yassie, si Mr. Shin ang teacher... Alam mo naman kung gaano kastrikto ito diba?] Letse! Si Mr. Shin! Pinakamasungit na teacher namin sa math. Tsss. Patay na! My reply: 'Ano na gagawin ko?' *sent* *ping* Message: [Naku! Expire na ang iyong C20! Mag-register ulit! Mag load ng 20 and text C20 to 8080.] Letse naman talaga! Load naman! Kailangan na kailangan kita pero iniwan mo ako! *ping* Message: [Nagtatanong na si Mr. Shin kung nasaan ka...paano na?] Huhuhu! Ayoko na! No choice! Maghihintay na lang ako dito hanggang sa matapos ang subject ni Mr. Shin. Alam ko rin naman na hindi nya na ako papapasukin ehh! Ang tahimik pa naman dito sa cr! Katakot ehh! Parang yung napapanood ko sa mga pelikula! Pag may mumo sa cr! huhuhu! Kasalanan moto, Christian! Humanda ka talaga sakin! Magdadala na ako ng samurai sa sunod at hahabulin kita gamit yun! Aaahhh! *tok* Ano yun? Parang may nagtunog? Huhuhu! Nakakatakot na talaga! *tok* *tok* Waahh! May multo ba dito sa cr?? Waaaahhh! Mama, kailangan kita! ******** "Yassie! Yassie! Asan ka?" Nagising ako mula sa pagkakatulog, dahil sa tawag ni Sheena. Ayst! Nandito pa ako ngayon sa cr, buti nga nakatulog ako, kesa naman nakita ko yung multo, diba? Agad akong napatayo, at lumabas sa pinagtataguan ko. Salamat naman! May dala na syang palda! "Sheena!!" me, sabay wave sa kanya. "Naku, Yassie, sorry kung ngayon lang kita napuntahan. Di kasi ako pinalabas ni Mr. Shin ehh, sorry talaga." "Ok lang, Sheena. Ahh, sayo ba yang palda?" "Ay, hindi. Nanghiram ako kay Pearl. Buti na lng may ekstra sya. Ito, isuot mo na. Baka dumating na next teacher natin." "Sige." Kinuha ko na ang palda na dala nya, sya naman, lumabas na muna. Dali-dali akong pumasok sa isang, you know, sa cr sa mga mall, parang may mga rooms na maliliit, cubicle ba right term? Ahh basta, alam nyo na yun, at agad akong nagpalit ng palda. Pagkapalit ko, tiniklop ko na ang palda ko, at lumabas na sa cr. "Tsss. Ano na lang ang magiging reaksyon nila pagpasok ko sa room? Nakakahiya!" "Hayaan mo sila. Wag mo na lang pansinin." "Ehh paanong hindi ko sila mapapansin? Parang ayaw ko nang pumasok!" "Hayst! Ako bahala. Relax ka lang." Talaga lang Sheena ahh. Ikaw ang bahala. Sige, magtitiwala ako sayo. Papalapit na kami nang papalapit sa room, at pabilis na rin nang pabilis ang t***k ng puso ko. Baka dito pa ako atakihin! Pagdating ng room... "Yassie—" "Sige, Luke. Ituloy mo, isa pang Yassie mula sa inyo tatamaan kayo sakin! Ano? May mag-iingay pa?" Aba! Tapang ahh! Thank you Sheena! Wala ngang nagsalita. Natakot? Wow! For the first time napasunod nya mga classmates namin! Oohhh. Improvement is real! Hanggang sa nag-upo na kami sa upuan namin. Nilingon ko si Christian, sarap pagsasampalin ehh! Nakatingin din sya sakin, na may nakakalokong ngiti. Agad namang hinawakan ni Sugar ang pisngi ni Christian at iniharap sa kanya. Tsss. Ambisyosa! "Ano, kumusta sa cr?" "Urgh! Wag mo nang tanungin, John. Nakakainis!" *Skiptime: Lunchbreak* "Tara na, Yassie. Mauubusan tayo ng adobo." Sheena, adik sa adobo. "Una na kayo. Naiihi ako eehh." "Hintayin ka namin." "Wag na John. Kaya ko naman." "Tsk! Kulit naman ehh! Hihintayin ka namin, Yassie." Sheena "Mauna na kayo. Babye" muli kong saad sabay takbo papunta ng cr. Ayst! Mauuna na yun sigurado. Para sa adobo! Hehehe. Agad akong pumasok ng cr, at umihi. Pagkaihi ko, lumabas na din papuntang canteen. Habang naglalakad... *ping* May message. Kinuha ko cp ko, at tiningnan ang message. Message: [Chainmail: Pinasa lang din sakin kaya wag ka magagalit. Hi. Ako si Fatima---] Oohhh! May nabangga ako. Nasagi ko kamay nya, dahilan para mabubo ang hawak nito na kung ano sa damit nya. "Ano bang—" OMG! Kyaahhh! Si Jordan Sanchez! Crush ko. Hehehe. "Huh, hehehe, Jordan! Sorry ahhh! Di ko sinasadya talaga!Teka, punasan natin damit mo!" Agad kong kinuha ang panyo ko, at nang akmang ipupunas na ito sa damit nya, "Uhh, no need, Yassie. It's okay." "Kyahh! Alam mo pangalan ko!?" Eeiihh! Kinikilig na ako! Hihihi! "Tsss. Iniistalk kaya kita." "Hihihi! T-talaga!?" "Uh, sige, una na ako. May gagawin pa ako ehh." "Okay." Tapos nag-smile sya, sabay kindat sakin, tapos alis. Hihihi! OMG! Magkausap kami ni crush kanina! Parang may mga naglilipad pa na puso sa may uluhan nya nung papalayo na sya! Kkyyahhh! "Jordan, huh?" Hala! Eto na naman. Yung pusong lumilipad, biglang nasunog at bumagsak sa lupa. May paakbay pang nalalaman! "Ano na naman ba, Christian?" sabi ko sabay harap sa kanya. "Huh! Si Jordan pala ahh." "Ano bang pake mo? Eto tatandaan mo, guluhin mo na ang lahat sakin wag lang ang pag-aaral ko at ang love life ko. Dahil kung hindi, malilintikan ka na talaga sakin." sabi ko habang papalapit nang papalapit sa kanya. Sya naman, paatras nang paatras. "Tsss. Not too close, Ms.Mandigan. Gusto mo na naman atang mahalikan. Wag kang mag-alala. Mangyayari ulit yun." pang-asar nyang sabi. "Ano kamo? Ulit? Tsk! In your dreams! Tabi!" Tinulak ko sya, sabay ismid at lakad palayo. Nakakasura na talaga! Habang naglalakad ako... "Agh! Aray!" "Oops, pardon me." Si Sugar! Mambangga ba naman sa may likod! Tsk! Sakit ehh! Ayaw ko ng away, kaya hinayaan ko na syang maunang dumaan, kasama ng mga alagad nya. Panira talaga ng araw! Habang naglalakad ako, napansin ko na bawat estudyanteng madadaanan ko, parang nasama ang tingin sakin. Ano ba problems nila? Hanggang sa makarating na nga ako sa canteen. Agad kong nakita sina John at Sheena, nakapwesto malapit lang sa pinto ng canteen. Transparent kasing salamin ang dingding nitong canteen kaya kita ang tao sa loob kahit nasa labas ka. "Sheena! John!" tawag ko sa kanila. Nang papalapit na ako sa kanila... "Hoy, YASSIE MANDIGAN!" May tumawag sakin mula sa may likuran ko. Humarap naman ako sa kanya, at yung ibang kasama nya, ansama din ng tingin sakin. "Huh? Ano yun?" "Purkit hinalikan ka lang ni Christian kanina ganyan ka na! At ano? Maiinggit kami sayo? Mga desperada kami?" "Teka lang, ano ba sinasabi nyo? Di ko kayo maintindihan." "Yassie." tawag din sakin ni Sheena. May iniabot sya saking bond paper, may scotch tape sa magkabilang gilid, at ang nakasulat.. HAHAHA! HINALIKAN AKO NI CHRISTIAN KANINA! INGGIT KAYO? PALIBHASA MGA DESPERADA LANG KAYO! KAHIT KAILAN HINDI NYA KAYO PAGKAKAINTERESAN DAHIL AKIN LANG SYA!! 0-0 "Nakadikit sa likod mo, Yassie" Wwaaahhh! Bbwwiissiitttt! Sugar's POV "Ayos ang ginawa mo, girl!" Dina "Of course! Ako pa! Magdusa sya ngayon. hahaha!" *Flashback* "Girl, kasama na naman ni Christian si Yassie ohh." Colleen "Tsss. I know." "Nakakairita na talaga yang babaeng yan." Valleen "Don't worry, girls. I have a plan." Ipinakita ko sa kanila ang isang bond paper na may nakasulat na: HAHAHA..HINALIKAN AKO NI CHRISTIAN KANINA! INGGIT KAYO? PALIBHASA MGA DESPERADA LANG KAYO! KAHIT KAILAN HINDI NYA KAYO PAGKAKAINTERESAN DAHIL AKIN LANG SYA!! "Hahahaha! Papatok yan, girl!" Dina " Hahaha! Watch me." Nang umalis na si Christian, at habang naglalakad si Yassie, binunggo ko ang likod nya, sabay dikit ng bond paper dun. *End of Flashback* "I'm sure nagwawala na yun ngayon. Hahaha!" Jean "Hayaan nyo. Bagay lang yun sa kanya. " "Teka, Sugar. Paano kung si Christian ang pagbalingan nya ng galit nya? Alam mo naman kung gaano yun kagalit kay Christian, diba?" Shane "Subukan nya lang na saktan si Christian, ako ang makakalaban nya." Hahaha! Victory is mine! Yassie's POV "Bwisit na Christian yan." sabi ko sa sarili ko habang ginugusot ang bond paper na hawak ko. Wala nang ibang gagawa nito kundi si Christian! Maaaring idinikit nya yun sa likod ko nung akbayan nya ako. Urrghh! Lleetssee ka talagaaa! Lagot ka sa'kin! Agad akong lumakad papunta ng room. "Yassie! Yyassiiee!!" tawag ni Sheena. Sorry Sheena, pero kailangan ko na talagang rumesbak dito! Mabibigat ang mga hakbang na pinakawalan ko. Nanggigigil kasi talaga ako sa taong yun! Pinanganak ba talaga sya para Magbigay malas sa buhay ko? Urgh! Habang papalapit ako nang papalapit sa room, lalo akong naiinis. Lalong kumukulo ang dugo ko! Hanggang sa makarating na nga ako sa room, at nadatnan ko run si Christian na nakikipagkwentuhan sa mga tropa nyang kapwa mulog. Agad ko syang nilapitan, sabay hila sa kwelyo nya. Laban kung laban! Ggrrr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD