CHAPTER 1 - THE BULLIES

2906 Words
Yassie's POV Ipapakilala ko muna sa inyo ang mga bullies. -Joshua Veneracion: The Leader 1 -Christian Concepcion: The Leader 2 -Richard Supremo: Member -Jerome Martin: Member -Roy Esguerra: Member -Aldrin Rivera: Member Sa kanilang anim, sina Christian at Joshua ang pinaka ultimate. Sa kanila naman medyo mabait si Jerome, pero minsan tinotopak din ng kayabangan. "Hey, Christian! How's vacation?" "Well, good as usual." # Relax mode ka, okay? Hintayin mo lang sina John at Sheena, darating na yun. "Hello, Yassie." Tsss. Pang-asar na boses ng matapobreng Christian. Hindi ko sya nilingon. Binuksan ko ulit bag ko, hinanap ang headset, sabay pasak sa cp at salpak sa magkabilang tenga. "Hmm..hmmm..hmmm..hm— ano ba problema mo!!??" galit kong tanong sa kanya. Pano 'ta! Tinanggal nya yung headset sa kanang tenga ko! Walang ugali! "Ang sungit mo naman! First day of school. Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"Christian, nakaharap na ako sa kanya ngayon. "Kumustahin mo yang mukha mo! Tabi!" Tinulak ko sya para makadaan ako. Kainis! Nang malapit na ako sa pinto, "Guys, you know what, mukhang alam ko na kung bakit masungit ngayon si Yassie." Christian Urgh!! Natigilan ako, at napaharap sa kanila. Ano na naman bang pakulo nito? "I saw something from her bag while she's searching for her headset. It's color is light blue, square, with the letters M.O.D.E.S.S. on it." Wwhhaatt!? Nanlaki mga mata ko! Wala ako ngayon! Halos lahat sila, nagpipigil ng tawa, maliban kay Christian na pang-asar ang ngiti! "Oohhh, it's national red day!" gatong ni Ken, classmate ko. Urgh! Gustuhin ko mang pagsusuntukin to pero, #Relax Mode ako, remember? "Red day, red day, red day, come on guys! Red day, red day!" Joshua Urgh! Yassie, it's about time to fight na! Go, go, go! "Nakakatawa!" Hahaha. Tahimik sila. "Mr. Christian Concepcion, wag mong hintayin na maging katulad ka pa ni Pinocchio. Alam mo, may spark kanina dyan sa panget mong ilong, tantsa ko, humaba ng one inch. At, ano nga kamo? May dala akong M.O.D.E.S.S.?? Tsss. Nathan, ihahis mo sa akin ang bag ko." Wahahahaha! *sound of victory* Oopps. Epic failed. Di ko nasalo yung bag, hehehe. Agad kong pinulot yung bag ko. "Para patunayan ko sa inyo na sinungaling ang isang yan..." Binuksan ko lahat ng zipper ng bag ko, pati secret pocket na wala pang laman sa ngayon dinamay ko na, sabay tiwarik dito. Laglag lahat ng notebook, lapis, ballpen, papel, panyo, pulbo, cologne, suklay. Nang maubos ang laman, sabay tingin kay Christian. Kitang-kita ang pagkainsulto sa mukha nya. Buti nga. "So, tell me, Mr. Concepcion, are you really telling the truth? It's first day of school but you're starting to give us lies. Hindi naman ata tama yun, diba guys?" *silence* "Diba!?" "How dare you to talk to him like that!" Okay. Sumabat na naman si Sugar na queen "daw". Ayst! "At ikaw, pwede ba, moment ko'to kaya tumahimik ka dyan!" matapang kong sabi sa kanya. *kkriingg* Isa pang panira ng moment. Ayst! Pero, ok na rin, nang matigil na'tong mga 'to. Kanya-kanyang balik na sa upuan, pati na rin ako. Saka naman dumating sina John at Sheena. Hay! Kung kailan kailangan ko sila di sila dumating. Huhuhu! Umupo silang dalawa sa tabi ko. Napagigitnaan nila ako. "Guys, bakit ngayon lang kayo?" "Sorry man. Teka, ano na naman bang nangyari? Ang aga naman nyang bangayan na yan!" Sheena "Kasi—" Oops! Naalala ko, yung mga gamit ko, nakakalat pa pala. Hehehe. "Sheena, John, wait lang ahhh." Mabilis akong tumayo, kinuha ang bag at agad na pinulot ang mga gamit ko. Inuna ko ang mga notebook. Pero nakakadalawang notebook pa lang ako, may mga sumipa na agad sa iba ko pang mga notebook. Yung dalawa, lumabas ng room, at yung apat naman, sumuot sa mga upuan. Napatingin ako sa mga sumipa. Sumama na naman ang mood ko nang makita ko si Christian, at, masama din ang tingin sakin. Lumabas silang anim ng room. Naramdaman ko ang paglapit Nina Sheena at John. Tinulungan nila ako sa pagpulot sa mga notebook ko, pati na rin sa iba ko pang mga gamit. "Ano ba'to, Yassie. Ba't nangangalat gamit mo?" tanong ni John. "Hay! Mahabang kwento. Mamaya ko na lang sasabihin." "Yassie oh, yung notebook sa labas. Ba't iba na naman ang timpla nung mga bullies?" Sheena "Mahabang istorya. Thank you guys, ahh. Alam nyo, kayong dalawa na lang talaga ang pinaka-kakampi ko dito." "Sus! Nag drama ka na naman. Isilid mo na yan sa bag mo nang makaupo na tayo." Sheena "Sige." Nagsimula na akong magsilid ng gamit ko sa bag ko. Pagkatapos, sabay upo. "Huy, ano nang nangyari?" John "Ganito. Kasi kanina, pagpasok ko, una na akong hinighblood ng mga quuens 'daw', tapos sumunod naman yung mga bullies, especially yung Christian na yun. Biruin nyo, ipinagsigawan sa buong room na may modess daw ako sa bag, ehh ang totoo naman wala!" "Huh!? Grabe na talaga yung mga yun! Oh, eh ba't mukhang sila pa ang mas inis ngayon?" "Tsss. Syempre lumaban ako. Pinahiya ko rin sya, at natalo ko sya. Kaya ayun, hahahaha!Hashtag pikon." "Alam mo, congrats sayo, kasi natalo mo si Christian. Pero, hindi ka ba natatakot sa kanila?" "Hindi na ako natatakot sa kanila Sheena. Ano sila, special? Mga anak ba sila ng pulitiko? Sino ba ang nagbigay sa kanila ng karapatan na ganyan-ganyanin tayo? Wala naman diba? At wag nilang sabihing heartthrob sila, sa sobrang pangit ng—" "Sinong pangit, Yassie?" Nanlaki mata namin. Boses ni Richard. Sabay-sabay kaming humarap sa kanila. Naku! Di ko naintindihan ang mga istura nila. Di ko alam kung sa halimaw o sa bang-aw na aso ko ba sila pwedeng icompare. hahaha! "Uh, yung artista raw sa pelikula na napanood nya, yung anim na artists na ang role sobrang yabang pero—" "Huwag kang sumabat kung hindi ka kinakausap!"sigaw ni Joshua kay Sheena. Napansin kong tumayo sina Sugar at Dina. Si Sugar pumunta kay Christian, at si Dina Kay Joshua. Eww. "Let them be, Christian. Makakarma din yang mga yan." malanding usal ni Sugar, may pagpulupot sa braso ni Christian. Ka-lalandi. Tsk! "Tara na, Joshua. Sa amin na kayo tumabi. Let's go." Dina, may papulupot portion din sa braso ni Joshua. Na patingin ako kay Christian, at titig na titig sya sakin. Sama ng titig eehh. Binigyan ko sya ng "Ano-ba-problema-mo" look, at ginantihan nya ako ng "Mamaya-ka-sakin" look. Hahaha. Takot ako. "Joshua, Christian, hayaan nyo na sila. Kwentuhan na lang tayo. Tara, baby." Sugar Ano raw? Baby? Isa pa ngang, EWW! Sumama naman sila kina Sugar. "Aayy, sina Richard walang muse." sambit pa ni Sheena. Napatawa na lang kami ng mahina sabay iling. Sheena's POV After mga five minutes, dumating na si mam Tessa Piñasan, adviser namin this school year. And at the same time, our English teacher. By the way, I'm Sheena Gadil, 19 years old, sweet bestie nina john at Yassie. Hhaayy. Naaawa na nga ako kay Yassie, kasi halos araw-araw na lang binubully sya lagi. Wala rin naman akong nagagawa minsan, kasi, natatakot din ako. Pero this time talaga, dadamayan ko si Yassie sa pagiging matapang nya. Tama sya. Dapat di kami natatakot sa mga bully na yun. "Good morning, class." "Good morning mam." "How's vacation?" "Ok lang po." "So, another school year. Malapit na kayong gumradweyt. So make sure na aayusin nyo ngayon. Gusto ko lang kayong i-remind, Christian and Joshua, ayusin nyo na sana ngayon, last year medyo di maganda ang daloy ng grades nyo. Buti nakapasa pa kayo. Kaya, pagbutihin. Understood?" "Yes, mam." Hahaha! First day of school may special mention agad! "So, before we start, let us elect first our classroom officers. Yassie, you will be the primary secretary, Sheena, act as the temporary president." "Yes, mam." me and Yassie Ba't ako? Si John na lang sana. Pero, wala magagawa. Utos ni mam, so go for it! Sabay kaming tumayo. Si Yassie nagsimula nang magsulat habang ako, nagtungo na sa may fodyum. Nung matapos na si Yassie sa pagsusulat, nagsimula na ang election. *skiptime* The result of the election: President: Sheena Gadil V-Pres.: John Rinero Sec. Yassie Mandigan Treas.: Nathan Cruz Aud: Yallie Dinggan P.I.O: Bianca Malibay Buss. Mngrs: Jean Santos & Jerome Martin Sgt. At Arms: Dina Marie Perez & Joshua Veneracion Muse: Sugar Delos Santos Escort: Christian Concepcion Tingnan nyo nga naman. Nakasama pa sa officers yung mga 'queens' and bullies. They dont deserve it! "Ok, these will be our classroom officers for this school year. I hope that you'll do your duties, especially when there are activities. Understood? " "Yes,mam." *skip time: recess* "Alam mo, Yassie, ang bagal mo talagang magsulat." me. Tsk! Kahit kailan talaga! Pabebe magsulat aayy! "Guys, mauna na kayo. Susunod na lang ako." "Hindi naman pwede yan. Hihintayin ka namin, anuman ang mangyari." John "Kahit di kayo makarecess?" Natahimik kami dun. Syempre gusto naming mag recess noohh! "Hay, mauna na kayo. Sige kayo. Magtatampo ako pag di kayo nauna." "Ayan ka na NAMAN sa tampo-tampo mo na yan. Eh alam NAMAN naming hindi mo magagawa yan." me "Saka, sige ka. Nakalimutan mo na ba yung ginawa mo kay Christian kanina? Paano kung resbakan ka nun, edi walang tutulong sayo." John "Ayy..oo nga noh... Sige, punta na tayo. Maya ko na lang 'to tatapusin." "Tsss. Tara." me Napapayag din sa wakas. Nagsimula na kaming maglakad papuntang canteen. Nang makarating na kami, buti NAMAN at wala nang nakapila. Gaano ba kami katagal sa room?? "Guys, ano sa inyo?" me "Spaghetti na lang tayo, tapos juice." Yassie "Hahahaha! Adik sa spaghetti.. Sige." John Umorder na kami. Pagkakuha ng order. "Hmmm, dun na lang tayo oohh" John, sabay turo sa isang lamesa na may tatlong upuan. "Sige, Tara." Nakakatatlong hakbang pa lang kami, nakasalubong namin sina Sugar. #Tapatan! "Excuse me, dadaan ang reyna." wika ni Sugar. Hayst! Reyna ba kamo?? Pweh! Kasuka! "Eh bakit hindi kayo ang umadjust? Can't you see that we have foods in our hands?"me, sa panahon ngayon kailangan nang maging matapang! "And who are you to tell us what to do?" Dina "Tsss. Malay nyo, kami pa ang maging greatest nightmares ninyo. So back off! Kung ayaw nyong ipa-guidance namin kayo." Yassie. Lumelevel up ka na talaga girl! "Go on. Tingnan natin kung may maniniwala sa inyo." Sugar "Duh!"- Colleen, Jean, Shane, Valleen #Dakilang Mga Ekstra! "Let's go, girls. Masisira lang beauty ko dito." Sugar, sabay bangga sa balikat namin. Pasalamat kayo Hindi nabubo 'tong juice namin! "Takot lang kasi silang maguidance." Yassie " Sinabi mo pa! Hahahaha." me "Hayaan nyo na. Makakarma rin yang mga yan." John " Sana nga." "Hay naku! Kumain na nga lang tayo!" Yassie At naglakad na kami papunta sa lamesa na tinuro ni John. Hanggang sa, ayst!! Nananadya ba sila? Nung malapit na kami sa lamesa, may biglang sumulpot na tatlong lalaki, sabay upo sa mga upuan. "Uhm, excuse me, kami ang dapat na nakaupo dyan, hindi kayo." "Sorry, Sheena, pero nauna na kami ehh." "Eh wala naman kayong mga dalang pagkain ahh!" Yassie "Bakit? Masama bang umupo? Hahahaha!" "Guys, maghanap na lang tayo ng ibang pwesto. Tara." John Nakakapanggigil na naman. Pinigil ko na lang ang sarili ko na makapang-bato ng tinidor, kaya umalis na kami. Lumingon-lingon kami para maghanap ng bagong pwesto. "Dun na lang tayo sa apatan." Yassie, sabay turo sa isang lamesa na may apat na upuan. "Tara." Nang papalapit na kami, may bigla na namang sumulpot, dalawang babae at dalawang lalaki. "Wops! Guys, selfie-selfie!" babae Nagselfie silang apat habang nakapwesto sa apat na upuan. "Guys, pigilan nyo'ko. Pigilan nyo'ko na itapon sa kanila itong hawak ko." Yassie, pabulong nyang sabi. "Yassie, first day of school. Ayoko naman na maguidance tayo." John "Guys, pangalawa na'to ehh! Hindi ba parang nananadya na sila?" me "Sige, guys, iconclude natin na nananadya sila pag may nang-agaw pa sa anim na upuan doon." John, sabay turo sa dalawang lamesang magkadikit at may anim na upuan. "Tara. Pag may nang-agaw pa, itatapon ko na talaga sa kanila 'tong hawak ko, at, wag nyo akong pipigilan." "Oo naman Yassie! Support ka namin!" "Tsss. Bahala kayo." "John, wag ka namang KJ!" me "Ayst! Tara na!" John Nagsimula na kaming maglakad. Buti naman at mukhang walang mang-aagaw. Hanggang sa nailapag na namin ang mga pagkain namin. Nagpalinga-linga pa kami. "Hihihi, mukhang walang mang-aagaw." Yassie "Oo nga! Sa wakas! Makakakain na tayo!" me "Hay! Tara na, kumain na tayo, baka may mang-agaw na naman." John "Okay!" me and Yassie Hmmm..nakakatakam naman 'tong spaghetti! Ang dami ng sauce tapos may grated cheese sa ibabaw. Hmm, yum-yum-yum! Dahan-dahan kong dinampot ang tinidor, at pinaikot ito sa spaghetti. Nang pasubo na sana ako, *TAP!* Nagulat naman ako! May something na bumagsak sa lamesa. Sa sobrang lakas halos matapon ang lamang juice ng baso ko. Nahalata kong nagtiringinan sa may amin ang Mga students, sabay sabing, "Kkkyyaahh!" "Aayyiiee!" "Ang gagwapo nila!" Sigawan ng lahat. Tumingin ako kay Yassie, at ang sama ng tingin nya sa bandang kanan nya. Si John, seryoso din. Tumingin din ako sa tinitingnan nila. Sabi na nga ba. The bullies are here para maghasik na naman ng lagim. Ayst! "Tayo." Joshua "Hehehe. Sinong pinapatayo mo, yabang?" Yassie Hmmm. Infairness ahh. One, two, three, four, five, kulang ng isa. Wala si Christian. Tsk! Kinakabahan ako para kay Yassie! Naku! "Huh? Kulang ata kayo ng isa. Ano? Gumagawa na ba sya ng bitag para gantihan ako?" Yassie "Ang sabi ko, tayo!"-Joshua Urgh! Nakakainis ka na ahh! "Guys, gusto nila na tumayo tayo. Kaya, tayo tayo."me. Mabilis kaming tumayo ni Yassie. " Huy, John." "Hay." John, sabay tayo. "Oh, ayan, nakatayo na kami, ano pang kailangan nyo?" me "Ginagago nyo ba kami?" Richard "Wow! Nagsalita ang Ekstra! Eh kayo nga dyan ang nang-aabala sa mga kumakain tapos kayo pa ang may lakas ng loob na mansabi nyan? Ehh mga walang hiya pala talaga kayo ehh!" Yassie "Hoy! Kayo ang mga walang hiya! Kayo na nga ang nang-agaw ng pwesto nila tapos kayo pa ang mansasabi ng walang hiya!" girl student "Boo!" sigaw pa ng iba. "Hep! At paano nyo naman nasabi na pwesto nila ito? Binayaran ba nila ito? May pangalan ba nila, aber?" Yassie "Tama na. Uuh, Joshua, pasensya na. Kami na ang aalis." "John! Di pwede!" me " Yassie, Sheena, Tara na." John Hindi kami nakaimik ni Yassie. Bakit ba ganun si John? Natatakot ba talaga sya kina Joshua? Ayst! "Sheena, Yassie tara na!" "Shoo! Alis na kayo riyan!" other students. "Sama kayo, gusto nyo?" me, nakakairita na kasi! "Sheena." saway ni John. Naunang umalis si John. At kami ni Yassie, dahan-dahang umalis sa may lamesa. Nang papalabas na kami ng canteen, "Sheena, wait lang, may sasabihin lang ako." Yassie "Hmm, okay." Tumalikod sya, at humarap kina Joshua na ngayon ay pinagkakaguluhan na. Tsss. Mga baliw lang. "Mabilaukan sana kayo, mga yabang kayoo!!" sigaw nya. Hahaha! Napatingin sa amin ang lahat, pati na yung lima. At pagkatapos nun, tumakbo kami ni Yassie palayo ng canteen. Yassie's POV Grabe talaga! Nakakainis talaga yung mga yun. Sana talaga mabilaukan silang lahat! Pero, medyo kinakabahan ako eehh. Wala run si Christian. Pano kung gumagawa na nga yun ng bitag?? Eeiihh. "Hahaha! galing mo talaga, Yassie!" Sheena "Hahaha! Syempre ako pa!"-me habang humihingal. Hanggang ngayon tumatakbo pa kami, at nakakapagod eyon. "Maya lang, bes. Hinto muna tayo, kapagod." Sheena "Haayy. Oo nga." Napayuko kami, habang nakabend ang tuhod. Kapagod kasing masyado! "Aaahhhhh!" "Kkkyyaahhh!" "Aayyyiieee!" "Tsss. Nandito na naman ba sila?" bulong ko kay Sheena habang nakaharap sa kanya. "Ewan ko, pero palagay ko, oo." May biglang sumulpot na sapatos sa may harapan namin. Weelll, di namin alam kung sino kasi nakayuko kami. Hindi pa namin tinitingala. "Get out of my way." "Tsss. Si—" "Si Christian." Sheena "Ayst! Sinabi mo pa." "Tara, Yassie, hashtag fighting na naman 'to." "Oo nga. Kaya natin 'to!" Dahan-dahan kaming tumayo ni Sheena. Owwts, sakit sa tuhod, nangalay din ehh, hehehe, sabay flip ng hair sa kanan. "Pwede bang ikaw na lang ang umadjust? Eh ang lawak-lawak ng pathway oh!" Sheena "Tsss. Kasalanan ko pa ba kung paharang-harang kayo sa daan?" Christian "Alam mo, kayo, ang aga nyo namang maghasik ng lagim! First day of school tapos kung makaasta kayo! Ano ba akala nyo sa mga sarili nyo? Special? Kagalang-galang ba kayo? Anak ba kayo ng presidente ng Pilipinas!? Kainis ehh!" me, tapang noh? Wahahahaha! "Tabi. You're wasting my time." Christian "Ikaw ang tumabi!" me and Sheena "Sabi ko tabi!" Christian "Sabi rin namin tabi! Huh! Walang makakaalis sa atin dito kapag hindi ka lumiko sa kaliwa o sa kanan para makadaan ka. Hindi naman pwedeng kami lang lagi ang mag-aadjust sayo palagi!"me, nakakapikon na talaga! And at the same time, nakakagutom! Di kami nakakain sa canteen eehh! "Oo nga!" Sheena Nahalata ko na halos lahat ng students sa paligid namin nakatingin na naman. Lagi na lang! "Tsss. Ayaw nyo ba talagang umalis?" Christian "No! Nu-uh! No! Hindi kami aalis. Ikaw ang umadjust. Ang laki-laki naman ng daan oh! Bakit? Ikaw BA ang hari dito?" "Yassie, uhh, tama na." Sheena "Hindi ka pa ba talaga titigil?" Christian "Huh! Hanggat hindi ka talaga umaalis, hanggat hindi ka pa natututo, hindi ako titigil at ka—" "Aahhh!" "Kkyyaahhh!" "Yyassiee!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD