By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------- “Kumusta ang mag-ina? Anong pakiramdam na nabuong muli ang pamilya? Masarap ba? Exciting? Ang sweet naman!” ang sambit niya sabay bitiw ng isang halakhak. Nang nilingon ko ang pinagmulan ng boses, laking gulat ko sa aking nakita. Nakangisi at nakapamaywang na tuwang-tuwa sa nakita niyang nakatali na nag-iiyak ang aking inay sa isang upuan habang ako naman ay nasa sahig, nakatali rin ang mga kamay sa aking likuran at subsob ang mukha sa semento, pilit na nilingon siya. Si Archie. Kasama niya ang apat na katao, puro naka-itim, iyong kaparehas ng suot ng mga ninja sa pelikula. Sila iyong mga kasama niya sa bahay na nadatnan kong kainuman niya nang nakaraang gabi. May mga dala silang high-powered

